Chapter 9 -- The Rumors
------------------------------
Ian's POV
------------------------------
"IAN! ASAN KA NANAMAN GALING?!" galit na sigaw ng nanay ko. "4 AM NA OH! IKAW BATA KA MASYADO KA NG GALA!"
"Ma, nag-date lang kami ni Elle. Huminahon ka."
"ELLE KA NG ELLE! ELLE NG ELLE! EH PATAY NA YANG GIRLFRIEND MONG WALANG KWENTA! AT SINABIHAN NA KITANG WAG NA WAG KA NANG PUPUNTA DOON SA LECHENG "
"Talaga nay? Wala syang kwenta?! Kung makasalita ka para kang may kwenta dito sa bahay ah? Ano bang silbi mo dito? SIGAWAN ANG MGA TAO NA PARANG WALA NG BUKAS? Mas mahal ko si Elle kaysa sayo Nay. Umayos kang matanda ka!" sinaraduhan ko sya ng pinto.
Napabuntong hininga nalang ako.
Ganito talaga kami ng nanay ko. She's not even my real mom. Ampon lang kasi ako at never kong sinubukang mahalin ang mama ko. Hindi nya ako mahal eh! Eh di wala din akong pake sakanya.
At isa pa, hindi sya pabor kay Elle. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit kailan hindi ko syang nakita na puriin si Elle.
"Elle patawarin mo ang nanay ko." inilabas ko ang litrato ni Elle sa bulsa ko at hinalikan ito.
------------------------------
8 AM
------------------------------
Nakabihis na ako at lahat lahat. Pupunta ako ngayon sa police station. Ichecheck ko kung may resulta na ang pagiimbestiga nila sa kaso ni Elle.
Hinding hindi ako titigil sa paghahanap sa pumatay sakanya. Kahit araw-arawin kko pa ang pagpunta sa pulis.
Nagluto ako ng noodles at kinain ito habang nanonood ng TV. Maya't maya aalis na din ako.
"Ian? Saan ka pupunta? bakit ka nakabihis ng ganyan?" bumaba si mama sa hagdan. Mukhang bagong gising lang sya.
"Wala kang paki."
"May paki ako sayo kasi anak kita."
"Sinungaling. Kung may paki ka sakin eh di dapat hindi mo pinagsasabihan ng masama si Elle."
"Anak patay na si Elle. "
"Para sayo patay na sya. Para sakin, hinding hindi sya mamamatay." inubos ko na yung noodles at tinapon sa basurahan. "Mauna na ako."
Lumabas na ako sa bahay na parang impyerno na para sakin. Araw araw pare-pareho ang nangyayari: sesermonan at sisigawan lang ako. Ni wala man lang syang bahid ng awa sakin at kay Elle.
------------------------------
Pumasok na ako sa police station.
"O Ian! Nandito ka na pala. Maupo ka." sabi ni chief officer Luke.
"May nahanap na po ba kayong ebidensya? Sa sanhi ng pagkamatay ni Elle?"
"Oo! Nagulat ako kasi bigla nalang may natuklasan kaming kakaiba. Teka. Alam mo ba ang password ng laptop ni Elle?"
Di pa pala sinusunog yang laptop ni Elle. Pinasunog kasi dati ng daddy ni Elle ang laptop at phone nya.. I wonder kung bakit bigla nalang nagpakita ulit yang laptop.
"San nyo po nakita yang laptop nya?"
"Ewan! Bigla nalang nagpakita sa office namin."
"Ang password po ay 932819."
Binuksan ni chief yung laptop nya at nangalkal ng files nya.. Sa pics namin.. sa wordpad.. Sa kung saan saan hanggang sa..
Hinarap ni chief yung laptop nya sakin at ipinakita ang isang microsoft wordpad na page.
"Basahin mo to Ian."
'"TULUNGAN NYO AKOOOOOOO"'
Nanginig ang katawan ko. Naka-all caps ito at nakabold pa.
"Ano po ito?"
"Isa yang file na nakasave sa laptop ni Elle. Dated on November 3, 10:50 PM."
"Y-yan yung araw bago natin nalaman na patay na si Elle."
"Oo. Ibig sabihin, hindi sya nagpakamatay. Mali ang hula namin."
Hindi ko alam kung magagalit ako dahil may taong sobrang sama na pumatay kay Elle...
o matutuwa kasi malapit ko ng malaman ang exact details sa pagkamatay nya.
"Pero sobrang daming tanong ang bumubuo sa utak ko ngayon, chief."
"Kami din. Ngayon, bibigyan ka namin ng mission para malaman mo ang exact details. Ikaw na mismo ang gagawa ng trabaho namin."
Huh? "bakit po?"
"Masyado na kaming busy." he shrugged.
"oo nga Ian. 4 years mo na samin kinikiskis yang kaso ni Elle. Aba'y, marami pang mas importante na kaso na dapat naming asikasuhin. HAHAHA" tumawa ang isa nyang kasamahan habang kumukuha ng tubig sa refiller.
"Mga gago. AKO NA ANG GAGAWA NG LAHAT." nagdabog ako.
"huminahon ka, Ian. biro lang yun ni Mark." may kinuha si chief na notebook sa drawer nya. "nakalagay na dito ang lahat ng information na kailangan mo. good luck."
May mga police talaga na walang matinong mgawa sa buhay.. Hayyy yan ang realidad.. Di lahat ng opisyal o authority na killa mo eh professional talaga kung magtrabaho.
Umalis ako sa police station at agad na binasa ang notebook.
Page 1
-- Full name: Danyelle May Cruz
-- Age: 16
-- Place of death: In her own room
-- Reason: Unknown.
-- Last seen: Posting pictures on facebook about her new shoes.
Page 2
Elle was last seen on facebook, posting 3 pictures of her new converse shoes. She added a description to the album: "From daddy nestor. Thanks dad for these awesome shoes! :)))"
She posted the album on 10:30 PM, November 3. Same day she was murdered.
She was found bloody on the floor of her bedroom on November 4, 9 AM. At that time her dad was sleeping and knows nothing about what happened to his daughter last night. That morning they found out that her window was left open and her bedsheets were torn apart (it seems like human's fingernails were used to tear the bedsheet apart.)
Page 3
We asked a few of her friends if they were with Elle on November 3 but nobody was with Ms. Cruz that day. Not even her boyfriend. Their neighbors said she spent the whole day in her house, probably preparing for the exams the day after. They said Elle was a very studious girl and sometimes she would turn down her friends' invitation to parties just to do her homework.
-----
Nanginig ang katawan ko. Mukhang mahihiraapan akong malaman kung sino ang killer.
KRIIIIIIIIIING!
'Ian, pumunta ka dito. Bilis. Tungkol to kay Elle.' text sakin ni Jasper.
Habang papunta ako dun may nakita ulit akong text, galing sa number ni Elle.