Kahit nakahiga ako sa komportable kong higaan dito sa loob ng sinasakyan kong space shuttle at nakikinig sa paborito kong kanta na nagmula sa built-in music gallery nitong sinasakyan ko ay di na ako muling dinalaw pa ng antok. Kung kanina ay wala akong gystong gawin kundi ay matulog ngayon ay tuluyang nag-sink in sa'kin kung ano ang nangyayari.
Masyadong napuno ang utak ko ng mga pangamba at alalahanin.
Di ako nag-alala para sa sarili ko kundi para sa mga kakilala at mga kaibigan kong naiwan doon sa Earth.
Oo nga at halos di na pwedeng tirhan ang planetang iyon pero iyon pa rin ang kinikilala kong tahanan kasama ng mga kaibigan ko at ibang mga taga Earth na namumuhay roon.
Habang inilibot ko ang mga mata sa loob ng silid na kinaroroonan ko ay napabuntunghininga na lang ako.
Kahit malakas ang music ay parang ang tahimik pa rin ng loob nitong sinasakyan ko na kasing laki ng maliit na barko na pwedeng kumarga ng kapasidad na isang daang tao.
Isa itong sasakyan ko sa pinakamalaking space shuttle sa buong Capital city at masasabi kong lahat ng kinita ko sa mahigit tatlong taong paninilbihan ko sa Earth government na napunta sa sasakyang ito ay worth it lahat.
Maituturing na pinakamahal na bagay na mayroon ako ang space shuttle na ito.
"Commander, we are fast approaching the first black hole on our destination to planet-X."
Ito na nga iyong sinasabi kong buwis-buhay na paglalakbay patungong planet X.
Kailangan talagang lusutan ang tatlong magkasunud-sunod na black hole.
Noong unang beses na subok ng naunang team na pinadala ay tuluyan silang nilamon ng black hole at ayokong matulad ako sa kanila na literal na naglaho sa kawalan. May naghihintay sa'kin sa Earth at may misyon akong dapat tapusin kaya kailangan kong mabuhay!
Mabilis akong bumangon at umupo sa harap ng consul panel upang i-mannual ang ilang bahagi ng sasakyan ko.
"Xandra... connect me to all the backups."
"You're connected, Commander."
"Thank you Xandra, prepare for the maximum speed needed for this obstacle."
"Right away Commander."
Iilang mura ang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang wari ay paghigop ng blackhole sa sinasakyan ko.
Mabilis kong pinagana lahat ng back-ups para sa ganito katinding intensity na humihigop sa sinasakyan ko.
Hindi ako dalubhasa sa paglalakbay sa kalawakan pero minor subject ko ito bago ako grumadwet noon kay masasabi kong may sapat akong kaalaman upang mailigtas ang buhay ko sa ganitong sitwasyon at sana lang ay kasing galing pa rin ako noong nag-aaral pa lang ako.
Determinado ako kahit medyo kinakabahan habang iniiwas ang sinasakyan ko na tuluyang mahigop at mawala na parang bula sa kadilimang walang hanggan.
Ito iyong pinakamahirap na bahagi ng byahe papuntang Planet X at ito rin iyong pinakamabilis na daan.
Kung ibang daan ang gagamitin ko ay tiyak tatanda na ako pero di pa ako makaabot sa planetang pupuntahan ko.
Matapos ang ilang lagabog at pagkaalog-alog ng sinasakyan ko ay tuluyan ko nang nalampasan ang mga black hole.
"We are approaching planet X atmosphere at 5... 4... 3... 2... 1."
Napakapit pa ako nang tuluyan nang bumulusok papasok sa planet X ang sinasakyan ko.
"Xandra, activate invisibility."
"Invisibility activated."
"Now, open all the detectors we have. Kailangan nating matagpuan agad kung nasaan ang mga hinahanap nating pwedeng makatulong sa atin."
Parang kasing laki ng planet Earth ang planetang ito pero ayon sa nakalap na datos ay piling mga lugar lamang ang na-detect ng mga sensors ng Earth government ang mayroong mga inhabitant na di mabibilang sa mga hayop na unang na-detect na nanirahan sa planetang iyon.
Ayon sa mga impormasyon ay hinihinalaang mga tao ang mga na-detect na iyon ng sensor at pinatunayan nga ng mga lumusob sa Capital city.
Ilang oras na kaming nagpalutang- lutang sa himpapawid bago ko muling narinig na nagsalita si Xandra.
"Commander, our camera caught something."
Kunot-noo akong tumutok sa monitor na nakakonekta sa mga camera sa labas ng space shuttle ko.
Napakurap-kurap ako at napaawang ang mga labi ko nang isang grupo ng mga bunnies ang lumantad sa camera.
"Oh my shit!" mura ko na parang namalikmatang nakatitig sa mapuputi at super cute na mga hayop na iyon na tanging sa libro at computer ko lang nakikita.
Totoo sila, di sila clone at napakarami nila!
Well, marami na para sa akin ang apat na bunny dahil buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng tulad nila sa real life.
" Xandra, open the portal, bababa ako."
"Pero Commander, delikado. Hindi natin alam kung totoo bang di mapanganib ang mga rabbit na iyan lalo na at nasa ibang planeta sila."
"Xandra, mukha naman silang harmless at dala ko ang E-gun ko kaya relax ka lang. Kukuha lang ako ng isa tapos babalik na agad ako rito. Don't worry, okay! Dala ko ang communicator... standby ka lang tatawagan kita kapag nakahuli ako ng isa," pangongonsola ko sa makulit na main control nitong sasakyan ko.
" I can really tell that this is a very bad idea."
Napaikot na lang ang mga mata ko sa patuloy na pagkontra ng sinasakyan ko kahit na binubuksan na nito ang pinto pababa ng space shuttle.
Habang pababa ako ng hagdan patapak sa lupa ng planetang X kung saan ay may tumutubong mga halaman na di ko kilala ay napansin kong suot-suot ko pala ang uniform ko na silver overall.
Nang tuluyan akong nakababa ay agad kong tinanaw ang pinaggalingan ko.
Invisible pa rin ang space shuttle ko mula sa kinatatayuan ko.
"Xandra, retrieve the ladder and close the door," command ko sa communicator na nasa gilid ng suot kong belt na connected kay Xandra.
" Commander, mag-iingat po kayo. Di ko na nakikita ang mga rabbit na nahagip ng monitor ko."
Napailing na lang ako sa parang nag-alalang boses ni Xandra.
"Don't worry Xandra, hahanapin ko sila kaya standby ka lang."
Gusto kong mamangha sa mga berdeng halaman at puno sa paligid dahil never akong nakakita ng ganito sa planetang pinagmulan ko.
"Xandra, isang paraiso ang lugar na ito."
"Pero kailangan niyo pa ring mag-ingat lalo na at di na kita makita sa kapal ng mga punong nakapalibot sa kinaroroonan mo."
" Relax, okay? Masyado kang paranoid katulad ka na ni Liam."
Upang di na makaisturbo sa akin ay ini-mute ko ang boses niya para di ko marinig ang kanyang mga reklamo.
Nakarinig ako ng kaluskos kaya bahagya akong natigilan at mabilis na inilabas ang E-gun ko.
Mula sa pinanggalingan ng kaluskos ay isang pamilyar na hayop mula sa aklat ang nakita kong lumabas.
Nakalimutan ko ang pangalan ng hayop na may sanga-sangang sungay na kasalukuyang nakatitig sa akin.
Medyo may kalakihan ang isang ito pero pwede ko naman sigurong dalhin ito sa space shuttle.
Nakalimutan ko kung nangangagat ba ito o hindi pero basi sa liit ng bibig nito ay mukhang maliit lang din ang kagat nito.
Napaatras ako nang bigla itong kumilos at tumakbo palayo sa akin.
Well, ang bilis nitong tumakbo kaya imposibleng madakip ko ito—
Napasinghap ako nang may maatrasan akong matigas na bagay na may mga kamay na nakahawak na ngayon sa baywang ko.
Singbilis ng kidlat ang ginawa kong pagharap sa may-ari ng mga kamay na nasa baywang ko at humandang manlaban kung sakaling isa itong banta.
Halos bumara sa lalamunan ko ang hininga ko nang sumalubong sa'kin ang malapad at matipunong hubad na dibdib na may nakasabit na malaking medalyon na gawa sa kakaibang klaseng bato.
Mula sa matipunong dibdib ay umakyat ang mga mata ko patungo sa perpekto nitong panga papunta sa mapupula nitong mga labi at matangos na ilong.
Nang magkasalubong ang mga paningin namin ay sunud-sunod akong napalunok habang para akong nalulunod sa asul nitong mga mata.
Oh, God! Mukhang may tumalo na sa kaperpektuhan ng mga mukha ng mga humanoid robots sa kahit saang pleasure house sa buong Central city.
Nang marahang humaplos sa suot kong uniform ang mga kamay niyang nasa baywang ko ay noon ko lang namalayang nakahawak pa rin siya sa akin.
Mabilis akong umatras upang kumawala sa mainit niyang mga haplos.
Kunot-noo naman siyang napatitig sa'kin mula ulo hanggang sa suot-suot kong combat shoes.
"Bakit nakadamit ka , babae?" buo ang boses nitong tanong.
Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.
Hindi naman siguro dahilan na halos nakahubad siya maliban sa suot na shorts hanggang kalahati ng matitipuno niyang hita ay gugustuhin rin niyang wala akong damit!
" Maghubad ka," utos niya na para bang seguradong- segurado siya na susunod ako.
Ano siya, hilo?
"Huwag kang lumapit, tarzan! Masasaktan ka," itinutok ko sa kanya ang hawak kong E-gun nang tangka siyang lumapit dahil di ko sinunod ang nakakatawa niyang utos na paghubarin ako.
" Tarzan?" kunot-noo nitong tanong.
"Oo, tarzan short for taong-lasang. Pero mas bagay sayo ang Conan the Barbarian," nakangiwi kong paliwanag habang inaalala ang mga kwentong pambata na naririnig ko noong nasa Earth Government facility pa ako mula sa mga nag-aalaga sa aming mga test tube babies.
Iglap lang ay nasa harapan ko na siya at halos di ako makapaniwala sa bilis ng kilos niya kahit sobrang laki ng kanyang katawan .
Huli na nang mapansin ko ang malahiganteng espada na nakakabit sa gilid niya dahil tuluyan na niyang nahawakan ang suot kong damit at iglap lang ay nagawa niya itong punitin.
Nahati sa gitna ang overall ko kaya lumantad ang suot kong bra.
Nang akmang iyong bra ko na naman ang pakikialaman niya ay mabilis ko siyang tinira ng E-gun.
Nung una ay bahagya siyang natigilan at napaawang ang labi habang kinukuryenti ko siya.
Inaasahan kong babagsak siya kaya napasinghap ako nang bigla niyang naagaw sa mga kamay ko ang E-gun.
Shit! Di siya tinablan ng E-gun! Anong klaseng katawan meron siya?
Akmang kukunin ko ang communicator ko upang humingi ng tulong kay Xandra pero mabilis din itong nakuha ng kaharap ko.
" Hubad."
"Baliw ka!" bulyaw ko sa mukha niya at mabilis siyang inatake ng pinag-aralan kong offense na iilang kasamahan ko rin ang napabagsak tuwing training.
" F*ck!" malakas kong mura nang bahagya lang siya napaatras at ni hindi man lang kakitaan ng sakit.
Well , okay na rin dahil nakawala ako mula sa pagkakahawak niya sa akin.
Sigurado naman akong hindi siya humanoid robot at kung ganun man siya ay siguradong nayupi na ang outer cover niya sa lakas ng atake ko pero bakit wala akong nakitang emosyon sa mukha niya?
Mas nakatuon ang pansin niya sa communicator ko na hawak niya na para bang pinag-aralan itong mabuti.
Mabuti sana kung naka-on iyon dahil kahit naka-mute ay maririnig ako ni Xandra kaso dahil sa pag-agaw niya nito sakin ay mukhang aksidenting na-off ito dahil nakapatay na ang ilaw na palatandaan ng pagiging connected nito kay Xandra.
"Okay...tama na ang lokohan nating ito! Ibigay mo sa akin iyang hawak mo dahil akin iyan," mahinahon kong kausap sa kaharap ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at inilagay ang hawak na communicator ko sa dala-dala niyang lalagyan na nakakabit sa baywang niya kasama ang E-gun ko na nauna na niyang naagaw.
Nalintikan na! Matagal nang naubos ang mga snatcher kung tawagin noong unang panahon sa Central city pero mukhang ngayon ay may isa akong nakaharap, iyon nga lang kalahi ni Conan the barbarian dahil sa laki ng katawan at hawak na espada.
" Nasa lupain ka ng mga Dragus kaya lahat ng mayroon ka ay pag-aari ko. Di ko gusto iyang kasuotan mo kaya bago pa ako tuluyang magalit ay hubarin mo na iyan."
Seryoso ba siya? Dahil lang sa ayaw niya sa suot ko ay huhubarin ko na ito?
"Over my dead body!" singhal ko sa kanya.
" Di ko maintindihan ang lenggwaheng gamit mo. Saang angkan ka ba galing at bakit hinayaan nilang magsuot ng damit panlalaki ang isang katulad mong babae?"
Parang gusto kong umiyak at matawa nang sabay dahil sa gigil sa panlalait ng higanteng ito sa pinagmamalaki kong uniform naming mga Elite Fighter.
"Damit ko ito kaya mananatili ito sa katawan ko!" matatag kong pahayag kahit nasira na ito sa harapan dahil sa pagpunit niya rito.
" Isang kalapastanganan iyang damit mo kaya hubarin mo iyan!" kalmado nitong utos.
"Di mo ako mapipilit barbarian!" taas noo kong pahayag.
Napamura ako nang iglap lang ay mabilis niya akong nahawakan sa braso.
" Bitiwan mo ako!" pilit akong nagpumiglas pero parang bakal sa tigas ang mga kamay niya at ako lang iyong nasasaktan sa pagpupumiglas ko.
Kinunutan lang niya ng noo ang bawat suntok at sipa ko na tumatama sa malaki niyang katawan.
Ngayon alam ko na kung paano nasakop ng mga kalahi ng lalaking ito ang Earth Central.
Parang pan-display nga lang ang nakakatakot sa laking espada na nasa baywang niya dahil kaya niya akong pigilan gamit lang ang malabakal niyang kamay at walang kapantay niyang lakas.
Isa lang ang sigurado ako, hindi lang display ang malalaki niyang muscles dahil gamit na gamit niya ang lakas na kaakibat ng mga ito ngayon sa akin.
Piste,pinagsamang sampung humanoid fighter robots ang lakas ng barbarian na ito!
Napasinghap ako nang may pinisil siyang pressure point sa batok ko dahilan nang pagdilim ng paligid ko.
Nalintikan na!
Huli kong nakita bago ako tuluyang nawalan ng malay ay ang seryosong kagwapuhan ng kalahi ni Conan the barbarian na matamang nakatitig sa mukha ko.