A/N - Haha! Kayo'y malito na sa storya sigurado nagtaka nanaman kayo dahil may rebelasyon ulit. Pero salamat po dahil nakaabot kayo dito! Abangan po ang iilan pang natitirang kabanata dito sa LITHC. Dahil sa natitira pang ilang kabanata ay tadtad ng mga pasabog. Salamat.
P.S. - Sa nalalapit na pagtatapos ay maraming pangyayari na hindi niyo po makakalimutan.
______________
#LITHCThePastAndFuture
ΠShaneΠ
"Opo, si Emmanuel po pala is anak ninyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi pa din talaga ako makapaniwala.
"Oo.. Paano mo siya nakilala?" Kunot-noong tanong niya, bigla na lamang kaming napatingin kay Abigail dahil tumaas siya ng kamay.
"Dahil po sa akin, naging tauhan ko po siya noon para pasabugin ang mga bahay nila Shane at Marco." Sabi ni Abigail kay tita Venus.
"Saan mo nakilala ang anak kong si Emman?" Nakatitig nyang tanong kay Abigail.
Related pala sila ni Prof. Khen at ni Devil Alfred?
"Sa isang park po. Sabi niya kasi nangangailangan siya, gusto nyang mabili ang kanyang gustong-gusto. Kaya hinired ko siya as a tauhan at pinagawa ko nga po 'yon." Explain sa kanya ni Abigail at lumuha agad siya.
"Ibig sabihin ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko? Dahil sa 'yo namatay ang anak ko!" Sigaw niya kay Abigail at nagtinginan naman ang mga tao dito.
Shocks! Kaguluhan ang mangyayari rito.
"Nagsisisi po ako pero hindi po ako ang pumatay." Naluluha na ding sabi ni Abigail.
Nagsisisi din siya sa kanyang ginawa kaya namatay si Emmanuel at ang panget ng kanyang kamatayan.
"Sino?! Ikaw lang naman 'di ba?"
"Huwag mong sisihin si Abigail dahil hindi niya ginusto ang nangyari, si Alfred ang pumatay kay Emmanuel.. Wala siyang kasalanan kaya nya lang nagawa ang utusan ang anak mo na pasabugin ang bahay namin dahil sa galit nya kay Shane ngunit nagsisisi nanaman siya sa kanyang nagawa." Sabi sa kanya ni mama at medyo napakalma niya si tita Venus.
"Si Alfred?!" Gulat nyang tanong sa amin.
[A/N - mukhang mahihirapan sila sa pag-eexplain kay Venus ah kung bakit si Alfred.]
"Paano niyo nasabing si Alfred?" Sigaw ng tanong ni tita Venus, ang mga tao dito ay nagbubulungan na dahil sa nangyayari.
"Si Alfred ay isang demonyo na. Mahabang kwento Venus pero kung iisipin mo ng malalim makukuha mo din." Sabi sa kanya ni mama kaso tumayo si tita Venus.
"E PAANO KO MAKUKUHA?? I-EXPLAIN NIYO LAHAT-LAHAT! MAKIKINIG AKO!" Sigaw na niya at nagkakatingin na ang mga tao dito sa amin.
Nagkatinginan kaming lahat at tumango na kami sa isa't-isa. Lahat sila nakatingin sa akin, ako na magpapaliwanag. Kaya ngumiti na lang ako sa kanila.
"Si Alfred po ay kakambal ni Prof. Khen 'di ba?" Tanong ko.
"Oo." Mahinahon niyang sagot.
"Kakilala po ba ni kuya Emman si Alfred Gejada ang kambal ni Prof. Khen?"
"Hindi, dahil magkalayo kami sa isa't-isa at hindi na nakilala ni Emmanuel sila Alfred kaya ayon. Tapos sila mama at papa nila Khen is magkapatid, tito ko ang papa ni Khen. Gejada ang gitna ko at Tolentino ang apilyedo ko kaso ngayon is Herras na dahil apilyedo 'yon ng asawa kong pumanaw na kaya hindi niya nakilala sila Alfred at Khen na tito niya dahil magkakalayo nga kami." Explain niya sa amin, ah kaya pala.
Mukhang nagets din nila Kimberly ang sinabi ni tita Venus.
"Sige explain niyo na kung paano naging si Alfred ang may kasalanan sa pagkamatay ni Emmanuel." Sabi na nya sa amin. Hindi ko alam kung saan ba kami magsisimula.
"Ako na mag-eexplain." Pagdala ni Abigail sa usapan, "siya ang pumatay dahil sinabi ni Emmanuel na si Devil Alfred at ako ang may kasalanan pero nung hindi pa naniniwala sila Shane pinatay na niya upang hindi niya magawang paniwalain sila Shane."
May nalaman nanaman ako sa inexplain ni Abigail, dahil naging mas malinaw ang lahat. Napakasama talaga ng Alfred na 'yan!
"Paano naman naging demonyo si Alfred?" Nagtataka pa ding tanong niya kay Abigail.
"Dahil po inggit na inggit siya kay Prof. Khen dahil nasa kanya na ang lahat-lahat, one day si Alfred po ay sobrang nagalit dahil si tita Louisa is girlfriend ni Prof. Khen noon at may isang demonyong lumapit po sa kanya at tutulungan siya hanggang sa nakulitan si Alfred at binato nya ng unan ang demonyo na 'yon at bigla na lamang po nailipat sa kanya ang kapangyarihan kaya po siya naging sobrang lakas at makapanyarihan. Sa totoo lang po siya rin ang pumatay sa magulang nila." Sa wakas ay natapos din ang pag-eexplain namin. Salamat kay Abigail at ngayon medyo nakukuha na ni tita Venus ang pangyayari in the past.
"Napakasama naman ng Alfred na 'yan. Pati anak ko dinamay nya, asan na pala siya ngayon?" Sa tanong niya ako na ang nagsalita.
"Sa totoo lang po simula nung nagsisi si Abigail po sa mga kasalanan niya ay naghihiganti na siya sa amin, nagpaplano na po siya ngayon upang makaganti sa amin. Condo po ang kanyang kaharian kaya mahirap po siyang kalabanin dahil sa condo na tinutuluyan namin ang kanya pong kaharian." Nagulat siya sa aking inexplain.
"Grabe naman 'yan! Pero nagtataka lang ako. Paano nagsisi si Abigail? At saka ewan ko naguguluhan na ako." Nalilito na niyang mga tanong.
"Ahhh, ako na mag-eexplain," pigil ni Kimberly sa amin dahil kami na sana ang mag-eexplain, "sumapi po si Abigail sa akin noon dahil gusto nya makaganti kay Shane dati po kasi ang sungit-sungit ko po kay Shane pero simula nung tinulungan po ako ni Shane kami ay nagkasundo at naging mag-BFF. Saka po may gusto po siya kay Marco kaya ganun." Sabi ni Kimberly kay tita Venus.
"Saka po tinuruan niya ako maging masama kaya nadamay po ang anak niyo. Nagsisisi po ako na dahil sa akin ay namatay ang anak niyo. Sana pinigilan ko na lang ang galit ko kay Shane upang ito'y hindi na nangyayari." Pang-hihingi niya ng tawad. Hanggang ngayon talaga ay nagsisisi pa din siya sa mga nangyayari ngayon.
"Ayos lang Abigail, naiintindihan ko naman. Nangyari na siya kaya kumalma na lang tayong lahat at saka si Alfred dapat ang isisi natin kung bakit nangyayari ito sa atin." Ngayon naintindihan na din niya. Ngumiti na lamang siya kay Abigail.
Tumayo si mama at nagpunta sa kabaong ni Prof. Khen. Tumayo na kaming lahat at nagpunta din doon.
Malungkot lang na 'pag nakikita ko si Prof. Khen dahil nakakamiss siya.
Pero sana masaya siya sa langit dahil kasama na niya ang kanyang magulang.
ΠAfter 1 hourΠ
Napagdesisyunan na naming umalis dito at uuwi na kami upang makapag-pahinga.
Tinapos lang namin ang pagkain namin at nagpaalam na kami kay tita Venus.
"Sige salamat sa pagpunta at ingat kayo!" Ngumiti na lang siya sa amin kaya ganoon din kami.
Habang papalabas kami ay biglang hinawakan ni Mike ang braso ko at pinauna namin silang lahat.
Ngayon kami ay nasa hulihan, binitawan na din ni Mike ang aking braso.
"Grabe ang galing niyo.mag-explain ah. Ako kung ako mag-eexplain kay aling Venus mahihirapan ako, hindi ko alam kung ano maisasagot ko." Sabi niya habang tumitingin sa itaas pa.
"Haha! Ganun talaga kapag ikaw ang tama. I'm happy na hindi siya nagalit at naintindihan niya ang lahat." Bigla siyang tumingin sa akin.
"I love you Shane!" Biglang sabi niya sa akin.
O____O -mukha ko.
Grabe kinililig na ako sa kanya! Pero nagpatay malisya na lang ako.
"huwag ka nga! I love you I love you ka dyan!"
"Kilig ka lang e." Hayst di ko mapigilan tao lang.
"Oo na!" Kaya naman ngumiti na lang siya sa akin at kumindat pa. Gwapings!
Kaya naman hanggang sa makarating na kami sa condo at nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa.
"Bye!"
...
Nagising na lang ako ng kusa dahil sa panaginip ko. Nakita ko sa orasan ay 7 o'clock na.
Hindi ko pa din talaga makalimutan 'yong kahapon na sinabi sa akin ni Mike na I love you.. Sagutin ko na kaya siya? Haha!
Habang tumatawa ako mag-isa dito ay bigla na lamang ako napalingon sa may ilalim ng kabinet ko dahil parang may napansin akong liwanag.
"Ano kaya 'yon? Napakaliwanag naman."
Wala na akong choice kundi puntahan na lang iyon at nang pagkabukas ko ng kabinet ko ay nakita ko na lamang ang libro na lumiliwanag.
Oo nga pala andito 'yung libro sa mat ilalim ng kabinet ko.. Pero bakit ito lumiliwanag?
So sa sobrang pagtataka ko binuksan ko na lang ito bigla at nakita ko na lang ang nakasulat na lumiliwanag habang andito ako sa page ng libro.
Nakita ko ang nakasulat.
For devil's weaknesses you defeat.. The holy water on the year of 8524 and holy water of year 666 then your blood. Go to next page in this book to show the year of 8524 and year 666.
Hala? Ano daw?! Seryoso ba itong libro na ito? Ang makakatalo sa isang demonyo is isang holy water galing sa taong 8524 at taong 666? comedy book ata 'to e.
Pero.. Hindi nga seryoso? Pupunta ako sa future at sa past?
Biglaan na lamang sumakit ang ulo ko dahil parang may naaalala ako na sinabi ni ate Diane sa akin noon nuong panahon na pinagtapat ni Abigail ang lahat lahat.
"Dahil ang dugo ni Shane ay may kapangyarihan din. At pwede mo 'yon gamitin upang pangtalo sa kanya. Ihalo mo 'yon sa holy water. Pero ang mahirap doon ay alam nya ang kinikilos mo! Mahirap siya maging kalaban mo."
Posible nga dahil sinabi din ni ate Diane 'yan sa akin at mismong libro na ang nagsabi sa akin na holy water na may kahalong dugo ko ang makakatalo sa isang demonyo tulad ni Devil Alfred.
Kaya binuklat ko naman ang kabilang page at nakita ko roon ang itsura ng lugar.
Sa futurs. Isang kwarto na may nakapatong doon na holy water sa may mesa, kitang-kita ko pa ang cross sa bote at doon din sa past ay isang toolbox may nakalagay na isang bote.
'Yan na ata 'yon.
Kaya dali-dali akong lumabas sa kwarto ko at sinalubong naman kaagad ako nila mama at tita.
"Oh saan ka pupunta anak? At saka bakit may dala kanh libro at lumiliwanag?" Nagtatakang tanong ni mama.
"Mamaya ko na lamang po ipapaliwanag dahil pupunta po muna ako kila ate Diane at itatanong kung ano ito." Sabi ko at nagpunta kaagad ako sa pinto.
"Sige ingat ka anak."
Kaya naman pagkalabas ko tumakbo kaagad ako papunta sa elevator.
Kailangan kong malaman ang lahat tungkol dito, ito na siguro ang magiging daan upang matigil ang kasamaan ni Devil Alfred.
Itutuloy..
___________________
A/N - Congratulations po kay Ms. Catriona Gray ang Miss Universe 2018 naten! Nakompleto na nya ang color ng ating watawat dahil sa gown niya siguro nakita niyo yung kulay ng suot na gown nila Ms. Pia noon! At siya ang ikaapat na nakatanggap ng korona mula sa pilipinas hehe. Proud lang po! By the way.. Thanks po sa patuloy na pagbabasa!