NATHAN
NASA San Vicente ito ngayon, Sa Mansiyon ng mga Andrada kasama ang kaniyang mga magulang na sina Nathaniel at Samantha upang pag-usapan ang kasal nila ng kaniyang Fiancee na si Camille.
"Kaylan ninyo balak magpakasal, Hijo?" Tanong sa kaniya ng Daddy ni Camille.
"Next month na Tito. And that will be on 25th of May." Wika ni Nathan.
"Hmm. Okay." sambit ng Don na nagpatangu-tango pa.
"Is it a church wedding or what?" Tanong ni Criselda.
"Church Wedding, Tita. Gusto kong sa mismong bahay ng diyos manumpa." seryosong saad ni Nathan.
Nginisihan naman siya ni Calyx. "Hindi ko alam na punung-puno pala ng katamisan ang buhay mo, Nathan. Sigurado ka bang hindi ka diabetic niyan?" Tudyo nito.
Bigla namang tumawa ang Daddy ni Nathan na si Nathaniel. "Believe me, Calyx. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to na maririnig ko sa anak ko ang mga matatamis na salita." saad nito.
"At magpapakasal siya." dugtong naman ng kaniyang inang si Samantha. "Kaya nga nagpapasalamat kami at dumating ang anak ninyong si Camille sa buhay nito." Turo pa nito kay Nathan. "Upang patinuhin siya at ituwid ang walang direksyon niyang buhay." saad nito.
Bumungisngis naman si Camille. "Takot Lang niyan sa'kin, Tita." wika ni Camille.
"What can i do? I'm so into you, My love." Nakangising tugon ni Nathan. "Tarayan mo na ako. Saktan mo na ako. Baliw pa rin ako sa'yo."
"Cheesy." sambit ni Jet. "Tigilan niyo nga 'yan. Nasusuka ako sa inyo e." Reklamo nito kaya binatukan siya ni Calyx.
"Para kang sawi sa pag-ibig, Jet. Palibhasa wala kang Girlfriend." Nakangising wika nito.
"Pakialam mo naman, Kuya. Bakit, ikaw ba may Girlfriend?" Balik sa kaniya ni Jet.
"Enough." Ma-awtoridad na wika ng kanilang amang si Lysandro. "Para kayong mga batang nagbabangayan sa harap ng mga bisita." puna nito. "Pasensiya na kayo. Ganiyan talaga ang dalawang 'yan." Aniya nito sa mga magulang ni Nathan.
"No. It's okay, Sandro. Natutuwa nga ako't ganito ang pamilya ninyo. Nag-iisang anak namin si Nathan kaya naiinggit ako sa tuwing nakakakita ako ng nagbibiruang magkapatid katulad ni Calyx at Jet." Nakangiting wika ni Samantha.
"Bakit nga ba kasi hindi ninyo sinundan si Nathan?" Nakangiting tanong ni Criselda.
Umiling si Samantha. "We tried, Pero dahil masiyado kaming busy sa trabaho.. Wala ring nabuo." Bumuntong hininga pa ito. "Kaya nga matagal kong inasam na mabigyan na kami ng apo ni Nathan at nagpapasalamat kami nang dumating nga at hindi lang isa kundi dalawa." Nakangiting wika nito.
Tumango si Criselda. "Yeah. An adorable twins."
"Sharpshooter yata 'to." Pagbibida ni Nathan sa kaniyang sarili kaya siniko siya ni Camille. "Bakit na naman?"
"Yang bunganga mo." saad ni Camille na ikinatawa nilang lahat.
"Nasaan nga pala ang mga apo namin?" Kapagkuwan ay tanong ni Nathaniel.
"Nasa playground, Tito, kasama ang kanilang yaya. Nakikipaglaro na naman sa aso nilang si Hero." Wika ni Camille.
Natawa ang matanda. "Those kids is really energetic. Pinagod nila ako sa paghahabol sa kanila 'nung nag-mall kami." wika nito.
Ngumisi si Nathan. "Hiniling niyong magkaapo, Dad, kaya hindi kayo maaring magreklamo. Ginusto niyo ng apo para may hahabulin kayo, 'di ba?"
Natawa silang lahat. "Nahihirapan na rin akong buhatin sila dahil ang bibigat na nila." Gatong naman ng Daddy ni Camille.
"Daddy, sinanay mo kasi sila sa pagkarga-karga mo Lalo na kay Astrid kaya huwag ka ring magreklamo." Natatawang wika ni Camille. "Si Rhett at Ash palang nahihirapan ka na, E pano kung si Kuya at Jet na ang magkaroon ng mga anak?"
"Mga Lalaki 'yang mga kapatid mo, Hija kaya bahala na silang magbuhat sa mga magiging anak nila." Wika ng Don.
"Dad?! You're being unfair here." Maktol ni Calyx.
"Puwede namang si Mommy nalang e." Wika naman ni Jet kaya nagkatawanan sila.
Tumayo naman si Criselda. "Sandali Lang at magluluto ako ng miryenda natin." paalam nito sa kanila.
Tumayo naman ang Mommy ni Nathan. "Sige. Tutulungan nalang kita." Nakangiting wika nito.
"Tita, Pakibantayan nalang si Mommy. Make sure po na hindi niya masunog ang kusina ninyo." Natatawang aniya ng binata kay Criselda.
Inirapan naman siya ng kaniyang Mommy. "Shut up!" singhal nito sa kaniya pero tinawanan Lang siya nito.
Dumikit naman si Nathan kay Camille saka pinagsiklop ang mga kamay nila at dinala iyon sa kaniyang bibig at hinalikan. "I love you." Bulong nito sa kaniya.
Napangiti naman si Camille. "I love you too."
Inilapit ni Nathan ang bibig nito sa tainga ng dalaga. "Tara sa kuwarto, Love." Bulong nito kaya siniko siya ni Camille saka inirapan.
"Pahiram nga ako ng kapatid ko." Untag sa kanila ni Calyx. "Kakausapin ko Lang siya." wika nito.
Kumunot ang noo ni Nathan. "Anong pag-uusapan niyo?"
"Susubukan kong gisingin para umatras sa kasal ninyo." Nakangising wika ni Calyx.
Natawa naman si Camille. "Sige na, Love. Mag-uusap Lang kami ni Kuya. Puntahan mo nalang 'yung mga bata." wika nito.
Tumayo naman si Nathan saka siya hinalikan sa labi. "Okay. I love you." wika nito. "Dad, Tito, Pupuntahan ko Lang 'yung mga bata." saad nito sa dalawang matanda.
"Sama ako." Wika naman ni Jet saka tumayo.
NAGLAKAD sila ni Jet palabas ng mansiyon saka tinahak ang direksyon papuntang Playground.
CAMILLE
NAGTUNGO silang magkapatid sa pool area upang doon mag-usap saka sila naupo sa bench na naroon.
"Anong pag-uusapan natin, Kuya?" tanong ni Camille.
"I just missed my Baby girl." May lungkot sa boses ng binata. "Ilang Linggo nalang, magiging Mrs. Buenavista ka na. Magkakaroon ka na ng sariling pamilya at iiwan kami ni Daddy." Tumingin sa taas ang binata na kinurap-kurap pa ang mga mata dahil sa pangingilid ng kaniyang luha.
"Hindi ka ba masaya, Kuya?"
Umiling si Calyx. "Aside from Dad and Mom, Ako na ang pinakamasayang tao na makita kang masayang bubuo ng sariling pamilya. 'Yung pamilyang pinagkait sa'tin nang mga bata pa tayo." Emosyonal na wika nito. "At ngayong handa ka na para bumuo ng sa'yo, hinding hindi kita pipigilan, Cam. Alam mo namang sobra kitang mahal dahil Baby Girl kita, hindi ba? At Lahat ng magpapasaya sa'yo ibibigay ko. Hahayaan kita kung saan O kanino ka masaya."
Tumango si Camille. "I will always be your Baby Girl same as you will always be my Big boy, Kuya. And I love you so much. Ikaw kaya ang best ever supportive kuya in the universe."
ngumiti si Calyx. "Nambola ka pa e. Nalulungkot Lang ako kasi alam kong marami ng magbabago kapag nakasal ka na, pero always remember that i will always be here, Baby Girl. Susuportahan kita sa lahat ng bagay at desisyon mo sa buhay."
Tumango si Camille. "Thank you, Kuya. You know that you're not just a brother to me.. You are also my first ever bestfriend and Like a Father to me. Ikaw ang naging sandalan ko sa mga oras na down na down ako at Ikaw rin ang naging Daddy at Mommy sa'kin nang iwan tayo ni Mom at Laging busy sa trabaho si Dad. You're always there to cheer me up because you are the one who knew how to put a smile on my face when i'm sad and that makes you the best brother in the whole wide world for me."
"Mahal kita, Camille at bilang kuya mo, hinding hindi ko gugustuhing malungkot O masaktan ka, Alam mo 'yan kasi 'yan ang pangako ko sa'yo since we're just kids. Sa tuwing nakikita kong masaya ka, mas masaya pa ako pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak, mas nadudurog pa ang puso ko." Hindi na napigilan ng kaniyang kuya ang kaniyang Luha kaya tuluyan na iyong pumatak. "When Nathan broke your heart, I just wanted to kill him that time but the next day, when you said you're pregnant with his child, i changed my mind. Ayaw kong mawalan ng ama ang dinadala mo noon that's why i just pulled some strings to hide you from him." naiiling na wika nito. "And now, I'm glad i didn't kill him dahil siya rin pala ang bubuo sa'yong muli. Proud na proud ako sa'yo, Baby Girl dahil sa lahat ng napagdaanan mo sa buhay, heto ka ngayon, mas naging matatag at natutunan mong muli kung paano maging masaya." wika nito na hinaplos pa ang pisngi ni Camille na nagsisimula na ring magtubig ang mga mata.
"Kuya.." sambit ni Camille na kumibot kibot na ang Labi. "Geezz! Pinapaiyak mo naman ako e. Alam mo namang konting drama Lang, nadadala na ako e."
natawa si Calyx. "Shhh.. Gusto ko lang na malaman mo na hindi ganoon kadali ang buhay kaya kapag may dumating uli na pagsubok sa buhay mo O sa relasyon niyo ni Nathan, Be brave and strong enough to face it, okay? Huwag mong hayaang sirain ka uli ng pagsubok dahil hindi magugustuhan 'yon ni Big Boy." Wika ni Calyx.
Tumango si Camille. "I promise, i won't be weak when trial comes into my way again. Strong na ako, Kuya. You taught me how to be strong, right? and my strength this time is my own Family." Nakangiting wika ni Camille.
"That's my sister. Fight! Just keep on Fighting. Be strong because that is the armor you'll be needing in the battle of life." seryosong wika ng binata.
"Yeah. Tama ka, Kuya. At sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa bawat Laban ng buhay ko. I Love you, Big boy." wika ng dalaga saka niyakap ang kapatid. "At Gusto din kitang maging masaya."
"I'm happy, Camille. Masayang masaya." Wika nito. "Ano nga palang plano mo sa Distileriya mo?" Pag-iiba ng binata sa usapan.
"Kaya mo pa bang patakbuhin?" Tanong ni Camille.
Umiling si Nathan. "I can't, Cam. Kailangan kong pagtuonan ng buong atensiyon ang Shipping Lines ko. I'm sorry."
Tumango si Camille. "It's okay, Kuya. I understand. Si Jet nalang ang aatasan kong mag-manage." Wika ni Camille.
"Really?!" Boses ni Jet. "You want me to manage your very well-known distillery, Ate?" Hindi makapaniwalang tanong nito na umupo pa sa kaniyang harapan.
"You heard it right, Jet. Gusto mo ba O baka hindi mo maiwan ang trabaho mo bilang doctor?" Tanong ni Camille.
"I can still do my duties as a doctor while managing your company, Ate. Trust me." Wika nito.
"Of course i do trust you, Jet. Kaya nga sa'yo ko ipapa-manage e." saad ni Camille.
"Yes! Thank you, Princess." Masayang wika ni Jet na niyakap pa ang Ate Camille nito. "Hinding hindi ka magsisising ipagkatiwala sa'kin ang AshRhett."
Tinapik ni Camille ang balikat ni Jet. "Naniniwala akong kaya mo, Jet. Hindi man tayo parehong Andrada, Sa Puso't isip ko, Buong buo tayong magkapatid. At dahil kapatid kita, Mahal kita." Wika ni Camille.
Nabuga si Jet. "Woah! Thank you so much and I love you too, Princess. Soon, You'll be proud of me." wika nito.
Tumawa si Camille. "Hindi mo ba alam na sobrang proud na ako dahil isa kang doctor? Doctors saves lives, Jet. You should be proud of yourself, okay?"
Tumango si Jet. "I am, Ate. Thank you." Saka niyakap ulit ang dalaga.
"Tsss! Ang drama mo. Para kang bakla." Tudyo ni Calyx kay Jet. "Pasali nga." Nakangising sambit nito saka yumakap kay Jet at Camille.
"Mas bakla ka sa'kin. Puro ka nga drama kanina, Kuya. At malamang kung hindi ako sumingit, umiyak ka na siguro." Natatawang wika ni Jet saka kumalas sa kanilang yakapan. "Pero, Ate, Lagi mo ring tatandaan na may kapatid kang nagnangangalang Jethro na kapag kinaylangan mo, puwede mo siyang Lapitan dahil kahit sandali palang kayong nagkakakilala, Pinapahalagahan ka na niya. Siyempre ikaw Lang ang nag-iisang kapatid naming babae, kaya dapat kami ni Kuya Calyx ang puprotekta sa'yo." Mahabang Litanya ni Jet.
"Aw! how sweet of you, bunso. Thank you. Hindi ko inasahang magkakaroon pa ako ng isa pang Over Protective Brother." Natatawang saad ni Camille. "Mahal na Mahal ko kayo, Guys."
"I Love you too, Baby Girl/Princess." Sabay na wika ni Calyx at Jet.
"Tara! Bumalik na tayo sa Loob at baka hinahanap na tayo." Wika ni Camille sa dalawa.
NAGLAKAD papasok ng Mansiyon ang magkakapatid na nagtatawanan dahil sa pagbibiro na naman ni Jet. Nadatnan nila roon ang Daddy ni Nathan at ang Daddy Sanrdo nila na masayang nagkukwentuhan.
---------------------------------------------------
AGAIN !!
READ. VOTE. COMMENT.
シ
THANKYOUSODAMNMUCH!