She's Falling Inlove to a Nerd

By Panchichi11

128K 3.9K 101

Monique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya. More

She's Falling Inlove to a Nerd
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Niks/Geoff DAY
Niks/Geoff Day 2
Chapter 22 (Beauty Pageant)
Chapter 23(BP II)
Chapter 24 (First Date)
Chapter 25 (We meet again)
Chapter 26 (Without Him)
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (Arrange Marriage?)
Chapter 30 (Where do broken hearts go?)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37(Miracle)
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Friendship)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Last Chapter

Chapter 4

3K 79 3
By Panchichi11

Cheska POV

 

 

Maaga akong pumasok mag-isa ngayon. OPO mag-isa lang ako hindi ko kasama ang mabait na bestfriend kong si Niks. Dahil malalate daw siya pumasok ngayon. Nag-bonding daw sila ni Kuya Rain kahapon at napagod siya ng bongga. Tssss.

Papasok na sana ako ng building ng mapansin ko yung mga students na nagkukumpulan sa bulletin board.

Anong meron dun?

Kaya naman naglakad ako papalapit at nakisingit ako ng bongga.

‘Excuse me.’ Sabi ko hanggang sa makarating ako sa harapan.

O____________O

‘Omygee!!!’ sigaw ko at napatakip ako sa bibig ko.

‘Ang ganda talaga ni Monique ano?’

 

 

 

‘Oo nga eh! Tignan mo naman yung kasama niyang guy! Ang gwapo!’

 

 

 

‘Korek! Bagay na bagay sila oh!’

 

 

 

‘Model pala si Monique?’

 

 

 

‘Bakit di naten alam yun? Grabe ang ganda niya.’

 

 

 

‘Hindi kaya boyfriend niya yang kasama niya?’

 

 

 

‘Ang swerte naman ni Monique pag nagkataon na boyfriend niya yan.’

 

 

 

Kaya naman mas nilapit ko yung mata ko at tinitigan maigi yung mga picture kung talagang si Niks yun.

‘Si Niks nga.’ Napatakip ako sa bibig ko. Kelan pa niya napag-isipang maging model? At talagang sa BENCH pa ah!

‘Grabe mas gwapo yung guy kesa kay Dustin na Ex-Boyfriend ni Monique’

‘Korek! Nako sana naman dito siya mag-aral! Panigurado magiging CAMPUS KING yan!.’

 

 

 

‘Mas bagay yung guy kay Monique kesa kay Dustin.’

 

 

 

‘Korek ka dyan girl!!’

 

 

 

Grabe! Ang GWAPO at ang HOT ng kapartner ng bestfriend ko. Bagay na bagay silang dalawa. *O*

-BRRZZZZKKKKKT-

 

 

 

Kinuha ko yung phone ko sa bag at sinagot yung tawag.

‘ASAN KA BA!! KANINA PA KITA HINAHANAP AT TINETEXT AKALA KO BA MAAGA KA PUMASOK!!!’ nailayo ko kagad yung phone sa tenga ko.

Syet! Si Niks pala yung tumawag.

‘Hey! Easy!’ sigaw ko at tinapat ulit yung phone sa tenga ko.

‘Asan ka ba kasi!!’ inis niyang tanong.

‘Andito ako sa bulletin board.Teka nga! Akala ko ba mamaya ka pa papasok?’ Sagot ko.

‘Ginising ako ni Kuya Rain eh. Teka anong ginagawa mo dyan? Isa ka na rin bang dakilang tsismosa ha!’ sigaw na naman niya.

Kaya naman naglakad na ako papaalis dun sa bulletin board.

‘Tsk! Ikaw may hindi ka sinasabi sa akin ha! Kelan ka pa naging model!’ sigaw ko sa phone.

‘At sinong may sabi sayong naging model ako?’ napatingin ako sa harap ko.

Pinatay ko yung tawag at binalik yung phone ko sa bag.

‘Eh bakit hindi mo tignan yung sarili mo dun sa bulletin board!’ inis kong sagot. Lumapit naman si Niks sa akin.

‘Bakit ano bang meron dun?’ takang tanong niya.

Kaya naman napangisi ako.

‘Eh bakit hindi mo tignan? Nang makita mo?’ sarkastik kong tanong. Inirapan niya lang ako at naglakad papunta sa bulletin board.

‘Tabi.’ Maawtoridad niyang sabi kaya naghawian yung mga students para makadaan siya.

‘What the hell!’ sigaw ni Niks habang tinitignan yung mga picture niya.

‘Paano yan….Teka nga!!!’ sigaw niya at humarap sa mga students.

‘Sino ang nag-paskil niyan dito!’ sigaw niya at agad na nagyukuan yung mga students.

‘AIISSHHH!!!’ nagpapadyak niyang sabi at inis na lumapit sa akin.

‘Sino nag-paskil nun!!!’  inis niyang tanong.

‘Aba malay ko sayo. Pagkarating ko nandyan na yan eh. Bakit ano bang problema?’ tanong ko.

‘Wala. Ayoko lang makita yang mga picture na yan kasama yung hambog na lalaki na yun. Tsss.’ Inis niyang sagot at umangkala sa braso ko.

‘Tara na nga sa room.’ Yaya niya kaya naman taka ko siyang tinignan.

‘Paano ka naging model?’ tanong ko.

‘Hindi nga ako model! Nagkataon lang na wala yung kapartner ng hambog na lalaking yun kaya ako yung pinag-model ng photographer ng Bench. Atska hindi ko naman kagustuhan mag-model eh pinilit lang ako ni Kuya Rain kahapon.’ Sabay nguso niya.

‘HAHAHAHAH!!! Now I know.’ Sabi ko at inis siyang tinignan ako.

‘What?’ tanong ko pero inirapan niya lang ako.

Pagkarating namin sa room umupo na ako. Si Niks naman lumapit kay Nerd at inabot yung notebook niya sa Accounting.

‘Gusto kong gawin mo na yan ngayon! Bago dumating yung prof.’ sabi ni Niks at bumalik siya sa upuan niya katabi ko.

‘So mag-kwento ka naman. Gwapo ba yung partner mo?’ nakangiting tanong ko at biglang sumimangot yung mukha Niks.

‘Hindi siya gwapo. MAYABANG pwede pa.’ sagot ni Niks.

‘Weee? Bakit ba nasabi mong mayabang siya?’ tanong ko.

‘Ganito kasi yun. Pagkatapos akong ayusan sa dressing room pinalapit ako ng photographer dun sa hambog na lalaki. At sinabi niya na ‘Huwag kang masyadong lumapit’ sabi niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at sino naman nagsabi sayong gusto kong lapitan ka? Taas kilay kong tanong. Pero nginisian lang ako ng loko.’ Inis na pagkwekwento ni Niks.

‘Heheheheh---

 

 

Sabay kaming napalingon ni Niks sa likod nakita namin si Nerd na nakangiti habang nagsusulat sa notebook niya.

‘HOY!!’ inis na sita ni Niks. Tumingin naman si Nerd.

‘Anong tinatawa-tawa mo dyan? Abnormal ka ba?’ tanong ni Niks.

‘Wa-wala. Ma-may bi-binabasa l-lang a-ako.’ Sabay yuko ni Nerd.

‘Tsss... humarap si Niks sa harapan Tapos ayun! Edi pinayakap ng photographer yung hambog sa likod ko. Aba at binulungan niya ako na ‘First time mo ba?’ at kinagat niya yung tenga ko. Grabe alam mo bang diring-diri ako sa ginawa niyang yun! Nakakabwisit talaga siya ang sarap buhusan ng asido yung mukha niya! Argh. Tapos bago ako makaalis kiniss pa niya ako sa cheeks na halos walang nakakita ni isang tao!!! Ang kapal talaga!!!’ inis na inis na pagkwekwento ni Niks.

‘Kahit si Kuya Rain hindi niya napansin na kiniss ka ng guy sa cheeks mo?’ takang tanong ko.

‘Yeah! Hindi niya napansin. Kung wala lang tao dun kahapon malamang nasampal ko yun ng HARD.’ Sabay irap ni Niks.

‘Eh bakit hindi mo sinampal?Atska dapat sinabi mo na kiniss ka ng guy para nasuntok ni Kuya Rain.’ Sabi ko.

‘Like duh! Paano ko siya masasampal sa harap ng maraming tao. Maya kung ano pang isipin nila! Atska isa pa hindi nila ako paniniwalaan na kiniss ako ng guy dahil pwedeng itanggi yun ng hambog na yun. At kilala mo yun si Kuya kapag nagsabi ako dun hindi niya ako paniniwalaan. Tatawanan niya ako pwede pa.’ sagot ni Niks.

‘Hindi ka man lang ba kinilig? Or hindi ka ba nagwapuhan sa kapartner mo?Anong name niya?’ nakangiting tanong ko. At inis siyang nilingon ako.

‘Una sa lahat. Hindi ako kinilig sa kanya. Kinilabutan ako yun ang naramdaman ko. Pangalawa hindi siya gwapo sa paningin ko. At pangatlo wala akong balak alamin pangalan niya. Impakto siya.’ Sagot ni Niks at sumandal sa upuan. Nirelax niya yung batok niya.

‘Bagay kayo nun.’ Sabi ko.

Pinikit ni Niks yung mata niya.

‘Never. At EWWWW.’ Sagot niya. Napatingin ako kay Nerd. Nakita kong nakangisi siyang nakatingin kay Niks. Napansin niya atang nakatingin ako kaya bigla siyang yumuko.

Anong trip nun at bakit siya nakangisi? Hindi kaya malian niya ng sagot yung assignment namin sa Accounting?

Karen POV

 

 

Naiinis ako!! Oo naiinis akong makita ang EX-BOYFRIEND ko kasama ang MORTAL ENEMY ko na magkasama sa mga picture.

Inis kong pinag-tatanggal yung mga picture nilang dalawa!!! Argh! Sa AKIN LANG SI OHRIK!!!!.

‘Hon.’ Napalingon ako kay Dustin.

‘Hi Hon.’ sabay kiss ko sa lips niya.

‘Ano yang hawak mo?’ takang tanong niya habang tinitignan yung mga hawak ko kaya tinago ko yun agad sa likod ko.

‘Wala basura ko.’ Sabay ngiti ko.

‘Ganun ba. May klase ako ngayon. Ikaw may klase ka?’ nakangiting tanong ni Dustin.

‘Yeah! Meron. Ahmm kita na lang tayo later. Bye.’ At kiniss ko siya ulit sa lips niya. Naglakad ako papunta sa basurahan at inis na tinapon yun mga picture.

Naagaw ko na si Dustin kay Monique. Tanging korona na lang ni Monique bilang CAMPUS QUEEN ang hindi ko pa nakukuha tapos dadadag pa si Ohrik? Arghh!! Hindi ako papayag na magkalapit yung dalawang yun.

OHRIK IS MINE!!!!. Hindi pa ako nakakaganti kay Monique sa pagpapahiya niya sa akin sa Cafeteria. Well it’s my time to shine.

Napatingin ako sa Office. Napangisi ako ng makita ko ang Daddy ni Monique.

Geoff POV

 

 

Siguro naman kilala niyo na ako diba? Pero hindi pa gaano.

-BRRZZZZKKKTTTT-

 

 

 

Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng t.v ng biglang nag-ring yung phone ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag.

‘Hello.’ Sagot ko.

‘Hi! Ahmm… Kamusta ka na?’ tanong niya. Napangisi na lang ako.

‘Ayos lang. Ikaw?’ tanong ko at pinatay ko yung t.v.

‘Ito miss na kita.’ Sagot niya at lalo akong napangisi. Dumating si lola at tumabi sa akin.

‘Sino yang kausap mo Apo?’ mataray na tanong ni lola.

‘A friend.’ Sagot ko.

‘Sige. Wala ka naman atang ibang sasabihin. Bye.’ Sabay end call ko.

‘Hmmm. Friend? Or EX?’ taas kilay na tanong ni Lola.

‘Lola. Nakamove-on na ako okay?’ sabi ko at inakbayan si Lola.

‘Nakamove-on daw. Aysus. Eh bakit yung picture niyong dalawa pa rin ang naka-wallpaper sa laptop mo?’ tanong ni Lola.

Napabuntong-hininga na lang ako.

‘Nakakalimutan ko palitan eh. Don’t worry papalitan ko rin naman yun.’ Sagot ko.

‘Look. Hindi mo naman kinakailangan magbago para lang sa kanya. Sinusundan mo pa siya sa University kung saan siya nag-aaral at pinapan—

 

 

 

‘Lola.’ Seryoso kong tawag at napa-irap na lang si Lola.

‘Ayoko sa kanya.Alam mo yan! At kung yang ginagawa mong paraan para magkalapit ulit kayo or magkabalikan kayo. Hinding-hindi ko siya matatanggap at never ko siyang tatanggapin bilang girlfriend mo ulit.’ Inis na sabi ni Lola at iniwanan ako sa living room.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang wallpaper.

‘Hanggang ngayon. Ikaw pa rin mahal ko.’ Napabuntong-hininga na lang ako.

Monique POV

 

 

BORING!!! YEAH!! SOBRANG BORING DITO SA MANSION!!.Inis akong tumayo sa kama.

Naglakad ako papunta sa salamin at tinignan ang kabuuan ko.Maayos naman yung maganda kong buhok. Nilagyan ko na lang yun ng hairclip para hindi masyadong nakaharang yung bangs sa maganda kong mukha.Nakasuot ako ng v-neck black na t-shirt at nakasuot ako ng maong na short na hindi naman gaano maikli.Sinuot ko yung doll shoes na puti at lumabas na ng kwarto ko.

Teka! Nakalimutan ko yung phone at card ko. Kaya bumalik ako sa kwarto at kinuha yung nakalimutan ko.

Pagkababa ko sa hagdan nakita ko si Kuya Rain na nanonood ng t.v.

‘KUYA!!!’ sigaw ko at napalingon siya sa akin.

‘Saan ka pupunta?’ taas kilay niyang tanong.

‘Sa Mall lang. Boring dito eh! Bye.’ Sagot ko at patakbong lumabas ng mansion.

‘Manong yung susi ng kotse ko?’ tanong ko kay Manong.

‘Ahh andun po sa garahe pati yung kotse niyo po Ms.’ Sagot ni Manong.

‘Kunin mo at may pupuntahan ako ngayon.’ Utos ko at patakbo siyang pumunta sa garahe.

‘Ms. Ito na po.’ Sigaw ni Manong pagkalabas sa kotse ko at binato yung susi na agad ko naman nasalo.

‘You’re the best manong!’ nakangiting sabi ko at nag-thumbs up pa ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinatakbo yun.

-MALL-

 

 

Hmmmm? Ano kaya pwedeng gawin ngayon? Nagpapalinga-linga ako habang naglalakad. May mga nakita akong maraming tambay na nursing student sa DQ. Luminga-linga pa ako at nakita ko yung brownies mukha siyang masarap. Kaso napatingin ako sa katawan ko.Sayang ang sexy kong katawan kapag kumain ako ng matamis. Argh. Kaya naman nilagpasan ko yun.

Ano bang pwedeng gawin dito sa Mall? Di ko naman pwede tawagan si Cheska dahil may date sila ngayon ni Jay.

Inis akong dumungaw sa escalator. Try ko kayang tumalon? Argh! Ano bang nangyayari sa akin. Paglingon ko sa likod.

O_____________O

Automatic tumaas ang kilay ko.

‘It’s nice to see you again Ms.Monique.’ nakangiting sabi ng hambog. Oo ang lalaking nasa likod ko ay ang lalaking hambog na model ng Bench.

‘Whatever.’ Taas kilay kong sabi at nilagpasan siya. Naglakad-lakad na lang ako ulit. Sa dirami-dami kong pwedeng makasalubong bakit yung ayaw ko pang makita!

‘Mukhang nag-iisa ka ata?’ napatingin ako sa gilid ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

‘Eh ano naman paki mo?’ sabi ko.

‘Baka gusto mong may makasama?’ tanong niya.

‘Kung gusto kong may makasama eh di sana may kasama na akong pumunta dito. Nakita mong mag-isa ako ibig sabihin nun gusto kong mapag-isa.’ Sarkastik kong sagot at inirapan siya.

‘Ahh. Yun pala yun. Pero pwede namang naghahanap ka ng may makakasama diba?’ sarkastik din niyang sabi. Kaya naman inis ko siyang hinarap.

‘Look. Ayokong makipag-talo sayo ganitong boring na boring ako! At pwede ba huwag mo nga akong sinasabayan sa paglalakad.Nakakairita ka! Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!’ inis kong sabi.

‘Bakit dahil sa gwapo ako?’ nakangising tanong niya.

Kaya naman nanlaki ang singkit kong mata.

‘Ikaw? Sabay turo ko sa kanya Gwapo? Hahahahah! Grabe! Grabe din ang kapal ng mukha eh no? Gwapong-gwapo ka sa sarili mo eh no.’ nang-gigil kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

‘HAHAHAHA! Nakakatuwa ka talaga.’ Nakangiting sabi niya.

‘Pwes hindi ako natutuwa sayo.’ Sabay irap ko at naglakad na ulit.

‘Wait lang!’ sabay hatak niya sa siko ko kaya inis na inis ko siyang hinarap.

‘Ano na naman ba!’ sigaw ko sa kanya.

‘Grabe naman mag-LQ yung dalawa’

 

 

‘Kaya nga eh! Kawawa naman yung guy.’

 

 

‘Nagpapahabol pa si Girl eh.Pero impierness maganda naman siya.’

 

 

‘Bet ko yung guy! Ang gwapo.’

Narinig kong bulungan kaya naninigkit lalo yung mata ko.

‘Bitawan mo ako.’ Nang-gigil kong bulong.

‘Oh bakit bigla ka na lang bumulong.?’ Nakangiting tanong niya.

‘Tanga ka ba? As if naman gusto kong magkaroon ng palabas dito sa mall! Kaya pwede ba bitawan mo ako! Di ko gusto yung pinag-iisip ng mga tao! Masyadong nakakadiri at nakakasuka.’ Inis kong sabi at pilit na hinahatak yung siko ko na hawak-hawak niya.

‘Sensitive ka palang tao.’ Patango-tangong sabi niya.Sumama ka sa akin.’ sabay hatak niya sa siko ko.

OMG! SAAN NIYA AKO DADALHIN!.

Continue Reading

You'll Also Like

875K 29.4K 59
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
180K 3.7K 32
Marangyang buhay, sa isang pitik lang ng kanyang daliri makukuha na agad nya ang anuman ang gustuhin nya, pero sa kabila ng lahat hindi sya masaya. H...
184K 3.2K 66
Pano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malal...
45.2K 602 67
Meet Remelyn, ang babaeng nangako na kahit kailan ayaw niyang magaya sa mga babaeng madalas nating mapanood sa t.v. mga babaeng umiiyak dahil sa pagm...