[PROLOGUE]
Palabas na ako sa aming silid aralan, betbet ang mga projects na hindi pa nabibigyan ng marka ng aking guro, dahil sa sobrang busy nya sa. Napabuntong hininga ako sabay tinigin sa mga projects ko , ngayon paano uuwi sa na hindi nahihirapan. Paniguradong hindi din naman ako matutulungan nila kuya Jegger nito , hindi pa kasi oras ng kanilang uwian eh.
"Hey, diba pinsan ka nila Robert at Augustine ?" Napaangat naman ako ng tingin , OMG inapproach ako ng crush ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Matagal ko nang gusto si Cj Cruz ang katropa ng mga pinsan ko.
"Ahm...Margarette?" OMG kilala nya ako , jusme pwede na po akong sumalangit , jusme talandi mo naman Margarette trese anyos ka pa lamang ah. Umayos ka , napakurap ako at ngumite sa kanya.
"Ah Oo, bakit mo po natanong?" Sabi ko sa kanya , napatingin naman siya sa aking mga dala at napakamot sa kanyang batok.
"Hatid na kita hindi mo ata kayang buhatin ito mag-isa." Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig kaso hindi pwede baka maturn off sya sa akin eh.
"Ehm, shige." Sabi ko sa kanya, ngumite siya sa akin at agad namang binuhat ang akin mga dala, first year pa lang ako siya naman third year high school obvious naman na mas matanda siya sa akin at obvious din na gusto ko siya.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya , gwapo na maputi, matalino at mabait pa. Actually , I don't care about looks , ang attitude niya ang nagustuhan ko bunos na ang kagwapohan nya. He's good to everyone obvious naman diba . Hindi ko alam saan nya namana ang kabaitan na taglay nya, sobrang bait nya kasi eh. Elementary pa lang ako crush na crush ko na sya eh.
Nasa labas na kami ng school, nakatingin lang ako sa kanya, naman eh ang hirap nya kasinf hindi tingnan chance ko na kaya 'to kaya todo na'to, napatingin din naman siya sa akin agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Bigla naman siyang natawa sa aking ginawa , napapikit na lamang ako sa kahihiyan na ginawa ko.
"Cute," Natatawang sabi nya , eeh wag ka pong ganyan. May humintong sasakyan sa aming harapan , lumingin siya sa akin sabay ngite. Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinauna nya akong makapasok, Agurooooy unti-unting natutupad ang mga pangarap ko sa buhay at isa na'to ang makatabi siya sa upuan.
Feeling ko tuloy galing kami sa date at ihahatid nya ako pauwi. Gaga ihahatid ka naman nya sa bahay nyo dahil naawa lang naman siya sa'yo.
Umandar na ang kotse at umalis na kami, habang nasa byahe kami hindi ko talaga maiwasang hindi siya tingnan eh, dati kasi paligaw-ligaw tigin lang ako tapos ngayon nandito na talaga siya sa tabi ko.
"Alam mo kanina pa kita napapansin ah, may dumi pa sa mukha ko ?" Takang tanong nya sa akin , agad naman akong umiling at ibinaling na lang ang aking tingin sa daan. Nakakahiya naman itong ginawa ko jusme naman, mga ilang minuto pa ay nakarating na kamis sa aming Sitio bumaba na ako a sya dun , at tinulungan nya akong ibaba ang mga gamit ko.
"Sige ah...Salamat !" Maligalig na sabi ko sa kanya , ngumite siya sa akin at ginulo ang aking buhok. OMMMG ay nako hindi talaga ako maliligo.
"Walang anuman , bast kapamilya ng tropa ko." Nagpaalam na sya na uuwi na siya , nang makaalis na sila ay agad naman akong tumalon sa sobrang tuwa , aruy naman kasi eh kinikilig ako...
"Margarette ? Napaaga ata ang uwi mo?" Gulat na tanong sa akin ni tiya Harlen, ngumite naman ako sa kanya at napakamot sa aking batok.
"Kasi naman po tiya sobrang busy ng guro namin eh hindi nga nga siya pumapasok, sabi din nga nga kaklase ko na wala daw pong klase kaya po naisipan ko po na umuwi na lang." sabi ko sa kanya, napatango naman ang aking tiya.
"Kung ganon hindi mo kasabay ang mga pinsan mo? Sino ang naghatid sa'yo? " Takang tanong nya sa akin, mas lalo pang lumaki ang ngite sa aking labi sa kanyang tanong, iniisip ko pa lang na nakatabi ko si Cj kanina kinikilig na ako jusme. Napansin ko namang napakunot ang kanyang noo agad naman akong napahinto sa pag-ngite.
"Eh ano po kasi hinatid po ako ng tropa ni kuya Robert tiya ang gwapo nya po!" kinikilig na sabi ko sa aking tiya agad naman lumanding sa aking mukha ang isang damit na ibinato ni tiya sa akin, tiya naman eh huhu.
"Tumigil ka nga jan ! Si Cj ba ang naghatid sa'yo ? 'yong anak ni Dominador?" Medyo galit na sabi nya sa akin, jusme naman tiya bakit ka po nagagalit? Marahan naman akong tumango sa kanya, ipinikit nya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.
" Margarette , tigilan mo yang nararamdaman mi ha bata ka pa at hindi ang Cruz at Verankha." sabi nya sa akin , napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi . Hindi ko sya maintindihan bakit naman hindi ? Medyo nalungkot ako sa sinabi ng aking tiya, tumango na lamang ako at tumakbo papunta sa aking kwarto.
Nagtataka ako bakit nga ba hindi pwede? Ano bang meron bakit hindi pwede?
-
Nasa skwelahan ako pagkatapos kasing sabihin sa akin ni tiya na hindi pwede ay agad ko namang dinestansya ang aking sarili sabkanya, halos limang araw na nga ang nakalipas eh. Kaya naman ng isipan ko pero.. Hindi kaya ng puso ko , kaya heto ako ngayon nasa canteen namin na parang tangang nakasunod kay Cj kunwari pa akong bumibili ng pagkain kahit hindi ko naman talaga kakainin.
"Ano ba'yan madaming bata ang hindi nakakain tapos sasayangin mo lang itong pagkain!" sermon ko sa sarilo ko.
"Tama ka, madaming bata ang hindi nakakain tapos magsasayang ka lang?" napaigtad ako sa sobrang gulat muntikan ko na ngang mabitawan ang pagkain ko mabuti na lang ay agad ko naman itong nasalo. Nahuli nya ba ako? Alam nya bang sinusundan ko sya?
Nagulat na lamang ako nang bigka nyang hinawakan ang aking palapulsohan at hinila nya ako at dinala sa likod ng canteen, jusme naman nahahalata nya ata na sinusundan ko sya.
"Ah...Cj ay kuya Cj a-no po bang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya , jusme naman nauutal pa talaga ako halatang kinakabahan eh. Nakahalukipkip lang sya at seryoso nya akong tinignan.
"Limang araw mo na akong sinusundan,"kalmadong sabi nya , napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Shocks naman nahalata nya nga, huminga ako nang malalim at tumango, lulusot pa ba ako kahit klarong-klaro na wala ng lusot.
Mukhang nagulat naman siya. Hindi nya siguro inaasahan na aamin agad ako.
"Bakit?" takang tanong nya sa akin, akala ko ba matalino sya? Huminga ako ng malalim at tinignan ang kanyang mga mata.
Aamin na ako jusme !!
"Gusto kita," Ayon na sabi ko na , ngumite siya pero agad din naman naglaho ang kanyang ngite. Huminga siya ng malalim at umiling at tumayo siya pagkatapos ay umalis na siya. Hindi ako makagalaw, jusme ano 'yon? Did he just walked away from me ? Na parang wala akong sinabi sa kanya?!
Para din siyang babae ha, pa hard to get pa eh. Napaangat ang gilid ng aking labi , 'kala mo talaga Cruz ah hindi talaga kita titigilan hanggang sa magustuhan mo ako.
Pagkatapos ng nangyari kahapon ay tinudo ko na ang pagpapapansin ko sa kanya hindi na talaga ako nahihiya pero nagpapansin lang naman ako kapag wala sa paligid ang mga pinsan ko. I even wrote a love letter eh , pero initials lang ang inilagay ko sakto lang na marecognize nyang ako ako kaso....wa epek padin ?!?!
Yung sunod ko namang ginawa ay nagpanggap ako na nadulas sa harapan nya para naman mapansin nya ako at buhatin nya ako kaso wa epek parin linagpasan nya nga lang ako eh. So ngayon may naisip ako , alam ko na mapapansin na niya ako sa gagawin ko. Kumuha ako ng limang patatas at ipapaulan ko 'to sa kanya medyo na inis na din kasi ako sa kanya eh, maganda naman ako pero bakit ganon?!
Pumwesto na ako sa itaas ng puno, nasa lugar kasi ako kung saan 'lagi siyang dumadaan. Sigurado ako na mapapansin na nya ako. Napatingin naman ako, napangite ako papunta na siya ditooo. Malapit na siya ilang inch na lang malapit na siya....nandito na siya.
Agad ko namang inihulog ang mga patatasa at nasaktohan namang natamaan ang kanyang ulo , inis naman itong nag-angat ng tingin sa akin.
"Bumaba ka nga dito!" Mawtoridad na sabi nya, success napansin nya ako ako ! Agad naman akong bumaba, nakangite pa nga ako. Napapikit naman siya at pilit pinapakalma ang sarili.
"Bakit mo 'yon ginawa alam mo bang nakakainis 'yon," medyo nasaktan ako sa pagtaas ng kanyang boses. Wag kang umiyak Margarette wag ?!? Feeling ko nanunubig na ang gilid ng aking mga mata.
"Eh kasi naman pagkatapos kong umamin sa'yo hindi mo na ako pinapansin eh para kang tanya linalayuan mo ako alam mo bang napakahirap para sa akin 'yon ha ! Sa tingin mo hindi ako nahihiya sa mga pinaggagawa ko !" Ayon naiiyak na ako , marahan ko namang pinunasan ang aking pisngi gamit ang aking kamay..
"Dahil bawal Margarette!" sabi nya sa akin.
"Alam ko naman na bawal tayo iniiwasan ba kita hindi diba sabagay ako lang naman ang nagkakagusto sa'yo!"
"Margarette bawal tayo kaya hindi pweding ipilit ang nararamdaman mo para sa akin kasi hindi talaga pwede !" sumigaw na siya , nanliit ako sa sarili ko kapag sumisigaw siya, feeling ko tuloy sobrang nakakahiya ang mga ginagawa ko.
"Sorry ha gusto kasi kita kaya ako nagkakaganito, sorry ha kung napapahiya ka sa mga ginagawa ko. Sorry kasi Verano ako at nagkagusto sa isang Cruz kahit hindi pwede. Sorry ha kung ikaw ang pinili ng puso ko. Kung pweding hindi ikaw gina-----" Natahimik ako nang bigla nyang aking labi, naestatwa talaga ako sa kanyang ginawa. Ngumite lang sya sa akun at napakamot sa kanyang batok.
"Ba-ba-bakit mo 'yo ginawa?" kinakabahang tanong ko sa kanya , ngumite sya sa akin.
"Hintayin mo ako mamaya pag-uwian malalaman mo kung bakit kon'yon ginawa." nakangiting sabi nya tapos umalis na siya , napahawak naman ako sa aking labi jusme napakalande ko kinakabahan ako jusme.
-
Uwian na gaya ng sabi nya sa akin hihitayin ko daw siya , at 'yon naman ang ginawa ko pero halos lahat na ng estudyante ay nagsiuwian na pero wala padin akong nakikitang Cj eh. Pinaglalaruan nya ata ako eh, aalis na nga lang ako.
"Margarette!!" Agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin, hindi ko alam pero bigla akong napangite, may dala siyang biseklita , napakunot ang aking noo aanhin naman nya yang biseklita?
"Anong gagawin mo dyan?" takang tanong ko sa kanya, ngumite naman siya at naunang sumakay sa biseklita.
"Angkas na dali." sabi nya, umangkas na lamang ako at umalis na kami sa skwelahan. Papunta kaming Sitio Verano , medyo malayo-layo na ang aming nalakbay tagaktak na nga ang kanyang pawis eh. Kinuha ko naman ang aking panyo at pasimpling pinunasan ang kanyang pawis.
Nasa Sitio na kami ang buong akala ko ay sa mismong harap ng bahay namin nya sasabihin pero mali ako kasi naman lumiko siya pagkatapos ay nakarating kami sa isang lugar kung saan iisang kubo lang ang meron , bumaba na ako ganun din siya.
"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko kasi na kapag may aaminin ako sa isang tao gusto ko na dito sa secret place." teka nga hindi ko sya maintindihan ano bang pinagsasabi nya ? Hinawakan nya ang aking kamay.
"Margarettw Alyana Suaziron Verank." Nagulat ako nang mabangit nya ang buong pangalan ko.
"Matagal na din kitang gusto, kahit nong nasa elementarya ka pa gusto na kita pero sabi ko sa sarili ko na hindi pwede kasi Verano ka at Cruz ako bawal sabi ng mga magulang ko. Kaya iniwasan kita pero hindi ko talaga kaya eh, naalala mo nong hinatid kita sa inyo ? 'yon ang unang lapit ko sa'yo at alam mo ba na sobrang saya ko non at mas lalo oang sumaya nung sabi mo sa akin na gusto mo ako kasi naman parehas na tayo ng nararamdaman pero naalala ko na hindi pala tayo pwede. Kaya mas pinili ko na iwasan ka nalang at hindi ka pansinin pero ang kulit mo kasi hindi kita natiis." mahabang sabi nya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko , masaya naman ako sa kanyang sinabi pero hindi ko lang talaga alam eh.
Iiyak ba ako? Ang OA naman kung ganon.
"Wala ka bang sasabihin?" pagkasabi nya non ay agad kong hinampas ang kanyang balikat , yinakap ko na lamang din siya.
"Thank you Lord !" masayang sabi ko sabay tingin sa kalangitan.
Naging masaya kaming dalawa parehas kami ng nararamdaman , halos araw-araw na din kaming pumupunta dito sa secret place naming dalawa.
Napatingin ako sa aking relo, hala sabi ko sa kanya na agahan nya kasi naman eh ayaw kong gabihin ako ng uwi, magagalit na naman si lola sa akin.
"Nasaan ka na ba kasi Cj?" maya-maya pa ay may nakita akong lalaking nakasakay sa motorsiklo alam ko naman na siya 'yon, huminto ang motorsiklo nya kung saan ako. Nakakapanibago hindi man lang siya ngumite. Hinawakan ko naman ang pisngi nya.
"May problema ka ba ?"tanong ko sa kanya , agad naman siyang napalingon sa akin at umiling sabay ngiti ng mapait. What's wrong with him , umangkas na lamang ako sa kanyang motor, nakarating na kami sa secret place pero tahimik parin siya para bang sobrang lalim ng kanyang iniisip.
Tumabi ako sa kanya at tinignan ko siya may problema talaga siya eh.
" Cj? May problema ka talaga eh." nag-aalalang sabi ko sa kanya, agad naman siyang napalingon sa akin na para bang nabigla siya nang makita niya akong nakatingin sa kanya.
Napakurap naman siya at napalunok ng laway. Hinarap nya ako at hinawakan ang aking kamay, napakagat sa kanyang ibabang labi , para siyang nahihirapang magsalita. Huminga muna siya ng malalim at tinignan ako sa aking mga mata.
"Mi amore , I may be too young to say this but I love yoy and I promise you that I will fight for our love." nakayukong sabi nya sa akin , napangite naman ako sa kanyang sinabi inangat ko ang mukha nya at hinalikan ko ang kanyang noo.
"Alam ko, ramdam ko." Nakangiting sabi ko sa kanya , napabuga siya ng hangin.
"Patatas you and me forever promise?" sabi niya ngumite ako ulit sa kanya.
"Promise."
"May sasabihin ako sa'yo, in order to fight our love I need to go to canada." sabi nya sa akin , para akong binagsakan ng madaming yelo sa aking batok. Binitawan ko ang kanyang kamay, iiwan na niya ako?
Aalis na siya pero paano naman ako?
"Pero pangako babalik ako," agad naman akong napatingin sa kanya , hinawakan nya ang kamay ko sabay halik sa likod nito. Pero hindi ko pa kaya na mawala siya.
"Wag ka nalang kayang umalis." ayaw ko na umalis siya , pumayag ka please, pumungay ang kanyang mga mata sa aking sinabi.
" I'm sorry but I have to go....I love you!" pagkasabi nya non ay binitawan na niya ang kamay ko at umalis na.
Naiwan ako sa aming secret place na nanghihina at umiiyak. Bakit nya pa kailangan umalis? Kung mahala nya talag ako papanindigan nya na mahal nya talaga ako hindi yung aalis siya ng biglaan.
Halos trenta minutos na ang nakalipas at wala na umalis na talaga siya.
"So you're the girl?" agad naman akong napaangat ng tingin , sino sila? Tumayo ako at umatras ng unti . Medyo madami sila ?! Hindi ko sila kilala paano sila nakapunta dito napakatago ang lugar na'to. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong kinasa niya ang baril.
"Anong gagawin niyo ?!" Cj nasaan ka ngayon kailangan kita, natatakot ako... Ngumise lamang yung lalaki.
"Hulihin niyo!!" Agad naman akong kumaripas ng takbi, hinahabol nila ako kung saan saan na ako umabot, kung saan saan na ako tumatago pero hindi parin nila ako tinatantan. Samo't saring emosyon ang rumaragasa sa aking sistema, natatakot, kinakabahan at nagagalit ako.
Hingal na hingak na ako , hindi ko nakita ang kahoy na nakaharang kaya nadapa at napasubsob ang aking mukha sa putik. Napatingin ako sa aking likuran umaasang hindi na nila ako nasundan pero mali ako.
"Huli ka !" Napasigaw ako sa sobrang takot , halos gumapang na ako sa sobrang takot gusto kong tumayo pero wala nang lakas ang mga paa ko, para siyang baliw na hayop. Cj nasaan ka ba kailangan kita ngayon.
Kinuwelyuhan nya ako, nanginginig ako sa sobrang takot. Ito na ba ang katapusan ko?
"You and Cj aren't good for each other remember you are a Verano and he is Cruz !" kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagputok ng baril direkta sa aking dibdib, napatingin ako sa dugong umaagos. Bakit pa humantong sa ganito.
Napatingin ako sa kanya, masaya siya dahil sa ginawa niya mawawala ata ako sa mundo.
Sinilayan ko ulit ang aking dibdib, halos mabalot na ang damit ko sa aking dugo.
Umikot ang aking paningin at biglang nagdilim ang buong paligid...
AUTHOR'S NOTE !!!
This is a work of fiction. Names,characters, places and events are either the product of author's imagination or used in a fictitous manner . Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME !