Chapter Nine:Complicacy
"Rusell, talk to me." utos nung matandang babae kay Sir Rusell. Hindi siya sinagot ng anak na nakatalikod pa din. Somehow, he is quite familiar. Napakunot noo ko ng mataray na tumingin sa may side ko yung matandang babae, tumingin ako kina Lynne at sa iba. Nakatingin din sila at doon ako kinabahan. Ano meron? Di ako ang magnanakaw ha!
"Cellphone mo, sagutin mo." bulong ni Axel kaya kinuha ko sa bag. At yun confirmed, nagring siya. Nagkatinginan kami ni Axel.
"Miss whoever you are. Please answer your phone." maarteng sabi nito sa akin at tinignan pa ang likod ng anak niya, "It's annoying."
"S-sorry po Ma'am."
Sinagot ko na ng matigil ang pagtunog. Nanginginig pa kong naglakad palabas ng lobby. "Bakit kasi di nakasilent! Tanga ko naman."
"Hello, Cy?" napahinto ako ng lakad ng may magsalita na sa kabilang linya. Pinagmamasdan naman ako nung receptionist. Siguro nagtataka sa mukha kong halo-halong emosyon ang nakarehistro.
"C-clade. Ikaw lang pala." may halong pagkaasar pa ang tono ng pananalita ko. Kasi naman bad timing! Nakakahiya doon!
"Bakit sino ba ang ine-expect mo?" I rolled my eyes. Ginagamitan na naman ako ng panakot voice niya. "Wala. Bakit ba?"
"Nothing. Are you alright?"
Napauwang ang labi ko ng may itinuturo gamit ng mata yung receptionist. "Ha?" I mouthed.
"I see. You're alright." sagot naman ni Clade.
"Wait? I see? Asan ka ba?" lumingon ako sa likod at paligid ko pero wala namang Clade. Nagkakalokohan ba kami rito?
"Bye, beautiful." aniya. Narinig ko pang nagsmirked. Ay pusa talaga. Inend ng di sinasagot ang tanong ko. Medyo bastos din ang lalaking 'to ha! Paasar kong nilagay ang phone ko sa bag na nakasukbit sa braso ko. Tinignan ko yung receptionist.
"Bakit? Ano ba 'yung sinasabi mo kanina?"
"K-kilala mo ba si Sir Rusell?" aniya. Tumitingin pa siya sa likod ko, natataranta. Wala namang tao bukod samin. Weird!
Umiling ako. "Yung CEO natin? Hindi no! Di ko pa nga nakikita 'yun."
Napatango siya ng may pagkaalangan. Mukhang di naniniwala, e di pa naman talaga! Basta kilala ko siya sa pangalan, Rusell Hererra. Iyon lang talaga.
Pinauwi kaming lahat dahil di pa daw nahahanap ang magnanakaw. Jusme, ang daming floor ba naman 'yun. So ayun nga, half day lang at nag-uwian na lahat. Nung lumapit ako kina Lynne at Axel, lahat ng nakakasalubong kong kapwa empleyado ay pinagtitinginan ako. Whats wrong with me? Kanina pa sila ganon. Don't tell me dahil lang sa pagring ng cellphone ko kanina. OA naman sila 'pag ganon. Iba kasi ang tingin nila, para kong gumawa ng masama. May halong bulungan pa 'yan at parang may nakalagay sa noo kong 'Magnanakaw ako'.
"Bakit ba sila ganyan makatingin?" tanong ko kina Axel at Lynne na naghahadaling makahanap ng taxi.
"Basta, uwi na tayo sa inyo." sagot ni Axel at hinila ko papasok ng taxi na huminto sa harap namin. Nakasakay na kami at katabi ko si Lynne. Nasa passenger seat si Axel na mukha tuliro.
Tahimik lang sa buong biyahe at mukha silang mga kay lalalim ng iniisip.
"Problema nyo ba?' di ko mapigilang itanong ng makababa na kami ng taxi. Kinuha ko sa shoulder bag ang susi ng apartment. Umirap si Lynne.
"Mamaya na girl. Sa loob muna tayo." naiirita niyang sinabi at sumang-ayon si Axel. Okay, they're acting weird. Ang OA naman kung dahil lang sa pagring ng phone ko 'yun. Kung ako ngang napahiya, wala na sakin e. Sakanila pa kaya!
"Oh bakit nga?" tanong ko sa kanila ng makapasok na. Naupo si Lynne sa sofa habang nilagay sa gilid niya ang shoulder bag at nagcross arm na tinignan ako. Si Axel naman ay dumiretso ng kusina. "Dahil ba sa kanina? Di pa kayo nakakarecover?"
Tinaasan lang ako ng kilay ni Lynne. "Di naman ang pagring ng cellphone mo sa harap ng lahat ang issue e." aniya ng may pagkasarcastic pa nga.
"E' ano nga? Pwedeng paki-explain sakin kasi naguguluhan din ako sa inaasal mo at nang iba."
Tinignan niya ko ng nakaangil. Ibubuka palang ni Lynne ang bibig niya ng umepal si Axel. Napairap si Lynne at kinuha ang phone niya sa bag.
"Uy! Makinig ka babae. Wala kang seasonings?"
Tinignan ko si Lynne na busy sa cellphone niya kaya sumunod na lang ako kay Axel sa kusina. Kinuha ko sa drawer ang lalagyanan ng seasonings.
"Ayan bakla, di kasi tinitignan ng mabuti." biro ko at inabot kay Axel. Tumawa si Axel habang hinuhugasan ang kaldero.
"Bakit kanino ba ang bahay na 'to ha? Akala mo namang akin para makabisado ko ang mga gamit." ngumuso siya. Kinilabutan ako kaya itinuon ko ang tingin ko sa hinuhugasan niyang kaldero. Di talaga ko sanay na makita siyang ngumunguso, kinikilabutan talaga ko. Kapag gumalaw ng panlalaki, ganun din. Hay nako!
Natahimik kami ng nagsaing na siya. Naghanap siya sa fridge ng maluluto for sure. "Oy makakalibre ka na naman ng pagkain ah. Naubos ang grocery ko nung nakaraan sayo. Ikaw kaya mayaman diyan." biro ko, sumandal ako sa counter at nagcross arm.
"Kapal nito, ako naman nagluluto. For your info, Miss Cyrish. Ang mayaman 'yung nag-iisa dun sa sala." tinuro pa niya gamit ng kamay ang sala. Tumawa ako,
"Ano ba problema nung nag-iisa sa sala? Bakit ang init ng ulo sa'kin?"
Nagkibit balikat siya, nagpatuloy lang sa pagtingin sa fridge. "Axel..." pagsumo ko sa kanya. Kapag ganyan siyang kibit balikat, ibig sabihin may alam siya pero ayaw makialam. Ayaw makisali.
Sinundot ko ang tagiliran niya. Nangisay naman siyang tinignan ako ng masama, a warning look. "Deym! Magtigil ka, Cyrish Mariella ha! Ayokong mangialam. Itanong mo sa nag-iisa sa sala."
Napakagat labi ako habang nakacross arm. "Ano kasi? Nakakatakot kausap si Lynne! Parang mangangain kaya!" pagsusumbong ko sa mahinang tono. Baka marinig, mas lalong magalit. Maliit pa naman ang apartment at kulob, madaling maririnig.
Tumirik ang mata ni Axel, pusang gala! Kinikilabutan ako, seryoso. Tumingin ako sa wrist watch ko, "Ahh kaya pala. Ala-sais na."
"Anong alas sais?"
"Ikaw, alas-sais na... so transforming to beki na ang peg mo! Welcome back, Alex Garcia!" bati ko. Napailing siya habang natatawa. Isinara niya ang fridge na may hawak ng baboy.
"Gaga ka talaga. Ewan ko sayo. Kausapin mo na si Lynne, baka kinain na ng sofa dun."
Tumawa ako, sakto namang dumating ang pinag-uusapan namin. Nakataas na naman ang kilay niya habang nakapamewang.
"Anong pinagsasabi mo diyan, ha?"
Napataas kamay si Alex/Axel na halatang takot kay Lynne. "Sorry naman. Hehe.."
Umismid lang si Lynne at naupo sa isa sa mga dining chair dito sa apartment. Aapat kasi 'yun at isang round table. Iisa lang naman ako kaya pwede na 'yon. Sobra pa nga!
Naupo ako sa katapat na upuan ni Lynne. Di niya ko napansin dahil nakafocus ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone. Nakakunot ang noo niya, badtrip talaga siya.
Mabait 'yang si Lynne. Lalo pa kung makikilala mo at magiging kaibigan. Talaga lang na madalas siyang mabadtrip. Napagkakamalan ding mataray dahil sa itsura. Oo mataray siya sa kaaway niya pero mabait talaga 'yan, medyo bad girl nga lang sa way na gustong maexperience lahat ng bagay. Parehas kaming straightforward. Masabi ang maisip. Prangka siya, ako honest.
Anong pinagkaiba? Prangka, sinabi ang totoo na masasaktan ka talaga. Medyo harsh ang pagkakasabi. Ang honest, sinabi ang totoo in a way na di sadya pero masasaktan ka pa din, kasi alam mo sa sarili mong totoo.
Nanggigil bigla si Lynne at padabog na nilapag ang phone niya sa table. Nagulat naman ako pati si Axel/Alex, nagmura pa nga siya dahil sa gulat.
"Ateng sayang! iPhone 'to." sabi ni Alex kasabay ng paglayo niya ng cellphone sa may-ari, gabi na kaya Alex.
"Napakagago talaga ng lalaking 'yun." bulalas ni Lynne sabay lingon kay Alex.
"Bakit?" tanging nasabi ni Alex na naghihiwa nung baboy. Hulaan ko lulutuin niyan adobo.
Sumandal si Lynne sa upuan. "Sinabi ko ng layuan, sabi ba naman mahal daw niya. What kind of love? Loveshit."
Napailing si Alex, "Hayaan mo na nga sila. Wala tayong magagawa kung nagkadevelopan. Kapag naiyak si babae dahil niloko ni lalake, edi patahanin na lang. Atleast she learns her lesson."
"Learn, learn. Whatever. Gusto ko na din kasing patigilin ang lalaking 'to, ano ba 'to? Laro laro na naman.." ani Lynne.
Nakagat ko ang labi ko. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Di ako makarelate. Isali nyo ko please. Tao din ako rito, hindi hangin. "Nao-op ako." pag-amin ko.
Napatingin sila sakin. Umismid si Axel at bumalik sa paghihiwa. Natatawa 'yan, pinipigilan lang. Kay itim talaga ng budhi ng baklang 'to.
"Cy.." pagtawag ni Lynne. Nilingon ko siya. Seryoso pa din siya at nakatingin lang sakin.
"Bakit?"
"Layuan mo na 'yang si Clade." matigas niyang sabi. Para na ngang utos mula sa boss ko. Ilang segundo bago ko naabsorb ang sinasabi niya. What? Layuan si Clade?
"B-bakit?" napakagat labi ako. "Why do you want me to get far away from him?"
Napatungo siya at nilingon si Alex na napahinto sa paghihiwa. Nagkatinginan sila at ibinalik ang tingin sakin.
"Lumayo ka sakanya kasi di mo siya lubusang kilala, Cy! I am your friend, I care for you. Ayokong saktan ka ng lalaking 'yon." hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Kita ko sa mata niya ang halaga ko bilang kaibigan sakanya. She loves me as a friend but I don't want to end my relationship with Clade. Nobody can dictates me. Kung magulang ko nga di ginagawa 'yon e.
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon niyo lang ako pinipigilan? Why so sudden? Anong problema ngayon ang nagtulak sainyo para pigilan akong makipagkita kay Clade?" Noon naman hinahayaan nila ako. Bakit ngayon pa? Kung kailang mahal ko na si Clade.
She bit her lower lip. "Listen, Cy. Alam kong malaki ang katangahan namin dahil di namin kaagad naisip 'yon pero kailangan mo siyang layuan kung gusto mo ng tahimik na buhay." napailing siya. Nagpakawala ng malalim na hininga si Alex.
"What?" nasabi ko lang. Di ko sila maintindihan. Slow ba ko o sadyang mahirap lang intindihin ang sinasabi nila?
"Anong pangalan ng CEO ng Hererra company?" tanong ni Alex sakin. Sinagot ko naman kaagad.
"Rusell Hererra." kampante kong sagot. Napaisip naman ako bigla, "Wait nga lang, anong kinalaman non bakla?"
"Kulang ka ng info about our CEO." sabi naman ni Lynne. Sa kanya naman ako this time lumingon. Potchi naman pala, sumasakit na leeg ko kakalingon dun sa dalawa. Mamaya stiffneck aabutin ko.
"Kulang?" tinaas ko ang kilay ko kasabay ng pagpapangalumbaba sa table. Kinalaman naman ng CEO kay Clade.
"Don't you get it?" ani Lynne. Dahan-dahan akong umiling habang nakangisi. Ang gulo nila. Napahinga siya ng malalim at tinignan ako ng mataman. "Clade Rusell Hererra."
Nawala ang ngisi ko sa narinig. Napaupo ako ng ayos at napakunot sa sinabi niya. "Pardon?"
"You heard me right, Cy." mahinang pahayag ni Lynne. Napatulala ako sa naiisip. Nanlamig ang kamay kong nakapatong ngayon sa table. Tumikhim si Alex pero di ko pinansin. Narinig ko na lang ang kutsilyo na iisang bagay na nagbibigay ingay sa buong apartment.
Tahimik sila katulad ko. Nagpatuloy lang sa pagluto si Axel habang si Lynne ay pinagmamasdan lang ako. Napatakip ako ng mukha sa sinabi nila. Clade Rusell Hererra?
Kaya pala...Ang dami ng clues na ibinibigay sakin pero di ko nagets. Ang tanga tanga ko. Sa reaksyon palang ng mga co-employees ko nung una naming pagkikita sa elevator. Sign na 'yon na boss siya kaya ayaw nilang sabayan. Doon palang sa tingin nila nung nakita kong pumasok sa kotse ni Clade, kung bakit ba naman kasi! Kaasar! Lalo na doon sa tanong ng secretary at receptionist. 'Yung pagring ng cellphone ko saktong may tinatawagan ang CEO naming nakatalikod sakin nung time na 'yon. 'Yung mga kakaibang tingin nila..
"Punyeta talaga!" gigil kong nagulo ang buhok ko sa asar. Pinigilan naman ako ni Alex, "Hoy wag kang pakamatay. Kumain muna tayo."
Napairap ako sa kawalan. Doon ko naamoy ang pagkaing nakalatag na pala sa round table. Di ko man lang namalayang nilagay nila 'yun sa harap ko. Sabi na 'e, adobo. Favorite ko kaso wala kong ganang kumain dahil sa kagagahan ko. Makipag-landian daw ba sa CEO namin? Sinong tanga gagawa non? Sinong tanga ang maglalakas loob? Mapagkakamalan pa kong gold digger nito 'pag nagkataon.
Nanlalata akong sumandal sa upuan. Ang daming tanong sa utak ko. Bakit niya di sinabing boss ko siya? Paano niya naitago sakin 'to? Napagtripan lang ba niya ko? Balak lokohin, ganon? Lahat ba ng ginawa niya planado para saktan ako? Bakit naman niya ko gustong saktan? Para saan? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit lang. Nabetray ba ko? Tama bang layuan ko siya? Lolokohin lang ba niya ko at sasaktan sa huli? Pero ano 'yung mga sinasabi niya? Kasinungalingan, ganon?
"Tangina, ang hirap mag-isip." nasabi ko na lang sa kawalan. Sumasakit ulo ko. Minsan lang ako magmura, pagbigyan niyo na. Confused ako.
"Edi 'wag kang mag-isip. Ganong kadali." suggestion ni Alex at tumabi sa upuan ko, nakapagitan siya samin ni Lynne na tahimik na kumakain. "Kumain ka na lang, masarap 'yang luto ko."
Umiling ako. "A-ayoko. Wala kong gana.." napakagat labi ako ng mabasag ang boses ko. Don't cry, Cy. Please lang nasa harap mo pa sila. Mamaya ka na lang tumulong luha ka kapag nakaalis na sila.
Napatigil sa pagkain si Lynne at tinignan ako. Lumambot ang features ng maganda niyang mukha. "Cyrish, sinabi ko sayo 'to para makaiwas ka na sa kanya. Nang sa ganon, malayo ka sa issue, sa sakit na idudulot ni Clade. Lalo pa na alam na ng mga ka-empleyado natin, nakakatunog na sila. Alam ko, alam namin ni Axel na ayaw mo ng ganong issue na mapag-usapan ka sa buong building. Kilala ka namin mula pa nong college, iniintindi mo lahat ng bagay, lahat ng sinasabi ng iba. Madali kang naaapektuhan sa mga sinasabi nila against you. At ayokong makita kang nasasaktan." napalunok siya. "We know that you're pretending to be strong even if it is not who you are. You always smile... even deep inside you're not happy. We knew you eversince, Cy."
"W-what should I do?" tanong ko sakanila makalipas ang ilang minuto. Nagulat naman sila sa sinabi ko. They expect na di ako magpapadikta sa kanila, na lalaban ako ng sagutan sa kanila. "Alam kong mabilis but I already love him. A-anong gagawin ko ngayon?"
Napainom ng tubig si Lynne. Nang makainom na siya ay tumingin sakin ng malungkot. Bigla namang kumirot ang puso ko. "Layuan mo siya. Unti-untiin mo para di niya mahalata. He is possessive, lalo na sa mga babae niya. Makakaget over ka din girl katulad niya. Mali ka ng minahal, Cy. Mahirap siyang mahalin, napakahirap. Ako na ang nagsasabi sayo, magsisisi ka lang sa huli."
--
Dedicated to junekitylove13
Nagulat ako ng may nagbabasa pala nito so eto na. Thanks sa pagbabasa at comment.
Sorry sa matagal na update. 'Wag kayong mag-alala matatapos ko na ang story na 'to sa Microsoft so maa-update ko na siya ng sunod sunod. Thanks for voting! Leave your thoughts and comments ❤