My Badass Boyfriend (HunHan)

By Otaku_Girl07

246K 8.6K 2.1K

Love is dangerous, sabi nila. Don't fall inlove, sabi din nila dahil masasaktan ka lang daw... But is there a... More

Prologue
♦Chapter 1♦: 1st day of school office agad?!
♦Chapter 2♦: Ang multo sa c.r
♦Chapter 3♦: Ang paghihiganti ni Oh Sehun
♦Chapter 5♦: Wala akong pake
♦Chapter 6♦: Black Kitty
♦Chapter 7♦: Balungoy
♦Chapter 8♦: Nahanap ko na siya
♦Chapter 9♦: Hello Kitty Notebook
♦Chapter 10♦: Dito ka lang
♦Chapter 11♦: His past
♦Chapter 12♦: Luna
♦Chapter 13♦: My sweet revenge
♦Chapter 14♦: Torpe at Manhid
♦Chapter 15♦: Hindi na siya torpe
♦Chapter 16♦: May araw ka rin sakin
♦Chapter 17♦: So... Tayo na?
♦Chapter 18♦: Kung kakayanin ko...
♦Chapter 19♦: This can't be
♦Chapter 20♦: Bakit?
♦Chapter 21♦: 9 pieces of roses
♦Chapter 22♦: Text messages
♦Chapter 23♦: Tell me he's lying
♦Chapter 24♦: The real reason?
♦Chapter 25♦: Hindi mo ko maloloko
♦Chapter 26♦: Akong bahala
♦Chapter 27♦: Kaya ko ba?
♦Chapter 28♦: Hindi pa ko tapos...
♦Chapter 29♦: Sacrifice
♦Chapter 30♦: Pangako
♦Chapter 31♦: Goodbye
♦Epilogue♦
♦Extra Chapter♦: Wag kang maingay

♦Chapter 4♦: Pumasok ka kundi pipingutin kita!

9.6K 295 94
By Otaku_Girl07

Luhan’s POV

Hay… hindi ako makatulog, 5:15 pa lang…

Matripan na nga lang to, umupo ako sa kama tsaka humarap sa kanya kaso ang natitigan ko ay ang sexy niyang likod. Talagang may galit sakin to no? Ayaw humarap sakin.

Pero infernes ha… may curve ang bewang niya tapos yung hita at legs niya mapayat tas amputi-puti pa niya… papano pa kaya yung sa harap… gaano kaya kalaki-

*RING!*

“Ay mataba!” jusko naman sinong tatawag sa gantong oras?

“He-“

“HOY! SINO YUNG LALAKING SUMAGOT SA TAWAG KO KAGABI?! IKAW HA! HINDI KITA PINALAKING GANYAN! NANLALALAKI KA NA!!”

“I miss you too kuya =_=, gandang pambungad yan.”

“Akala ko ba mayaman yang skul niyo, eh bakit may kasama kang lalaki diyan sa kwarto mo?!”

“Pwede pakihinaan yung volume? Lakas eh, sakit sa tenga. Eh kasi ganito yan…” eh di kinuwento ko sa kanya talambuhay ko dito.

“Ahh… mayaman ba siya? Gaano karami yung pera niya araw araw? Matutustusan ka ba niya? Malaki ba bahay nila? Mansyon ba?”

“Di ko alam! Di ko siya masyadong close, tsaka ang pake ko? To mukha kang gold digger. Ikaw kuya ha, hindi ka pinalaking ganyan ni mama. Nako isusumbong kita.” Narinig ko naman siyang tumawa sa linya.

“Nako bunso naninigurado lang baka sa susunod kong pagtawag diyan malaman ko na lang na kayo na.” nang asar pa talaga.

“Ewan ko sayo! Alis ka na! Tsupi!” inend ko nga yung call, nako akala ko magkwekwentuhan kami tungkol sa love life niya tas napunta sakin yung usapan, napunta saming dalawa ni Se-

Speaking of!

Pagkababa ko nung phone tumingin agad ako ng masama sa kanya. Bwiset tong mokong na to!

Kung ano-ano pinagsasasabi kay kuya! Hinarrass ko daw siya, namboso daw ako sa kanya! Ang kapal, feelingero!

Magantihan nga… nagtip toe ako papunta sa kama niya at tinignan yung view niya sa harap.

Pfft! Haha!! Eto?! Haha! Eto ba ang badboy na sinasabi niyo?! Siya ba ang kinakatakutan ng lahat?! Pfft! Eh kung makayakap sa teddy bear niya kala mo mawawala! Ang higpit kaya tapos HAHA!! Subo subo pa niya yung thumb niya HAHA! Ginawang tsupon!

Haha! Teka nga mapicturan, asarin ko to mamaya…

Ayan! Nakatutok nasa mukha niya yung cellphone ko…

… Ah…

Nakalimutan ko…

Wala nga pala tong camera…

“Mhmm…” dahil nakatutok yung phone ko sa mukha niya hindi ko namalayang nagising na pala siya.

“Fuck! Anong ginagawa mo?!” tinanggal ko yung phone ko at hindi ko inaasahan na sobrang lapit pala ng mukha ko sa kanya!

“Ah…” dahil bumalikwas ako hindi ko inaasahang matutumba ako.

“Tsk, clumsy.” Tsk, titigan daw ba ko?! Eh kung tulungan niya kaya akong makatayo!

“Psst! Tulungan mo ko!” tinaas ko dalawa kong kamay para kunin niya kaso hindi niya ginawa.

“Close tayo? Bahala ka diyan.” Sabay tayo at iniwan ako dun.

Nakakaasar talaga siya! Nako! Kung di lang ako scholar matagal ko na tong nasapok! Eh di yun nga ginawa ko tumayo ng kusa di ko pa nga mabalanse kaya muntikan ulit ako matumba buti na lang napahawak ako sa kama niya.

“Magluto ka! Nagugutom ako!” rinig kong sigaw niya mula sa c.r. Gara makautos ah nanay kita?

“Close tayo?!” aha kala mo kaw lang may ganang mag ganyan, ako rin!

Pero biglang nilabas niya yung parteng ulo niya dun sa c.r at sinamaan ako ng tingin. Sabi ko nga.

“Aber san ako magluluto?!”

“Try mo sa c.r… San ba nagluluto ang mga tao? Malamang sa kusina, tang ina scholar ka hindi mo alam kung san ka magluluto. Nakatsamba ka lang siguro no.” grr!! Kalma ka lang Luhan, kumalma ka lang.

Nilibot ko ang kwarto at meron nga! Maliit lang naman siya, jusko pa VIP ang isang to! Nako hindi ako papayag!

“Ang unfair naman kung ako lagi magluluto! Dapat ikaw rin!” sigaw ko para marinig niya.

“Tang ina ikaw na nga tong pinapatira dito ikaw pang may ganang mag utos! Kelan ba?” tsk nagreklamo tapos susundin rin pala ako, may sayad rin to no?

“Alam ko na, tuwing lunes hanggang miyerkules ako tapos ikaw huwebes at biyernes.” Oha! At least siya dalawang araw lang.

“Sige, Sige- Teka?! Inuutusan mo ba ko?!” narinig ko yung pagbagsak ng tabo, pfft!

Hindi ko nga siya sinagot, bahala siya diyan. Nagluto na lang ako ng siningag at hotdog.

Habang naghahain ako sa lamesa bigla na lang siya lumabas at syempre sa pagkagulat ko hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya. Fudge… nilihis ko kaagad yung tingin ko.

“Wag kang matukso Luhan… abs lang yan… Hindi yan kawalan… Wag kang gumawa ng ikakasira ng buhay mo… Tandaan mo birhen ka pa.” bulong ko pero mukhang narinig niya eh napangisi eh!

Unti-unting lumalapit ang hinayupak! Jusko!

“Ang panget mo! Lumayo ka sakin! Tsaka kagagaling mo lang sa c.r marami kang germs!” luh, san ko nakuha yun?

Pero hindi parin siya tumitigil sa paglalakad at ako naman paurong ng paurong hangga’t nadampi na ng likod ko ang pader! Lintek naman oh!

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at nilagay iyon sa pader kaya nakakulong ako sa kanya! Jusko, nacorner ako!

“May sinasabi ka?” ramdam ko ang mainit niyang paghinga… wag po!

Napapikit na lang ako at ramdam kong umiinit na mukha ko. Narinig ko naman siyang ngumisi at pinitik yung noo ko, aray lang ha.

“Asa ka namang hahalikan kita.” Sabi niya at umupo na sa tapat ng lamesa.

Punong puno na ko sa mokong na to ha! Padabog akong umupo, kainis.

“Hindi ka naman gutom niyan?” tsk, hindi ko siya papansinin kala niya.

“Ah ganun, snob ka? Pano kung sabihin ko sayo 6:00 na?” ha?! Tumingin ako sa orasan, oo nga!

Binilisan ko pag kain at pumasok agad sa c.r, syempre dahil professional bathroom singer ako kumanta ako ng napakalakas sa c.r buti na nga lang di naginarte yung ISA diyan.

Pagkalabas ko ng c.r nakita kong nakangisi tong si mokong at may hawak hawak na kung ano. Masilip- teka cellphone ko yun ah!

“Akin na yan!!!” bago ko pa makuha eh naangat na niya.

“Haha! Hindi ko akalain mahilig ka pala sa hello kitty!!” natatawa pa siya eh pano ba naman nakita niya yung message ni kuya sakin na reregaluhan akong malaking statwa ni Hello kitty!

“Eh ako lang ba?! Kung ako hello kitty ikaw teddy bear! Ilang taon ka na ba?! May palaman laman ka pang ganto!” ginaya ko yung posisyon niya kanina habang natutulog siya at nakita ko kung papano nanggalaiti siya sa galit.

“Putang ina mo! Pumasok ka na nga!” sigaw niya sakin at binato yung cellphone ko. Buti nga nasalo ko pa jusko antique kaya to.

“Eh ikaw? Hindi ka papasok?” jusko ano ba namang tanong yan Luhan malamang hindi.

“Ayaw ko.” Simpleng sagot niya sabay higa sa kama at niyakap nanaman yung teddy bear.

“Bahala ka, ang sarap sarap kayang pumasok. Magkakaroon ka ng maraming kaibigan, tapos maeexperience mo kung gaano kahirap mag aral. Tas yung feeling na kapag meron kang papel asahan mo ng papel yan ng buong bayan kaya kumuha ka na agad at malalaman mo ang kahalagahan ng salitang teamwork.” Nakangiti kong kwento pero mukhang hindi naman siya nakikinig, nagsayang lang ako ng laway.

“Ewan ko sayo, umalis ka na.” hay…

“Babay Sehunnie~!!! Pag di ka pumasok pipingutin kita!” isasarado ko na sana yung pintuan ng marinig ko siya.

“Bye.”

O_O, akalain mo yun sumagot.

Sehun’s POV

Tinignan ko yung pintuan kung nakaalis na siya. Sa wakas tahimik na ulit!

Hihiga palang sana ako ng hindi ko alam ang kadahilanan kung bakit ko nililibot ang mga mata ko sa kwarto.

Nasan ko ba nilagay yung uniform ko? Puta kasi, hindi sila nagpapapasok sa klase kung wala yung tang inang yun.

“AH SHETE!” ang lakas ng impluwensya nun sakin ah!

Bahala siya hindi ako papasok, matutulog ako kasama tong teddy bear kong si Balungoy.

Luhan’s POV

Walang katapusang tsismisan nanaman naabutan ko pagpasok na pagpasok ko palang ng classroom and guess what kami nanaman ang topic nila. Hindi halatang favorite nila kami.

“Lumelevel up ang samahan niyo ah! Parang dalawang araw palang lumilipas, lakas ng hatak mo sa kanya.” Tumabi sakin si Baek.

“Tsk, akala mo lang yun eh sa kwarto nga niya laging nagkakaroon ng gera dahil samin. Tsaka papano mo nasagap ang tsismis na yan?” panigurado dun ulit sa mga babaeng-

“Kay Chanyeol.” … teka nabingi ata ako… Sino daw?

“Kaclose mo yun?!” hindi ko to alam!

“Oo close kami nun… sobra.” Nilihis niya yung tingin sakin nung pagkabanggit niya ng sobra. Aba aba namumula siya!

“Ikaw ha! Lumalove life ka na!” lalo ata siyang nagmukhang kamatis dahil sa sinabi ko.

“H-Hindi ah!! Ano… bestfriend lang kami nun.” Wushu!

“Mag deny ka pa iba naman sinasabi ng mukha mo! Sus magsisinungaling na nga lang halata pa.” nagtawanan kami pero biglang sumiryeso yung mukha niya.

“Totoo naman kasi… bestfriend lang turing niya sakin… tapos ako… lam mo yun? One sided?” aba nag eemo na.

“Nega mo! Malay mo may gusto rin pala sayo yung tao, yun nga lang torpe!” hindi na niya ko nasagot dahil pumasok na yung adviser namin.

Talaga palang mayayaman yung mga tao dito no? Pati teacher hitec na dipindot pindot na lang sa ipad samantalang samin dati manila paper lang.

Nasa kalagitnaan ng discussion si sir ng biglang bumukas yung pinto at tila nagbago ata yung langit… parang dumilim?

Lahat kami tutok na tutok sa pintuan kala ko nga maghihiram lang ng walis tambo pero nagulat kaming lahat sa pumasok miski nga si sir nagulat.

Ba naman…

Pumasok SINA…

Sehun.

Continue Reading

You'll Also Like

233K 6.8K 31
(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang na...
68.5K 3.1K 45
Meet Jhon Matthew Albarez isang dakilang HEARTBREAKER gwapo, mayaman at habulin mapa babae o binabae ay gustong gusto sya ang kaso isa lng ang pakay...
130K 1K 7
Mahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangara...
7.8K 578 47
Mikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see A...