Pulang Pluma (Filipino Poetry)

By evekatalbas

1K 36 8

Ang mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang... More

Tok, Tok, Tok
Tindahan ng Rosas
Ekis Na Pula
May Puwang Ba Ako Sa Puso Mo?
Linlangin Mo Man
Nang Sabihin Mong Paalam
Panawagan

Nagbabakasakali

95 3 0
By evekatalbas

Noong ika'y nalulungkot

Noog isip mo'y litung-lito

Nagawa kong pumasok

Diyan sa puso mo

Nagbabakasakali akong

Iyon na ang pagkakataon

Upang sa akin mo naman

Ibaling ang iyong atensiyon

Bawat pagkukulang niya

Ay aking pinunan

Sa tulong ko'y nalimot mo

Ang kahapong nagdaan

Marahil ay di mo pansin

Ang iyong muling pagngiti

Pero sa akin ay iyon

Ang langit na minimithi

Baka nga sa wakas

Ay iyo nang natutunan

Na ako ay mahalin

Ang pagtatangi ko'y suklian

Ngunit ang umasa lang pala

Ang aking magagawa

Pagkat ang nais kong mangyari

Hindi ang siyang itinadhana

Mayroon na ngang iba

Na kumakatok sa'yong pinto

Hiling ay kaunting puwang

Diyan sa iyong puso

Ang pagbibigay sa iba

Hatid ay di birong sakit

Muli akong nabigo

Ngayo'y doble pa ang sakit

Subalit ang magselos or magalit
Doo'y walang karapatan

Ang isang tulad kong

Nagbabakasakali lang naman

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 509 200
"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a my...
286K 9.1K 38
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
88.7K 449 23
Spoken word is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonationand voice inflection. mahilig mag emo.? broken hearted.? idaan...
18.2K 1.5K 138
Poetry Book Collaboration by Cabin of Writers and Cabin of Artists and Editors.