Happily Ever After is so Once...

By letsrunawaytogether

42.3K 692 282

Completed Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether... More

Happily Ever After is so Once Upon a Time
Wazzup Bro's. :)
Bonding Time
Spill it, Justine!
Derek and Nicole, Panira kayo ng araw!
Nakakahiya ka, Anna!
Friends!
TO HAPPILY EVER AFTER IS SO ONCE UPON A TIME READERS! :D
Sorry Cornelio :(
Go Justine!
Crusty Crab. LOL :D
Happy Monthsary Justine and Nicole!
Interview with Derek
Goodnight Derek
Kilig Vibes
TEAM JACK is BACK!
Meet Papa! Hahahaha
Ang sakit kasi, Anna :(
Hello, Uno at Dos! Hahaha
Good Morning, Derek!
Bye Derek or Yes Derek?
Bye Derek, Hello Tears!
Tama na, Anna. Please?
My Bodyguard
SPACE. As in SPACE
Sign No. 3?
Trip na trip!
Tumigil na kayo!
Pag-usapan natin to.
Online si Derek!
Kaytagal ng iyong pagbabalik
Three months after ..
Chilling
Gitara
CRAYOLA
Photojournalist
Room 119
Sir Dama
Throw Pillows
Tower
Just the Girl
Bornrich
SEMBREAK!
Katrine
Steering Wheel
8's Coffee
Kape
Floral Dress
Happiest of Birthdays Derek and Kyle!
Happiest of Birthdays Derek and Kyle 2!
INNOVA 2012
Patty and Yumi
Young, Wild and Free
Sakit sa Bangs :(
YEAR-ENDER MAGAZINE
Youth Congress
Get Away
It's about them.
OOM and Totch Syndrome
Revelation
THE DEAL
And I don't want you to go ..
ANTONOV AND VODKA
I CAN'T FIND THE WORDS TO SAY GOODBYE
EPILOGUE
Author's Note - Alam ko konti nalang magbabasa nito. Hahahaha :>

I love you and always, I will.

470 7 0
By letsrunawaytogether

"Pards, kailangan ko siyang makausap." - Anna 

Masakit na ang mata ko kakaiyak boung gabi. Kyle was there, sinamahan niya ko, di ko nga alam kung tama ba tong ginagawa ko kay Kyle pero masakit eh, at kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng taong maiintindihan ako, at alam ko si Kyle yun.

"Sige na. Umalis ka na. Bago mo pa ako makitang umiyak." - Kyle

*

5:36 na ng hapon. I'm sure nakauwi na siguro sa kabihasnan yung lalakeng yun. Dumiretso muna ako sa SPO. Kailangan kong kunin ang mga gamit ko dun eh, di ko pa naubos ligpitin yun. Haay. Mamimiss ko ang office na to. Ang daming nagyari dito eh, sa amin ni Derek. Drama na naman, Anna. Ugh. Kinuha ko na ang ilang gamit ko doon. Diretso na ako sa bahay nina Derek, kailangan ko siyang makausap. ASAP. 

Kinuha ko na ang bag ko. Inilagay ko na din ang cellphone ko sa bulsa. Tapos binuksan ko na ang pintuan pero nabigla ako ng makita ko si .. 

DEREK. 

God. It's been a month since I last saw him at ngayon ko lang narealize na, I miss him so badly. Nakajeans lang siya at V-Neck na shirt tapos shades. Leche. Di ko alam ang gagawin ko. Ngingiti ba ako? Tiningnan niya lang ako at naglakad na siya. Grabe. Sakit sa bangs! Nilagpasan lang ako ng lalakeng to! Dumiretso siya sa mesa niya at may kinuha dun. 

Tangina lang. Kinuha ko na ang fliptops ko. Baliw ka! Binato ko na yun sa kanya. HAHAHAHA. Sapul. Sarap kayang kutusan ng lalakeng to! Di man lang ako pinansin. 

"ARAY!!!!!!!!!" Derek 

"Hah! Buti nga!" - Anna 

"Ginagawa mo na yang habit, yung pagbabato ng fliptop mo ha!" - Derek 

Naupo na ako sa sala ng office. Siya naman, nakahawak pa rin sa ulo niya. Napalakas ata pagkakabato ko dun. Hah! Manigas siya! Ang laki ng problema niya, di man lang ako pinansin! At, di pa rin talaga ako pinapansin! Busy pa rin siya kakaligpit ng gamit niya sa SPO, kinakareer talaga ang pag-alis niya sa California. Leche! Sarap ibalibag palabas!

"Hoy!" - Anna 

"What?" - Derek 

Napalingon pa siya at tinanggal ang shades niya. Kainis! Ang pogi ng lalakeng to kahit nang-aasar at nakakaintimdate yang tingin niya. Tsk! Ngumiti ako sa kanya. 

"I miss you." - Anna 

"Hah! Akala mo naman namiss kita."- Derek 

"Hoy! Pakyo! Ikaw na nga tong nililigawan! Sorry na!"- Anna

"Ikaw kasi, kahit kailan, girl scout ka talaga. Pati mga pangyayari, inuunahan mo." - Derek

"What the hell are you talking about?! Gusto mo isa pang fliptops ko!?" - Anna

Naupo na siya sa harap ko. Tapos nakatingin lang siya saken, tapos biglang napangiti. That, Derek's smile. Yung parang may naiisip na namang something! Leche. Ano ba trip ng lalakeng to?!

"Yuck, Derek! Kadiri ka!" - Anna

"Huh? Anong pinagsasabi mo?! Akala mo naman pinagpapantasyahan kita?!"- Derek

"Baket?! Hindi ba? Sa ganda kong to, di mo ko pagpapantasyahan?!" - Anna  

"Yuck! Ikaw pala tong kadiri eh! Kahit ano-ano naiisip mo. I was just thinking of your .. shirt. Pati yan, plinano mo din soutin? Corny ha." - Derek 

Tiningnan ko na ang shirt ko. I'M SORRY. Printed. All caps. Oo! Leche siya. Nag-effort pa ko dito para atleast mas mapatawad niya ko kaagad. 

"Oo! Para mapatawad mo na ko kaagad! Pero, okay lang. Malakas naman ako sayo eh, di ko na kailangan to!" - Anna 

"Confident ka talaga ano?!" - Derek 

"Yup!" - Anna 

I just grinned. Siya naman napailing lang saken at ngumiti. 

"Okay! Apology accepted." - Derek 

"Hah! Bilis mo naman palang sumuko eh! See?!" - Anna 

"Ano?! Gusto mo bawiin ko?" - Derek 

"Baliw ka! Joke lang! Hahaha. Oh, so pwede na ko tumabi sayo?" - Anna 

"Ikaw talaga, manyak ka talaga kahit kailan!" - Derek 

"Gwapo mo kung nagkataon! Leche." - Anna 

Natatawa ako sa set-up namin. Parang walang nangyaring iyakan, parang di ko siya iniwasan ng isang buwan. Hahahaha. Baliw talaga ako. Tumayo na ako at tumabi sa kanya. Gaaah. Seriously, I missed my boyfriend. Gaaah. Sarap nitong kulitin eh. Hihi. Then, biglang sumeryoso ang tingin niya saken. 

"What? Am I too pretty para titigan.." - Anna

"I miss you." - Derek 

Okay. I was like HELL-O. Hah! Finally! Sinabi din ng boyfriend kong namiss niya ko. Alam ko naman kasing sasabihin niya yun eh, kinukulit lang ako nun kanina. Tehee. Come and rejoice with me! Hinawakan ko ang braso niya at kumuha ng tissue sa bag ko. Binigay ko yun sakanya.

"Ano to?" - Derek 

"Tissue. Yuck yang lips mo! That bitch!" - Anna 

"Selos ka naman?!" - Derek 

"Hello?! Kaasar ka, Derek ha? Supalpalin kita jan eh!" - Anna 

"Oh, defensive!" - Derek 

"It's not being defensive, it's me, being sarcastic!" - Anna

"Hah! Magaling ka pa rin diyan sa pagiging sarcastic mo ha? Well, talo ka pa rin saken." - Derek 

Inilagay na niya ang isang kamay niya sa likod ng ulo niya at naupo ng nakataas ang paa. Leche! Ang yabang lang eh. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakapikit naman siya. This! Namiss ko to. Ako na kinikilig. Pakihampas ulit saken. 

"Sandali nga! May utang ka pa saken ha?! Di mo pa kwinekwento lahat ng.." - Anna 

Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko kaya napatigil ako. 

"Shhh. Ang ingay mo naman, Via. Tara, labas tayo!" - Derek 

Lakas maka-trip ng lalakeng to. Kanina akala mo naman kung sinong di ako pinapansin tas ngayon yayayain akong lumabas! Hahaha Pero keri lang! Aba, isang buwan ko kaya siyang di nakausap at di nakasama. Edi, gora na! Hahaha. Kinuha ko na ang fliptops ko at inayos ko na din ang bag ko. Tara! :) 

*

Nagconvoy na muna kami papunta sa bahay nila. Iiwan ko ang sasakyan sa kanila, we'll share the same car. Haay. Ilang oras nalang aalis na talaga siya, leche. Kaiyak naman. Pero pinigilan ko yun naman siyempre. Almost 7PM na, saan pa ba makikipag-gala tong lalakeng to?! 

Pagkababa ko sa sasakyan ay naunang pumasok si Derek sa bahay nila. Hala! Akala ko ba lalabas kami tapos pumasok na lang bigla. 

"Hoy! Di mo ba hihintayin girlfriend mo?" - Anna 

Liningon ako ni Derek at nginitian ako. Leche yang ngiting yan! 

"Girlfriend pala huh?! Hahaha Okay lang ba kung wag nalang tayong umalis?" - Derek 

"Baket?! May plano ka na naman ano.. ARAY!!!!" - Anna 

Leche. Binatukan ako ni Derek. Pikon talaga tong lalakeng to! Plus topakin pa! Nagbibigay lang naman ako ng hint eh. Hahahaha. Nauna na ako sa bahay, sa loob ng kwarto niya, kasi namiss ko yun! Tehee :> Nakita ko ang dalawang maleta sa kwarto niya. Naupo na ako sa kama niya. 

"Yan dadalhin mo?" - Anna 

"Oo. Why? Got a problem with that?" - Derek 

"Kala mo naman di babalik! Sige try mo! Susundan kita talaga dun!"- Anna 

"Really?" - Derek 

Ngumiti lang siya at tumabi saken. Sht. Familiar to eh. Ganito din yung set-up namin nung aalis siya nung Christmas. Gaah. Laslas na, Anna! Ang sakit sa bangs! Pwede ba? Pwede ba? Pwede? Ang drama ko, leche!

"Was just joking, buddy!" - Anna 

Tumayo na siya at inayos ang ilang natirang gamit sa mesa niya. Leche talaga oh! Aalis talaga siya! For a year or more! Sht! Sht! Tangina talaga! Ang hirap pala. Mas mahirap sa two week! Napaisip ako bigla. Haay. Mamimiss kita, baliw ka! Nakita ko yung gift ko sa kanya nung birthday. Andun pa rin yun pero nasa baba. 

"Ba't nasa baba to? Isabit mo kaya ulit! Ano? Ha? Ayaw mo na saken?!" - Anna 

"Pabayaan mo yan jan." - Derek 

"Leche ka! Anong gagawin mo dito? Ibalik mo!" - Anna 

Kinuha ko na yun at hinawakan habang nakaluhod. Until di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Derek. Nakatayo siya malapit saken pero nakababa ang ulo niya kaya halos magdikit na ang mukha namin. Hinawakan niya ang kamay ko. Ugh. Super lapit ng mukha niya saken. Oh, no please! Not nowwwww!

"What's with your face?" - Derek 

"Eh, kasi eto! Ibalik mo to! Ang adik mo!" - Anna 

"Wag mo ngang pakialaman! Akin to kaya wala kang pakialam!" - Derek 

"Baket nga?! Anong gagawin mo dito? Tinanggal mo?" - Anna

"Via naman! Ipapabalot ko yan kay Manang! Dadalhin ko sa California! Ano ka ba?!" - Derek 

SHT. Nakipagtalo pa ko. Hihihi! :> Ako naman si Ganda, nagblush! Pero halatang nainis si Derek. Hihi. 

"Sorry Boyfie." - Anna 

"Kaasar yang Boyfie mo!" - Derek 

"Eto naman, minsan na nga lang akong maging sweet!" - Anna 

Di ko napansin na magkalapit pa rin yung mukha namin. Hihi. Nakatitig lang siya saken. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, habang nakaluhod ako. 

"Don't you think we're too close?" - Derek 

"Yuck! Kung ano man yang iniisip mo, Derek di talaga ako magdadalawang isip na kunin yang gitara mo at ipukpok sa ulo mo!" - Anna 

"Hahahahaha! Eh, ikaw nga tong makulit eh!" - Derek 

Then, he smiled and planted a kiss on my nose. Tatawa-tawa pa rin siya habang binabalikan ang mga gamit niya. Leche talaga! Adik nga tong lalakeng to! Kahit kailan talaga! Ugh. Dapat sana sanay na ko eh, pero infairness, namiss ko yung kiss niya! Hahahahaha. HAVEYYYYY! Palakpak!

Lumapit na ako sa kanya. Hihi. Naghahanda pa rin siya sa mga dadalhin niya. Nakalagay yun sa mesa habang pinapasok niya yung mga yun sa isang bag. 

"Di ka na talaga babalik ano?! Try mo talaga, makikita mo!" - Anna 

"Adik! Tulungan mo nalang kaya ako Honey?" - Derek 

I flashed my nakakalokang ngiti. Tapos inakbayan siya. Buti nalang naka-pumps ako ngayon, kaya abot ko yung balikat niya. 

"Honey mo mukha mo?! Kailan pa naging endearment natin ang Honey? Yuck! Ang landi!" - Anna 

"Hahaha. Wala. For a change." - Derek 

Tinulungan ko na siyang ilagay yung ilang gamit niya dun. Pero may bigla akong nakita. Blue Jersey ni Derek. LIGHT BULB. Plus evil grin. Hahahaha

"Akin nalang to!" - Anna

"Akin yan eh." - Derek

"Malamang! Kaya nga sayo ako nagpapaalam eh! Kahit kailan talaga, loading ka!" - Anna

"Wag yan! Yung short nalang niyan," - Derek

"Anong gagawin ko dun? Sige na? Please? Please? Please?" - Anna

"Nagpaka-charming ka naman. Oo na, oh! Sayo na yan. Ingatan mo yan ha? Mahal yan." - Derek

"Yes! Thanks! Nadadaan ka naman sa mga charms ko eh. Hahaha." - Anna 

"Asa!" - Derek 

Yes! Muhahahaha.  Nakuha ko na din! :> Tinulungan ko pa siyang ihanda yung mga gamit niya. Tapos nakita ko pa yung year-ender magazine namin. Uuuuy! Dadalhin niya! Hahaha. Tapos yung ilang pictures namin nasa isang box din. Na-weweirduhan talaga ako sa kanya. Lalake pero ang hilig-hilig magtago ng mga anik-anik. 

Nakita ko yung blach beats headphone niya. Mayroon din kasi ako nun, sabay kaming bumili noong Christmas pagkabalik niya. Pink naman yung akin. 

"Dadalhin mo to?" - Anna 

"Oo." - Derek 

"Palit tayo nung akin." - Anna 

"Huh?! Baket? Pink headphones for me? No, Via." - Derek 

"Sige na naman oh. Eto yung akin oh, palit na tayo!" - Anna 

"Hindi nga pwede. Ano ako? Jejemon? Pink headphones?" - Derek 

"Ayaw mo talaga?" - Anna 

"Ayaw." - Derek 

"Fine. Oh, ipapasok ko na dito!" - Anna 

LIGHT BULB again. Pinalitan ko yung Beats niya sa Beats ko. Hahahaha! Ang galing ko talaga! :P Tapos humiga na ako sa kama. It's almost 10:30. Ilang oras nalang, aalis na siya. Haay. Gusto ko na naman maiyak. Nakatingin lang ako sa kanya. Kinuha ko na ang camera ko at kinuhanan ko siya ng ilang stolen shots.

"Mamimiss mo ko, ano?" - Derek 

"Yeah. Too bad." - Anna 

"Ako din." - Derek 

We both sighed. Di ko naman kasi alam ang sasabihin ko. We're just comforting each other. Na kunwari walang mawawala. Katulad nung dati. Diba? Haay. Nahiga na ako ulit at nagpatugtog sa laptop niya. This I promise you by NSYNC. Napakanta ako habang nakikinig dun. Di ko namalayan na pati din pala si Derek eh, nakisabay na din. 

I give you my word, I give you my heart

This is a battle we've won

And with this vow

Forever has now begun

Just close your eyes

Each loving day

And know this feeling won't go away

Till the day my life is through

This I promise you, this I promise you

  "Hey." - Anna 

"Yes?" - Derek 

"Wala lang. This I promise you. Hahahaha." - Anna 

Tinalikuran lang ako ni Derek at naupo na siya sa kama. Ako naman, patuloy sa pagscan ng ilang kanta niya sa laptop. 

"Derek." - Anna 

"Oh, baket?" - Derek 

"Alex told me everything. And I'm sorry." - Anna 

Napalingon si Derek. Ako naman nakatingin lang sa kanya. This time, di ko na maiwasang, maiyak. Hello! One year mo din kayang nakasama yung tao :( Drama na kung drama pero alam niyo yung feeling na isang buwan ang sinayang ko sa lecheng space na yan at di pa talaga kami nakakapag-usap tungkol dun kasi kahit ngayon pa lang, miss na miss ko na siya. 

"It's okay. Tapos na yun. Ang bipolar mo naman. Kanina ang saya-saya mo tapos ngayon iiyak." - Derek 

Lumapit siya saken at niyakap ako. Mas lalo lang akong pinapaiyak nito eh! Kainis! 

"I'm so stupid, alam mo yun?! And I'm sorry for being stupid. Sorry sa space, Derek. Sorry kasi ang tanga-tanga ko." - Anna

Napasubsob na ako sa dibdib niya. Siya naman patuloy lang sa pag-yakap saken. Ang tanga-tanga kasi Via eh. Naalala ko ulit yung sabi ni Alex saken tungkol sa gabing yun. Derek was so excited to see me. Naramdaman ko namang lumayo siya saken at nahiga na sa kama niya. 

"Ikaw na pinaka-sweet na boyfriend. Leche ka!" - Anna 

"I know." - Derek 

"Seriously, I'm sorry. Sorry kasi di ko man lang pinakinggan yung side mo, sorry kung nag-inarte ako, sorry kasi topakin tong girlfriend mo, sorry kung.." - Anna 

"Wow. Ngayon mo pa lang inamin na topakin ka talaga ano?" - Derek 

"De. Ngayon ko lang narealize." - Anna 

"Kailangan pala ng space para matauhan ka." - Derek 

"Baliw! Tsaka, eto pa oh! Panong napunta sayo to?!" - Anna 

Pinahid ko na ang mga luha ko. Kinuha ko na ang ID na nasa bulsa ko, yung ID ko nung elementary, yung binigay saken ni Alexie. Stalker ko na ata to eh, since elementary ako. Lol 

"Panong napunta sayo yan?" - Derek 

"Alex gave this to me. Akin to no kaya wag kang magtataka ba't nasa saken to! Adik. Ba't nga napunta sayo to?!" - Anna

Huminga muna siya ng malalim bago niya ko sinagot. OMSHT. Drama ba to? Another revelation? Nakahiga pa rin siya sa kama niya habang ako naka-indian seat naman sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. OMG. This is it!

"WALA. NAPULOT KO LANG YAN." - Derek

"Tangina naman, Derek! Seryoso nga! Pano nga napunta sayo to?! Isa pang joke, di talaga ako magdadalawang isip na sapakin ka!" - Anna

"Okay okay. Wag ka ngang high! Para ka naman nag-drugs! Tsk. *SIGH* I was 7 or 8 years old that time." - Derek

"OMY! We really are meant to be." - Anna

"Ayan ka na naman eh! Makinig ka kaya muna." - Derek

I just smiled at him. Hihihi. Sarap kulitin eh. :P

"3PM na ata yun. Flight na namin ni Mama sa California pero dumaan muna kami sa isang grocery. You know, kids stuff. Pero, hindi ako sumama sa kanya sa loob. Naghintay ako sa labas. Nung mga panahong yun, kamamatay lang yun ni Kuya kaya kami nagpuntang California. Then, I saw this girl. Hindi to scripted ha?! You know, these happens in stories pero nangyari saken eh." - Derek 

"Come on, go on." - Anna 

"And that girl was you. Iyak ka ng iyak. I don't know if nawawala ka o anong nagyari sayo kaya wala akong ginawa kundi tingnan ka lang. Pero di nagtagal, na-curious talaga ako kaya lumapit ako sayo. Nung nilapitan na kita, nagalit ka pa. Sabi mo, stay away from me. Edi bahala ka, di pa nga ako nakakalapit sayo, stay away na kaagad." - Derek 

OMY HOLLY COW. Talaga? Wala na akong maalalang ganon. SHT. Baka naman binobola lang ako ni Derek? Hahampasin ko talaga siya nitong maleta niya. Baliw siya. 

"Eh, pano mo nasigurong ako nga yun?! Dude, wala akong naalalalang ganyan ano!" - Anna 

"Makinig ka kaya muna! Oh, sige ikaw na magkwento!" - Derek 

"Joke lang. Sige na!" - Anna 

"Pero lumapit pa rin ako sayo nun, baliw ka kasi eh. Iyak ka ng iyak, kapag tinatanong kita kung anong problema mo, sasabihin mo, It's none of your business. Ganon. Pero, ewan ko at makulit ako kakatanong, hanggang sa sinabi mong, you had your mom in the hospital giving birth to Carla. At galit ka, dahil may bagong baby sa bahay niyo. Di talaga kita maintindihan nung mga panahong yun, yeah. Maybe cus' I was just a kid. Pero mas lalo pang gumulo nung naisip kong, I lost my brother, I cried. You have your sister, you cried. Ano ba namang logic meron ang mga tao diba?!" - Derek 

Natulala ako sa sinabi niya. I remember that day. Yun yung iniwan ko si Kyle sa bahay kasi tumawag sa telepono si Papa at sinabing may bagong baby. Childish act, at nasanay akong ako lang yung baby samen, kaya nagalit ako. And I left Kyle and napunta ako kay Derek? Ganon ba yun? 

"Aalis na kami noon ni Mama kaya di ko na nasabi sayo tungkol sa Kuya ko, and I was a kid that time. I don't barge in to things na wala naman kinalaman sa mga bagay na gusto ko. Pero bago ako umalis, kinuha ko yung ID mo kasi ayaw mo naman sabihin ang pangalan mo, buti nga di ka nagalit. Ipapabasa ko lang talaga kay Mama yung pangalan mo tapos isasauli ko din. Pero, pagkapasok ko ng sasakyan, we left." - Derek 

"And you kept this one with you?" - Anna 

"Swerte mo kung nagkaganon. Pakalat-kalat yan sa bahay namin sa California ano. Wala naman kasi akong pakialam nun, ang gusto ko lang tanungin yung pangalan mo, makilala kita o hindi, mabubuhay naman ako nun eh. Pag tinatanong ni Mama saken kung kaninong ID yun, sasabihin ko, di ko kilala. Ewan. Ganon. Akala ko nga itinapon na yun. For almost 9 years ko sa California, di ko alam kung asan na ba yan. Pati din si Alex, she was asking me kung kanino yun. Hanggang sa umuwi kami dito sa Pilipinas, at napansin kong ipinasok din pala ni Mama sa bag ko yung ID mo. And it was weird, kasi nga pakalat-kalat lang yan. Di ko nga alam na andun pa pala to sa California, tas nung pag-uwi ko dito sa Pilipinas, nasa bag ko pa rin." - Derek 

Di pa rin ako makapagsalita. I'm thinking it's destiny. It's magic. Akala ko sa story lang nangyayari yun.

"Nung pumasok ako sa University, siyempre, ang daming babae. Of course, I wasn't thinking of that ID anymore, kung sino man yung babaeng yun. Hahahaha. Pero, isang araw, habang nasa lobby kami ng mga ka-blockmates ko, dumaan kayo nina Justine. Napansin kita kaagad, and yeah, I mean it, you were beautiful." - Derek

"Nakanang! Alam ko yun! Hahahaha." - Anna 

He just looked at me and smiled. SHT. Kinikilig ako. 

"Pero, California girls are undeniable. Actually, mas maganda talaga mga babae dun, but what happened, is nung habang dumadaan kayo, nagtatawanan kayo, at nung tiningnan kita, nginitian mo ako. And God, you're beautiful. Di ko alam kung para saken yung ngiti mo, o yun yung aftershock nung tawanan niyo, but every now and then, naalala ko na yung ngiti mo. Now, California Girls are forgetabble, you are unforgettable. Sht. Ano ba to! Parang di ako ah. Hahahaha." - Derek 

Nakatingin lang ako sa kanya. Yeah. Di ko alam pero feeling ko nagblublush ako. :D 

"Nagkataon pa na kilala ka nung ka-blockmate ko, at sinabi niyang, "Anna Via, regards kay Justine!" Lumingon ka at ngumiti ka ulit. Di ko alam pero parang para saken yung ngiti mo." - Derek 

"Yabang mo! Siyempre, hindi para sayo yun ano!" - Anna 

"And that was it. Naalala ko nalang bigla yung, ANNA VIA. Matagal ko nang kilala yun, alam ko. Matagal ko nang nababasa ang pangalan nun. Di ko nga lang matandaan kung saan. Hahahaha. Tapos, that was the time na nakita ko ulit yung ID mo. It's amazing right? For years, di ko alam na magkikita pa pala tayo. Di ko ini-expect na ikaw yung batang umiiyak, and that's absurd. Parang sa kwento lang nangyayari pero nangyari sa atin diba?" - Derek

"I think, it's destiny." - Anna

"Destiny mo, mukha mo! Naniwala ka dun? Nagkataon lang talaga na iyakin ka, pakialamero ako kaya ganon." - Derek 

"Wala talagang ka-magic-magic yang buhay mo!" - Anna 

He sighed. Tapos, tumabi na ako sa kanya sa pagkakahiga. It was magic. It's amazing. Di ko alam na noon pa pala kami dapat magkakilala. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Sht. Oo nga pala, bukas aalis na siya. 7AM pa naman yun flight niya.

"You were the magic, Via. If it's destiny, then be it. Di nga din ako makapaniwala eh, but it happened. For a couple of years na kilala kita and for a year na kasama kita, those were the best days of my life. And I can't take a day without you. Pero alam mo what hurt me the most? Kasi I was willing to lay down all my cards for you but you  dropped me the time you matter most. " - Derek

Napatingin ako sa kanya. Di ko siya maintindihan. Nakatingin lang siya sa kisame. He was still holding my hand. Gripping.

"Nung hiningi mo yung space, di ko maintindihan yun eh. Parang iniwan mo ko sa ere. It's as if you don't trust me na babalikan kita, parang ang babaw naman nun pero ginawa mong complicated eh. Kung sinabi mo nalang sanang, wag nalang akong umalis, kakayanin ko pa eh, pero yung hiningi mo, space. Nung mga panahong kailangan kita, saka mo naman ako iniwan." - Derek 

Tumulo na ulit ang luha ko. Now, I get it. I know, it was my fault. Kaya di na din ako nagsalita. I just listened to him. I know he was hurt. 

You left me hanging from a thread

We once swung from together

I lick my wounds

But I can't ever see them getting better

Some thing's gotta change

Things cannot stay the same

"Nung gabi sa Silveria, di ko alam ang mararamdaman ko nun eh. Pero di mo man lang ako kinausap, di mo man lang pinakinggan kun ano yung side ko, kaya I tried to na iwasan ka kasi alam ko masasaktan lang kita lalo eh. Ayoko ng guluhin pa ang utak mo noon, pero it was hard. Mahirap. Naisip ko, isang maliit lang na problema, pwedeng mapag-usapan yun eh. Pero yung nangyari, biglang lumaki hanggang sa di na natin napag-usapan. Ganon lang ba kadali bitiwan sayo yung relasyon natin? Alam nating madaling sumuko pero.. hindi ka ganon diba? Kaya hindi kita maintindihan. Wala kang tiwala saken eh, boung bou naman yung pagmamahal ko, sana ikaw rin." - Derek 

Her hair was pressed against her face

Her eyes were red with anger

Enraged by things unsaid

And empty beds and bad behavior

Some thing's gotta change

It must be rearranged, oh

Mas hinawakan ko pa ng mahigpit ang kamay niya. Sht. Di ko na kaya to. Please. Akala ko ba okay na kami? Ba't ngayon eto yung pinagsasabi niya? No. Derek. Please :( 

"Lahat naman kasi ng relasyon may pagsubok, ang kailangan lang natin yung tiwala sa isa't isa. Pero, you never trusted me. I thought you love me." - Derek 

"Yeah. I love you." - Anna 

"Minsan kasi di sapat yung mahal niyo yung isa't isa eh." - Derek 

Mas napaiyak pa ko lalo. Ang sakit. Tagos. Parang, it feels na he's giving up on me. Ang sakit. :( Patuloy lang ako sa pag-iyak. Parang di ko naman maintindihan ang sarili ko. Mahal ko nga ba talaga si Derek o nasanay lang ako na nandyan siya palage saken? No. I want to stand this. I love him. Sobra :( 

"Alam ko ang tungkol sa inyo ni Kyle, Via. And maniwala ka man sa hindi, nasaktan ako. Parang gusto kitang agawin sa kanya, kahit hindi naman kayo. But now, Via. I'm giving you the freedom. Ako naman ang hihingi ng panahon ngayon sayo. Bibigyan kita ng space and time para hanapin mo yung sarili mo, yung sarili ko, para pagbalik ko, maibalik ko na yung dating ako, yung dating Via na nakilala ko. Para makalimutan natin yung sakit. I want my heart to stop breaking. Sana pag naging tayo ulit, kaya mo na akong mahalin ng boung-boung, na walang halong takot kung masaktan man tayo ulit." 

HE JUST BROKE UP WITH ME. Mas lalo akong naiyak. Di ko alam pero ang sakit-sakit. Puta! Pwede kahit ngayon lang, magmura naman ako ng perfect? PUTANGINA, LECHE! ANG SAKIT-SAKIT NA! ANG HIRAP! AYOKO NA! I DON'T WANT TO HEAR ANYTHING! 

Iyak ako ng iyak at naramdaman kong niyakap ulit ako ni Derek. He was crying, I can hear him. Kahit naman kasi ano ang gawin ko, may kasalanan ako, at kailangan naming ayusin yun. Ang sakit. Please. Ayoko na! Ayoko na.. 

I'm sorry

I did not mean to hurt my little girl

It's beyond me

I cannot carry the weight of the heavy world

So goodnight, goodnight, goodnight, goodnight

Goodnight, goodnight, goodnight, goodnight

Goodnight, hope that things work out all right, yeah

 "Via, sana maalala mong, I'm letting you go because I love you. Kailangan mo to. Kailangan ko to." - Derek 

"Pero .. pero ikaw ang kailangan ko. You're asking for too much. Ang gusto mo ang mawala ka sa buhay ko. Di ko kaya yun." - Anna 

"We have to. I know you're a fighter. Kayanin mo kasi ako kakayanin ko, para satin." - Derek 

I just sighed and I can still feel that pain. His pain, my pain. Ang sakit. Parang gusto kong tumakbo dahil sa sakit pero di ko maigalaw ang mga paa ko kasi alam ko, hinang-hina na ako. I cried a lot. There was silence. Ayoko munang magsalita. I know Derek's right. We have to start separating our lives. Hindi ko alam kung tama tong gagawin namin pero to save "US", I'll do this. Mahirap. Pero kakayanin ko. 

"Kakayanin ko, kasi kakayanin mo." - Anna 

I smiled kahit may ilang luhang tumutulo sa mukha ko. Tumayo na ako, sinundan niya na ako palabas ng kwarto. I hate this feeling. Akala ko kay Popoy at Basha lang nangyayari to eh, pero ba't nangyari samen? Ang sakit. Ang hirap. Parang any minute from now, pwede akong matumba at kung mangayari man yun, ayoko ng tumayo. :( Nakayuko lang ako palabas ng kwarto. Pumasok ako ng kwartong to na nakangiti pero ngayon heto oh, PAKYO! 

"Via." - Derek 

For the last time, narinig kong tinawag niya ako. Lumingon ako at ngumiti sa kanya. 

"I love you and always, I will." - Derek 

TANGINA NAMAN. AALIS NALANG, MAGBREBREAK NALANG, MAG-I I LOVE YOU PA?! TAMA NA NAMAN OH. DI KO NA KAYA! Pero di ko yun nasabi sakanya. Kasi alam ko sa sarili ko, mamimiss ko yung sasabihan niya ako ng I LOVE YOU. At kahit nasasaktan ako ngayon, gusto mapakinggan yun ng paulit-ulit. :( 

"So, I'll wait? As always." - Anna 

"Naintindihan mo naman ako diba?" - Derek 

"I know. Babalik ka ha?" - Anna 

He just smiled with hurt in his eyes. Di ko maintindihan pero parang ayokong malayo sa kanya. Gusto kong hintayin nalang yung umaga, hanggang sa makaalis siya kasi mas mabuti na yung ganon kesa sa ganito. Di ko na kaya to eh, sunod-sunod na sakit. Tao lang ako eh, napapagod din at nasasaktan ng sobra. 

Tumalikod na ako. One more step and there's no turning back. Ayokong mahirap para samen yung ganito pero tama siya. I just held my hand close to my mouth para di niya na marinig ang iyak ko. I'm good. We're doing just good, Derek. Kaya ko to. 

Pero, bago pa man ako humakbang, for the last time .. hinarap ko ulit siya. 

"GAGO KA! MAMIMISS KITA!" - Anna 

Napangiti siya. Lumapit lang siya saken at niyakap ako. For the last time, I want to feel this hug. Yung ganito. Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko and kissed me on the forehead. Iyak pa din ako ng iyak. Nakakapagod na pero for the last time, ginawa ko yun. 

"Ako din. Mamimiss ko yang fliptops mo." - Derek 

"Baliw ka!" - Anna 

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. At pinahid na ulit ang mga luha sa mukha ko. Leche. Kanina pa dapat ako umalis pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako. 

"So, is this goodbye?" - Anna 

"No. It's goodnight." - Derek 

Continue Reading

You'll Also Like

82.9K 2K 29
Wala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napki...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
163K 3K 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
226K 12.7K 24
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...