YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz
Chapter 45
Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa silid niya nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nababagot na dinampot niya iyon sa ibabaw ng mesa at sinagot iyon nang malamang si Austin ang tumatawag.
"Hello Austin, napatawag ka, gabi na ah."
"I'm sorry to disturb you Zean but I need to tell you something."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano naman kaya ang sasabihin nito para tumawag pa ito ng ganoong alanganing oras? Gaano ba kahalaga iyon at hindi na ito nakapaghintay pang sabihin iyon bukas?
"Tungkol saan?"
"Sinugod ako ni Kristof."
"What?!" napabalikwas siya ng bangon dahil sa matinding gulat.
"Sinuntok niya ako.. He even told me to stay away from you." kwento nito.
"G-ginawa niya iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo.." sagot nito. "And he even told me na sasabihin niya sa mga kaibigan at parents mo ang tungkol sa sakit mo."
Halos ay napigil niya ang paghinga dahil sa huling sinabi nito. Malalaman ng parents at mga kaibigan niya ang tungkol sa sakit niya? No! Hindi pwede! Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.
"Don't he dare!" nanginginig sa matinding galit na sabi niya. "Subukan niyang sabihin sa parents ko ang tungkol dito at ipinapangako kong hinding-hindi ko siya mapapatawad." Hindi na niya napigilan ang sariling makaramdam ng galit sa binata.
"Zean.. What if.. What if umalis na lang tayo ng bansa? Magpakalayo-layo tayo sa kanila.." suhestiyon nito na nagpatigil sa kanya.
Napaisip siya ng malalim sa sinabi nito. Mas mabuti pa nga sigurong umalis na lang siya para hindi na siya magugulo ni Kristof. At para magkaroon na din siya ng tahimik na buhay. Mas mabuti na nga siguro kung iyon na ang gagawin niya. Ang umalis at lumayo sa mga taong mahal niya upang hindi na masaktan ang mga ito oras na mawala siya sa mundo.
"Kung plane ticket ang pinuproblema mo, nakapagpabook na ako.. Kahit anong oras.. Makakaalis na tayo ng bansa Zean.."
"S-sige.. Pumapayag ako Austin.." desidido at walang pagdadalawang isip na sang-ayon niya. Uunahan na niya si Kristof bago pa man ito makapagsumbong sa parents niya. Mas mabuting makaalis na siya bago pa man siya puntahan ng parents niya doon. "We're going to have our flight tomorrow."
__ __ __ __ __
"Are you ok?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Austin.
Natauhan siya nang marinig ang tanong nitong iyon. Napatingin siya sa katabing binata at bahagya siyang napangiwi nang makita ang blackeye sa gilid ng labi at kaliwang mata nito. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang gumawa niyon. Base na rin sa kwento nito kagabi ay alam niyang si Kristof ang may gawa niyon. Kung bakit nito iyon ginawa? Hindi na niya alam at wala na siyang balak alamin pa.
"Yeah." Nginitian niya ng pilit ang binata at pagkuwa'y bahagyang napasulyap sa mga kapwa nila pasaherong parito at paroon habang hinihintay ang kanya-kanyang oras ng flight.
Ginagap nito ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"What do you feel?" usisa nito.
Ano ang nararamdaman niya? Sa totoo lang, wala siyang maramdaman. She felt empty.
"Wala, don't mind me."
Napabuntong-hininga ito. "Always remember Zean that leaving is the best thing that you can do. It's for your own good."
"I know," segunda niya sa sinabi nito. Nginitian siya nito.
"No matter what happen Zean I'm always here for you."
Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito. "I know, and I wanted to say thank you for that. Thank you because you never leave me alone." pasalamat niya dito.
Nginitian lang siya nito sa sinabi niya. Hindi na ito umimik kaya mas pinili na lang niyang ilibot ang tingin upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.
Nang mga oras na iyon ay nakaupo sila ni Austin sa bench. Alas-otso kasi ang flight nila papuntang Australia. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanilang kapalaran doon pero bahala na.
Maaga siyang umalis ng apartment nila kanina dahil ayaw niyang magising ang mga kaibigan niya. Alam kasi niyang magtatanong ang mga ito. And worst baka pigilan pa ng mga ito ang pag-alis niya. Tama nang pamamaalam ang mga sulat na iniwan niya para sa mga ito at sa parents niya.
Hindi niya sinabi sa mga ito kung saan siya pupunta. At hindi rin niya sinabi ang totoong dahilan ng kanyang pag-alis. Sinabi niya lang doon na gusto niyang mapag-isa at magpakalayo-layo.
Bahagya siyang napatingin sa suot na relo. Malapit na ang oras ng pagsakay nila sa eroplano. Alam niya, sa mga oras na ito ay nakita na ng mga kaibigan niya ang sulat niya. Marahil ay nag-aalala at hinahanap na siya ng mga ito. At marahil ay tinatawagan na din siya ng mga ito sa cellphone niya but they will only failed to contact her because she turned off her phone. Kanina pa kasi niya pinatay iyon. Napabuntong hininga siya. Sana lang ay tama ang desisyon niyang paglayo sa mga taong mahal niya.
Ilang sandali pa'y tumayo na sila ni Austin nang marinig ang announcement na oras na para sumakay sa eroplano. Matapos pumila ay naglakad na siya papunta sa loob. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya. Hindi man niya aminin ngunit labis siyang nalulungkot. Hindi kasi niya nayakap at nakita man lang ang mga magulang niya kahit sa kahuli-huliang pagkakataon. Bawat paghakbang na ginagawa niya nang mga oras na iyon, kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na tinatagan ang sarili. She need to be strong for herself.
"I'm sorry.. But I need to go.. Mahal na mahal ko kayo.. Sana maintindihan niyo ako.. At sana mapatawad niyo ako. Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga masasayang alaalang ibinahagi niyo sa akin. I will always cherish those moment and keep them inside my heart.. I don't know if we're going to see each other again.. Pero ayoko nang umasa.. At kasabay niyon, I know you'll hope and wait for me to come back.. But.. I'm sorry if you're going to hope for nothing.. Because I will never come back.. So, this is.. goodbye.."
__ __ __ __ __
(KRISTOF'S POV)
Nang mga oras na iyon ay patungo siya sa apartment nina Zean upang kausapin ito ng maayos at upang sabihin ditong bumalik na ang alaala niya.
Kung kinakailangan niyang lumuhod sa harap nito gagawin niya. Mapatawad at bigyan lang ulit siya nito ng pagkakataon. Gagawin niya ang lahat, bumalik lang ito sa buhay niya.
Ang totoo niyan, kagabi pa sana niya balak pumunta ng Manila ngunit pinigilan siya ng parents niya dahil gabi na at medyo nanghihina pa siya. Masyado daw delikado para sa kanya ang bumiyahe which is true. Kaya sa huli ay napahinuhod siya ng mga magulang na ipagpabukas na lang ang balak niyang pakikipag-usap kay Zean.
At kagabi habang nakahiga siya sa kama niya ay naisip niyang ayusin ang mga gulo at gusot na kinasusuungan niya. Naisip kasi niyang panahon na para gawin, ituwid at itama ang lahat ng mga pangyayari sa buhay niya. He decided to call Sam and Austin right away. He confronted them and told them to stay away from him and Zean. Lalo na't bumalik na ang alaala niya at naaalala na niya ang lahat. As in lahat-lahat.
Ilang sandali pa'y inihinto na niya ang kotse niya sa tapat ng apartment nina Zean. Hindi niya maintindihan ngunit bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba ngunit agad niyang iwinaksi ang kabang nararamdaman niya. Napasulyap siya sa suot na relo. Ayon doon maga-alas otso na. Siguro naman ay gising na ito sa mga oras na iyon.
Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang lumabas ng sasakyan niya. Habang nagdodorbell siya ng mga oras na iyon ay isa lang ang hinihiling niya. Nasa sana ay pakinggan siya ni Zean at bigyan siya ng isa pang pagkakataon.
Ilang sandali pa'y bumukas ang gate at iniluwa niyon si Tasha na tila balisa at naluluha. Hindi niya maintindihan ngunit hindi na niya napigilan ang sariling kabahan sa reaksiyon nito.
"Si Zean?" agad niyang tanong dito at ni hindi man lang ito binati.
"I don't know.."
Nagsalubong ang kilay niya. "What? Anong hindi mo alam?" naguguluhang tanong niya.
Sukat sa sinabi niya ay hinawakan siya nito sa braso at hinatak siya papasok sa loob ng apartment ng mga ito. Nang makapasok sila doon ay lalong kumunot ang noo niya nang makita sina Lea at Cheska na pabalik-balik sa paglalakad habang nakatapat sa tenga ang kanya-kanyang cellphone.
"Wala talaga.. I can't contact her. Nakapatay ang cellphone niya." problemadong napaupo si Cheska at naiiyak na napasabunot sa buhok.
Naguguluhang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa tatlo. Hindi niya maintindihan ang mga ito. Ano ba talagang nangyayari?
"What's going on?" tanong niya sa mga ito. Parang zombie-ng sabay-sabay na napatingin sa kanya ang tatlo.
"It's all your fault!" paninisi sa kanya ni Lea. Nagsalubong ang kilay niya. "You hurted Zean!"
"Look, I'm sorry ok? Alam ko naging tanga, duwag at gago ako. Pero sana pakinggan niyo muna ako bago niyo ako husguhan." mabilis niyang sagot sa sinabi nito. "Kaya nga ako nandito e, para ituwid ang mga naging kasalanan at pagkakamali ko kay Zean. Alam ko, marami na akong naging kasalanan at pagkukulang but I want Zean come back to me. Please guys.. I'm begging you to help me." nagmamakaawang pakiusap niya. Kunot-noong napatingin sa kanya ang tatlo. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa paraan ng pakikipag-usap niya sa mga ito.
"D-don't tell me.." maang na napatitig ang mga ito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya.
"I remember everything. Bumalik na ang alaala ko." pagbibigay-alam niya. Sukat sa sinabi niya ay sinuntok siya sa braso ng tatlo. "Aray!" daing niya at napangiwi nang maramdaman ang sakit na ginawa ng mga ito. "Napakabayolente niyo talaga sa akin kahit kailan." maktol niya.
"Eh paano, wala ka nang ibang ginawa kundi ang saktan at paiyakin si Zean!"
"Kaya nga balak kong bumawi di ba?" sinimangutan niya ang mga ito.
"Bakit ngayon lang?!" naluluhang tanong sa kanya ni Cheska.
"Sorry kung na-late ako, marami kasi ang humarang. But everything is ok now. I promise, babawi ako sa kanya." pangako niya sa mga ito.
"I'm sorry.." napayuko ang mga ito.
"But you're just too late now Kristof.."
Natigilan siya. "W-What do you mean?" kinakabahang tanong niya sa mga ito.
"She left us already.."
"W-What?" tila huminto na sa pagtibok ang puso niya sa sinabi ng mga ito.
"Here.." malungkot na iniabot ni Tasha sa kanya ang isang papel. Kinakabahan at nanginginig ang mga kamay na inabot niya iyon. "That's an apology and goodbye letter."
Sukat sa sinabi nito ay binasa niya ang laman ng sulat. At pakiramdam niya'y tuluyan nang nawasak ang mundo niya nang mabasa doon ang pamamaalam ng dalaga. Hindi nito inilagay kung saan ito pupunta, kung sino ang kasama nito. At kung babalik pa ba ito o hindi na.
Naninikip ang dibdib at nanghihinang napaupo siya sa sofa. Nahihirapan siyang huminga nang mga oras na iyon sanhi ng lungkot at sakit na lumukob sa puso at buo niyang pagkatao. Bakit? Bakit ngayon pa kung kailan bumalik na ang alaala niya. How can life and fate be cruel? Why are they so unfair?! Paano na siya? Paano na lang siya ngayong iniwan na siya nito?
"I know she left because you hurted her." panunumbat sa kanya ng tatlo.
Umiling siya sa sinabi ng tatlo. Lumuluhang tinitigan niya ng tuwid sa mga mata ang mga ito.
"No, you're wrong. She left because of us who love her." Naninikip ang dibdib na hinayaan niya ang sariling lumuha sa harap ng mga ito. Alam niya, crying is so gay pero wala na siyang pakialam. "She left because she doesn't want us to get hurt because of her.. She left because she's sick.. She have.. She have a leukemia.."