Allea Kixzie: The Gangster Pr...

By writerkuno

470K 8.9K 1.6K

NCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. A... More

AUTHOR'S NOTE: Please Read
PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
WRITERKUNO NOTE: read niyo muna.. <3 <3 <3
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
THANK YOU! THANK YOU! ^________^/
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Chapter 57
Chapter 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80 (Final Chapter)
Epilogue

Kabanata 2

11.1K 205 2
By writerkuno

Kabanata 2

Isang linggo ang mabilis na lumipas mula ng mangyari iyon. Nanatili  lang si AK sa kanilang kubo sa loob ng isang linggo. Di narin mabilang kung ilang beses na siyang kinulit ng kanyang kaibigan na doon nalang tumira sa kanila.

Pero tumanggi lang ang dalaga.


Lagi lang siyang nakaupo sa harap  ng burol ng kanyang Lolo at Tiya Kixzie. Halos sa loob ng isang linggo ito lang ang routine niya. Mula pagkagising nakaupo na siya doon tatayo lang kapag nakaramdam ng gutom at pagkatapos balik na naman. Tulad ngayon, malapit ng magtakip-silim pero nandito parin siya't nakaupo sa harap ng puntod ng mga ito. Nilalaro niya sa kamay ang kwentas na nakita niya sa kahon. Mayroon pa siyang nakitang tatlong susi na nandoon. At sigurado siyang ang isa doon ay susi ng personal vault sa isang malaking bangko na nasa bayan. Meron ding apat na trust fund na nasa kanyang pangalan at sa laki nun kahit sa pagtanda niya di iyon mauubos.

Kinuha niya sa bulsa ng suot niyang short ang isang badge. Di niya matukoy kong anong gang ang nagmamay-ari noon. Oo alam niya kung ano ang badge na nakita niya sa loob ng kubo nila, isa iyong gang badge. Alam niya dahil minsan na silang napagkamalang gangster ni KL noong may madaanan silang naglalabang dalawang gang. Siya kasi ang nakapulot ng badge ng isang gang.

Naikuyom ni AK ng mahigpit sa palad ang hawak na  badge sigurado siyang pagmamay-ari ang badge na hawak niya nung pumatay sa lolo't Tiyahin niya. Magulo parin ang isip niya hanggang ngayon, naguguluhan parin siya kung bakit hinahabol ang lolo niya ng mga gangster. Anong kasalan ng lolo niya? Gangster rin ba ang lolo niya? Pero masyado nang matanda ito para maging gangster! Di  kaya ang tiyahin niya? "Arrrggghh!" Napapasabunot nalang si AK sa buhok niya sa sobrang pag-iisip. Ang daming katanungan ang nasa isip  niya na gusto niyang masagot lahat.

Tiningnan ulit ni  AK ang dalawang  puntod na nasa harapan  niya. Gagawin niya ang lahat para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang taong importante sa buhay niya. Pero paano? Saan siya magsisimula? Paano niya hahanapin ang mga taong pumatay sa lolo niya, kung siya mismo sa sarili niya, di niya alam kong sino ba talaga siya?

Anong ibig sabihin ng lolo niyang wag hayaang makita ng ibang tao ang tattoo niya sa likod? Anong meron dito? Naisip niya ring di kaya siya ang dahilan ng pagkamatay ng lolo at tiyahin niya? Naipilig nalang ni AK ang ulo dahil pakiramdam niya sumakit lalo iyon  dahil  sa sobrang dami ng mga iniisip niya.


"Lo! Tiyang! Di ko alam kung saan ako magsisimula! Pero di ko sasayangin ang lahat ng itinuro  niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat para mabigyan kayo ng katarungan" mahinang bulong ng dalaga.


Napapikit siya ulit para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang lumabas. Ngunit sa pagpikit niya, parang tukso namang bumalik siya sa nakaraan.


*Flashback*

"Allea! Huminto ka na naman ano? Tingnan mo! Hindi na tama ang sukat ng tubig sa baso!" reklamo ni Impong Tasyo pagkarating ng pawisang si Allea. Hinihingal pa ito dahil sa malayong tinakbo. Tuwing umaga, yun ang pinapagawa ng matanda sa kanya. Nasa siyam na taong gulang palang si Allea. Pero parang matanda na kung mag isip dahil sa likas na talinong taglay.



"Lolo naman! Napagod po ako! Bakit po ba kasi ninyo ako pinapatakbo habang may tubig sa loob ng bibig ko?"  nanlalambinh na tanong ng batang si Allea. Alam niyang sa ganoong paraan hindi siya magawang pagalitan ng Lolo. Paano naman kasi parang katulad lng ang pinapagawa sa kanya ng lolo niya sa pelikulang minsan nilang pinanuod ng matalik na kaibigang si Karishia iyong Magic Temple. Gustong gusto niya ang pelikulang iyon.

"Aba't ikaw na bata ka! Para din naman sayo tong pinapagawa ko!" aburidong sabi ni Impong Tasyo at akmang hahampasin  ng tungkod si Allea. Pero mabilis iyong nakatakbo palayo rito. Siya namang paglabas ni Kizxie ang tiyahin ni Allea.

"O Allea! Ano na naman bang kalukohan ang ginawa mo't aburido na naman si Itay?" nakangiting sabi nito ng masalubong ang bata.

"E kasi po tiyang! Nakakasawa na pong tuwing umaga nalang pinapatakbo ako ni Lolo paakyat sa tatlong burol na may lamang tubig ang bibig ko" reklamo ni Allea sabay halukipkip. Natatawa namang inilapag muna ng Tiyahin niya ang dalang kamoteng kahoy na  meryenda nila saka hinarap ang pamangkin.

"Diba sabi ko naman sayo,  kailangan iyon para mas lalo kang lumakas?" mahinahong sabi nito.

"Pero tiyang, malakas na po ako. Kayang-kaya ko na nga pong dakmain ang malaking ahas diyan sa gubat na ako lang mag-isa" pagmamalalaki ng bata.

"Mas higit pa sa malaking ahas na nadadakip mo sa gubat ang makakaharap mo sa pagdating ng panahon" biglang singit ni Impong Tasyo sa usapan ng mag Tiya.


"Ah basta! Ayaw ko nang mag ensayo! Maglalaro nalang kami ni Karisha!" pagdadabog ng bata sabay takbo ng mabilis para makapunta sa nag-iisang kaibigan niya sa lugar na yun. Pasalamat nalang siya at kahit palipat-lipat sila ng tahanan, di parin  sila umaalis sa lugar na ito. Kaya di naman sila nagkakalayo ng matalik  na kaibigan.

*End of Flashback*

Napabalik sa kasalukuyan si AK ng biglang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone niya. Oo may cellphone siya, kahit naman laking bundok siya, di naman siya ignorante sa mga modernong bagay na tulad ng cellphone. Yun nga lang isa lamang iyong mumurahing unit. Pero wala naman siyang pakialam doon, ang importante may magagamit siya.

Agad na kinuha ni AK ang cellphone sa bulsa ng suot ng short dahil walang tigil iyon sa pag vibrate medyo nakikiliti narin ang hita niya. Napakunot ang noo niya ng makitang ang teacher niya sa highschool ang tumatawag. Sinagot nalang iyon ng dalaga.

"Hello Ms. Gallos? Bakit po kayo napatawag?" sabi nito pagkasagot.

[Allea! May good news ako sayo" masayang sabi ng guro niya sa kabilang linya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng dalaga. Di niya kasi maisip kung ano ang good news na sinasabi ng guro niya.

Nakalimutan niyang wala palang nakakaalam sa nangyari sa Lolo at Tiyang niya.

"Bakit po Ma'am? Ano po yun?" magalang na tanong ng dalaga.


"Nakapasa ka sa scholarship program ng NCJ University" tuwang pagbabalita nito. "Actually dalawa kayo ni Karisha ang nakapasa!" dagdag pa ng guro niya.

"Ano po? Talaga?" gulat at di makapaniwalang sabi ni AK. Di niya inaasahang makapasa sila ng kaibigan sa nasabing scholarship exam ng NCJ University. Ang skwelahang sikat na sikat di lang sa kanilang lugar kundi sa buong mundo. Bata palang sila ni KL pangarap na nilang makapag-aral ng NCJ University pagdating ng araw. At ngayon nga natupad na ang pangarap nila. Naibaba lang ng dalaga ang cellphone niya, ni hindi na niya napakinggan ang mga sinabi ng guro niya sa kanya. Pinakaramdaman niya ang sarili, mayroong excitement at thesame time kaba.

"AK!" napapitlag ang dalaga ng biglang sumulpot sa tabi niya si KL.

"Ano kaba naman KL! Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mong paggulat sakin lagi!" nakasimangot na sabi nito sa kaibigan.

Di naman pinansin ng kaibigan ang pagsusungit niya. Naiintindihan nito ang kaibigan, simula ng mamatay ang Lolo at Tiyahin nito, nawala na ang pagiging masayahin ng kaibigan at higit sa lahat, di na marunong ngumiti at madalas tahimik lang. 

"Tsk! Ang sungit mo talaga!" nakapout pa na sabi ni KL sa kanya sabay  halukipkip.

"Tss! Ano nga kasi?" nakaramdam na ng inis si AK dahil binibitin siya ng kaibigan. Di naman ganito kaikli ang pasensya niya, nagsimula lang na naging ganito last week ng mamatay ang lolo at tiyahin niya.

"Kasi! AKKKKKK! Naipasa natin ang exam sa NCJ University! KYAAAHHHHHH!" sigaw ng kaibigan niya na parang wala ng bukas. Napatirik nalang ng mata si AK dahil sa ginawa ng kaibigan.


"Alam ko na yan!" matipid na sabi ni AK. Automatic namang napatigil sa pagtatalon ang kaibigan saka agad na lumapit sa harapan niya.


"Bakit parang di ka masaya? Ayaw mo na bang mag-aral doon? Diba pangarap natin to dati?" sunod-sunod na tanong ni KL sa kaibigan. Pero mas lalo lang siyang nalungkot ng blanko lang siya nitong tingnan at di manlang nagsalita. Parang nawalan naman ng lakas si KL na dahan-dahang tumalikod para umuwi na. Ang nararamdamang excitement kanina ng tawagan siya ng guro nila, napalitan ng sakit. Kahit magtatakip-silim na pinilit niya paring puntahan ang kaibigan, hiniram pa nga niya ang kabayo na pagmamay-ari ng haciendang pinagtatrabahoan. ng itay niya para lang maibalita sa kaibigan pero mukhang hindi na ito interesado. Minsan parang gusto na niyang magtampo rito, dahil parang baliwala lang siya rito.

"Tutuloy tayo" napatigil  naman sa paghakbang si KL ng marinig ang parang walang buhay na boses ng kaibigan. Mabilis siyang pumihit paharap sa kaibigan saka nanlalaki ang matang bumalik sa harapan nito.

"Talaga?" paninigurado ni KL. Pero sa halip na sumagot, inirapan lang siya ulit ni AK. Di nalang pinansin ng dalaga iyon, pero sa loob-loob niya, nandoon ang lungkot. How she wish na bumalik na sa dati ang kaibigan. Namimiss na niya ang dating makulit at masayahing ugali nito. Napabuntong-hininga  nalang siya at di na ulit umimik.

Tiningnan ulit ni AK ang puntod ng lolo at tiya Kixzie niya. Mapait na napangiti ang dalaga. Alam niyang ang Tiya Kixzie niya ang pinagkaunang matutuwa na nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa NCJ University ng libre.

*Flashback*

"Allea anak!" tawag ni Kixzie sa mahal na pamangkin.

"Tiyang bakit po?" sagot naman ng labing isang taong gulang na si Allea habang patuloy na hinahampas ang isang tuod gamit ang isang espadang kahoy. Yun kasi ang ibinigay na training ng lolo niya sa kanya ngayong araw.

"Tama na muna yan, magmeryenda ka muna" sabi ulit ni Kixzie rito. Mabilis namang itinigil ng bata ang ginagawa at patakbong pumunta sa tiyahin.

"Wow! Ang sarap naman niyan" bulalas nito pagkakita ng meryendang nakahain para sa kanya. Agad niya itong sinunggaban at sinimulang kainin. Napailing nalang ang tiyahin habang nakangiting pinagmasdan ang bata.

"Allea? Saan mo gustong mag-aral sa kolehiyo?" tanong ni Kixzie rito pagkalipas ng ilang minuto.

"Uhm!" nag-isip muna ang bata nakatingala ito sa langit habang nakalagay ang kaliwang kamay sa ilalim ng baba.

"Aha! Alam ko na! Sa NCJ University!" tuwang sabi niya sa tiyahin. Nagulat naman ang tiyahin sa sinabi ni Allea sa kanya.

"NCJ Univeristy? Matagal ko nang pangarap na makapag-aral doon noon, pero hindi nabigyan ng pagkakataon dahil sa malagi kaming lumilipat ng tirahan ni  Itay" nasabi ng Tiyahin. Namilog naman ang maliliit na mata ng bata habang nakatingin sa tiyahin.



"Talaga po?" tuwang tanong nito. Tumango lang ang tiyahin sa kanya.

"Wag po kayong mag-aalala  tiyang! Mag-aaral po ako ng mabuti para makapasok ako sa NCJ University!" pangako ng bata. Mas lalong lang natuwa si Kixzie para sa pamangkin, alam niyang sa pamamagitan ng pamangkin, matutupad niya ang pangarap noong makapasok sa NCJ University.

*End of Flashback*

Mapait na ngumiti ulit si AK pagkatapos maalala ang tiyahin noon. Agad niyang pinahid ang luhang umagos sa pisngi niya ng maramdaman ang yakap ng kaibigan sa kanya.

"Oi! Umuwi kana KL maggagabi na oh" sabi ng dalaga sa kaibigan para kumalas lang ito sa pagyakap sa kanya.

Mas lalo lang hinigpitan ni KL ang yakap sa kanya na sa pamamagitan nun, maipadama niya sa kaibigang nandirito lang siya at hindi ito kaylan man iiwan.

"KL?" takang tanong ni AK sa kaibigan.

"Hayaan mo na muna akong yakapin ka AK, na miss lang kasi kita" bulong ni KL sa kanya habang yakap parin siya ng mahigpit mula sa tagiliran. Tumingala ang dalaga sabay pikit ng mariin. Masyado na ba siyang lumayo sa kaibigan? Bakit hindi niya manlang naisip na baka masaktan din ito sa ginagawa niyang pagbabaliwala rito.

Napabuntong-hininga siya saka tumingin ulit sa libingan ng mga mahal niya sa buhay.

"I'm sorry KL, sorry kung nasaktan kita ng di sinasadya. Sorry sa pagbabalewala ko sayo" mahinang sabi niya at nagsimula na namang umiyak saka gumanti narin ng yakap dito.

Nanatili lang silang magkayakap na parang ngayon lang ulit nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Okay na sila sa ganoon, kahit hindi sila nag-uusap, parang nagkakaintindihan na silang dalawa. Parang ang mga puso na nila ang kusang nag-uusap.

"Naku, ang drama ko talaga" sabi ni KL pagkalipas pa ng ilang sandali. At bahagyang natawa saka kumalas ng yakap sa matalik na kaibigan. Ngumiti ng tipid si AK sa kanya sabay tayo.

"Tara na KL umuwi na tayo. Dito ka nalang matulog, masyadong ng delikado para sayo ang umuwi ng ganitong oras" sabi ng dalaga sa kaibigan at naglakad na patungo sa maliit nilang kubo.

Naiiling nalang si KL habang sinusundan ng tingin ang matalik na kaibigan. Di parin nawawala ang cold aura nito. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga at sumunod narin sa kaibigan.

Nadatnan ni KL si AK na abala sa maliit nitong kusina. Nilapitan niya ito para tulungan.

"Ano ang lulutuin mo?" masayang tanong ng dalaga pagkalapit sa kaibigan. Tiningnan siya saglit ni AK saka tipid na ngumiti.

"Kunting gulay saka isda na nahuli ko kanina sa batis" tipid na sagot nito saka ipinagpatuloy na ang paghihiwa ng gulay.

"Tulungan na kita para mabilis maluto" hyper na hyper paring sabi ni KL sa kaibigan at kinuha na ang isda para linisin. Napailing nalang si AK, pero hindi na nagkomento pa at ipinagpatuloy nalang ginagawa.

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na silang magluto ng hapunan kaya magkatulong din silang naghain.

"Dala mo pala si shadow?" sabi ni AK nang matapos silang kumain at ngayon, nagpapahangin sa maliit na terasa ng kanilang kubo.

Liningon muna siya saglit ni KL habang abala sa pagkain ng mani, at pagkatapos tiningnan ang kabayong ginamit niya kanina papunta dito.

"Oo, hiniram ko muna kay tatay" nakangiting sagot nito habang tuloy parin sa pag nguya sa kinakaing mani.

"Pupunta ako bukas kay Mama, sasama ka ba?" tanong ulit ni AK pagkalipas nang mahabang katahimikan.

"Oo naman, tamang-tama, gamitin natin si Shadow." masiglang sagot ni KL sa kaibigan.

Tumango naman si AK habang sa malayo parin nakatingin. Mababakas mo parin ang lungkot sa mga mata niya. Napabuntong-hininga naman si KL habang nakamasid sa kaibigan.

"AK?" mahinang tawag nito para tingnan siya ng kaibigan. Liningon naman siya ng dalaga na may pilit na ngiti sa mga labi.

"Magiging okay din ako KL, wag kang mag alala magiging okay din ako" pilit pinasigla ang boses na sabi ni AK saka sinabayan ng tayo. Napabuga muna ito ng hangin mula sa dibdib saka binalingan ulit ang kaibigan. "Tara na KL, matulog na tayo. Malayo pa ang lalakbayin natin bukas" sabi nito saka pumasok na sa loob ng maliit na kubo. Naiwan si KL na may lungkot sa mga mata.

"Sana nga AK, dumating ang oras na magiging okay ka din. Sana nga" sabi nito sa isip saka tumayo narin mula sa pagkaka-upo at sumunod na sa kaibigan.

===========================================================

~writerkuno

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 56.4K 59
Gennica Tamara Arellano Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
2.9M 118K 37
Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you." Leona Harriet Abelló and Ejercito...
17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...