Asgard High [Soon]

By HevnMeow

758 49 11

Isang babaeng gagawin ang lahat mahanap lang ang kanyang mga magulang. Sa paghahanap, accidentally, napunta... More

Asgard High [Soon]
1st Chappie~
2nd Chappie~
Chapter 4: Asgard High: The Headmaster
Chapter 5: Awakening the Power: Telekinesis.
Chapter 6: The Four Elements
Chapter 7: Examination Day
Chapter 8: Make Friends
Chapter 9

3rd Chappie~

64 5 0
By HevnMeow

Chapter 3: Odin: The Devil's Blind Eye.

"Alam mo ba kung saan ko nakuha to?" Tanong ni Odin sakin habang tinuturo ang silver eye niya. Umiling lang ako.

"Ganto yun..." 

*Flashback*

Odin's POV

Nakikipaglaban kami, pero isang masamang balita ang natanggap ko galing kay Loki. 

"PRE! SI FRIGGA! NAWAWALA!" sigaw sakin ni Loki. Pero ano daw?!

"ASAN SIYA?!" Pasigaw din akong nagtanong. Nakatanggap naman ako ng batok galing kay  Eir.

"Nawawala nga eh gago. Sige hanapin mo dito ang nawawala -_______-" -Eir.

"Ah eh.. hehe?" -ako. Si Frigga ang kasintahan ko. Nagpaplano na kameng magpakasal pagtapos ng digmaang ito. Pero... bakit? 

Napaluhod ako at yumuko. Kasabay nun ay ang pagbuhos ng ulan. 

Pero binatukan ulit ako ni Eir.

"ANO BANG PROBLEMA MO?! KITA MONG NAGDADRAMA AKO EH!" Pasigaw kong sabi kay Eir pero sinuntok niya lang ako kaya napatalsik ako. Umupo ako at tumawa ng pilit.

"EH KUNG HINAHANAP MO NA SIYA AT DI KA NAGDADRAMA JAN!" -Eir.

"Oo nga no?" Tumayo ako at nakipag-apiran sa kanila.

"Good idea Eir. Ang talino mo pala." Tsaka ako tumakbo. 

"Gago!" Narinig ko lang na sigaw ni Eir. Napangiti ako. 

***

Ilang araw akong naghanap sa buong mundo dahil ang sabi Eir baka na-teleport siya sa ibang bahagi ng mundo. 

Ilang araw, ilang linggo at ilang buwan na akong di nakakatulog at nakakakain ng maayos dahil araw araw ay iba't ibang bansa ang nadadaanan ko, iba't ibang halimaw ang nilalabanan ko at iba't ibang panganib ang kinakaharap ko. Pero balewala ang lahat ng iyon dahil desidido akong mahanap ang taong pinakamamahal ko. 

Pero dumating na ang time na sumuko na ako.... 

Namatay na ang pag-asa ko. Ang pag-asa na sakaling buhay pa siya. Mahirap umasa sa wala, lalo na't yung inaasahan ko ay di malaman kung buhay ba talaga o patay na. 

Tumigil ako sa isang fountain na may istatwa ng isang diyos na hawak ang mundo sa isang kamay at hawak naman ang libro sa isa pang kamay. Naupo ako sa fountain at malungkot na pinagmasdan ito. Frigga, where the hell are you?

Nagulat naman ako sa aura na bigla kong naramdaman, masyadong malakas at nakakatakot pero di ako natakot. Lumitaw ang isang lalaking may demonyong ngiti. Nakakapangilabot na ngiti lalo na't galing kanya. Ampangit niya eh.

"Marahil ika'y nagtataka kung sino ako." Ang pormal naman niya magsalita -_____-

"Hindi. Wala naman akong pake kung sino ka." sabi ko sabay talikod. Wala akong panahon para sa demonyong tulad niya.

"Ako si Devid." 

"Gaya nga ng una kong sinabi, WALA AKONG PAKE KUNG SINO KA." Inemphasize ko pa ang 'Wala akong pake kung sino ka.'

Nagsimula na akong maglakad paalis sa lugar na yun. 

"Kaya kitang tulungan maging malakas para makita ang nawawala mong kasintahan." Napatigil ako dun. At sa pagharap ko, ang pangit na demonyo ang nakita ko -_____-

"Paanong tulong?" tanong ko. Naguguluhan ako. Bat kailangan ko pang maging malakas para mahanap si frigga? Atsaka bat gusto niya akong tulungan??

"Pero bago yan, may isang kondisyon." -devid.

"Ano yun?" -Ako. Napangiti siya. Nakakapangilabot talaga siya.

"Kailangan mong isakripisyo ang mata mo para lumakas ka. Kapalit ng matang yan ay ang kapangyarihang napakalakas at buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng kapangyarihang makukuha mo sa isang mata mo, mahahanap mo ang minamahal mo." -Devid. Malakas na kapangyarihan? Buhay na walang hanggan? Mahahanap ko si Frigga sa pamamagitan nito? Kahit makipagsundo pa ako sa demonyo gagawin ko, makita ko lang ang minamahal ko.

"Kung ito lang ang tanging paraan para mahanap ko siya tatanggapin ko." Ngumiti siya. Naramdaman ko na lang na unti-unting lumalabas ang mata ko sa kinalalagyan nito pero kasabay nun ay merong isang mata na ibinagay sa akin. 

"Devil's blind eye." sabi niya tsaka ngumiti.

"Ang devil's blind eye ang panggagalingan ng kapangyarihan mo. Konektado ito sa lahat ng parte ng katawan mo simula nang tinanggap mo ang kondisyon na binigay ko. Ikaw na ang bahala sa pagdiskubre kung paano ito gamitin. Sa ngayon kailangan ko nang umalis. Hanggang sa muli, Odin." Tsaka siya nawala. 

Ramdam ko ang malakas na kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko. Napangiti ako. Ngayon, sigurado kong mahahanap na kita. Frigga.

*End of Flashback*

Night's POV

"Pero pinagsisihan ko ang pagsasakripisyo ko ng mata ko sa isang demonyo." Ramdam ko ang galit sa tono niya. 

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil.... Di ko rin nakita ang pinakamamahal ko. Di ko rin nakita si Frigga. Napakademonyo ng Devid na yun. Napakatuso niya. Ginamit niya si Frigga para lang sa experiment niya. Pero... wala na siya... Dahil ang kapangyarihang nanggaling mismo sa kanya ang tumapos ng buhay niya."

"Pinatay mo siya?" 

"Oo. Dala ng galit. Di ko alam na ganito pala kalakas ang kapangyarihan na yun." 

"Wait. Ilang taon ka na nga ulit?"

"18."

"Asan na ang mga kaibigan mo? Ilan lahat kayo? Bakit ikaw na lang ang nandito?" 

"Patuloy pa rin nilang hinahanap si Frigga. Kung patay man siya, dapat mahanap ang katawan niya at kung buhay man siya.... sasalubungin ko siya at yayakapin ng mahigpit... at... magpapakasal na kame." Sabay ng pagtulo ng luha niya. Halata mong miss na miss na niya si Frigga. Nakakalungkot isipin na ang isang makapangyarihang Odin ay may malungkot na nakaraan at patuloy pa ring naghihintay sa pagbabalik ng mahal niya. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sakin. Dahil dun lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi niya. Ang cute hahaha.

"Tungkol naman sa kung ilan kame: 9 kame." 

"Oh."

"Ano nga pala ang powers mo?" -________-

"Mortal ako Odin. -________-" 

"Ah.. hehehe sorry." Biglang may nagflash sa isip ko at nagsparkle ang mata ko *Q*

"Odin... Diba makapangyarihan ka?" tanong ko.

"Ah eh oo." Sabi niya na naguguluhan. Omeged this is it *Q*

"Pwede bang makita ko yung ginagawa ni Elsa sa Frozen, yung snowball tapos pag hinagis mo magkakaroon ng snow na shiny,shimmering,splendid? *Q*" Gusto kong makita yun sa personal ehhh~

"Elsa? Frozen? Ano yun?" ay oo nga pala -___-

"Basta gawa ka ng snowball tapos gawin mo siyang shiny pag hinagis mo yung parang snowflakes na kumikinang *Q*" 

"Ah, yun lang pala eh." Tapos gumawa nga siya ng snowball at hinagis niya. 

"Ang ganda...." 

***

Odin's POV

"Ang ganda...." Napatingin ako sa kanya. Halata mo pagkamangha sa mukha niya. Napakaamo ng mukha niya. Naaalala ko sa kanya si Frigga. Hays.

"Gusto mong lumipad?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. Tapos nandun na naman ang pagssparkle ng mata niya. Pagka-excite ang nakabakas sa maganda niyang mukha. Tumango tango siya. Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay at lilipad na sana kaso pinigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Gusto ko malaman kung paano lumipad kahit wala akong powers hahaha ^___^" sabi niya habang nagkakamot sa batok. I find it cute.

"First, you need to meditate. Relax your mind. Erase all your thoughts." Nag-indian sit ako at gumaya naman siya. Pumikit siya kaya pumikit na din ako.

"While meditating, try to imagine that a teardrop of water from a leaf drops in the pond." 

"The drop of that water gives the pond a circulating vibration. It means that it's expanding from your brain into your body. The feeling of the air that's surrounds in your body is warm."

"Then, imagine that you're the water that is flowing from above down to another bodies of water. This represent that the air flowing in your body getting stronger and stronger. The stronger your will, the stronger the air flows in your body."

"After that, stand up and imagine that you're a leaf. A leaf that is flying with a wind. Just feel the wind night. Just feel it and let yourself fly with it." Nagmulat ako at nagulat ako sa nakita ko. Nakatingala ako sa kanya. Bakit? She's unconsiously flying! How did she? She didn't even have a power! That's not a talent for sure nor a blessing. 

"Open your eyes night." Tsaka ako lumipad papunta sa kanya. At sa pagdilat ng mata niya nakatingin lang siya sakin. Tinuro ko ang sa baba. Inaasahan kong matatakot o kaya malulula siya pero hindi. 

"WOW ANG GALING! NAKAKALIPAD NAKO! YIPEE!" Tsaka siya lumipad-lipad na parang ibon sa kung saan saan. 

"Stop it night. May isa pa akong ipapakita sayo. Halika dito." Napangiti ako ng lumapit siya sakin. Pinakita ko ang kamay ko at nilabas ang elemento ng apoy.

"Eto ang elemento ng apoy." Imbes na matakot sa apoy na nilabas ko lalo pa siyang namangha at tinitigang mabuti. Nilagay niya ang hintuturo niya dun sa apoy dahil dun...

"WAAAAA!!!!!!! Ang cute!!!" Bat hindi siya napaso? O.O

Nilagay niya ang apoy sa kabilang palad niya at nagconcentrate dun. Maya maya lang palaki ng palaki ang apoy na nasa palad niya. Tumingin siya sakin ng may malaking ngiti sa labi. Napangiti ako lalo. Pero nagulat ako ng tinapat niya sakin ang palad niyang may apoy at binato sakin at mabuti na lang mabilis akong nakaiwas. Nako... Delikado ang babaeng to. Hinila ko siya pababa pero pinipilit niya kumawala pero ang ginawa ko nilagyan siya ng invisible chain at nauna na akong bumaba kaya ang ginawa ko lang ay hilain ang chain. Tsaka ko lang tinanggal ang chain ng nasa baba na siya.

Nakapout pa ang gaga. Tsk. Tsk. Kakaiba ka talaga Night. 

"Mag-enroll ka na Night. Bawal ang mga charmer na di pa nakakapag-enroll na nandito na. Kahit na mortal ka dahil nandito ka na di ka na makakalabas maliban na lang kung may ibigay sayong mission o payagan ng head master." Tsaka ko siya iniwan dun. Bahala na siya jan. 

Napangiti niya ako. Napatawa niya ako. Naging ako sa harap niya. Nakwento ang sikreto na di ko sinasabi maski sa kaibigan ko. Kakaiba ka talaga Night. Kakaiba ka sa lahat.

***

Votes and comments are highly appreciated. By the way guys, penge naman ako ng comment about this. Hahahaha gusto ko kayong maramdaman eh.

Continue Reading

You'll Also Like

188K 13K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...