Tutoring Mr. FUTURE CEO

By SilentPrncss

7.5K 185 5

Isang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di nam... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Five

210 6 0
By SilentPrncss

Jezka's POV

"Yeah! Hey! Hey! Wake up!" Pilit kong hinihila ang unan ni Mr. Ford pero pilit din niya itong binabawi. Pumunta ako kanina dito pero di niya ako pinagbubuksan kaya pinuntahan ko si Mrs. Vina para humingi ng susi nito. Sakto namang may isa pang susi na available.

"Nah! Just go!" Sigaw naman nito. Tss! Batugan na lalake!

Ayokong gawin ang nasa aking isipan pero sorry Mr. Ford, this is the only option!

"Damn, what do you think you're doing?!" Naasar nitong tanong at umalis sa kanyang kama.

"Bingi ka na nga, bulag, tanga! Tapos wag mong sabihing batugan ka rin? Jusko! Kaawaan ka sana ng nasa taas!"

Nagtataka itong tumingin sa akin at padabog na pumasok sa CR. Ikaw ba naman ang tapunan ng tubig habang natutulog.

"Hey, don't sleep at the CR. Understood? I'm waiting here, you know." Natatawa kong sigaw.

"Whatever!" Rinig ko namang sagot niya.
**

"You're late again-" Natigil si Mrs. Salazar ng makita niya ako sa likuran ni Mr. Ford. Ito po kasing kasama ko, ang bagal!

"Oh? Ms. Valencia! May bago ka na palang routine ngayon. Ang pagiging late."

Nakita kong inirapan ni Mr. Ford si Mrs. Salazar. Mukhang naaasar ito dahil di niya naiintindihan ang sinasabi nito.

"Sorry po." Nahihiya kong tugon at pumunta na sa aking upuan. Lumingon ako kay Mr. Ford at tinignan siya ng masama. Nagkunwari naman itong walang nakita. Tss

"Okay. I want you to group yourselves into three." Anunsyo ni Mrs. Salazar kaya't dali daling pumunta ang iba sa kani-kanilang mga kaibigan.

"Jezka, wala kang ka group? Pwede tayo na lang?" Napa angat ako ng tingin ng lumapit sa akin si Faye. Maya't maya ay lumapit rin si Mia.

"Oh? So tatlo na tayo?" Tanong naman ulit nito. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Mr. Ford na nakatingin lang saken. Damn, paano ito?

"Guys, kase-" Di ko na natuloy ang aking sasabihin dahil biglang may umeksena.

"Oh? A newbie? Sakto, dalawa palang kami, sali ka na sa amin." Rinig kong sabi ni Alyx ng dumating ito. Wow, napansin agad si Mr. Ford. Whatever.

"Oh? Ms. De Ocampo, you're super late." Bungad na tanong ni Mrs. Salazar.

"I'm sorry maam. Traffic po kasi."

Di na iyon pinansin ni Mrs. Salazar at itinuon ang atensyon sa amin.

"Okay. It seems like lahat ay may ka grupo na. Ang sino man ang makasagot ng tama, may puntos. Pero kung gusto mong makuha ang puntos na iyon, kailangan mong tanungin ang kanyang kasagutan hanggang sa mabaliktad ang sitwasyon. So here's the question: In your own knowledge, explain what you know about 'research' in connection of your strand." Deretso nitong paliwanag.

Ang iba ay kunwari nag iisip, yung iba naman ay kinakausap yung ka group at yung iba ay wala lang talagang paki alam. I raised my hand para sumagot kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Research, means a careful study of something you want to know. In other words, it's about knowing information about a specific topic/problem-"

"So where's the connection of it to our strand?" Natigil ako sa pagsasalita ng sumabat si Alyx.

"Let her finish first. Tss." Napatingin kaming lahat ng magsalita naman si Mr. Ford. Ooops! Minsan lang ito magsalita pero lahat ng nasasabi ay may kwenta. Syempre exemption yung pag nag aaway kami. Lol

"Now, in connection of research to our strand. Ang alam ko lang, we'll be going to research a topic about businesses or courses related to abm strand."

"Okay. You have a point in there." Komento ni Mrs. Salazar. Binati naman ako ng aking mga ka grupo at nakita ko pa ang pag irap ni Alyx.

"Ma'am, I heard about feasibility study when I was in grade 11. I think, it best suits the connection of research to abm. Sa ibang section, maybe investigatory study ganun. While sa ABM, feasibility ang tawag sa atin." Mahabang paliwanag ni Alyx. Uh? Bakit ko nakalimutan yun?

"Hmm. You also have a point."

Naagaw ang aming atensyon ng biglang may boses na umalingawngaw sa buong building.

"Attention, senior highschool students and teachers! Proceed to the gymnasium now."

Nagsigawan ang aking mga ka-klase dahil sa narinig naming announcement. Ibig sabihin kasi nito, wala na kaming pasok ngayong araw.

Naunang lumabas si Mrs. Salazar at sumunod naman ang iba. Naiwan ako dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko na inilabas ko kanina.

"Hey, I'm Alyx." Rinig kong sambit ni Alyx sa aking likuran. Mukhang kinakausap niya si Mr. Ford. Teka, di pa siya umaalis? Napalingon ako at nakita kong iniaabot ni Alyx ang kanyang kamay kay Mr. Ford.

"Are you blind?" Nagtatakang tanong ni Alyx ng hindi abutin ni Mr. Ford ang kamay nito. Pinigilan ko ang aking sarili na matawa dahil minsan ko na ding natanong ang tanong na yun.

"Still not finish fixing your things?" Nagulat ako ng lumingon sa akin si Mr. Ford at tanungin iyon.

"I'm done." Sagot ko at lumapit sa kanya.

"Kaibigan mo?" Alyx asked bago pa man din kami makalayo.

"Nope. Jowa ko siya kaya don't ever dare na agawin siyang muli." Sarkastiko kong sabi at hinawakan si Mr. Ford sa braso. Nagtataka itong napatingin sa akin kaya kinuro't ko ng kaunti ang kanyang braso upang magets niya. Kahit ngayon lang, Mr. Ford magpakatino ka!

"Baliktad ata?" Nagtatakang tanong ni Alyx.

"Baka naman kasi taken yan kaso inagaw mo na naman ulit?" Pagpapatuloy nito.

"Mali ka ulit. Gusto na niya ako, una palang. Gusto kong patagalin ang panliligaw niya kaso naisip kong baka anytime, may mang angkin na namang iba kaya sinagot ko na." Matapang kong sagot. Buti na lang at di nakakaintindi ng tagalog si Mr. Ford dahil kung oo, nako lupa lamunin mo na ako.

Nakita kong inirapan ako ni Alyx at nilagpasan na kami. Agad akong humiwalay kay Mr. Ford at nauna na ring maglakad.

"Hey, what are you two talking about?" Habol na tanong sa akin ni Mr. Ford.

"Nothing." Simpleng sagot ko ng nakasabay na ito sa aking paglalakad.

"The word, 'jowa' keeps playing in my mind. What is that word?" Nagulat ako sa bigla niyang tinanong. Sa lahat ng words na maaalala niya, bakit yun pa?

Napakagat ako ng labi at nakangiting tumingin sa kanya.

"Jowa? It means, friend."

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 572K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
9M 326K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
8.2M 485K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
28.4M 715K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...