FIVE YEARS LATER
"Tito! Look oh" Kasama ko ngayon ang pamangkin ko na si Ashiee. We are currently in the mall, nagshopping lang kasi ang kapatid kong si Mattea kasama ang asawa nyang si Andrew. They got married three years ago sa Sweden. Their daughter is 3 years old na at sobrang kulit. Hawak-hawak ko ang kamay ni Ashiee habang turo ng turo ng mga laruan na nadadaan namin.
"O em geh, less go over there" Kumalas sya ng pagkakahawak sa akin at tumakbo papunta sa ToyRUs store. I just smiled and followed her.
"Tito, I want dis" Hawak nya ang isang bola na may naka lagay na LOL!
"What is that?" tanong ko naman sa kanya.
"You don't know dis, it's call L-O-L."
"Ah, ok. Ang galing naman" kunyare mangha ko naman na sinabi sa kanya. "Miss, we'll get it" sabay turo ko sa laruan na LOL daw.
"Okay po Sir"
"Yehey. Thank you Tito" tumalon-talon sya para ikiss ako. Napangiti ako at kinarga sya at hinalikan nya ako sa pisngi. Napatingin lang sa amin ang sales lady.
"Tapos na ba Miss?"
"Ayy, opo Sir. Ito na. Please come again" Tumango nalang ako sa kanya.
Naglakad-lakad ulit kami sa mall at sa isang boutique, nakita ko si Mattea. Pumunta kami sa DIOR store at tumakbo si Ashiee sa gawi nya.
"Mommy!"
Nakita naman sya ni Mattea at sinalubong ito ng yakap. "Did you behave to Tito Baste mo?'
"Syempre naman po, I have dis new LOL toy nga ee" Napatawa nalang si Mattea sa anak nya.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang text. "Ate, mauuna na muna ako ahh"
"Oh, sure Baste. Thanks sa pag-alaga kay Ashiee at sa wakas na kapag shopping kami ni Andrew kahit sandali"
"No worries."
"Oh wait. Nasa fitting room si Andrew. Paalam ka lang." Pumunta sya sa fitting room at tinawag ang brother-in-law ko.
"Bro, ingat ka. Thanks for taking care of Ashiee"
"Wala 'yon, mauna na ako."
"Sige sige"
Bago ako pumunta sa bahay ko, I dropped by sa flower shop at nagorder ng bouquet of flowers. I hopped in my car at pinaharurot na papunta sa bahay. Nagpapahinga sana ako ngayon kaso humingi ng favour sina Andrew to take care of Ashiee even for one hour. Naka-off kasi ang babysitter nila kaya walang mag-aalaga kaya ako pumunta kanina sa mall.
I pressed the button for the gate to open at pumasok na ako. I parked my car infront of the house kasi may ipipick-up lang ako.
I walk out of the car and excitedly open the door of the house. Bumungad sa akin ang tawag ng anak ko.
"Daddy!!!"
I ready myself kasi alam kong tatalon sya sa akin. I spread my two arms and he jumped towards me and I carried him habang umikot-ikot kaming dalawa. Tuwang-tuwa naman ang anak ko.
"Leon, nagpakabait ka ba sa Mommy?"
"Yes, Daddy. Mommy just went out. I'm here with yaya."
"Yes, I know buddy, your Mom just message me. So, let's go"
"Okay po!" masayang naglakad sa unahan ko si Leon. He is three years old as well. Same as Ashiee but Ashiee is 6 months older than him.
Bumiyahe kami ni Leon papunta sa sementeryo. Naglakad kami papunta sa puntod nya. Nakita ko na andun na pala ang asawa ko. Nauna na sa akin.
"Mommy!" Tumakbo si Leon papunta kay Isabella at niyakap sya.
She look up to me and smile. "Mahal" she extended her hand na para bang inaalok nya ako. naihug din nya.
"Saglit lang ako nawala Mahal, miss mo kaagad ako. Ikaw ah" I teased her while walking towards her and niyakap ang mag-ina ko.
"Miss mo na si Nanang no" nilingon ko ang asawa ko na malungkot ang mga mata. She is carrying Leon on her arms habang nakatitig lang sa puntod ni Nanang na nag-alaga sa kanya simula bata pa sya.
"Kung saan ka man ngayon Nanang, sana masaya ka. Miss na po kita" Inilapag ko naman ang mga bulaklak na binili ko kanina bago pumunta dito. Isabella text me kanina na nakalimutan nyang bumili ng bulaklak kaya pinasunod nalang nya kami ni Leon para bumisita.
Inakbayan ko ang asawa ko at inalalayan sya maglakad. Isabella is walking fine. She just cannot bend her left knee as much as normal people do. She has a steel inside of her bone to support her walk but she is happy na nakakalakad sya kahit ang laki ng stitches nya sa left leg. I remember na the day I saw her stop breathing..
**Flashback**
"Isabella!!!" naupo lang ako sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Isabella.
"Seb.." narinig ko ang tawag ni Tito Joaquin. He open the door widely at tinulungan akong tumayo. Para akong lasing na naglalakad pa punta kay Isabella. Hindi ako makapaniwala na ganyan ang kalagayan nya.
"Mahal! Gumising ka! I finally found you, my god! WAKE UP!" lahat kami sa kwarto nag-iiyakan. Grabe ang hagolgol ko. I've never cried like this before. Puta, ang sakit. Naninikip ang dibdib ko.
"I need to time her death" sabi ng doctor. Tiningnan na nya ang relo nya at sumigaw ako.
"NOOOO! Isabella!!!"
"Time of d.."
Napatigil kaming lahat ng biglang nagka-heart pulse ulit ang machine. Bigla akong pinalayo ng doctor at nagsimulang mag chest compression ang doctor. Mahina lang ang pulse pero it has something. Isabella is fighting.
"Oh god! Thank you!" sabi ni Tita Emily habang nakaupo na sa couch at puno ng tissue ang kamay nya. Si Tito Joaquin naman nakatalikod lang sa amin pero I know that he is crying as well.
Successful ang chest compression ng doctor at bumalik ang pulso ni Isabella. Lahat kami nakahinga ng maluwag. Nanghina ang buong katawan ko. Akala ko huli na ako. Fuck, that was close. So fucking close.
"It was a miracle, this situation doesn't happen all the time. She is.. lucky" the doctor said while he is looking at me. "We will still need monitered her pero sa ngayon, it seems like she is okay. Bumalik ang pulso nya kaya we will make sure na we prevent what happened earlier. Okay."
"Thank you, Doc" Tito Joaquin escorted the doctor and nurses out of the room at natira kami ni Tita Emily.
Tumayo si Tita Emily at lumapit sa akin. "Sebastian, I am so sorry. Bella doesn't want you to know but can you please stay with her. I think she really needs you. She can't swallow pills anymore. Nahihirapan syang uminom ng tubig as well because she said it taste like metal. I think..with you here for her, she will be okay" I saw the look of her mother na grabe ang pag-aalala kay Isabella.
I smile "Don't worry Tita, I planned to do it without any request"
"Thank you Sebastian. Salamat hijo" Lumapit si Tita Emily kay Isabella at hinaplos-haplos ang kamay nya.
"You're safe now, darling. Sebastian is here as well. He's here for you na. Please be strong, anak"
**End of Flashback**
Isinakay ko ang mag-ina ko sa sasakyan at nag drive na papunta sa bahay namin. While we are in our subdivision, Leon insisted going to the park. Gusto nyang maglaro.
Isabella and I just laughed, we drop by muna sa park and Leon is really hyper today. "Mommy, Daddy! Hurry up. Let's play!"
"Leon, baby, you know naman that Mommy cannot run, 'di ba"
"Ayy, oo nga po pala, hehe. Churry Mommy. I love you"
"Don't worry baby."
"Mahal..what did Leon ate today?" tanong ko sa asawa ko.
"Why Mahal?"
"Before I left kanina, tame lang sya, ngayon grabe ang energy nya."
"Oh" Isabella laughed. God, I love how she smile and look at me. The wind blow and hinangin ang mahaba at kulot nyang buhok. After the chemotheraphy, her hair grow to be curly instead of her original hair na straight lang. She slowly tuck in her hair behind her ear pero inunahan ko na.
"Let me.." Inilagay ko ang buhok nya sa likod ng tenga nya. Her eyes and mine met at para bang may dumaloy na mga kuryente sa katawan ko. Binasa ko ang labi ko at tumingin sa labi nya. She did the same. And that makes me excited.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para angkinin ang labi ng asawa ko nang sumigaw si Leon.
"Daddy NO!" nagulat kaming dalawa ni Isabella kasi Leon is running towards us at biglang pinaglayo kami. "Do not kiss Mommy. Mommy is mine. I can only kiss Mommy. If you want to kiss someone, you can kiss me" Nagkatinginan kami ni Isabella at napatawa na lang ng malakas. Nakalimutan pala namin na andito si Leon sa paligid. He hates it while I kiss Isabella in front of him. He gets jealous so fast.
"Leon, you know naman na your Mommy is MY wife. So I can kiss her anytime I want"
"NO! Mommy is my mommy. I can kiss Mommy anytime as well. BLEEEHH!"
"Ah ganun, I want to kiss Mommy but you stop me, so I will kiss you na lang. Are you ready, little fella?"
Isabella laughed. "Ano ba yan, Mahal"
Sumigaw si Leon palayo sa akin habang ako hinahabol sya kasi tatadtarin ko na naman sya ng halik sa pisngi, at lalong lalo na sa tyan nya.
"WAAHHHHHH!!!"
"LEONNN! Daddy's coming!"
"WAAHHHHH"
"Huli kang bata ka!" At ayon nga tinadtad ko si Leon ng halik sa tyan, which he gets so tickled so easily. He is laughing so hard. Pero habang hindi nakatingin si Leon, I steal a kiss from my wife at halata sa mukha nyang nagulat sya. Pinalo nya ako but I steal a kiss from her again.
"AHH! Daddy, you're cheating! You are kissing Mommy!"
"Opps, nakita tayo Mahal"
"HAHAHAHA" tawang-tawa si Isabella.
Damn, my heart is so full right know. I guessed I am the happiest husband and father in the world with this two beside me.
Isabella's POV
Nagising ako sa malamig na hangin galing sa terrace ng master bedroom namin ni Sebastian. Beside me is Leon at si Sebastian naman ang nasa likod ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa bewang ko at bumangon muna sa pagkakahiga. Isinuot ko ang bathrobe ko kasi naka-aircon at bukas pa ang terrace door kaya naman malamig na. Baka magkasipon si Leon. I opened the terrace door a little wide and pumunta sa terrace. I think it is midnight na. Everyone is sleeping. All the neighbours light are turned off as well. Inamoy ko ang simoy ng hangin. I like the smell of it kasi fresh, napapaligiran kami ng mga puno at halaman. Ang terrrace ng master bedroom namin at nakaharap sa garden o sa likod ng bahay. May treehouse si Leon sa kanang bahagi ng garden. May swimming pool sa kaliwang bahagi at mga halaman sa gitna.
I reminisce the painful memory of the past five years. The biggest mistake na napagdisisyonan ko ay hindi sabihin kay Sebastian ang sakit ko. Muntik na akong mamatay ng hindi man lang sinabi sa kanya ang kalagayan ko but God is good. Tinupad nya ang hiling ko sa kanya. Ang hiling ko na maging masaya si Sebastian, magkaroon ng anak, at ang mabuhay ako. I do not have anything that I could ask for. I have everything. Ang taba ng puso ko at wala na akong hihilingin pa kundi ang pamilya ko ngayon at ang kalusugan nila. Iyon lang ang importante sa akin.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako dito sa terrace ng biglang may yumakap sa likod ko at diretsong hinalikan ang leeg ko.
"Bakit ka gising, Mahal?"
"Nagising lang ako sa lamig ng simoy ng hangin kanina, Mahal. I planned to close the terrace door kaso nga lang, nasarapan ako sa hangin dito sa labas." Sebastian keeps kissing my neck.
"Gusto mo ba ng ibang sarap, Mahal?"
Napangiti na lang ako sa sinabi nya. "Shh, maririnig tayo ni Leon sa loob"
"Mahal, I think it's time na sundan na natin sya"
I laughed naughtily, "Stop, you're making me blush"
"Blush or horny?" tanong ni Sebastian.
"Mahal!" Sebastian laughed at pinaharap ako sa kanya.
"Are you happy?" habang nilagay nya ang kanang palad nya sa mukha ko while looking into my eyes.
Hinawakan ko ang kamay nya at pumikit muna bago tiningnan din ang mga mata nya. "I am beyond happy, Mahal ko." I smiled and he smiled that I saw his cute dimples again.
Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon while not taking his eyes of me. I pursed my lips kasi kinikilig pa rin ako kahit ganito kami maglambingan araw-araw. Hindi talaga nakakasawa.
Kuminang ang singsing na binigay nya noong nag proposed sya sa akin.
"Mahal, do you remember when you propose to me 4 years ago?" tanong ko kay Sebastian at sya nahiya na naman sya sa ginawa nya sa araw na 'yon.
I laughed and reminisced the memory.
**Flashback**
I remeber I just got out of my check-up and just finished my physiotheraphy for my left leg when Tanya text me to drop off daw sa kompanya namin, which is the Frontier Corporation. Tha time I know that Sebastian still out of the country kasi daw may business meeting sya sa Japan but little did I know. May pinaplano pala silang lahat para sa akin.
I got out the car and went inside the company pero wala si Manong guard o ang receptionist man lang sa front desk. Walang katao-tao, nang biglang may kumanta sa likod ko at sumunod na ang tugtog.
Before you came into my life
Everything was black and white
Now all I see is colour
Like a rainbow in the sky
So, tell me your love will never fade
That I won't see no clouds of grey
'Cause I don't want another
You bring colour to my life, baby
Napatulala ako kasi si Sebastian kumakanta. OMG! Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. May dala-dala syang pulang rosas at microphone habang kumakanta. Halatang nahihiya sya pero tinuloy nya ang pagkanta nya. Nang biglang may nag-flashmob at nagsilabasan na ang mga tao. Ang employees ng kompanya kasama. Sila mommy, daddy, Tita Silvia and Tito George. Andito din sina Tanya at Tyler. Sila Nanang at ang iba pang kasambahay sa bahay. Lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay andito. The dancer danced infront of me while Sebastian is still singing. Sebastian stop singing at napalitan ng boses ni Tanya. What! Kumakanta din ang bestfriend ko. Dinala ako nila sa back parking lot ng kompnya. May maliit doon na mga bulaklak, tambayan dito ng mga employee pag break nila. May mga balloon sa gilid, madaming mga design na kung ano-ano sa mga puno.
Lumapit si Sebastian sa akin at pinalibutan kami ng mga tao. Everyone went silent when Sebastian kneel infront of me and he took out a small square box, and when he opened it, I saw a blue sapphire na kuminang kasi na-arawan sya.
"Ehem.." nagtawanan ang mga tao. Nakita ko na mga ngiti ng mga magulang ko na masaya din sila sa nangyayari. Ako, kanina pa ko nagiginig ee. Kinakabahan ako.
"Isabella, after everything that happened. All the trials and hardship that you went through. Please give me your heart inorder to make you happy for the rest of your life." Nagsiyawan ang tao sa paligid.
Tumawa ng pahiya si Sebastian. "Allow me to take care of you, for the rest of our life." Hindi na napigilan ng luha ko na tumulo. Everyone went silent because they are waiting for the question.
"Will you marry, Isabella?"
"YIEEEEE!" 'yong iba nagpasibol pa.
"YES!" After I said yes, tumugtog ulit ang kanta kanina at biglang tumayo si Sebastian para yakapin ako at inilagay na nya ang singsing sa daliri ko.
"I love you." I told him. Sebastian's eye soften na para bang naiiyak sya.
"I love you more Mahal. I cannot bare to lose you again. Let's get old together"
"Mmmm" tumango ako sa kanya at hinalikan nya ako.
"OMG, congratulation Baste! Bella!" tumakbo papunta sa akin si Mattea habang hila-hila nya si Andrew. They are engaged na rin.
Lumapit naman sila Daddy at Mommy and we hug each other. "I'm so happy for you, anak" My dad said with teary eye. "Thank you Daddy."
"Congratulation, anak" Mom hugged me so tightly.
After ng proposal, hindi na ni Dad pinawork ang mga employees nya at nagparty na lang sa loob ng kompanya. Tuwang-tuwa naman ang mga employees at binati din kai ni Seb ng congratulations. I saw Tanya wth teary eye ay umiyak sya.
"HUHU, Bestie, I am so happy for you!" tawa nalang kami ng tawa kasi para syang bata na umiiyak.
It is the one of the best day that happened to my life.
**End of Flashback**
"Yes, I remember. I was so shy dahil pinakanta ako ni Tanya. That woman is weird, hindi nya ako tinantanan hanggang sa um-oo ako sa kanya. " tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi.
"But you know what, Mahal. I appreciated it" I smile and he smile. Yumuko sya sa at nag-nose to nose kami, then he slowly kiss my lips. Shet, ang init nya.
Niyakap ako ng mahigpit ni Seb at pumunta kung saan-saan ang kamay nya sa katawan ko. I inserted my hands inside his shirt at lalong lumalim ang paghalik nya sa akin. Bumaba ang halik nya sa leeg ko and I can feel that he is leaving a kiss mark na naman.
"Hmm, Mahal, no. Mahirap itago 'yan" Pero hindi nya ako pinansin at hinayaan ko na rin sya. After he is satisfied with the kiss mark, he smiled naughtily and kiss me again. Kakargahin na sana nya ako para pumasok sa loob pero na-interrupt kami ng isang bata.
"Daddy! I told you not to kiss Mommy! WAAHHHHH!"
"Shit" mahina na mura ni Sebastian at napa-mewang sya at tumalikod.
Ako naman, dali-daling pumunta kay Leon at pinatahan sya. I tried to not laugh at Sebastian, mukhang bitin na bitin sya.
"WAAAHHHHHH!!"
"Shh, Leon. Stop crying na. Magigising mo ang mga neighbours nyan, sige ka magagalit sila sa atin"
"Mommy kiss" I smiled and kiss Leon on his cheeks. Kinarga ko sya at pumunta kami sa terrace para samahan ang daddy nya.
"Mahal." tawag ko kay Seb nakatalikod sa amin. Tiningnan nya ng masama ang bata.
"Daddy, do not kiss Mommy ahh."
"I cannot promise that"
Oh boy, magtatalo na naman ang mag-ama. Napailing-iling na lang ako sa dalawa. This happens whenever Leon saw us kissing.
"WHY?"
"She's my wife. I can kiss her anytime I want, okay"
"Noo noo noo. You kiss me nalang. Not mommy"
"Leon, how I wish lumabas kang babae"
"What daddy? Girl? Me? No, I am not gay" na-miss interpret ni Leon ang sinabi ni Sebastian kaya nagtawanan na lang kami.
"Come here, buddy" Kinarga na ni Seb si Leon and we went inside the master bedroom para matulog ulit. I think it is only 2 am in the morning.
**Background Music**
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala..
"Let's go, buddy. Let Mommy put blanket over." Humiga ulit kami sa kama. Nasa gitna si Leon habang ang kamay ni Sebastian ay nakayakap sa bewang ko. Ang kamay ko naman ay naka Leon.
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
"Psst" tinawag ko si Seb. He open his eyes and smile. Ang cute talaga ng dimples nya. I mouthed 'Mahal kita' without a sound.
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Sebastian smiles widens and mouthed 'Mahal din kita, Isabella'
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako
Every moment with this two is so precious to me. I am so lucky to be alive. We close our eyes together and sleep while our smile is still showing on our face.
Panginoon, maraming maraming salamat. Thank you for giving me Sebastian and Leon.
Sebastian, Isabella and Leon sleeps soundly in that cold night, holding each other like there is no tomorrow.
--END--
___________________________________
Leon H. Adams
Author's NOTE:
Salamat sa walang sawang pagbabasa kahit laging bitin each chapter. I will tell you something about me kaya matagal akong mag-update.
First of all, Wattpad is not really my priority. I started to write and share this story when its just pop out of my head. Like a composer, biglaan lang na may papasok na kanta sa isip nila kaya kailangan nilang isulat kaagad bago pa nila makalimutan. Same as me. This story of Isabella and Sebastian ay binigyan buhay ko lang ng maisip ko ang kwento na ito ng walang dahilan.
Second, I am still studying. I am in my last semester of Optical studies. I won't tell you specifically, what I am taking, basta it is regarding of the eye health. And guys, it is sooo hard. Lalo pa na kailangan kong dugtungan ang kwento nila Sebastian and Isabella since nasimulan ko na sya last year.
Third, I am currently working as well. OJT, so sobrang gipit talaga ako sa time.
PERO! I am so proud na may natapos akong kwento. Maraming maraming salamat sa inyo. Pasensya na sa mga nabitin ko, may mga nagalit kasi nga bitin sila pero I do not have a choice kung wala akong time para mag-update. Siguro sa next story kong gagawin, I will make sure na consistent ako sa update and publishing of each chapter. For now, magbaba-bye muna ako sa inyo.
Thank you guys for reading Sebastian and Isabella's story. I LOVE YOU!