We Got Married

By Spicalicious

1.5K 247 62

Pano kung pag gising mo malapit ka nang ikasal? Ang masaklap pa don sa pinaka iinisan mo pang tao ka ikakasal... More

Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 05

68 18 5
By Spicalicious

"Marami kaming iba't ibang uri ng gown dito sa Bridal shop namin gaya nalang ng Empire Silhoutte, A-Line Silhoutte, Trumpet Silhoutte, Sheath Silhoutte, Mermaid Silhoutte, and last but not the least Ballgown Silhoutte" Iwinawasiwas niya ang kamay niya sa ere habang sinasambit ang mga yon

"Ang kasal ay isang napaka importanting okasyon kung saan ikaw ang bida at nasa iyo ang atensyon ng lahat ng tao, kaya dapat maganda at iliganteng tignan ang Wedding Dress mo sa araw ng kasal mo. Sukatin mo ang ano mang magustuhan mo ija, Pero siguraduhin mong makikita mo ang 'The One' na tinatawag nila" Dagdag niya pa

'The One'? Ano ba yon? Kahit ano naman siguro ay pwede na, Isa pa hindi ko naman gusto ang kasal na'to

Nag ikot ikot ako sa loob ng Bridal shop habang naka upo sila Mommy sa sofa at nagkukwentuhan, Marami ngang magagandang Wedding Dress ang narito kaya kahit ano siguro ay pwede na

Pumili ako ng tatlo na sa tingin ko ay magugustuhan naman ni Mommy at Daddy at agad akong pumunta sa Fitting room at inassist naman ako ng dalawang staff

Nang buksan nila ang kurtina ng fitting room ay nakita ko sila Mommy at Tita Sarah na matyaga akong sinisiyasat, Nakita ko ring nag usap sila pero hindi ko ito maintindihan "Tracy, Sweetie umikot ka" Nang pagka sabing iyon ni Mommy ay agad naman akong umikot "Hindi ko gusto ang isang yan, Sweetie mag sukat ka pa ng isa" At pumasok ulit ako sa loob at ganon ulit ang nangyari inassist ulit ako ng dalawang staff at pagka tapos ay ipinakita ko kila Mommy ang suot ko pero ayaw pa din niya

Sana naman ang huli kong pinili ay magustuhan niya na dahil napapagod na kong mag hubad at mag suot ng Wedding Dress, and for the last time ay hindi pa rin niya nagustuhan "Sweetie wala kana bang ibang gusto? Marami pang mas magagandang Dress dyan kaysa sa mga nauna mong napili" Tinatamad na nga akong umalis pa sa kinatatayuan ko, Napapagod na ko pwede na'to Mommy huhu

"Sige ako na lang ang pipili" Ngumiti si Mom bago tumayo, ako naman ay umupo muna sa Sofa dahil na ngangawit na ang mga binti ko sa pag tayo

Ilang minuto rin akong nag hintay bago bumalik si Mommy "Ito, Sweetie isukat mo ito" Iniabot ni Mommy sa isang staff ang Gown at tamad na tamad naman akong tumayo papunta sa Fitting Room

"Wow ang ganda nitong napili ni Mommy" manghang mangha kong sabi sa sarili

"Bagay na bagay po sa inyo ang isang yan" sambit ng isang staff habang abot langit ang ngiti

Nang buksan na nila ang kurtina ay napatayo sila Mommy at Tita Sarah at para bang may mga kumikinang sa mga mata nila ng makita nila ko "Wow Sweetie napaka ganda mo" Masayang lumapit sakin si Mommy "Oo nga Tracy, Napaka ganda mo" at napa palakpak pa si Tita Sarah

"Napaka galing niyo pong pumili Mommy, Ganto rin po ba ang isinuot mong Gown nung kasal niyo ni Dad?" Tanong ko at Masaya naman siyang tumango

"So ang pinili niyo ay isang klase ng Ballgown Silhouette at nag iisa lang yan. Kahit kailan talaga napaka galing mo pa ring pumili Claire" natatawang sambit ni Tita Sarah

"Syempre naman, Ako paba?" Taas nuong sagot ni Mommy kaya natawa kami ni Tita Sarah

Pagka tapos kung hubarin ang Wedding Dress ay si Mommy na rin ang pumili ng Veil ko may tiwala naman ako sa kanya dahil sabi nga ni Tita Sarah magaling pumili si Mommy

After ng Dalawang oras na nasa Bridal Shop kami ni Mommy ay sa wakas uuwi na rin kami dahil gabi na nang matapos kami, hindi ko naisip na ganto pala kahirap ang pag pili ng Wedding Dress pano pa kaya ang Flowers? Venues? Cakes? Hotel? Photographer and Videographer? Iniisip ko pa lang napapagod na agad ako

Nang makarating kami sa bahay ay kumain muna kami bago ko umakyat sa kwarto ko para mag pahinga

Nitong mga nakaraan ay lagi akong pagod hindi lang Physically pati na rin Mentally sama ko na rin ang Spiritually, Napailing na lang ako sa iniisip ko at ipinikit na ang mata ko

Nasa Field kaming tatlo nila Rhianne habang umiinom ng Chuckie nang lapitan kami nila Dwayne, Ano nanaman bang binabalak nitong nilalang na'to?

"Pwede ko bang makausap si Tracy ng kami lang dalawa?" Nagka tinginan naman kaming tatlo pagka tapos ay tumayo yung dalawa tyaka umalis, Bakit naman nila sinunod ang taong to? Urgh I will remember this betrayal!

Pagka alis nang dalawa ay umalis na rin yung anim sa likod niya "So ano ba talagang gusto mong sabihin?" Walang ganang tanong ko habang humihigop pa rin ng Chuckie

Tumingin siya sakin bago umupo sa tabi ko kaya napa usog ako ng wala sa oras "Ano ba kasi yon ha?" iritadong tanong ko

Nag ayos siya ng upo at tumingin sa field bago muling tumingin sakin "Well, Gusto ko lang sabihin na gagawin natin to para sa kumpanya ni Tito Thomas at wala ng iba. Pagka tapos ng kasal pwede mong gawin ang gusto mo at ganon rin ako, tapos pag okay na ang lahat pwede na tayong mag hiwalay" Nakatingin lang ako sa field habang humihigop parin ng Chuckie, Gusto ko rin naman ang sinabi niyang yon kumbaga wala kaming pakielamanan sa isa't isa hanggang sa maayos ang lahat sa Kumpanya ni Dad

"Pero eto ang tatandaan mo Tracy, Hindi ka pwedeng ma inlove sakin" Pagka sabi niyang yon ay nasamhid ako parang muntik ko pang malunok yung straw, Nag papatawa ba siya? Ako maiinlove? Sa kanya?

Natawa ko habang nauubo ubo pa "S-seryoso kaba dyan?" Tyaka ko tumawa ulit "Ako? Maiin love sayo? No way, Hindi ikaw ang tipo kong lalaki. Over my dead beautiful body" Taas nuong sabi ko

"Siguraduhin mo lang, Dahil pag nagka taong main love ka sakin ay wala akong balak saluhin ka.... But I will make you fall for me and I will left you hanging" Aba't napaka yabang pala talaga nitong nilalang na'to left you hanging, Left you hanging e kung hangirin ko kaya siya ngayon?

"Oh really? Then try me" Kinindatan ko siya bago ko tumayo at nag lakad palayo

Sino ba siya sa inaakala niya? Sa tingin niya ba ay ganon ganon na lang akong maiin love sa kanya? Akala niya siguro ay siya si Mark Tuan ng Got7 para main love ako kanya psh

"Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang lalaking yon" bulong ko sa sarili

Habang masaya kaming nagkukwentuhan nila Rhianne sa Room ay bigla na lang pumasok sila Dwayne kaya napalitan ng inis ang pag tawa ko

Tumingin siya sakin bago nag lakad papunta sa pwesto namin nila Rhianne "Pwede ko bang makatabi si Tracy?" Tumingin siya kila Kurt bago tumingin sakin at ngumiti ng nakakaloko "My Soon-To be-Wife?" dagdag niya pa

Sa sinabi niyang yon ay nagsi tayuan ang balahibo sa katawan ko, Tumawa naman ng malandi yung dalawa bago umalis at lumipat ng pwesto, Grabi talaga silang dalawa kanina pa nila ko iniiwan sa ere! Makaka ganti rin ako sa inyong dalawa! Urgh!

"Sa tingin mo ba maiin love ako sayo sa pag tabi mo sakin?" Walang ganang sabi ko

Inilapit niya ang mukha niya sakin kaya nagulat ako pero hindi ko ito ipinahalata sa kanya "May...be" Malanding sambit niya

Malapit na yung mukha niya pero mas nilapit ko ang mukha ko, ngayon naman ay konting galaw na lang ay mag didikit na ang mga labi namin "Oh really?" Syempre hindi ako magpapa talo malandi rin ang pagkaka bigkas ko

"Anong nangyayari dito? Mr. Enrile and Ms. Lopez anong ginagawa niyo?" Agad kong inilayo ang mukha ko ng dumating ang professor namin

"Nothing prof, Masyado lang akong nag enjoy sa Company ni Ms. Lopez" Parang may nais siyang ipahiwatig ng sabihin niya ang apellido ko ah

"Itigil niyo yan at makinig kayo sa ilelesson ko" Sambit niya at nag simula ng mag salita ng about sa Lesson

Hindi ako masyadong naka pag focus dahil napaka papansin ng katabi ko bigla bigla na lang siyang nag sasalita ng kung ano ano at bigla bigla na lang ding kikindat na parang tanga akala mo naman close kami tsk

Natapos ang pagtuturo ng professor namin ng wala man lang pumapasok sa utak ko ng dahil sa lalaking to kaya pinang liitan ko siya ng tingin "Pwede bang wag mong sirain ang pag aaral ko?" Galit na sambit ko sa kanya, Hindi nga ako na aapektuhan sa pinag gagawa niya na aapektuhan naman ang pag aaral ko kasi hindi ako maka pag focus sa gulo niya letche talaga

"Hindi ko naman sinisira ang pag aaral mo ah, gusto mo bang sabay tayong mag review sa Library mamaya?" Halata naman sa tono ng boses niya na gusto niya talaga kong inisin

"No, Thanks baka wala pa kong matutunan pag ikaw ang kasabay ko, Tyaka nandyan naman sila Rhianne" Inirapan ko siya bago ko tumayo

Hinila ko rin sila Kurt palabas kakain kami sa Canteen dahil masyado akong nagutom sa Dwayne na yon nakaka stress talaga ang nilalang na yon urgh!

"Hoy kayong dalawa, Akala niyo ba makakalimutan ko ang ginawa niyo sakin kanina?" Nahinto naman sa pagkain yung dalawa at nagka tinginan pa

"Wala kaming maalalang may ginawa kami sayo Bud" Sambit ni Rhianne tyaka itinuloy ang pagkain niya

"Oo nga momsh wala kaming ginagawang masama kami na nga ang pinaka mabait na kaibigan sa balat ng buong Universe diba Vev, Rhianne" Natawa siya ng bahagya bago itinuloy ang pagkain

"Oo, sa sobrang bait niyo kunin na sana kayo ni Lord" Sambit ko bago ko kumain

"Yes Sister~" Sambit pa ni Kurt habang natatawa, Napaka siraulo talaga

Nagulat ako ng may bigla na lang tumabi sakin at inakbayan pa ko, nang tignan ko kung sino ito ay muntik ko ng mabuga sa kanya ang kinakain ko buti na lang at natakpan ko agad ng kamay ko ang bibig ko

"Ano bang problema mo ha?" Iniinis niya ba talaga ko?

"Gusto ko lang makasabay ang Fiancé ko, Bakit may masama ba don?" Pa inosenteng sambit niya

"Oo masama, Makita lang kita hindi ko na malunok yung pagkain tapos sasabay kapa?"

"Edi ako na lang ang kainin mo" Malanding sambit niya

Naubo naman yung dalawa sa tapat ko tyaka tumawa bago tumayo at lumipat ng upuan, Ano bang ginawa ng Dwayne na'to sa dalawang yon at palagi na lang akong iniiwan sa kanya?!

"Pasensya kana My dear 'Soon- To be-Husband' pero hindi kasi ko kumakain ng hindi masarap" Pang aasar ko bago ko tumayo pero bago pa ko maka alis ay hinila niya ko pabalik sa kinauupuan ko kanina

"Paano mo nasasabing hindi ako masarap kung hindi mo pa naman ako natitikman" May pang aakit sa tono niya habang nilalapit ng paunti unti ang mukha niya sa mukha ko

Inilayo ko ang mukha niya sa mukha ko gamit ang kamay ko "Hindi na kita kailangang tikman para malaman na hindi ka masarap, Tingin pa lang halata na" Kinindatan ko siya bago ko tuluyang umalis

Vote and Comment is Highly recommended Lmao! HAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 34.6K 44
For her it was always him. For him, it was never her. - - - - Might be the most stressful story you'll ever read. You've been warned.
248K 11.6K 40
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
377M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
421K 7.6K 36
Duke & Izza