Kakayanin Kaya

By sshsturmfrei

79.8K 7K 4.4K

"Mahirap ba kong mahalin? May kulang pa ba sakin?" More

Kakayanin Kaya?
Kakayanin : part 01
Kakayanin : part 02
Kakayanin : part 03
Kakayanin : part 04
Kakayanin : part 05
Kakayanin : part 06
Kakayanin : part 07
Kakayanin : part 08
Kakayanin : part 09
Kakayanin : part 10
Kakayanin : part 11
Kakayanin : part 12
Kakayanin : part 13
Kakayanin : part 14
Kakayanin : part 16
Kakayanin : part 17
Kakayanin : part 18
Kakayanin : part 19
Kakayanin : part 20
Kakayanin : part 21
Kakayanin : part 22
Kakayanin : part 23
Kakayanin : part 24
Kakayanin : part 25
Kakayanin : part 26
Kakayanin : part 27
Kakayanin : part 28
SURVEY
Kakayanin : part 29
Kakayanin : part 30
Kakayanin : part 31
Kakayanin : part 32
Kakayanin : part 33
Kakayanin : part 34
Kakayanin : part 35
Kakayanin : part 36
Kakayanin : part 37
Kakayanin : part 38
Kakayanin : part 39
Kakayanin : part 40
Kakayanin : part 41
Kakayanin : part 42
Kakayanin : part 43
Kakayanin : part 44
Kakayanin : part 45
Kakayanin : part 46
Kakayanin : part 47
Kakayanin : part 48
Kakayanin : part 49
Kakayanin : part 50
Kakayanin : part 51
Kakayanin : part 52
Kakayanin : part 53
Kakayanin : part 54
Kakayanin : part 55
Kakayanin : part 56
Kakayanin : part 57
Kakayanin : part 58
Kakayanin : part 59
Kakayanin : part 60
Kakayanin : part 61
Kakayanin : part 62
Kakayanin : part 63
Kakayanin : part 64
Kakayanin : part 65
Kakayanin : part 66
Kakayanin : part 67
Kakayanin : part 68
Kakayanin : part 69
Kakayanin : part 70
Kakayanin : part 71
Kakayanin : part 72
Kakayanin : part 73
Kakayanin : part 74
Kakayanin : part 75
Kakayanin : part 76
Kakayanin : part 77
Kakayanin : part 78
Kakayanin : part 79
Kakayanin : part 80
Kakayanin : part 81
Kakayanin : part 82
Kakayanin : part 83
Kakayanin : part 84
Kakayanin : part 85
Kakayanin : part 86
Kakayanin : part 87
Kakayanin : part 88
Kakayanin : part 89
Kakayanin : part 90
Kakayanin : part 91
Kakayanin : part 92
Kakayanin : part 93
Kakayanin : part 94
Kakayanin : part 95
Kakayanin : part 96
Kakayanin : part 97
Kakayanin : part 98
Kakayanin : part 99
Kakayanin : part 100
Kakayanin : part 101
Kakayanin : part 102
Kakayanin : part 103
Epilogue
Author's Note

Kakayanin : part 15

1K 75 149
By sshsturmfrei


Infinity Club...

Pangatlong set ang The Chums Band bago sumalang sa stage. It was already nine pm. May iba pang banda na tumutugtog sa club na yon  maliban sa grupo nila pero sila ang most requested.

Max played guitar again..it's been a year bago niya naisipan na hawakan muli ang gitarang regalo ng papa nila. Mahal niya ang musika. Related nga doon ang kurso niya dati sa college.

Please sing with us if you know the song...si San, from keyboard.

This song entitled Cry.

I always remember 🎼

It was late afternoon 🎶

"Ngayon alam ko na kung bakit parang kilala ko ang boses mo. It was you Max" habang tahimik na nakikinig si JZ kay Max na kasalukuyang kumakanta sa stage "you can't avoid me forever Max. Kahit anong pag iwas mo, you are going to be mine" May ngiti sa mga labi ni JZ habang naiisip ang plano kung paanong mapapalapit sa kaniya si Max na hindi niya kailangan mag effort.

He's now sure to himself...gusto niya si Max. At gagawin niya ang lahat to get her. Kahit pa may Rav sa tabi nito.

-

"Morning everyone" Si Prof. Au.

And sa usual, not everyone greeted back. Kabilang ang grupo ng Eagles.

As the lesson about to start, pumasok si Mint.

"Sorry Prof, I'm late" paghingi nito ng paumanhin.

"It's okay. Hindi pa naman kami nag start. You may take your seat" utos nito.

Napahinto si Mint nang makita niyang nasa tabi ng inuupuan niya si Emmeth. Makalipas ang ilang segundo ay tumuloy narin ito at naupo sa tabi nito.

"Hey" bati ni JZ kay Mint.

"Hi" Mint smiled to him.

And JZ knew it already...hindi si Max ang kaharap niya. It was Mint. He's a bit disappointed pero sinarili na lang nito. Mint is okay. Mabait naman kasi ito at masarap ding kasama. Before, gustong gusto niya itong kasama, he smiled without him knowing, he likes her company not until he met her twin. Iba ang pakiramdam niya pag si Max ang kasama niya. Parang may adventure palagi ang buhay niya. He's excited to see and annoy her para lang pansinin siya nito.

Palaban kasi ang katauhan ni Max. At alam ni JZ yon. Magaling ito mag control. Kahit pa naiinis na. Her facial expression na unti unti niyang napag aaralan. 

"Later, lunch, treat ko" sabi ni JZ dito.

"Sige" muli ay may ngiti sa mga labing tugon ni Mint.

Masaya siya (Mint)..Lalo na pag naalala niya kung paano siya tinulungan nito. Kung paano niya nakita ang pag aalala dito noong matagpuan siya nitong nakakulong sa kwartong yon. At higit sa lahat----nang halikan siya nito. Kung para saan yon, hindi niya alam. Pero isa lang ang sigurado siya, mahal niya na si Emmeth.

-

Nakahiga si JZ sa kama niya habang malalim na nag iisip. Kung tama ba ang plano niya. Pero ngayong araw na hindi niya nakasama at nakita si Max, para na siyang gago kakaisip dito. Pinuntahan niya ito sa bahay nila pero wala. Ganon din sa club. Sa race track. Walang anino nito.

Habang kausap niya kanina si Mint, na sigurado niyang paghanga lang ang nararamdaman niya dito. Bihira lang kasi ang babaeng katulad nito at ng kambal niya na hindi nagpakita ng motibo sa kaniya. Pero para sa kambal niyang si Max, sigurado na siya sa nararamdaman niya.

Gusto niya si Max...gustong gusto. Na ipinagtataka niya dahil ngayon lang siya nagka ganoon sa isang babae.

He's addicted to her like a drug...nakaka baliw.

Para siyang isang bawal na pagkain na gustong gusto mong kainin. Ang hirap I explain dahil ngayon niya lang naranasan yon...Para siyang ginayuma.

Gayuma na gustong gusto niya.

Is it love?...nagmamahal na ba ako ng totoo?

Napasabunot siya sa buhok niya.

Aghhhhh Max...where are you?

Sa inis ay bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas  bahay.

Sumama nalang sana ako sa lakad ng tatlong bugok na yon kaysa sa nagkaka ganito ako...masisiraan yata ako.

Nagpahangin siya sa malapit sa garden na ipinagawa ng mom nila. Until one thing catches his attention.

Motorsiklo?...since when pa sila nagkaroon non. Kay kuya Rav kaya?

Lalapitan niya na sana ang motorsiklong nakaparada sa gilid ng halamanan ng may lumabas sa na tao at papunta sa motorsiklong yon. Naka helmet ito...

Wait...I knew that motorcycle, at yung....Max?

She's here?

So may hide out sila ng kuya Rav sa house...silang dalawa lang?

Nagkubli siya sa mga halaman at palihim na nagmasid.

"Buddy, aalis na ko" mahina ang pagkakasabi ni Max non pero sapat para madinig niya.

"Drive safely okay" lumapit si Rav dito saka mahigpit na niyakap.

And he felt jealous...Kaya ba iwas sa kaniya si Max ay dahil sa kapatid niya. 

She loves him?

Matagal nang nakaalis si Max sa bahay nila ay nanatili parin si JZ sa pinagtataguan niya. Hindi niya alam na may secret place palang tinatago ang kapatid niya.

-

One whole week, and he missed her.

She's avoiding me...

Sa tuwing aabangan niya ito wether sa umaga pag hinahatid nito si Mint or pag sinusundo sa tuwing uwian, hindi niya naman matyempuhan.

"Mint" nilapitan niya ito while Mint was busy on something.

"Hi" Mint smiled to him.

And how he wish na sana, Max will smiled to him like that. How does it feel na ngitian ka ng babaeng hindi sinasadyang nagpatibok ng puso mo.

It's unexpected love...and he didn't know na totoo pala. Pwede ka palang magmahal na hindi mo pinlano or pinag hirapanang maramdaman.  It's just happened. And he was taken off guard. Ganon ang impact ni Max sa kaniya.  Sa buong pagkatao niya.

"Ano yan?"  a simple question dahil hindi niya alam how to start. Gusto niyang itanong kung nasaan si Max pero sure siyang hindi naman nito alam na alam na niya ang totoo. Ang tungkol sa pag papanggap ng ate Max bilang siya niya noong nasa hospital pa ito at nagpapalakas.

He's asking dahil mukang nawala na sa motorsiklo nito ang tracking device na inilagay niya. He can monitor where Max is before pero biglang nawala. So sigurado siyang wala na ito or nakita nito at tinanggal.

"Ahm wala naman. Medyo nahihirapan kasi ako ngayon sa calculus. Kaya ko naman ito dati" Alam naman talaga yon ni Mint. Pero ewan ba niya, gusto niya na sana, mag prisinta si Emmeth na turuan siya. Alam niya kasing matalino si Emmeth. Gusto niya lang na mas mapalapit dito. Masaya siya pag nakakasama ito. Kapag binibigyan siya niya to ng atensyon. Walang ligawan pero pakiramdam niya, parang ganon na rin. Kasi madalas niya itong makasama.

"Let me, patingin" kinuha ni JZ ang notes ni Mint at pinag aralan "It's easy, just follow my example" habang tinuturuan ni JZ si Mint ay hindi siya aware na nakatitig pala sa kaniya si Mint.

Nang bigla itong lingunin ni JZ,  saka niya nakita ang kakaibang titig sa kaniya ni Mint. She's like dreaming.

"Hey" he snap his fingers infront of her face.

Noon lang natauhan si Mint.

"Hindi ka naman nakikinig" ginulo ni JZ ang buhok nito.

"Ahm sorry. May iniisip lang ako" iniisip kita...ano kaya feeling na maging girlfriend mo?...sa isip ni Mint.

"Tara na nga. Mag lunch na oh" hinawakan ni JZ ang kamay ni Mint papuntang canteen.

Kaya JZ ay balewala lang yon, pero iba ang dating non kay Mint.

A simple act of sweetness na inaakala ni Mint na may pag tingin na din sa kaniya ang lalaking minamahal niya. Ang lalaking kapatid niya ang tinatangi.

5 pm....

Pauwi na sana si Mint ng may humila sa kaniya sa isang kwarto...sa janitors room.

"Well well well, tingnan natin ngayon kung may magawa ka pa" si Hailey habang may nagtatali ng mga kamay ni Mint sa likuran nito.

"Anong kailangan niyo?" kabadong tanong ni Mint.

"Hindi ka kasi natuto sa unang warning sayo, kaya dagdagan natin" isang malakas na sampal ang ibinigay ni Hailey dito habang hawak naman ito ng dalawang lalaki na hindi naman kilala ni Mint.

Namanhid ang pakiramdam ni Mint sa lakas ng sampal na ipinatikim ni Hailey sa kaniya.

"Ano bang problema mo?" nangingilid na ang luha niya dahil sa sakit ng pagkakasampal sa kaniya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko" habang dinu-duro ito ni Hailey "simula ng dumating ka dito, lalo na akong hindi pinansin ni Emmeth. Ang landi mo din no. If I know, gumagawa ka ng paraan para pansinin ka ni Emmeth. Playing innocent na hindi naman---tama ako di ba" hinawakan ni Hailey nang madiin ang baba nito na halos bumakat na ang mga kuko nito "last warning ko na sayo to Marionette. Layuan mo si Emmeth kung ayaw mong mas matindi pa dito ang gawin ko" saka nito itinulak ng malakas si Mint dahilan para magtumba ito at pasalampak na bumagsak sa sahig.

"How dare you?" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng kwartong yon. At isang galit na galit na Emmeth ang nakita nila.

"Wala kaming kinalaman dito,  napag utusan lang, tara na" sabi ng isang lalaki. Mabilis na lumabas ang dalawang binayaran ni Hailey para tulungan siya sa plano niya.

Pagka alis ng dalawang lalaki ay hinarap ni JZ si Hailey na galit na galit.

"Now tell me Hailey, ano to ha?"

"Emmeth!" Dahan dahang napaatras si Hailey sa takot. Kitang kita nito ang galit sa muka ni Emmeth ng mga sandaling yon.

"Tell me, bakit kailangan mong gawin  to kay Mint? Anong problema mo?" Sigaw nito sabay tulak kay Hailey.

Ang sagutan nina Emmeth at Hailey ay malinaw na nasasaksihan ni Mint. Nasaktan siya pero masaya siya dahil nakikita niya kung paano siya ipagtanggol ni Emmeth kay Hailey.

Dahilan para mas mahalin niya ito.

"Dahil sayo" pasigaw na sagot ni Hailey "dahil sayo Emmeth. Dahil mahal kita. Ano bang kulang sa akin ha? Ano ba ang gusto mo para lang mapansin ako? All these years Emmeth, ikaw lang ang minahal ko. Ginagawa ko ang lahat para lang mapansin mo ko. Hindi naman ako ganito eh. Hindi ako masama. Pero dahil sa pambabalewala mo, nagagawa ko to. Hindi mo ba akong kayang mahalin Emmeth? May mali ba sakin ha?" And it's not a normal scene para kay Emmeth na makitang umiiyak si Hailey. It was the first.

"Hailey look-----thank you for loving me but I'm sorry. Sorry that I can't love you back. You can find someone else better than me. Maybe it's not just the right time but he'll come. I just can't Hailey. I'm sorry" tumalikod na ito at tinulungan si Mint.

-

Isinakay ni JZ si Mint sa kotse nito. Sinabihan niya itong sabihin sa kapatid niya na huwag muna siyang sunduin dahil may gagawin pa nito.

Dinala niya ito sa hospital para masuri ito ng doctor.

After thirty minutes ay pinayagan na din ito ng doctor na umuwi. Niresetahan lang ito ng gamot para sa natamong sugat sa muka dahil sa madiing pagkakahawak ni Hailey dito.

He's the reason why it happened to her kaya he's taking the whole responsibility. And if he needs to explain to her twin, he's willing.

Itinuro ni Mint kung saan ang bahay nila. Alam niyang wala doon ang kapatid kaya hinayaan niya nang maihatid siya ni Emmeth.

Naabutan nila sa bahay si nanay Pinang.

"Anak, anong nangyari sa muka mo" alalang tanong agad ni nanay Pinang.

"Mamaya ko na po ipapaliwanag" sagot ni Mint.

"May nanakit po sa kaniya. Magpapaliwanag po ako" pagsingit ni JZ sa usapan.

"May kasama ka pala. Anak----

"Huwag kang mag aalala nay. Aalis na din si Emmeth" pagputol nito sa sasabihin ni nanay Pinang "Emmeth salamat ha. Mainam pang umuwi ka na. Hindi magandang makita ka ni ate dito"

Alam ni JZ ang dahilan kung bakit siya pinapa alis ni Mint. Dahil makikita siya ni Max.

"Sige, ahm tutuloy na po ako" paalam ni JZ.

Nang masigurado ni JZ na nakapasok na sila Mint sa loob ng bahay, palihim siyang bumalik sa bahay nila. Gusto niyang marinig ang lahat.

"Ano ba talagang nangyari anak?" tanong ni nanay Pinang.

"May nanakit sa akin nay" dinig niyang sagot ni Mint.

"Eh sino? Saka bakit ka nila sinakyan?"

"Kaklase ko po nay. Sinaktan niya ko dahil kay Emmeth. Yung lalaking kasama ko kanina"

"Ano? Eh bakit kasama mo yon eh siya naman pala ang dahilan kung bakit mo inabot yan?"

"Siya din po ang tumulong sa akin nay. Siya din nagdala sa akin sa hospital para matingnan itong mga galos ko. Kaya siya na din ang nag hatid sakin"

"Nako eh kailangang mawala yang mga pasa mo sa muka bago dumating ang ate mo. Alam mong hindi niya pwedeng makita yan. Baka kung ano pumasok sa isip non at makapanakit ng ibang tao"

"Kaya nga po hindi na ako nagpa sundo sa kaniya"

"Mabuti kung ganon. Kilala mo ang ate mo lalo pag nagalit----halika na at remedyohan natin yan. Nako talaga pag nakita ka ng ate mo na ganyan ka hindi ko alam ang pwedeng gawin non" narinig lahat yon ni JZ.

Ganon kamahal ni Max ang kapatid nito?

Nang marinig niya ang paparating na motorsiklo ni Max ay mabilis siyang nagkubli.

At tama siya, si Max nga. Ipinasok nito sa bakuran ang motorsiklo nito patungo sa likurang bahagi ng bahay nila. Bago ito makapasok sa loob ng bahay ay nagtanggal na ito ng helmet.

He miss her...Kung pwede niya lang itong lapitan ginawa niya na.

Hanggang sa marinig nito ang malakas na boses nito.

Ang pagalit na tanong nito sa kapatid , kung sino ang may gawa non sa kaniya, at ang padabog na pag labas nito nang bahay.

Muli nitong kinuha ang motorsiklo sa likuran ng bahay at mukang aalis ulit ito.

"Ate" pahabol na tawag ni Mint mula sa pintuan ng bahay "Ate huwag kang umalis" umiiyak na pakiusap ni Mint.

"Wala akong gagawin. Magpapalamig lang ako, Nay ikaw na muna bahala kay Mint" sagot ni Max saka muling inilagay sa ulo nito ang helmet.

Pagkasakay na pagkasakay ni Max sa motorsiklo ay mabilis niya itong pinasibat palayo.

Nang masigurado ni JZ na safe na siyang lumabas mula sa pinagtataguan niya ay saka siya bumalik sa kotse para habulin si Max.

Sa nakita niyang itsura nito, baka nga kung ano ang magawa nito. At nag aalala siya.

Sa race track niya na ito naabutan...

Saktong kakababa lang din nito sa motorsiklo. Walang anumang hinablot nito ang susi na galing kay kuya Nong saka mabilis na lumulan sa race car.

At kung kanina ay nag aalala siya para dito...ibayong kaba naman ang nararamdaman niya ngayon. Iba ang pagpapatakbo nito. Sobrang bilis na parang hindi na nakasayad sa lupa ang gulong ng kotseng gamit niya.

Lumapit na siya kay kuya Nong.

"Kuya Nong"

"Oh EJ ikaw pala" sagot nito pero ang mata nito ay nasa race track kung nasaan si Max.

"Hindi niyo ba siya pwedeng pigilan. Delikado na yung patakbo niya" sabi ko dito.

"Ano?"

"Si Max. Hindi ba natin siya pwedeng pigilan"

"Kilala mo si Max?" Pagtataka nito.

"Silang magkapatid. Bakit niya ginagawa yan?" naisipan kong itanong. Baka sakali alam ko kung ano ang pwede kong gawin.

"Basta may iniisip o galit yan, diyan niya ibinubuhos ang nararamdaman niya. At hindi mo yan mapipigilan. Hayaan nalang natin, pag hupa na ang nararamdaman niya, titigil din yan" saka bumalik si kuya Nong sa ginagawa nito.

Nakaramdam siya ng awa para dito. At galit sa sarili niya. Dahil siya ng punot dulo ng lahat.

At ang takot para kay Max na baka mapahamak ito. Ilang beses na halos tumigil ang pagtibok ng puso niya sa tuwing mamamali ng kabig si Max sa manibela. Ilang beses na nagpa ikot ikot ang kotseng sinasakyan nito. Dinig na dinig niya ang ingay na nililikha ng gulong ng kotseng yon. At sa bawat pagkakataon na muntikan na itong bumangga, kulang nalang ay takbuhin niya ito.

Max!

To be continued...



Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.4M 34.3K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
8.9M 325K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...