"Ms. Madriaga pwede ka bang sumunod sa office may ididiscuss lang ako sayo kung pwede," sabi ni Prof Quintos sakin bago siya tuluyang nagpaalam sa klase,
At dahil wala na din kaming next subject ay agad naman akong sumunod sa kanya, sa office, panigurado may ipapagawa na naman sakin, ang hirap maging officer, masakit talaga sa ulo.
"Ms. Madriaga , i know that you know that our school and La hermosa hotel ay iisa ang may ari , next sem break magcoconduct tayo ng tour around the phillipines, and kayong mga schoolar ang naatasan para doon.." paliwanag ni prof sakin.
Sinasabi ko na nga ba, trabaho na naman at hindi lang talaga basta trabaho. Ibang klaseng trabaho.
"Ikaw kung papipiliin ka saan mo gusto?" Tanung niya sakin.
"Ang nanay ko po ay galing po ng ilocos, ive been there and its such a nice place sir, and nagboboom na din po ang tourism doon every year, dahil na rin po sa mga breath taking sceneries and of its heart captivating history, and another advantage ko po sir is i know most of the spots and ive been there many times," paliwanag ko sa kanya,
"Mabuti kung ganun, so ikaw ang iaasign ko sa northern luzon, at maghahandle ka ng 10 pax, and dont worry matagal pa naman to ,sinasabi ko lang for you to be prepared,"
Sabi niya.
"Matanung ko lang sir, para saan po to and anu po ang main objective po nito?" Magalang kung tanung sa kanya kase wala nan akong makitang dahilan kung bakit itatapat sa sembreak pa ito at kung bakit kami magpapatour at kung saan mapupunta ang kikitain.
"Mrs. Fuentevilla the heiress of Don Antonio is building an orphanage and malapit na siyang matapos, maybe next month, so bilang isa sa mga sponsor nang pinapatayong orphanage kailangan din tumulong ng school sa kanila, so nagmeeting ang board at napag isipan na magconduct kami ng tour, just like hitting two birsds in one stone, 1st lahat ng sasama ay matuto sa pupuntahang places and mag eenjoy, and 2nd ang kikitain ay mapupunta sa ampunan,at makakatulong sa mga batang kapos palad," paliwanag niya
Ah yun pala yun, malapit na palang matapos ang orphanage na pinapatayo ng Mom ni Ivo di man lang kinukwento, ako kaya nagsuggest non, pero sabagay pera naman nila yun , and nakakatawang isipin na makakatulong ulit ako sa mga kapos palad na bata,
Naku Ivo, pag uwe mo humanda ka, madami ka na namang tanung na sasagutin!
"And dont worry, dahil lahat kayung schoolars ay sasahuran dito, lahat kayo ay babayaran ng tama, " pahayag pa niya,
So instant tourist guide na naman ako sa sembreak, pero okay lang sabi nga ni sir its like hitting two birds in one stone! Una kikita ako, pangalawa makakatulong pa ako sa mga bata at hindi lang pala dalawa tatlo pala, pangatlo madadalaw ko pa ang mga kamag anak namin sa probinsiya, oh di ba ang saya,??
"Ah okay po sir," sang ayon ko sa kanya.
"Okay thats for now, pag uusapan na lang natin next time yung iba pang details, and one more thing pwede rin ikaw ng magbenta nong tour, kung gusto mo pero pwede ding kami kung hindi mo kaya, "sabi pa niya.
"Ah sigr po sir susubukan ko po." Sagot ko sa kanya.
"Okay,thank you Ms. Madriaga! Good day!" Turan nya
"Okay sir, thank you din po, ill go ahead na po." turan ko at umalis na ako sa office niya.
Paglabas ko ng office,uuwi na sana ako kaso bigla akong nagutom. Kaya dumiretso na muna ako sa kantin.
Naglalakad akong mag isa habang natingin sa ibat ibang tao na abala sa kanya kanang ginagawa, may nagkakantahan sa lobby, sa field may nafofootball , may nagvovolleyball at may mag syotang naglalampungan, may mag isa lang na natambay, may patawa tawa, hmmp mas lalo ko tuloy namiss si Ivo, wala na akong kasama eh, ang arte kase di pa umuwi.
Nagulat ako ng bigla na lang may magsalita sa tabi ko.
"Thanaia, para sayo!" Turan niya at inabot sakin ang isang boquet ng ibat ibang bulaklak, ganun na ba kalalim ang isip ko at di ko siya namalayan.
"Ah salamat Migo," turan koat inabot ang hawak niya.
"San ka pupunta?" Tanung niya.
"Sa kantin, nagugutom na kase ako"
"Ah, tara! Libre kita!" Agad na yaya niya.
"Naku, wag na, sabayan mo nalang ako!" Turan ko.
"Okay, siya nga pala di ko nakikita si Drake ah," turan niya.
"Nasa ibang bansa kase, may dinalaw daw," sabi ko.
"Ah kaya pala lage siyang wala," turan niya.
Pagdating namin sa kantin ay agad kaming bumili ng pagkain at tsaka umupo sa mesa namin ni Ivo, 4 na araw na siyang di pumapasok, naku pagdating talaga niya pepektusan ko yun!
Habang kumakain kami ay panay pa din ang usap ni Migo, ang gaan niya talagang kasama,
"Ah Migo, gusto mong mag tour sa Norte , uhm may ibinebenta kase kaming tour package, ngayong sembreak, hindi to para samin i mean para sa school pero ang kikitain dito is mapupunta sa isang orphanage, gusto mo?" Lakas loob kung tanung sa kanya, para paraan na to tsong!
"Ahm, okay, count me in," masiglang turan niya.
"Di mo man lang tatanungin kung magkanu, saan, ilang araw??" Tanung ko.
"Tinatanung pa ba yun? Tsaka malaki ang tiwala ko sayo Thanaia," turan niya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa,
Tinignan ko siya, nakatitig pala siya sakin iba kasi ang dating nang sinabi niya, parang may double meaning, parang nagpapahiwatig na malaki ang tiwala niya sakin na hindi ko siya sasaktan, ibabagsak at babastedin pero hanggang ngayon wala pa rin akong mahagip na isasagot sa kanya, hindi ko pa din alam kase hanggang ngayun wala pa rin maisagot ang puso ko, wala pa ring pagbabago, yun at yun pa rin ,humahanga ako sa kanya pero dun na lang yun, gusto ko siya pero hindi bilang isang boyfriend.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at kunway inayos ko ang bag ko.
"Ah.. ehm.. okay, settle mo nalang lahat sa department office ," sabi ko sa kanya.
"Okay, siya nga pala, pasensya ka na, hindi kita maihahatid ngayon, may klase pa kase ako, sorry talaga, wala pa naman si Drake" turan niya, makikita ang sinseridad sa itsura niya sa sinabi niya.
"Anu ka ba,hindi mo naman obligasyon ang ihatid ako, kaya ko naman, oh sige mauna na ako, " turan ko at tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Okay, ingat ka!" Turan niya
"Bye!" Turan ko at agad na akong umalis.
Ganito pala ang pakiramdam, nakakatakot pala pag nililigawan ka, oo nakakatuwa siya pero pag alam mo palang hindi mo masuklian yun nakaka kaba din pala, parang nakakahiya na nakakatakot,
Haay, bahala na, hindi na muna ako papasok sa hotel ngayon, tinatamad ako. Okay lang naman yun sa hotel, dinaig ko na nga yata yung boss kase papasok ako kung kailan ko gusto which is technically kung kelan pwede at uuwe kung kailan ko din gusto, pero okay lang naman yun sa kanila,yun kase ang nakalagay sa kontrata ko, kaya keri lang.
Ang gusto ko lang ngayun, humilata, matulog at magpahinga, nakakapagod din pala talagang pagsabay sabayin lahat.
Pagdating ko ng bahay, ay nadatnan ko si mama na abala sa pagtatahi ng di ko alam, agad akong nagmano at pumasok sa kuwarto.
Pagkatapos kung magpahinga saglit, nagshower muna ako para freshness all the way ang peg, at agad kinuha ang unan ko, ang regalo dati sakin ni Ivo na unan na korteng Sakuragi, natawa talaga ako ng makita ko yung regalo niya, sineryoso niya talaga akong hanapan ng Sakuragi na unan, ang alam ko kase walang nagtitinda non, meron pala, alam niya kase kung ganu ako ka obsessed kay Hanamitchi Sakuragi.
Flashback:
"May ipapakita ako sayo," bungad niya sakin na nakangiti ng palabas na ako ng room.
"Anu yun?" Tanung ko.
"Basta ,lika na! May pupuntahan tayo! " turan niya ay naglakad na siya.
Sinundan ko siya hanggang parking lot at sumakay kami sa kotse niya, nagdrive lang siya ng nagdrive, di ko na alam kase nakatulog ako noon.
Maya maya ay naramdaman ko nalang na niyuyugyug niya yung balikat ko.
"Andito na tayo." Sabi niya.
Pagmulat ko nakita kong nakaparada na ang kotse niya sa isang garage at paglingon ko nakita ko ang isang malaking gate is in malaking gate na ngayon ay sinasara na ng isang security guard, bumaba ako ng kotse na nanlalaki pa din ang mata ko.
Bumungad naman sa labas ng kotse ang malawak na lawn, may gazeebo , garden, malawak na damuhan at nagagandahang halaman, napakalawak na bakuran, biglang dumako ang mata ko sa malaking istraktura na nakatayo sa harapan ko, hindi siya bahay, isa siyang mansiyon, ay hindi pala ,palasyo pala! Nag eexist ba talaga ang mga ganitong karangyang bahay, akalo ko sa mga movie lang meron,
Hindi lang basta basta ang design, at ang itsura, naman! Para akong nasa ibang bansa,
Lumingon ako kay Ivo na kampante lang na nagmamasid habang manghang mangha ako sa mga nakikita ko.
"Kaninong bahay to?" Tanung ko.
"Samin," parang balewalang sagot niya.
"Weh??"
"Sa tingin mo papasukin tayo dito kung hinde??" Balik tanung niya.
Oo nga naman. shunga naman!
"Halika!" Turan niya at inakbayan ako papasok sa pinakamalaking pinto ng bahay na nakita ko.
Bumungad sakin ang napakaaliwalas na sala, napakaganda, napakagara, napakagarbo at lahat na ata ng adjective na pwedeng gamitin sa itsura nito, nakakalula ang mga naglalakihang chandilliers, na ibat iba ang designs ang mga.muwebles, mga displays, mga paintings na naglalakihan at alam kong nagmamahalan,at ang mga vases na nagkalat sa bawat sulok at parte nito,malalaki at maliliit na halatang hindi gawa sa pinas, at ang flooring marmol and ang carpet, pamatay! Sila na talaga sila na mayaman!
"Anung gusto mo?" Tanung ni Ivo na nanggising saking sistema na nalulula na sa boung sala palang naman!
"Ha?? Nakakalula naman ang bahay niyo.!"sabi ko sakanya.
Ngumiti lang siya at inakbaya ako ulit at iginaya ako sa isang pasilyo, ilang segundong paglalakad at tumambad nan saking harapan ang napakalaking kusina na may mahabamg hapag kainan, juice colored!! Kusina ba ang tawag sa dito??
"Magandang hapon iho!" Bati ng isang may edad na ginang ng makita niya si Ivo.
"Buenas tardes nay!" Sagot namn ni Ivo.
"Si Naya nga ho pala kaibigan ko, Naya si Nanay Chato, mayordoma namin! Pagpapakilala samin ni ivo.
"Gandang hapon po," bati ko.
"Magandang hapon din ija! Napakagandang dalaga naman nito Steve, bagay na bagay kayo!" Nakangiting saad niya.
"Nanay naman, kaibigan ko lang po siya." Dipensa ni Ivo
"Kuh! Kilala kita, ngayun ka lang nagdala ulit dito, kaya alam ko na," pangungulit pa ni nanay.
"Oh siya, anung gusto niyong meryenda??" Tanung niya agad ,hindi man lang pinasagot si Ivo.
"Nay, pahingi nalang po ng sandwich at apple juice po, dalawa." Sabi niya na nakangiti at iiling iling.
"At nay, padala nalang sa kwarto ko!" Pahabol pa niya na nagpabalik sa ginang.
"At anung gagawin niyo sa kwarto mo? Di ba nga at kasasabi ko lang na magkaibigan kayu, bat kayu sa kwarto?" Pag uusisa niya.
"Nay naman! Wala kaming gagawin, may kukunin lang kami at tatambay lang saglit."palilinaw niya
"Oh siya sige, akala ko kong anu na." Sabi ni nanay at tsaka umalis
"Tara sa taas, " yaya niya.
"Anung gagawin natin doon??" Tanung ko. Nakakakaba naman , bat pa sa kwarto niya,puwede namang dito nalang sa kusina diba?
"May ipapakita ako sayu diba??" Sagot niya. Anu ba kase yun, baka yung anu niya, yung, ay naku! Kung nu anung iniisip ko. Erase! Erase!
Sumunod nalang ako sa kanya at umakyat kami sa magarbong hagdan, malaki, mahaba at ang hawakan ay parang gawa sa ginto, basta parang binuhusan ng ginto napakamamahalin ang dating, para akong umaakyat sa mga hagdan na inakyatan ng mga napapanoud sa pelikula ,yung parang sa princess diary, parang palasyo naman kase tong bahay nila sa laki.
pagkatapos ng mahabang paglalakbay nakarating din kami sa taas, bumungad sakin ang mahabang pasilyo at ibat ibang pinto, natawa ako sa sarili ko ng ikumpara ng isip ko ito sa labyrinth, nakakalula naman.
Dumiretso siya sa isang malaking pinto at sumunod lang ako sakanya, eto n namn ang alien kung pakiramdam, nagcicircus na naman ang puso ko.
"Kwarto mo?" Tanung ko.
Tumango lang siya at pinihit ang seradura,
Bumungad sakin ang isang malaking kama, may touch of blue lahat ng bagay na makikita sa loob, maliban sa isang flat screen tv, dvd rack ,speakers,kama, at dalawang maliit na mesa sa magkabilang side ng kama, wala ka nang makikitang iba, nasaan kaya ang mga damit niya?? wala kase akong makitang cabinet, pero may dalawang pinto, pangatlo ang isang glass sliding door na nakasilip ng kunti kaya ko napansin,nakatakip kase ang kurtina dito,
Nadako ng tingin ko sa isang picture frame, may picture siya doon na may kasamang isang magandang babae,at base sa itsura nila, mukhang nasa high school lang sila noon.
Pumasok siya sa isang pintuan. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Naya, halika!" Yaya niya sakin.
Kabadong kabado ako habang humahakbang palapit sa kanya, bakit kase dito pa sa kwarto niya?? Kainis naman,at bakit ba kase kumakabog na naman ang lecheng pusong to,
Nanlaki ang mata ko ng mapagmasdan ko ang loob ng silid, isa pla siyang walk in closet na punong puno ng damit, sapatos, sumbrero at mga belt at ang mas lalong nagpalaki ng mata ko ang disenyo ng silid , nakapaint lang naman sa boung silid ang mga mukha ng characters ng my oh so love SLAMDUNK! Para tuloy akong bumalik sa pagkabata, sa panahon na sobrang tawang tawa ako kay hanamichi at kinakabahan kapag may laban sila, ang sarap sa pakiramdam,
Kaya pala ,kaya pala gusto niya kaming umakyat ng silid niya, eto pala ang ipapakita niya sakin, wow, as in wow, gusto ko din neto, ang cool!!!!
"Wow!!, " bulalas ko.
"See, pareho tayong cool diba?" Nakangiting sabi niya.
"Oo nga! Naku pag yumaman ako magpapapinntura din ako neto sa kwarto ko." Nakangiting turan ko.
"Sus! Halika may ipapakita pa ako sayo!" Turan niya at hinila na ako sa palabas ng walk in closet niya,
Dumiretso kami sa may dvd rack at may hinigot siya doon,isang dvd case na korteng bola and of course slamdunk ulit yung nakamarka, makapal siya, binuksan niya to at bumungan sakin ang ilang disc, complete episode ng slamdunk!!! Wow as in wow!" Siya na talaga!
"Nainggit naman ako sayo bigla!" Parang batang turan ko. With pout! Arte!
"Kaya ko nga pinakita sayu, baka gusto mong hiramin," tugon naman niya.
"Ipapahiram mo??" Masiglang tanung ko.
"Oo naman! Arte!" Turan niya at ginulo ang buhok ko.
Kaso bigla kong naalala , sira pala ang dvd player namin,kaya biglang akong nalungkot, kung hihiramin ko yun ,san ko isasaksak, alangan namang titigan ko lang siya,
"Wala pala kaming dvd player, sira," matamlay kung turan.
"Uhm, paparaanan natin yan,!" Nakangiting tugon niya, sakto namang may kunatok at pumasok ang isang nakaunipormeng babae,
"Señorito, eto na po ang mereinda nyo," turan niya.
"Pakidala nalang sa terrace ate," magalang na sagot ni Ivo.
Agad namang sumunod ang kasambahay at binuksan ang sliding door,
"Lika!" Turan ni Ivo at sumunod kami sa terrace, sa terrace pala patungo ang glass door na yun.
Pagkalapag ng pagkain ay agad din lumabas ang katulong,dami nilang katulong. tumambad sakin ang fresh air paglabas, nakakarelaks naman tumambay dito, matatanaw mo kase ang hugis mansanas na swimming pool at malawak na green garden, ang ganda naman dito sa kanila, parang ang sarap tumira, lalo na at kasama mo ang gwapong kapreng to, nakuwh! Ay teka mali! Bakit ko ba yun naisip??
Nagkukuwento siya habang nakain kami ng merienda, hanggang sa nag aya na siyang ihatid ako, pero bago ako ihatid ipinagpilitan niyang dalahin ko daw ang lumang laptop daw niya eh mukha namang bago,para daw mapanoud ko si hanamitchi, at dahil namimiss ko na rin ang slamdunk, di na ako umarte,aarte pa ba??
Nang nakarating na kami sa bahay, may kinuha siya sa trunk ng koyte niya at inabot sakin ,nakabalot kaya di ko alam kong anu yun, pero malambot.
"Anu to?" Tanung ko.
"Buksan mo," sagot niya.
Pinunit ko naman ang balot nito at tumambad sakin ang hitsura ni hanamichi, nanlaki ang mata ko, kase naman po lord sa tagal ng panahon na pabalik balik ako ng divisoria at baclaran para lang maghanap ng unan na kashape ni sakuragi kaso lage akong umuuwing sawi, tas ngayun makakita lang pala ako nun kapag bigay na ni Ivo,
At dahil sa sobrang tuwa ko ,bigla ko na lang siyang nayakap,halatang naninagas siya nung una,pero kalaunan naging okay din.first hug namin yun.
"Salamat ha?" Turan ko habang yakap ko siya.
"Wala yun!" Sagot naman niya.
Bigla akong natauhan ng maramdaman ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng marealize kung magkayakap kami, hala bakit ganito?? Bat parang ang init bigla, at bat parang may kuryenteng dumaloy dahilan para mapabitaw ako bigla,
WEIRD!!
End of flashback.
***
A/n : dahil walaakong ginagawa. Update update din.. oh ayan na . Agad agad!! Sana naman may magvote! :)
Gracias!!
Ate young :)