Our last Summer (Weirdos' Squ...

By PulchraVita

1.9K 201 31

Weirdos summer vacation went all over the place when Chiqui, a weirdo, realized, Matthew, her forgotten child... More

Prologue
Characters I
Characters II
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65

Chapter 20

17 4 0
By PulchraVita

Geryne's P.O.V.

Oras na 'to para magsorry ako kay Jay. Naglalakad na kami ngayon papunta sa Bookstore. Walang kibuan, tahimik lang.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa kanilang dalawa at diretso lang silang nakatingin.

"Guys, may bibilhin ba kayo sa Bookstore?" Tanong ko para mawala ang mabigat na Atmosphere at nagtataka rin ako kung bakit sila sumama sa akin eh hindi naman mahilig sa libro si Jay. Si Divine naman, mahilig din siya kahit kakaunti. Baka may bibilhin nga talaga sila.

Nalipat na sa akin ang atensyon nila. "Oo, bibilhin ko 'yung WP book na "Teen Clash". Paborito ko 'yun eh" Sabi ni Jay at halata sa tono niya na excited siya.

"Ako rin, titingnan ko kung may stock pa ng "I Love you since 1892." Ani Divine.

Nabaling ang atensyon ko sa suot ni Jay na nakajagger at simpleng T-shirt lang. Mahilig siya sa Jagger ah? Habang si Divine naman ay Nakapants at Polo. Ako? As usual, Long sleeve at loose pants.

Nasa harap na kami ng Bookstore at agad na kaming pumasok rito. Ang bango, amoy mga libro. Haha Ang gandang tingnan ng mga libro, lalo na 'yung mga Old books.

"Ger, Sa'n ka maghahanap?" Tanong ni Jay na nakatitig na sa akin. Naalala ko na naman na kailangan kong mag-sorry. Paano? Sa loob ng Bookstore? Hindi naman ata maganda 'di ba? Mag-sosorry lang naman ako eh.

Tahimik lang si Divine habang nakatitig sa amin.

"Sa WP books rin" Pagsisinungaling ko. Hindi naman totally na sinungaling, may hahanapin rin ako.

"So gora na" Sabi ni Divine sabay kindat sa akin 'nang mauna ng umalis si Jay.

"Magsorry na tayo sa kanya" Bulong ni Divine at hindi na ako sumagot pa.

Nasa harap na kami ng isang shelf na may mga WP books.
Marami akong gustong bilihin pero ang tanong, kakasya ba pera ko? -__- hirap ring maging mahirap eh. 

Nagsimula ng maghanap si Jay sa tabi ko. Paano ko sisimulan?
Bibiglain ko na lang? Well, Mas mabuti na 'yun.

"Jay, sorry pala sa nangyari kanina. Alam kong mali namin- mali ko 'yun kaya ito ako ngayon humihingi na patawad kasi alam kong nasaktan kita.. nasaktan ka namin. Hindi ko naman talaga gustong makasakit eh. Sige, patawad ulit. Bye" Mabilis at tuloy tuloy kong sabi sabay alis.

Wooooo, napabuntong hininga ako dahil nailabas ko na rin ang gusto kong sabihin. Si Divine na lang ang bahala kung paano siya mag-sosorry. Maghahanap pa ako ng libro ko. Sana 'di na siya galit sa amin.

I am looking for "The Fates Divide" By: Veronica Roth. I already have the part 1 which is "Carve the Mark". Napakaganda ng Storya kaya 'nang malaman kong may Part 2, hindi ako mag-kandaugaga mabili lang ito.

I started to walk towards the another shelf. Hinawakan ko ang gilid ng mga libro na nakaharap sa akin. Hinayaan kong dumampi ang mga daliri ko sa cover ng mga libro. Malamig ito dahil sa hanging ibinubuga ng aircon.

Tuwing pupunta ako ng bookstore. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip. Ano kaya ang nasa loob ng librong ito? Alam kong mga letra pero, anong klaseng buhay? Oo, alam kong weird na naman ako-__-

Kinuha ko ang librong nakatapat sa mga kamay ko. Binuklat ko iyon at hinaplos ang unang pahina. Magaspang ang pakiramdam nito sa ilalim ng aking mga daliri, nagpapatunay na gawa talaga ito sa hindi pangkaraniwang kahoy.

Sinuri ko pa ang libro at napagtantuan kong nilimbag ito sa ibang bansa. Hindi na ako nagduda dahil alam ko ang pinagkaiba ng papel dito sa pinas at aa ibang bansa. Hindi na ako nagsayang ng oras at ibinalik ko iyon sa dati niyang lokasyon at nagpatuloy sa paghahanap ng aklat na "The Fates Divide".

Nilibot ko ang aking tingin at huminto ito sa isang lalaking nakatalikod habang nagbabasa.
He looks familiar, 'yung likod niya. Ibinaling ko na lang sa paghahanap ulit ang atensyon ko at napalaki ang mata ko 'nang makita ko ang librong hinahanap ko. Nasa medyo mataas na bahagi siya pero kaya ko naman itong kunin.

Itiningkayad ko ang aking mga paa at itinaas ang aking kamay upang abutin ang libro at tagumpay ko naman itong nakuha 'nang hindi humihingi na tulong.

Idinampi ko ang mga daliri ko sa Front cover ng libro. Dinadamdam ng kamay ko ang mga Bulge na letra sa cover. It says " The Fates Divide".
Niyakap ko ito ng sandali. Akala ko wala na akong masisilayang "The Fates Divide" na libro. Isa na lamang ito at napakasuwerte ko dahil ako ang nakakuha.

May cover ito ng plastic kaya hindi ko maaring basahin. Mababasa ko rin naman 'to 'pag binili ko. Kinuha ko ang Part 1 nito na "Carve the Mark". Hindi ko pa tapos basahin ang Part 1 nito kaya pwede ko naman sigurong tapusin dito?

Walang plastic ang Part 1 kaya binuklat ko iyon kung saan ako natapos.

Naramdaman kong may tao sa tabi ko dahil nakikita ko sa Peripheral view ko pero hindi ko ito pinansin.

"Cyra and Akos" Mahina kong sambit habang hawak ang libro. Sila ang bida sa nobelang ito. May kakaiba silang kakayahan. Si Cyra, kaya niyang ilipat si ibang tao ang nararamdaman niyang sakit at pwede itong makapatay habang si Akos naman tanging kayang pigilan ang dumadaloy na Electric current o sakit kay Cyra para 'pag nadampi ang Balat niya sa ibang tao ay hindi ito maipasa. In short, Si Akos lamang ang kayang humawak kay Cyra. Ang ganda lang talaga ng story.

Nagbabasa pa rin ako 'nang marinig ko ang pangalan ko.

"Geryne!" Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Divine at Jay na hingal na hingal.

"Nandiyan ka lang pala. Duon lang kami sa WP book ha?" Sigaw ni Jay at tumango ako. Umalis naman sila kaagad ng nakangiti. Narinig kaya ni Jay yung sorry ko? 

Ibabaling ko na sana ang atensyon ko sa libro 'nang mahagip ng mata ko ang lalaking nakita ko kanina na nasa tabi ko na at nakatitig na sa akin. Napaatras ako dahil kilala ko siya. Kilalang kilala dahil sa mata nitong walang emosyon. 'Yung mga titig niyang para kang malulusaw, 'yung titig niyang tila bang sinusuri niya ang iyong pagkatao.

Si Zeus.

May damit siya sa loob at pinatungan ito ng leather jacket niya. Hindi ba siya naiinitan? Air-conditioned nga ang mall pero ba't kailangan pang magjacket? Kakaiba rin porma nito.

Umehem ako at pilit na ngumiti.
Yakap yakap ko ngayon ang dalawang libro. Nakatitig pa rin siya sa akin at bumaba ito sa mga librong hawak ko. Tinitigan ko ang libro at nagulat ako 'nang makitang nakatitig na siya uli sa akin.

"Hi! Zeus, right?" Sabi ko at pinilit kong maging tunog masaya ako. Kinakabahan talaga ako 'pag nakikita ko siya.

Hindi siya kumibo ngunit nginitian ko pa rin siya ng pagkatamis tamis.

Iniharap ko sa kanya ang dalawang librong hawak ko.

"Carve the Mark and The Fates Divide. Ang ganda kaya ng nobelang ito kaya I suggest you to read it." Suhestiyon ko. Wala pa rin siyang kibo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ngumiti.

Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang naguguluhan siya. Baka iniisip niya ngayon. Feeling close to ah. -_- Ako pa nagmukhang tanga. Tss

"How about you?" Tanong ko sabay silip sa librong hawak niya pero ipinatalikod niya ang libro sa akin kaya hindi ko mabasa ang titulo.

Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga librong nasa harapan ko.

"Meron na akong Part 1 nito kaya part 2 na lang ang bibilihin ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa dito haha" sabi ko sabay tawa. Sino nga ba kinakausap ko? Nilingon ko siya sa kanan at nagbabasa na siya. -_- akala ko nakikinig sa akin. Bwisit rin eh 'no? Pero gwapo tss

Binuklat ko na lang uli ang libro at patuloy na nagbasa. Hindi ko na lang siya papansinin ngayon, 'Di naman ako pinapansin eh.

So balik ulit tayo dito sa nobelang 'to. Sa simula, nakatira si Akos sa Thuve. Tinatawag ang mga tao dito na Thuvesits. Si Cyra naman ay Sa Shotet. Kilala ang mga tao sa Thuve bilang Magagalang habang sa Shotet naman ay mga brutal at brave. Dinakip si Akos ng mga Shotet soldiers dahil ang Fate niya ay maging isang Servant ng Shotet royalty Family na Noavek. To be specific, maging servant ni Cyra Noavek. His Fate is to die serving the Noavek family and he can't do anything about it because it's his fate. Said the Oracle. Pero--

"You like those books." Biglang sabi ni Zeus sa baritono at magaspang na boses na nakapag-igtad sa akin. He said those phrase in a monotone voice, samahan pa ng baritono at magaspang na boses? Magugulat ka talaga.

Nilingon ko siya, kasulukuyan siyang nakatitig sa libro at nalipat ito sa akin ng ilang segundo. Natauhan ako at ngumit at tumango. 'Di ko alam kung tanong ba 'yung sinabi niya o komento lang.

"Yeah, It's fascinating." Komento ko pa sa librong hawak ko ngayon. 

"It's Fantasy. Try mong basahin" Sabi ko pa. Inilahad ko ang kamay ko na may Carve the Mark na book sa kanya pero tinitigan niya lang ito.

"Kunin mo" Sabi ko. Kinuha niya ito na nakapagpagulat sa akin at naglakad palayo.

"Wait! Zeus!" Tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya sa akin. Nagulat ako sa sarili ko kasi natawag ko siya ng ganun? Dito talaga sa Bookstore?

Naghihintay pa rin siya ng sasabihin ko kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

"Kasama mo sina Rage?" Tanong ko. Baka kasi kasama niya si Rage at 'yung mga kaibigan niya.

"Sina?" Tanong niya na nakakunot ang kilay. Nakakapanibago talaga ang marinig ang boses niya. Tsaka bakit tatanungin niya ako ng "sina?" 'Di ba siya nakakaintindi ng tagalog?

Tumango ako na nakangiti pa rin.

"Just Froy and Rage." He answered in a monotone voice and then walked straight to the cashier. Nakita ko ang Carve the Mark na libro sa kamay niya. Bibilhin niya 'yun? And He said na kasama niya si Froy at Rage. Saan kaya naglalagi ang dalawang 'yun?

Maya maya ay sumulpot si Jay and Divine sa tabi ko na may hawak na tig-isang libro.

"Magbayad na tayo" Ani Divine habang sinusuri ang mga libro na hawak namin.

"Divine, nandito pala si Zeus. Ayun oh" Sabi ko kay Divine.

"Saan Ger?" Tanong pa ni Jay na nakikiusyoso na.

Tinuro ko 'yung cashier na kung saan si Zeus mag-isa. Bakit hindi sinamahan ni Rage at Froy si Zeus? Sa'n na kasi 'yung dalawang ugok na 'yun?

Saan si Rage kamo

Bwisit na utak 'to. Masyadong kontrabida.

"Puntahan natin mga day!" Suhestiyon ni Jay habang nangingisay sa kilig.

Tinulak siya ni Divine.

"Ikaw! Isasama mo pa kami sa kahihiyan." Sabi ni Divine.

"Pero aww ang gwapo niya kyah" Sabi ni Divine at sabay silang tumili ni Jay kay pinagtinginan kami ng tao. Napatawa na lang ako.

"Tama na 'yan. Magbayad na tayo." Sabi ko at kailangan ko pa silang hilahin papunta sa pinakamalapit na cashier dahil ayaw pa nilang umalis sa pwesto na iyon kung saan tanaw si Zeus.


Vote.Comment.Be a fan.

Masyado ata akong naging detalyado sa chapter na 'to. Sa tingin ko, magiging detalyado na lang din ako sa ibang chapter kasi iba ang dating  eh. Hahaha ge bye.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.1M 34.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
198K 6.4K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...