16 signs

By starsingalaxy

699 27 11

Crazy Friendship Series #2 Kailan nga ba dapat sundin ang mga signs? Kailan nga ba dapat sundin ang si... More

Para kay Eunice Ana Montesorri
Prologue
1st sign and 2nd sign (part 1)
1st and 2nd sign (part 3)
1st and 2nd sign (part 4)
3rd sign (part 1)
3rd sign (part 2)
3rd sign (part 3)
3rd sign (part 4)

1st and 2nd sign (Part 2)

45 3 1
By starsingalaxy

1st and 2nd sign (Part 2)

*back to reality*

Kanina pa ako nagngangangawa sa canteen na si Train Del Castilloo na nga ang Mr. Perfect guy ko, kaya ayun, nagalit ang mga bruha dahil masyado na daw akong nag-oover react. Eh bakit ba? Gusto ko eh! Hmp.

"Tara na nga't bumili na lang tayo ng pagkain bago pa tayo mahawaan ni Yuni ng kabaliwan niya." Sabi naman ni Amy sabay tayo.

Hindi ko na lang pinanasin yung comment niya dahil nega forevs naman talaga ang bruhang 'yan. Tumayo na lang rin ako kasabay nila saka pumila sa bilihan ng mga junk foods at biscuits.

Habang nakapila kami ay bigla namang nagsibulungan at tilian ang mga tao sa canteen.

"Bakit? Anong nangyayare?" tanong ni Siren na nagtataka din sa mga nangyayari.

"Baka mag-gra-grand entrance nanaman ang mga hearthrobs kuno." Sagot naman sa kanya ni Sesha.

At nang sumilip kami sa may entrance ng canteen ay tama nga ang hinala niya. Gumagawa nanaman ng grand entrance ang mga feepos. Ayon sa Maganda si Yuni's dictionary ang ibig sabihin ng feepos ay feeling pogi mukha namang pwet ng baso. Wag kayong maingay ah! Pauso ko lang yun! Hahahahaha!

Lalong lumakas ang tilian ng mga babae nang tuluyan nang tahakin ng mga members ng feepos ang canteen. Kung enteresado kayo sa mga profile nila. Add niyo na lang ako sa facebook, friends ko sila dun. Pero dahil makulit talaga kayo at tamad ako, mga pangalan na lang ang ibibigay ko.

Ang mga members ng oh so famous at isa sa mga pinakasikat na grupo ng mga lalaki sa school ay sina Chaser De Silvia, Grey Louis Montefalco, Chew Anderson, Calvin Keith Ty (CK) , Patrick Rye Po (Rye), Gentrick Jean Dizon (Trick) at si - - - - Ack! Pangalan pa lang nasusuka na ko! EWWWW!

"Bakit nakapink na polo shirt si OME? 'Di ba bawal 'yon?" tanong naman ni Kea.

Shit. Pangalan pa lang niya nanginginig na ang buong sistema ko. Hindi dahil sa kilig kundi sa kilabot. At dahil minention na rin naman ni Kea, si Orion Michael Estrada a.k.a OME ang super duper ultra mega pinaka-worst enemy ko sa balat ng pinatabang lupa. Makita ko lang ang mukha niya, tumataas na ang presyon ko.

"tss. Feeling transferee kasi eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Ang alam ko, natapunan siya ng juice kanina, eh yun lang daw 'yung extra niyang damit sa locker. Kaya ayun." Paliwanang naman ni Sesha.

"HA! Buti nga sa kanya." – ako. With matching evil smile pa 'yan!

"Ikaw talaga, Yuni. Ang init-init lagi ng ulo mo pagdating kay Ome, mabait naman 'yung tao. Bonus na nga lang 'yung kapogian niya." Komento naman ni Destiny.

" Mabait? Eh wala nga atang ni katiting na bahid ng kabutihan sa katawan 'yon. At tsaka hello! Bulag ka ba? Saang banda sa katawan niya ang pogi? Tss. Baka sa pwet kamo!" sambit ko naman saka tumalikod na sa kanila dahil malapit na ako sa unahan ng pila.

"Talaga lang ah?"

"Oo! Talagang-talaga!"

"Bakit? Nakita mo na ba ang pwet ko?"

Nagulat ako at natigilan. Lumingon ako sa likod ko at nalamang nandun pala siya kasama sina Rye at Chew at ang mga friends ko.

"Wala akong pake sa pwet mo!" sigaw ko naman sa kanya.

Hay bwisit talaga ang nilalang na 'to kahit kailan. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko at mga feepos.

"Wala rin naman akong pakielam sa'yo. Flat chested girl." Sagot naman niya sa akin.

WAAH! Kainis! Kainis talaga ang isang to! Ikikiskis ko talaga ang pagmumukha niya sa pader 'pag nagkaroon ako ng chance!

"Argh! Go to hell!"

"Well, see you there." Sagot pa niya sabay kindat sa akin.

Nagtaasan ang mga balahibo ko. KADIRI! Jusko, 'Tong orangutan na 'to talaga. Hindi pumapalya sa paninira ng araw ko.

"Hahahahaha! Kayo talagang dalawa, tama na nga 'yan. Baka mamaya magkainlaban pa kayo diyan."

"No way!"

"Hell no!"

Sabay pa naming sabi.

Nagkatinginan kami dahil doon pero dahil ako ay si Yuni at siya naman si Ome ay nag-irapan kami.

Aba! Mas magaling pang umirap ang isang 'to kaysa sa akin. Bakla nga siguro to!

----


Dumating na ang pinakahihintay kong araw bawat linggo, it's FRIDAY! PARTEH PARTEH!

Physics class namin ngayon. As usual, lagi namang boring ang Physics class para sa akin. Kahit kailan ay hindi namantsahan ng salitang enjoy ang subject na 'to.

Lalo na't ang teacher mo  na mukhang member ng salbakuta ay sobra kung mamahiya ng mga estudyante. Yung tipong ayaw mo nang makinig at gusto mo nang matulog pero hindi mo magawa dahil katakot takot na pamamahiya ang aabutin mo sa kanya. Hays. Dusa talaga.

Habang nagtuturo siya ng kung anu-ano sa harapan ay nakinig na lang ako sa dalawang nagchichismisan kong kaklase sa likod ko. Mas nabubuhay ang dugo ko pag nakakasagap ako ng chismis kaysa sa physics na tinuturo niya.

Feeling ko nga, mas marami pa akong nakukuha sa kanila kaysa sa pakikinig kay Salbakuts.

"Uy, alam mo ba, nakita ko si Train na nagsa-sign doon sa mga naglalakad ng papers para sa mga gustong sumali sa soccer team."

"Talaga? Eh di magtatry-out siya sa soccer team?"

"Ay hindi, baka sa basketball team. Utak naman diyan, friend."

"Sorry naman, Pero bet ko yan! Tara, nood tayo!"

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan! Manunood talaga ako para masilayan ang abs ng pinakamamahal kong si Train!"

Aba, may kaagaw na agad ako.

"Train mo talaga?Akin din 'yun!"

"Eh di hati na lang tayo. Akin yung taas, sa'yo yung baba."

"Ay! Bet na bet ko yan, teh!"

Aba! Sarap kurutin sa singit ng mga mahaharot na 'to! May nalalaman pang taas at baba! Mukha naman silang mga suso.

Pero magtatry-out daw si Train sa soccer team?

OMG! THIS IS IT!

Makikipagbunong-braso talaga ako mamaya mapanuod lang siya!

---

16 signs to find my Mr. Perfect Guy:

1) Dapat nakasuot siya ng pink na polo shirt sa first day of school.

2)Unang lalaking magpapakilala sa akin at hahalikan ang kamay ko.

3) Maglalakad kami pauwi para ihatid niya ako sa bahay at siya ang mgadadala ng mga gamit ko.

4) Tuturuan niya ako sa Math at Physics.

5) Kakainin niya ang piniritong itlog na niluto ko.

6) Nanunuod siya ng teleserye tuwing gabi.

7) Tatawagan niya sa oras na 1:43 ng madaling araw.

8) Ipagbebake niya ako ng strawberry chocolate cake.

9) Ipakikilala niya ako sa pamilya niya.

10) Bibigyan niya ako ng saktong 3 red roses.

11) May lamang picture ko ang wallet niya.

12) Kakantahan niya ako sa may quadrangle kung saan may nakapalibot sa aming mga roses na firnorm na hugis heart.

13) Madedate kami sa mall at manunuod ng romantic movie.

14) Manunuod kami ng sunset sa Manila Bay habang hawak niya ang kamay ko.

15) Kasundo niya ang pamilya ko.

16) Meron siyang mataas na pangarap.


Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...