Sarah's Point of View
Kinabukasan...
Eto ang lola niyo sa labas ng opisina. papasok palang ako... aba! ang dami nang tao! bakit kaya?
Lumapit ako sa place kung saan maraming tao at ayun, meron palang nangyayaring awayan sa labas.
isang empleyadong nakipag-chombagan sa guard! hahaha ano na naman ba ang ginawa neto..
"Hoy hoy excuse me po mawalang galang na ah? ano bang nangyayaring kaguluhan dito?" sabi ko habang inaawat ko ang mismong guard tsaka yung babaeng empleyado.
"hoy miss wala kang pakeelam dito! kung ayaw mong makatikim, umalis ka na!" aba palaban pala si ateng! huh kala mo uubra ka sa kagandahan ko? excuse me, sino bang tinakot neto? si sadako? hehehe di ako natatakot dun! mas nakakatakot ako!
lumapit ako sa etchos na ito tsaka ko sinampal. gaganti pa sana ng sampal kaso hinawakan ko ng mahigpit ang braso. ng sa ganun, ma circulate man lang ang dugo sa loob ng ugat!
"Hoy babae ako ba ang tinakot mo? huh grabe natakot ako dun sobra! sa sobrang takot ko nga, parang gusto kitang ingudngod sa harap ng glass door at lagyan ng duct tape yang pagmumukha mo! scotch tape selfie kung baga!" kala mo ah gusto pa yata neto ng reality.. pero syempre etchos ko lang yung daductapan ko yung mukha niya. kasi pag nalaman yun ni Reggie, paktay ka diha dong day!
paktay ang promotion mo day!
pero mukhang china-challenge ako ng babaitang ito!
"kung kaya mong gawin! ako pang sinabihan mo? huh ikaw kaya ang ductapan ko dyan?" sabi pa ng froglet na ito.
"ah ganun gusto mo ng reality ah?" dahil sa sobrang inis ko sa babaeng shunga na yun, napilitan na akong dumampot ng scotch tape sa bag ko tsaka ko ipinulupot sa pagmumukha niya habang hawak siya ng guard na nakaaway niya.. hahaha!! kung makita niyo lang ang itsura! grabe mukhang baboy ang pupu!!
(A/N: click on the external link sa baba ng book cover.. ewan ko lang kung nagtugma dun sa salaysay ng nasasakdal! hahaha!)
"sa susunod kasi, kilalanin mo muna kung sinong dyosa ang kinakalaban mo. nang sa ganun, hindi na maulit ulit ang nangyari sayong ito.. how pathetic scotch tape girl.." sabi ko pa tsaka ako dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina.
pagpasok ko sa loob ay agad kong dumeretso papunta sa office ni Reggie. i mean, sa desk ko. magkatapat lang kasi ang office ni Reg sa mesa ko. anyway, don't tell me di niyo pa alam ang haba-haba na ng panahon na lumipas di niyo parin 'to alam? okay nevermind.
Few steps nalang at andun na ako sa desk ko nang may mapansin ako opisina na umagaw ng atensyon ko..
tumingin ako sa pintuan kung sino ang naka toka sa opisinang ito. pero gulat ko nalang ng makita ko ang pangalang.....
SARAH MONIQUE SALCEDO
JUNIOR PARTNER
What? aaa...ano 'to? bakit andito ang pangalan ko? tsaka... junior partner? akala ko ba paralegal ako? hehe tanga tanga talagang Reggie yun! maglalagay nalang ng pangalan ko sa opisina ko, mali pa ang rangko! hahahaha
but wait, opisina? really? may opisina na ako?!!
oh my gosh!
Halos magsisisigaw at maglululundag ako sa tuwa nang makita ko ang opisina ko. kaya di na ako nagdalawang isip na pumasok dito.
pagpasok ko ay agad akong umupo sa bago at mabango kong desk.. wow ang bango! bagong bago pati laptop.. sarap amuyin! haha adik na ko..
dahil sa sobrang ligaya ko ngayon, minabuti kong pumunta kay Scottie na nasa 29th Floor para ibalita sa kanya ang mala-boss kong buhay!! naaaks!
nasa elevator ako ngayon at medyo nangangatog ang mga tuhod. di ko alam kung dahil ba sa sobrang ligaya ko o dahil sa promotion ni Rachel o kaya dun sa ginawa ko sa babae sa labas.. ewan ko ba! pero ngayon boss na ako, wala nang makakapag-palayas sakin dito!
kalalabas ko lang ng elevator at nasa 29th floor na ako. pero halos malaglag ang panga ko sa isa ko pang nakitang nakalagay sa main hallway.
PEARSON-SPECTER-SALCEDO
weh di nga? totoo ba ito? oh baka naman si Dad ang....
napaisip ako. diba ang junior at senior partners pwedeng ma promote bilang name partner? eh si dad ang alam ko, di pa nafa-finalize sa korte ang mga papeles. eh paano naman malalagay ang apelyedo niya dito? di kaya.... ako yun? tteka... sandali maghihilamos lang ako! baka namamalik-mata lang ang lola niyo..
Pumunta ako sa kalapit na cr tsaka ako naghilamos ng mukha.. isinama ko na pati mata. syempre mata ang diperentsa eh!
pero pagbalik ko sa hallway ng 29th floor ay talagang nalaglag na ang panga ko. isama mo na pati ngalangala ko. grabe totoo nga!! kanina sa office ko, ang nakalagay Junior Partner. tapos ngayon dito ang nakalagay, Pearson-Specter-Salcedo! waaaaa! i'm started to feel like a boss!! boss na talaga ako!! boss na! hahahaha
"Nagustuhan mo ba ang surprise namin sayo?" narinig ko mula sa aking likuran nang lumingon ako ay si Reggie pala. lumapit siya sakin kasama si Maam Lourdes este Lourdes tsaka ko sila niyakap.
halos bumaha na ng luha ang buong 29th floor dahil sa pag-iyak ko. tears of joy ba.. pero ang daya naman kasi! di ako ininform! ang sabi niya paralegal yun pala junior partner na?
"ikaw talaga ang daya mo! ang sabi mo sakin Paralegal. tapos Junior partner pala! kakainis ka.." sabi ko sabay hinampas ko siya. natawa nalang ito..
"Napag-isip isip rin namin ang mga nagawa mo para sa kumpanya. kahit na marami kang kapalpakan na nagawa lalo na kay Reggie, nakitaan ka naman namin ng potensyal at sipag sa trabaho kaya napagdesisyunan nalang namin na maging part ka ng firm biglang Junior Partner. partners kayo ni Reggie sa lahat ng iha-handle na klieyente. kaya maging good girl ka ah?" sabi pa ni Lourdes tsaka ulit ako niyakap.
haaay sabi ko na ganito ang mangyayari sa huli. pero.. sobra sobra naman ata ito.. akala ko yung sa amin lang ni Reggie yung maaayos eh pati pala pati yung rangko ko sa opisina? ibig sabihin, mayaman na rin ang lola niyo.
of course, ako naman yung taong marunong kumontrol at di sumasamba sa pera. marunong po ako mag-manage ng pera at kaya ko 'tong gamitin sa tama..
pero sa mga abusadong mangungutang? huh excuse me wag niyo akong lapitan. hindi ako tumatae ng pera!
hahaha!
niyaya nila ako sa bago kong opisina.. and look out there oh kung sino ang nakaupo sa dati kong secretarial desk...
si Rachel!
buti nalang siya at di si Mike, kungdi baka mababoy na yun! lol
Masaya kaming nagkwentuhan nila Lourdes, Reggie, Scottie, Max, Rachel, Katrina, Mike isama mo na pati si Arthur at ang mga kasama niyang mga tubero, si Kuya bob, si Dad pati na rin ang matabang balbuning si Marlowe. medyo kapansin-pansin ang pagiging bore ni Marlowe dahil nga walang pagkain.. alam niyo naman yun si Pagkain..
"So punta tayo sa resto mo Lourdes? para naman ma-celebrate naman natin ang promotion ng dalawang ito! ang bagong senior partner at ang bago kong secretary!" yaya ni Reggie sa amin. tumango naman si Lourdes at kasabay nun ang nag-group hug na kaming mga Sassys (apat na po kami, kasama na si Rachel)
"Eh ano pa bang hinihintay natin? tara na para makapag-party party na!!" sigaw ko tsaka kami dumeretso na papalabas para pumunta sa grilled restaurant ni Lourdes.
kayo baka gusto niyong sumama? dala lang kayong 500 drinks sagot ko na!
Hahaha!!
------------------------------------------
To Be Continue In Chapter 50.
Promoted na talaga ang lola niyo!
Congrats Sarah ah?
ano kaya ang mga pag-uusapan nilang lahat
about sa pagbabago ng firm?
Comment Below!
and Don't Forget to Vote
xD
"""