LOST CHAPTER
JULIA'S POINT OF VIEW
" Mahal mo ung tao pero bakit pinabayaan mo nang ganun ganun lang ?! " sigaw sa akin ni Jerwin pero hindi ko siya pinansin. Huminga ako nang malalim at ininom ang alak sa harap ko. Sanay na ako sa mga leksyon niya kaya hindi na bago sa akin ang pagbubunga-nga niya sa akin.
" Answer me Julia , bakit mo siya pinakawalan ? " taas-kulay niyang tanong sa akin. Humbug oy ako ng lakas ng loob atsaka sinagot siya.
" Mahal mo ko pero hinayaan mo lang ako magpakabaliw sa iba ? Quits kang tayo kaya pwede ba ? Manahimik ka muna ? !" bulyaw ko sa kanya. That made him shut up. Tsss. He better watch his words or else..ugh ! look who's talking , kala mo hindi pa niya nagagawa ang mga sinasabi niya. Tch.
" L-lasing ka na...Tigilan mo na yan.." napatawa ako nang mahina nang mapansin ko ang pamumula ng tenga niya. Tch , kinilig ang mokong. Whatever..
Umiiwas siya ng tingin at pinigilan ko ang pagtawa nang mapansin kong namumula na rin ang buong mukha niya. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang tumawa sa mga oras na to. " Ano ba kasing pumasok sa kukute mo at nagawa mong pa kawalan ung mokong na yun ?" bulong niya pero narinig ko ito.
" You will never understand Jerwin--"
" Then make me understand everything Julia.Tell me every single detail,I'll listen, I promise. " sabi niya atsaka umupo sa stool na nasa tabi ko.
" I will never defeat her. Hinding-hindi ko mapapantayan si Bianca." At sabay nun ang pagtulo ng luha ko. Pinipigilan kong humagulgol at nilakasan ang loob ko.
" I can see how happy he is when he's with her . I can see how he acts whenever she's around. Talong-talo ako kay Bianca kahit na nakalimutan siya ni Adrian. The truth is , matagal ko nang na papansin na meron nang namamagitan sa kanila..."
Nanatiling tahimik si Jerwin sa gilid. He's always doing that everytime I'm having a problem. Lagi siyang handang nakikinig and that's what I like about him. At sanay na siyang gloomy ang atmosphere sa pagitan namin.
" I know someone can make him happier than I can and I was really frustrated when I found out that that someone was Bianca..Walang-wala talaga ako kumpara sa kaniya sa umpisa pa lang.Kaya kahit anong gawin ko , hindi talaga mapapasaakin si Adrian because they were really meant to be..."
"That's why I let him go...pinakawalan ko na lang siya ksa alam kong mas sasaya siya kasama si Bianca. Kasi alam kong mas mamahalin niya si Bianca keysa sa akin..." at sabay nun ang biglang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na natiis ang sakit , sumabog na ako...hindi ko na kayang pigilan ang paghagulgol sa kawalan..
Ang alam ko na lang ay nasa mga bisig na ako ni Jerwin. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.
" H-hindi ko akalain na magagawa ko yun. H-hindi ko alam kung kakayanin kong mawala siya--"
Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko the moment he kissed me. He cupped my face and pulled me tighter , deepened the kiss..
" J-jerwin--"
" It hurts to see you crying because of another guy...P-please stop...I-I'm here. I-I can be yours.. I can love you more that he loves you--P-pwede bang ako na lang ?"
Napaiwas ako ng tingin nang makita ko kung gaano kaseryoso ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at derechong ininom ang alak sa harap ko...
"Julia--"
" I don't want to hurt you---H-hindi ko pa kaya--"
" T-tiisin ko muna..Kahit gawin mo kong panakip-butas ok lang..S-subukan lang natin please ?--" hinawakan niya ang mukha ko kaya napaharap ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin..
Ilalapit niya na sana ang mukha niya nang biglang mag-ring ang phone ko. I cleared my throat at tinalikuran muna siya para sagutin ang phone ko..Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko..Shit...
Unregistered number ang tumatawag kaya nag-alinlangan ako kung sasagutin ko ba o hindi.
" Hello ?"
" Julia..." It took me a minute to recognize kung sino ang nasa kabilang linya.
" B-bakit ka napatawag ? May problema ba ?" I tried to make my voice sound normal at buti naman ay nagawa ko. Ayokong ipahalata sa kanya na malungkot ako sa ginawa kong desisyon.
" I-I'm leaving him to you...Hindi ko na kaya---"
" WHAT ?!" hindi ko napigilang sumigaw at naramdaman ko kaagad ang hiya nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko...
" Binabalik ko na siya sayo..Masyado nang masakit sa akin kapag hinarap ko pa siya---"
" H-hindi pwede...Wag mong gagawin yun--"
" P-pero--"
" Nasaan ka ba ?! Pupuntahan kita diyan ! Kailangan nating mag-usap !"
" Nasa airport ako--"
Shit !
" J-jerwin !! A-airport ! Kailangan nain pumunta sa airport !!!" dali-dali kong hinila ang braso ni Jerwin at tumakbo papunta sa parking lot. Hindi na siya nagreklamo at nagsimula na lang magmaneho..
Damn you Bianca ! You're ruining everything !!
" W-wag kang aalis diyan !! Hintayin mo ko ! Kailangan pa nating mag-usap !!" ang huli kong sinabi kay Bianca bago ko putulin ang linya.
" Ano bang nangyari ?! S-sino ba ung kausap mo--"
" Aalis si Bianca !!! K-kailangan natin siyang maabutan kaya Please ? Bilisan mo !!!" sabi ko sa kanya kaya naman napailing siya at mas binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan.
" Tinawagan mo na ba si Adrian ? K-kailangan niyang malaman to--"
The moment he said those words , automatic na hinanap ko ang number ni Adrian sa contacts ko. Tinawagan ko siya agad at buti na lang sinagot niya agad ito..
" J-julia---"
" Go to the airport now !!! Aalis si Bianca--"
" WHAT ?!--"
" Kung gusto mo pa siya makita ,pumunta ka na dun ngayon din !!" sigaw ko bago ko pinutol ang linya.Tense na tense ako at hidni ako mapakali sa upuan ko kaya pati si Jerwin ay nag-aalala na sa akin...
Ilang minutes pa bago kami makarating sa airport , thank God hindi traffic ngayon.
" Tatakbuhin ko na lang mula dito..Sumunod ka na lang !" abi ko kay jerwin bago ako bumaba ng sasakyan.
Wala na akong pakielam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao, kailangan ko talagang makausap si Bianca..
Magtatanong pa sana ako kung saan ung flight ni Bianca pero hidni ko nagawa kasi hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindo natanong naknangtokwa !
Hinubad ko pa ang heels ko para lang makatakbo at maabutan si Bianca. Nakakahiya talaga tong ginagawa ko pero wala akong pake sa mga taong nakatingin sa akin. Tch. patay talaga sa akin tong si Bianca...
Napatigil ako nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isang babae...It's her...
" Bianca !!" sigaw ko kaya napalingon siya sa akin.
Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling pumunta sa direksyon ko. I kept on panting at hindi ko mapigilan ang mapaupo dahil sa sobrang pagod.
"P-pumunta ka talaga---"
" Ikaw !! Walanghiya ka !! *pants..."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko .Hinarap ko siya at hinawakan ang mga balikat niya.
" W-wag mong sayangin ung sakripisyong ginawa ko !! W-wag mong sayangin lahat ng paghihirap ko ! Ibinigay ko na nga sayo pabalik hindi ba ? Wag kong hintaying kunin ko ulit siya pabalik sayo--"
" H-hindi mo kasi ako maiintindihan...H-hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin--"
" Mas masakit para sa akin ang lahat nang toh ! Hindi mo ba naiisip yun ?!" napaiyak nanaman ako pero pinunasan ko ito gamit ang likod ng palad ko.
" Mas masakit pakawalan ang mahal mo para sa iba tapos ikaw iiwanan mo lang si Adrian ? Hindi mo ba alam na hirap na hirap akong gawin yun ? Hindi mo ba alam na para akong namamatay sa tuwing iniisip kong masaya na siya sa piling mo ? Pero ano ginawa ko ? Pumayag naman akong mapasayo si Adrian pero iiwanan mo lang sa ere?"
Hindi siya makasagot sa akin. Yumuko lang siya at umiling.
" Don't waste everything Bianca...Don't waste what I just did...Give him another chance I'm begging you...Y-yun lang ang gusto kong sabihin sayo.." sabi ko bago tumalikod sa kanya....
Give him another chance please...I'm counting on you Bianca....
---------------------------------------------------------------------