[ EY's POV. ]
Ang sarap talaga matulog pag pagod, dire-diretso ang tulog. Wala ring nang-istorbo at nanggising sakin. Buti naman kung ganoon.
Naghilamos, nagtoothbrush at bumaba na ako. Who cares kung sinuman ang makakita sa'king nakapantulog pa? 'E kami-kami lang naman dito sa bahay at wala rin ang mommy namin dahil inaasikaso ang bussiness namin sa Korea.
"GOOD MORNING PRINCESS!" (^____^)> kuya El.
Napakalawak ng ngiti, tss. Yang mga ngitian na 'yan may ibig sabihin 'yan, nararamdamn ko. Tss. Nakakalokong ngiti nito.
"Huwag mo akong ngitian ng ganyan! Kinikilabutan ako," reklamo ko.
Ano na naman bang kailangan nitong kupal na 'to? Minsan nga lang humiling, delikado naman. Nakakatanginis din 'to minsan 'e. Walang matinong nais puro kalokohan, tss.
"Ang sungit talaga nitong kambal ko," aniya at ginulo ang buhok ko na parang bata.
Ako pa ang tinuturing na bata 'e mas bata siya kung umasta sa mga ginagawa niya. Tss pasapak nga isa lang naman 'e tss. (--____--)
"What do you want?" I asked
'Di naman siguro pera ang problema nito dahil ang dami nyang kinikita sa mga businesses niya.
Kotse? Wala pa namang bagong labas dahil bago pa niya malaman, ako muna ang nakaka-alam. Collection ko yan 'e bukod sa laruan.
Vacation? Wala pa sa kota namin ang magbakasyon na ang usapan, 1 buwan muna kaming papasok bago mag bakasyon.
Tss pati tuloy ako napapa-isip.
"LUCAS! FOOD IS SERVED! OH GISING KA NA PALA EY TARA LET'S EAT NA!" sigaw niya.
Mukhang alam ko na.
PRINCESS PALA AH! Tiningnan ko ng masama si kuya. 'Di ba niya alam ang princess? Alam kung sino ang pumapasok at lumalabas sa castle niya tss.. itong babaeng 'to naku kung 'di ko lang 'to kaibigan, babarahin ko 'to. Malamang may tulog bang nakadilat, nagsasalita at nag lalakad? Tss.
"So she's the reason kung bakit ka ganyan," ako.
Tumango lang siya.
"Dito natulog?" dugtong kong tanong.
"Yeah!" siya na parang takot sabihin.
May takot naman pala sa katawan. Ba't 'di niya sinabi kagabi pag-uwi ko? Nagstay pa naman ako saglit sa sala, tss.
Sino 'yung babae? Sino pa ba edi si Krissa. Mukhang nagkakamabutihan 'tong dalawa.
"Come, let's eat!" yaya ni Krissa.
Yeah feel at home! Okay lang, what are friends are for nga 'di ba?
Bumaba na kami, dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom na rin ako.
Kahit ang dami ng nakain ko kagabi dahil sa sarap magluto ng kung sino man ang nagluto nun.
"By the way princess, before I forgot, Tita called me yesterday that you have a photo shoot today, 10 a.m. then meron ka ring commercial shoot so you need a heavy breakfast tutal 'di ka naman tumataba baka makawawa pa ang mga bulate mo sa tiyan sige ka." bilin ni kuya El at talagang nang-asar pa.
Tiningnan ko ng masama si kuya, yung parang babalatan ko siya ng buhay. Tss, nagpeace sign naman siya sakin.
"Wow! Nice! Aren't you happy, Ey? Smile naman dyan kahit pilit lang, try mo lang." Krissa > (^___^)
----_________---- >ako
Si kuya naman nagpipigil ng tawa, tss.
Actually natry ko na 'yun nung birthday ko. Sinurprise kasi ako nun ni kuya at nagpumilit akong ngumiti para naman masabi niyang naappreciate ko yung gift niya. Nagustuhan ko naman 'e 'di lang gusto kundi gustong-gusto kaso mission failed ako 'e.
I tried all my best to smile that day kaso lalong napasama 'e. Bakit? Hays..
[ EL's POV ]
"Wow! Nice! Aren't you happy, Ey? Smile naman diyan kahit pilit lang, try mo lang." Krissa > (^___^)
----_________---- >Ey.
Nagpipigil naman ako ng tawa. Whahaha naku Krissa! Don't expect because she tried it before.
"Naku Krissa, I'm sure she won't try to force a smile again. Hahahaha!" tawa kong sambit kay Krissa.
'Di na 'ko nakapagpigil. Paano ba naman kasi, ganito yun, September 3..
[ FLASHBACK ]
"HAPPY BIRTHDAY PRINCESSS!" masaya kong bati pero siya,
(~___~) < ganyan ang mukha niya. 'Di talaga marunong magthank you man lang 'to.
"I have a surprise for you! Come with me!" dagdag kong yaya sa kaniya.
"Where?" tanong niya.
"In your music room!"
Ako lang ata ang excited 'e pero I'm sure pag nakita niya yung gift ko sa kaniya, ngingiti na siya.
Favorite instruments niya yun at green pa. Ang hirap kasi humanap ng ganun kaya nagpapersonalized pa ako niyan. Gusto ko kasi syang sumaya, gusto kong makita ang mukha niya na may ngiti sa kaniyang labi ulit. :)
Ganyan ko kamahal ang kambal ko hindi lang mahal, mahal na mahal na mahal ko 'yan.
"Ba't dun?" siya.
"Basta," ako at hinila na siya papuntang music room niya na puro green ang instruments.
Unti-unti ko namang binuksan yung pinto ng room hanggang sa mai-open ko na nang tuluyan.
I saw her! I really saw her smile and she really looks beautiful like our mom.
Pero bigla niyang binawi yung smile na 'yun and she's holding her head now.
"OUCH! AHH! KUYA! EL! TWIN! AHHHH!" sigaw niya na nagpataranta sa'kin.
Hala, anong nangyari sa kaniya?
"AHHH SH*T! OH F*CK! MY HEAD! IT REALLY HURTS! HOLY COW! WHAT'S HAPPENING TO ME?! MY HEAD HURTS!? I'M ONLY TRYING TO FREAKING SMILE! W-Wait k-kuya I c-can't see anything wh--" siya at biglang bumagsak.
Hala! anong gagawin ko!? Wala sina tita pati yung mga katulong namin day-off nila. Wrong timing naman oh! Buti na lang 'di masyadong mabigat itong kambal ko.
Binuhat ko siya at dinala sa hospital pero sa ibang hospital. Hindi samin at baka malaman ni mommy, ayaw pa naman ni Ey ang ganito.
[ END OF FLASHBACK ]
Alam niyo na kung bakit ako nagpipigil tumawa. Pati 'yung doctor nun tawa rin nang tawa. Mahospital ka ba naman na ang pagtawa ang dahilan, sinong 'di matatawa?
Kwinento ko ito kay Krissa.
"Tss I'm done!" galit na sabi ni Ey. Naku, patay!
Mukhang nagalit pa sakin.
Hala nainis. Haha!
Umakyat na siya.
[ EY's POV ]
Tss, si kuya talaga tawanan ba raw ako sa nangyaring yun? Kung sabagay, sino bang natinong tao ang magpapaconfine dahil sa pagsakit ng ulo sa unang pagtawa?
Umakyat na ako sa taas. 'Di naman ako galit kay kuya, nakakatampo lang kasi syempre imbis na mag-alala siya before, tinawanan niya lang ako. 'Di ko naman kayang magalit sa kaniya 'e. Triny niya lang naman kung makakatawa ako and he did it. The problem is 'yung biglang pag sakit ng ulo ko and that is so strange. Sobrang sakit nun at 'di ko talaga kaya tiisin.
Inayos ko na 'yung gamit ko at bumaba tutal 9 naman na 'e.
Pagbaba ko, sinalubong ako agad ni kuya El.
"Aalis ka na?" Kuya El.
"'Di ba obvious?" pilosopong tanong ko pabalik.
"Yeah! You're wearing your nerd disguise," pansin ni kuya sa style ko.
Oo nga pala, nasanay na ako magsuot nito. Bumalik na lang ulit ako sa taas at tinanggal yung fake braces at salamin ko then bumaba na.
Sumakay na ako sa kotse ko. Namiss ko 'to promise.
Pumunta na ako sa studio.
*O* > yung mga tao sa labas ng studio.
--____-- > ako.
Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na ako sa loob.
"Good morning ma'am," bati nung assistant ni tita.
"Yeah," bati ko pabalik. Baka sabihin snob ako kahit bago pa lang siya. Wala kasing tumatagal sa ugali ko. 'Di nila kaya ihandle kaya paiba-iba ang mga nagiging kasama ko.
Napalingon ako sa aking cellphone nang tumunog ito.
AJ calling..
Tss ang aga naman nito tumawag. Ano na naman bang kailangan nitong isang 'to?
"Wae?" panimula ko nang sagutin ang tawag. (Wae means 'why')
[Where are you?]
'Yun lang ba ang itatanong niya? Tss, nag-abala pa siya.
"Studio." tipid kong sagot.
[NGAYON SCHED MO!] bilang sigaw niya kaya napalayo ako ng cellpone sa tainga.
Putek mababasag na ata 'yung eardrums ko sa isang 'to, ang aga-aga.
"Malamang." ako.
[I'm here at Heather house, we're practicing.]
"Tinanong ko ba?" asar ko sa kaniya.
[Sungit!]" aniya.
"Hmm, excuse me lang po ma'am, ready na raw po in 5 mins," sabi ng bago kong assistant.
"Okay!" tango ko.
[Ah sige, you end this na. Take care na lang sa pag-uwi call me pag nakauwi ka na may chika ako sayo mamaya.] pahabol niya bago ibaba ang tawag.
Tatayo na sana ako para pumunta sa stage kung saan magaganap ang pictorial..
Gunggong calling...
"WHAT!?" pasigaw kong sabi nang sagutin ito. Bakit tumatawag ang isang 'to?
Wrong timing naman, tss.
Kaasar naman.
[Ouch! Don't shout! Ang aga-aga, HB agad,]
"Ah ma'am i--- " 'di ko na pinatapos 'yung sasabihin niya. Mamaya mabanggit niya 'yung pangalan ko edi mabuking pa ako.
[Sino 'yun?] he asked.
Chismoso!
"Tss, none of your business. So bakit ka tumawag? I'm too busy this day. May trabaho pa akong inaasikaso," iritang tanong ko.
Bukod dito sa photoshoot na 'to, may rehearsal pa sa commercial shoot mamaya.
[Oh I see, sige 'wag na tayo mag practice ngayon baka mapagod ka pa lalo. Pahinga ka na lang pag tapos mo diyan sa trabaho mo.]
Really? You see it? Talaga lang huh.
"Yeah," sagot ko.
[Bye,]
"Yeah." ulit kong sagot.
[Galingan na lang natin bukas. Sige na, baba ko na. Take care ah.]
and he hung up the phone.
Taray huh, may concern sa partner dahil baka 'di maayos 'yung kanta. Tss, good luck na lang sa lahat and I'm sure we'll win.
'Di ako papayag na mawala sakin 'yung best singer sa school dahil pag nawala 'yun, malalaman ng iba na hindi ako scholar ng school namin. 'Yun kasi ang alam nila kung bakit ako nakapasok sa school namin.
Basta kahit 'di ko naman galingan, mananalo kami.
Magaling din naman 'yung gunggong na 'yun.
-------------------------------