The Campus Heartbreakers

By CarpeDiem143

139 0 0

Alexa Blair had her first heartbreak when she was just 13 with the school's hottest and most popular guy Dean... More

Chapter One: Philippine International University
Chapter Two: The Past Changed Me
Chapter Three: The Second Encounter

Prologue

63 0 0
By CarpeDiem143

PROLOGUE

4 years ago.

Alexa Blair is 13 years old and the richest in her batch but she’s not beautiful and famous. She's quite the opposite. Everybody hates her. Dahil bukod sa pagiging nerd, sobrang taba niya pa. No wonder wala siyang friend. Because everybody thinks she’s a freak. She’s fat and she’s wearing eyeglasses which made everyone to avoid her. Isang araw, binigyan siya ng red rose ng classmate niyang babae, may nagpapabigay daw. Kibit-balikat siyang naglakad papuntang classroom. May lumapit ulit na isang classmate sa kanya at sinabing hinahanap daw siya ni DH, ang pinakagwapo sa school nila. Nagulat man pero nangibabaw pa rin ang kilig sa batang puso niya. 3 years na niyang crush si DH kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit siya binigyan ng rose at pinapatawag ni DH maliban sa baka may crush din ito sa kanya kaya dali-dali niyang pinuntaha niya ito sa canteen.

“DH, sabi niya sabay hindi mapigilang yakapin ang binata”. Malakas na kumalas si DH at tinulak siya.

“Yuck! Sinong nagsabi sayong pwede mo akong yakapin ha?!”sigaw ni DH. Nagulat si Alexa at tumingin siya sa paligid niya. Pinalilibutan na sila ng mga classmates nila at yung iba tumatawa, yung iba naman nang-aasar.

“Kapal naman ng mukha ng baboy na yan”, sabi ng isang babaeng classmate niya .

“Wala siyang karapatang yakapin si DH, maski ni hawakan siya”, dagdag ng isa pa.

Nangingilid na yung luha niya at ang mahihiling na lang niya ay bumuka ang lupa at lamunin siya.

“Sorry”, ang tanging nasambit niya habang humihikbi. Nakayuko lang siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga galit na matang iyon.

“Ano, natupad na ba ang pangarap mo?” mayabang na tanong nito.

Gusto niyang sampalin ang lalaking kaharap niya pero baka lalong magalit ang mga kaklase nila at kuyugin siya. Nag-decide siya umalis sa lugar na yon.  

“Sa susunod matuto kang lumugar. Wag kang mangarap na may magkakagusto sa itsura mong yan”, narinig niyang sabi nito bago siya tuluyang tumakbo paalis. Ang lakas din ng tawanan ng mga kaklase niya. Kala mo sobrang gaganda at gagwapo. Makikita niyo, nganganga kayo sakin someday at pagdating ng araw na yun, kayo naman ang tatawanan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...