⚫Zaira's⚫
PoV
"Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa katabi ko na naka-shades pa. Feel niyang magshade kasi daw ma-araw
Just kidding. Ewan ko bigla bigla siyang nagsusuot niyan kahit hindi naman maaraw. Ang lamig lamig nga dito. Hayst lakas din ng trip ng katabi kong to.
Nagpalinga-linga ako sa paligid kanina pa kasi ako dada ng dada pero wala namang nakikinig, alam ko namang tulog ang lokong to pashades shades pa siya nalalaman. Ngayon ko lang napagmasdan yung paligid kasi nagtuturo ako sa tulog, ngayong tapos na ako nilinga ko na yung buong kwarto.
Ang theme ng kwarto niya ay black and light blue, masarap sa mata. Marami din siyang books na maayos na nakasalansan, meron din siyang flat screen big tv sa wall niya na nakaharap sa master bed, mukha ring malambot yung bed niya and i'm sure gawa yan sa animal skin kagaya ng sofa nila sa baba, sa gilid ng master bed ay may mini blue cabinet habang may nakapatong na blue lamp. Meron din akong nakitang blue door--- hindi naman obvious na mahilig siya sa blue noh? Ayun nga may nakaprint na word doon na 'Closet' tapos meron pang isang pinto na i'm sure naman na cr niya yun.
Ang ganda ng kwarto niya at sobrang laki pa, mas malaki talaga to sa bahay namin, kwarto lang to pano kapag tinantya ko pa yung buong bahay--- hala! Wala'ng wala tsk. Iba talaga pag mayaman.
Ngayon ko lang din napagmasdan si Yant, eto... eto yung mukhang pinag-aagawan ng mga babae maski bakla, magandang hubog ng katawan, perfect lips. At yung kulay blue niyang buhok. Mukha talaga siyang ewan sa kulay ng buhok niya promise.
Kung ako tatanungin kung magkakagusto ba ako kay Yant? Gwapo kasi si Yant, makalaglag bra at panty, matangkad pero masyadong bad boy. Palaging nasa away.. pano ko nalaman? Tsk palagi yang nasa D.O--- sana, but hindi kasi nga NANAY niya yung Dean tsaka Principal tsaka Owner aba, ligtas talaga siya.
Ayun nga magkakagusto ba ako kay Yant?
Mmmm???
Hindi..
Hindi talaga eh, ayoko sa bad boy, gusto ko good boy. Yung hindi nakikipag away tsaka matalino pero ito?! Naku walang wala sa ideal man ko.
Pake niyo ba! Sa hindi ko gusto ang bad boy king of the jungle eh.
Napansin kong gumalaw siya sa pagkakaupo niya--- imagine! Nakaupo siya habang natutulog,
"Ayyy sarap ng tulog mo ah." Nakangiwi kong sabi.
Hinubad niya yung salamin niya tsaka nagkusot ng mata pinunasan niya pa yung gilid ng labi niya na siyang kinangiwi ko pa.
"Tapos ka na?" He ask.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi pa. Magsisimula pa lang ako, sige na makinig ka na ah---"
"What the?---- hindi pa tapos?!"
Bahagya akong napaatras, oa ang ampots wagas maka-react, niloloko lang para siyang bakla. Naku ang daming madidismaya pag nalaman nilang bekiboop ang baby nila hayst, kawawa naman ang mga batang iluluwal ng mga ina, wala silang matatawag na daddy, parehas kasi mommy.
"Ang oa mo." Pabulong kong sabi s
a kaniya, bekiboop. "Tapos na! Hindi ka naman nakinig!"
"Tsk nakakatamad." He said then he yawn. Tumayo siya tsaka nagpunta sa kama niya.
Aba talaga naman, "hoy! baka may natutunan ka sa mga dinada ko kanina?"
Tumingin siya sakin tsaka umiling. "Wala"
"Grrrr..." pabulong kong gigil. "Bukas makinig ka na, tsk nauubos ang laway ko." Inis kong sabi.
Tumayo na ako tsaka nagayos ng sarili, tumingin ako kay Yant na nagse-cellphone na.
Wala talaga'ng natutunan tsssskkk!
"I'm Hungry." He said.
"So?"
"buy me foods."
I arched my eyebrow, utusan ba ako? Ang alam ko tutor ako hindi maid or utusan. "Hindi mo ako utusan. Kung nagugutom ka bumila ka, babye----"
Aalis na sana ako but nagsalita na naman siya. "I said, buy me some foods, now."
"Wow.. as in wow.. at bakit kita susundin?" Nakataas na kilay habang nakapamewang na sabi ko. Tinawanan niya lang ako.
"Kasi gusto ko."
Wow, spoiled brattt!
"Eh pano kung ayaw ko?"
"maybe, I will kill you or rape you, you have to choose between the two"
What the fvck, gag*, letche, sira *lo siya, putspa!
Whaaaat??! Tang'n* talagaa! Rape??? Kill??? Kung hindi ko siya susundin, aba naman!
Hindi naman yata ako makakapayag nun, ilang taon kong iningatan ang virginity ko tapos kukuhanin lang ng king of the jungle?! Tapos papatayin lang din ako dahil ayaw kong sundin siya---
"what now? will you buy me food or will you choose your punishment? I'm starting to get bored." Nakaniting sabi niya habang nakahalukipkip.
Napairap naman ako, ano bang magagawa ko?! Kesa naman mamatay ako o rape-in ako neto e di ibibili ko nalang siya, i know naman na wala akong takas, magsumbong man ako sa pulis babaliktarin niya lang.. ganyan ako ka-advance mag-isip.
"Arghhhh!!!" Sigaw ko but pigil yun ayokong may makadinig sa labas.
"Wag mong pigilin yung sigaw mo babe, my room is a sounds proof so no matter what you scream, no one will hear you" nakangisi nya pang sabi na mukhang may ipinapahiwatig.
Ngayon! Mas nakikilala ko ang Yant Niv Haze na anak ni Madam Dragona--- este Daragina Haze. Ang bad boy king keneme.
"Alam mo.. ang manyak- manyak mo talaga'ng hayuf ka." Mataray na sbi ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko bago bumaba sa kama niya, "i know babe."
Babe?! Kailan pa ako naging babe niya?!
"Stop calling me babe! Yuck."
"Okay, babe."
Pinigilan ko ang sarili ko na masampal ko yung mukha niya, gusto pa yata nitong madagdagan yung pasa niya sa mukha, alam niyo yun kating kati na akong makasampal ng Yant Niv ang pangalan.
"Oo nga pala, san galing yung mga pasa mo sa mukha?" Out of the blue moon kong tanong.
Kanina ko pa kasi napapansin yung maraming pasa at sugat niya sa mukha, hindi pa nagagamot dahil tinuturan ko siya-- kung yun ba ang matatawag dun, natulog lang naman siya di'ba? San ba kasi galing yun--- concern lang ako baka kasi ikamatay niya yun edi natapos yung career ko--- wew career.
Lakas maka-career hikhok.
"It's all your fault, sinapak mo nga ako kanina remember?" Seryoso niyang sabi, nakapamulsa na siya this time habang nakatingin sakin ng deretso.
Umiwas ako ng tingin. Pano'ng ginawa ko yun di'ba nga sinapak ko lang siya ng isa o dalawang beses so dapat sa labi niya lang nagdugo, nakita ko yun hindi pa yun ganun kalala. Ang oa naman ng sugat na yun dumadami tsk.
"Ano'ng ako? Sapak lang yun oa mo"
"therefore, it is you who have done this to me."
"Anong ako?!--- hayssst ewan ko sayo!" Napahalukipkip nalang ako, bahala siya diyan sinisisi ako.
Ang lakas ko naman kung ako ang may gawa niyan.
"Bili mo na ako ngayon na." Seryoso na naman niyang sabi,
Napabuntong hininga ako, bahala na, mahal ko pa buhay ko at mahal ko pa rin ang pagka-birhen ko.
"Tskk! Akin na nga! Tamad tamad kasi!"
💓💓💓💓💓💓💓
Vote and Comment!
Thanks for reading!