4. KRISTOFF'S BACK
"You know what Mandy? Nagsawa na ako sa kung anong meron tayo ngayon. Nagsasawa na ako sa 'tayo'. Tama na Mandy! Hindi na kita mahal. At tsaka mga bata pa tayo. Maybe we're not meant for each other. Thank you and good bye."
Iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng kawalan. Sa gitna ng katanungan kung kamahal-mahal ba ako at kaseryo-seryoso ba ako? Alam ko naman kasing playboy siya. Yes he is! Alam ko namang may iba siya pero ipinilit ko yung sarili ko sa kanya. Kasi ano? Kasi mahal ko nga. Love is blind.. which is pinagsisisihan ko ngayon. Maybe he's right. We're not meant to be.
[MANDY'S POV]
"BES! Alam mo na ba yung balita?" kakaupo pa lang namin sa room eh chismiss na naman dala ng dalawa kong kaibigan.
"Oo alam ko na. Nandyan na si Kristoff? The hell I care!" bumalik ako mula sa pagii-scroll ng newsfeed ko. Kapag ba nagkaroon ako ng pake sa pagbabalik ng ex ko eh yayaman ako?
Tinukso lang ako ng dalawa. "Namiss mo?".
Inirapan ko lang sila. Buti na lang at dumating na rin yung teacher namin at umalis na yung dalawang yun. Ang ganda-ganda ng gising ko tas babadtripin lang ako hays.
Nagfe-facebook lang ako habang nagdi-discuss yung teacher namin. 'Di naman ako makikita ni Sir eh nasa likod ako. At tsaka ang boring-boring kaya ng pinaguusapan nila.
Malapit ng matapos ang klase namin ng mapansin ko na wala si Seb. Ano kayang ganap non at absent?
"Magkakaroon tayo bukas ng Long quiz okay? Mag-review kayo dahil yung mga diniscuss natin ngayon ay mapapasama sa exam bukas? Good bye class."
Umalis na yung teacher namin. Ako naman ayun at busy pa rin sa pag-scroll ng newsfeed ko.
Yung iba kong kaklase ay lumabas ng room samantalang ako nandoon lang. Ganon talaga kapag mabuting estudyante. Haha charot!
Maya-maya pa ay may isang lalaki na pumasok sa room. Naka-salamin siya tas bagsak yung buhok. Transferee ata.
Umupo siya doon sa upuan ni Seb.
"Kuya excuse me?" tumingin siya sakin.
"Yes?"
"May naka-upo na po diyan sa upuan na yan."
"Yeah. Ako!"
Wow! Pilosopo ah? Lakas ng loob.
"I mean.."
Bigla niyang tinakpan yung bibig ko at tinanggal niya yung salamin niya.
"Seb?"
"Yeah? Anong meron sayo ngayon? Ang weird mo Mandy."
Hala! Hahahaha seryoso? Takte 'di ko siya nakilala in fairness.
"Akala ko transferee eh. Ano bang meron sayo at may pasala-salamin ka pa?" lumapit ako sa kanya tas ginulo ko buhok niya. "tas isama mo pa 'tong mala kpop mong hairstyle ngayon." tumawa lang ito.
"Lakas ng trip mo ah? Bakit ngayon mo lang ba nakita na suot ko 'tong salamin na to?"
"Oo. Kaya nga 'di kita namukhaan diba?" magsasalita pa sana ako kaso tinakpan niya na bibig ko. Hilig talaga nito mangtakip ng bibig. Nakakainis!
"Samahan mo na lang ako sa canteen. Wala naman daw next teacher natin. Nagugutom na ako." walang sabi-sabi na hinila niya na lang ako basta-basta. First time kong kaladkarin ng isang lalaki.
"Saglit lang! Kaya kong maglakad."
Binitawan niya na ako at sumenyas na sundan ko siya. Bwisit talaga yun! Napaka-weirdo ngayon.
Sa halip na sa canteen kami pumunta ay dumiretso kami sa kotse niya.
"Sakay na."
Sumakay na ako sa kotse niya at pinaharurot nito iyon palabas ng school namin.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta." tumawa ito ng bahagya. "gusto ko lang mag-unwind. Samahan mo ko."
Sa isang resto-bar niya ako dinala. Masyadong maka-80's yung ambiance ng resto-bar na iyon na hindi naman kalayuan sa school namin. Pero in fairness eh ngayon ko lang nakita 'to at talagang maganda.
Isang lalaki ang sumalubong sa amin. Ngumiti ito.
"Good afternoon Mr. Alejandrino. Na sa VIP area po yung pina-reserve niyong table. This way sir." Naunang maglakad yung lalaki na sinundan namin. Napapa-wow na lang talaga ako sa ganda nung lugar. At tsaka halata mo namang may mga pera yung napunta doon.
Isang black painted room yung pinagdalhan samin. Sa side ng room ay may mga aquarium. As in super ganda. Nakakawala ng stress tingnan yung mga isda habang nalangoy tapos ang ganda pa ng music plus dim light.
"Lagi ka ba dito Seb? Ang ganda ng place na 'to." hindi pa rin ako makapaniwala habang sinasabi ko yun. Kahit yung mga upuan eh ang ganda. Feeling ko tuloy super yaman ko.
"Hindi naman. Usually napunta ako dito kapag bored ako sa buhay ko o kaya wala akong magawa sa bahay."
Nagsimula ng magdatingan yung mga foods. Ang dami gooosh!
"Tayo laht uubos niyan?" takang tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito at nagsimula ng kumain. Ang takaw. Naubos agad yung dalawang slices ng pizza. Pero in fairness kay Seb ah kahit matakaw ito ay 'di mo mahahalata sa figure ng body nito. Medyo payat kasi ito na sexy tingnan para sa kalalakihan. I mean yung sakto lang. 'Di chubby, 'di kapayatan masyado.
"Sa halip na kumain ka diyan e tinititigan mo ako. Mamaya niyan matunaw ako." bigla kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Seryoso? 'Di ko naman siya tinititigan eh. Kapal talaga ng lalaking 'to.
Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay nilantakan ko na rin yung pagkain. Oo nilantakan ko talaga. Haha!
After naming kumain ay may pumasok na lalaki at may dalang bucket na beer. Napatingin lang ako kay Seb na bahagyang ngumiti.
"Alam kong kailangan mo yan. Nagbalik na ex mo diba?" nagulat ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman? "kalat na sa school na ex mo nga siya. Isa na rin yun sa rason kaya bakit ako natagalan pumasok sa school eh para makakuha ng right spot at the right moment dito sa resto na to."
Medyo natuwa ako sa sinabi niya. Oo na. Kinilig na rin.
"Loko. Wala na sa kin yung break-up namin ni Kristoff. Matagal na yun. Maybe 2 years ago?" tumawa ako ng fake sabay inom ng beer. 'Di ako gaanong nainom ng mga ganito kaya hindi ako sanay. Sinabayan ko na lang ng kain ng mani. "You know what? Okay na sana kami non eh. Kaso niloko niya ako. Niloko niya ako sa mga sweet words niya. Lahat naman kasi ng lalaki ganon."
Nakita ko itong nainom na rin kaya medyo ginanahan akong mag-drama sa kanya.
"Nasaktan ako. Pride pati pagkatao ko binigay ko sa kanya before pero in the end, mawawala lang rin pala kung anong meron kami. Nakaka-puta diba? Nakakainis. Kaya prinomise ko mag-mula noon na kung sino man magtankang ligawan ako, over my dead gorgeous body. Bahala sila! Balak ko na nga ata maging matandang dalaga eh."
"Feeling ko rin, lahat ng lalaki ay ganon. Kasi bakit? Halos lahat ng napapansin ko sa mga lalaki ngayon e hanggang umpisa lang sila. Kami namang mga babae eto nagiging tanga."
Ininom ko yung isang basong beer. Wala akong pake kung malasing ako. Buti na lang at tumawag yung class president namin na wala daw klase kasi nagkaroon daw ng urgent meeting ang mga teacher and staff ng school regarding sa pinaghahanandaan nilang pageant. Tapos yung mga gamit ko nama'y pinakuha ko na rin sa kapatid ko para wala na akong po-problemahin. Pa-uwi na lang.
"Ikaw ba Seb? Nagka-girlfriend ka na?"
Nabilaukan ito sa paginom. Kitang-kita naman sa paglunok nito.
"Oo." sabi niya sa isang malungkot na boses. "pinagpalit niya ako sa bestfriend ko."
Interesting na kwento 'to ah? "O talaga? Paano?"
"Well, dalawa kasi bestfriend ko. Si Drake yung pinaka-close ko sa dalawa. Pinagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng bagay. Ultimo nga siguro kulay ng brief ko eh alam non." bahagyang natawa ito. "kapatid na talaga turing ko don kaso nalaman kong siya yung other guy ng girlfriend ko na si Samia. Alam mo Mandy? Parehas kayo ni Samia sa ugali. Kaya siguro napalapit rin ako sayo."
Tinitigan ko siya. Feeling ko paiyak na 'to.
"Nung malaman ko na si Drake yung kaagaw ko kay Samia, nakipagbugbugan ako sa kanya. 'Di ko na alam ginagawa ko non kasi nakainom na rin ako. Sa totoo lang eh kamuntik ko na siyang mapatay kaso dumating si Samia."
[SEB'S FLASHBACK]
"Seb! Let me explain please? Please Seb! Wag mong saktan si Drake!!"
Sinapak ko ng sinapak si Drake hanggang sa mapahiga 'to sa floor. Pvtangina! Wala akong pake kung mapatay ko siya. Mga hayop!
"Let you explain? Wtf Samia! Ano pang ie-explain mo? Na pati bestfriend ko pinatungan mo? Fvckyou!"
Isang malakas na sampal ang bumulaga sakin.
Masasampal ko sana si Samia kaso biglang dumating sila Steve, yung isa ko pang bestfriend.
"Yow bro! Stop. That's too much."
Tiningnan ko lang sila ng masama bago umalis. Pinaharurot ko yung kotse ko papalayo sa kanila. Bahala na kung saan ako mapadpad. Bahala na..
[END OF FLASHBACK]
"Nung mga sandaling 'yon, galit talaga nararamdaman ko sa kanila. Nung mga oras na yon sobrang galit na galit talaga ako. Yung tipong sasabog." uminom to ng alak. Isang bote. "and then may nangyaring masama. Namatay si Samia. Sinundan niya raw ako para magpaliwanag. Kaso nung sinusundan niya ako ay may biglang sumulpot na motor sa harapan niya at bigla niyang naliko sa may ilog yung kotse niya at namatay siya. Nung tinawagan ako nila Steve halo-halo na emosyon ko non. Naiiyak, galit, natawa, naaawa, para na akong baliw kung tutuusin."
"2 years din ang nagdaan. 2 years kkng pinagdusahan yun. Nag-stop nga din ako ng pagaaral ko eh. You know? Hahaha 21 na ako ngayon and yet na sa grade 12 pa rin ako." well, 19 lang ako. "ayaw ko rin kasi ng special treatment. Gusto ko yung pinagpapaguran ko simula't sapul."
Biglang nagkaroon ng katahimikan sa paligid namin tapos bigla kaming nagtawanang dalawa sa sobrang ka-emohan namin.
"Jusko Seb! Mas ma-drama pa pala yang nakaraan mo kaysa sa ex ko eh. Hahaha! Wag na nga nating problemahin yan. Nabwi-bwisit lang ako sa mga past talaga nako. Well, parte na lang sila. Memories kumbaga. Memories na tinuruan tayo ng lesson para kapag nag-step forward tayo eh hindi na tayo matutulad sa past decision natin sa buhay."
"Yeah. Tama ka naman. Anyway, gusto mo pa ba ng alak or punta tayong Tagaytay para magpalamig?"
"Tagaytay na lang." Yieee! Super saya ko talaga. Gala mode is on! Rawr!
Lalabas na sana kami sa room namin ng biglang nagkaroon ng putukan sa labas.
"Seb ano yun?"
Halong takot at kaba ang nararamdaman ko ng mga sandaling 'yun. Totoo nga yung sinasabi nila na kapag masaya ay biglang may mangyayaring masama.
"Ssssh. Kalma ka lang. Walang mangyayaring masama satin."
Pinayuko ako ni Seb samantalang sumilip siya sa pinto. Maya-maya ay pinatayo niya ako at pumunta kami sa may right side ng room at inikot niya yung vase na nasa table. Nagulat ako kasi biglang bumukas yung aquarium at mahati ito sa gitna. Bale nagkaroon ng maliit na daanan pababa.
"Tara na. Bilisan mo bago pa nila tayo maabutan"
"Teka! Sinong sila?"
"Basta!"
Payuko kaming bumaba sa parang kweba na lagusan at paunti-unti kong nakikita yung kotse ni Seb.
"Bilisan mo tumakbo ah? Na sa loob pa sila kaya makakaalis pa tayo dito bago tayo mamatay."
Hindi ko naaintindihan yung sitwayon ngayon. Basta ang gusto ko lang ngayon ay mabuhay.
Ligtas naman kaming nakasakay sa kotse ni Seb kaso nakita kami ng isa sa lalaking naka-itim.
"Boss! Nandoon sila!"
Pinaputukan yung kotse ni Seb. Ako naman ay todo yuko sa sasakyan niya habang natili. First time ko maka-experience ng ganito. Ayaw ko pang mamatay!
"Seb ayaw ko na! Please gisingin mo ko. Nananaginip na naman ako!"
Ngunit sa halip na mag-response si Seb sakin eh binilisan niya yung patakbo sa sasakyan.
Hindi ko alam kung nakalayo na ba kami pero thanks God eh wala naman akong nakikita na nahabol na samin.
Tiningnan ko siya at umayos na ako sa pagkaka-upo ko. Shit! Ngayon ko lang talaga na napagtanto na ang gwapo niya. Pinaghalo siyang Asa Butterfield at V ng BTS.
"Seb? Sino ba talaga yung mga humahabol satin?"
Tiningnan niya ko. "Cortez."