"Tss. Panira nanaman ang asungot na yun.'' nakakunot na bulong ni Phee Rembrantd Corazon sa hangin.
"Oh friend, ano nanaman ba ang pinagpuputok ng butse mo ha?" tanong ni Lori sa kaibigan
"Wag ka nga lor. Wala ka maluluko dito, as if naman di mo alam ang usual na dahilan." Inis na sagot ni Phee sa kaibigang matalik.
"Ano? si Matty boy nanaman ba? asuuus. Bakit ka nanaman ba naiinis ha?"
"Ehh kasii. umagang umaga e yung mukha niya agad ang bumungad! Ayun, wasak ang araw ko. ikaw ba naman e belatan umagang umaga. inaano ko ba siya?!"
"Oh phee my friend, take it easy! Henay lang friend. parang binelatan ka lang naman eh.''
Habang naglalakad sila ay biglang napasabay si Lloyd, BFF kuno ni Matt. Sumabay ito papuntang classroom. Katatapos lang kasi ng kanilang Lunch break.
"Oh Lor, bakit nakabusangot ang mukha ng bestfriend mo?" tanong ni Lloyd kay Lori habang si phee naman ay walang imik na naglalakad kasabay nila.
"Ay nako. bwisit nanaman siya sa bestfriend mo, baby" sagot ni lori. magkasitahan kasi ang dalawa.
"Hay nako phee, di ka pa ba nasanay kay Matt? Di mo pa din ba obvious? Nagpapansin lang yun si espren haha" Baling ni Lloyd kay Phee sabay akbay kay Lori. Nagtaka naman si phee sa mga sinabi ni Lloyd. Anong papansin? Dapat ko bang ikatuwa ang bagay na yun? gwapo naman siya, science genius, mayaman. kung tutuusin e maraming pumapansin sa kanya, kulang pa ba iyon lahat? at bakit ako pa napili niyang paepalan sa dinami dami ng pwede niyang bwisitin?! Pisti ka talaga Matt Simacon! -.- Bulong sa isip ni Phee.
"Ha? what dyou mean baby? bakit naman siya magpapansin kay bes?" Tanong ni Lori sa boyfriend niya habang naglalakad sila at nakaakbay sa kanya si Lloyd.
"Exactly. napaka kulang naman niya sa pansin kung ganon, And why the hell ME?" dugtong ni Phee.
"Kasi CRUSH ka niya. ganun yun pag crush niya, inaasar niya para lang mapansin siya. ganyan din kasi siya kay Bea last time pero ramdam ko na ibang level sayo phee kasi well, almost 2 years kana niyang ginugulo haha it means patay na patay siya sayo!" bulalas ni Lloyd.
"what? Haha astig niya ha. imbes na pliniplease niya ay binibwisit niya pa? Ridiculous." Natatawang sagot ni phee.
"Oo nga bes. totoo yan kasi yan si matt, di lang halata pero .. napakaTorpe niyan" nakangiting sabi ni lori sa kaibigan.
"OO Phee, kaya pakiramdaman mo lang. malay mo ikaw na ang kauna unahang liagawan niya!" sabi ni Lloyd na sakto namang makakasalubong nila si matt.
matt
Phee Lori Lloyd
(A/N: Ganyan yung pwesto o scenario)
"Oy pareng matt! san punta? malapit na mag biology class ah" Tawag sabay kaway ni Lloyd sa kaibigang si Matt.
"Sa lab. daw tayo pre, balik na kayo sa baba" Sagot ni matt sa kaibigan habang iwas tingin lang si phee. Kala ni Phee ay dadaan lang si Matt pero huminto sa gilid niya si Matt.
"Oy ihi. bumalik ka pa ng room, kunin mo yung Illustration report natin. at dapat within 10 minutes nasa lab. kana with that thing kundi bababaan ko ang grade mo sa group. Bilisan mo, panget phee. Blehhh" utos ni matt tas nag belat sabay alis.
"10 minutes?! Abuserong leader. Pinapagod talaga ako. Salamat ang gentleman mo ah! Elepanteeeee!" sigaw pabalik ni Phee kay matt na di pa naman gaanong nakakalayo. Elepante ang asar kay matt o di kaya'y dumbo kasi Malaki ang tenga nito.
"Ang Panget mo!! " sigaw pabalik nito kay phee.
"I hate you Dumbo!" Bwisit na bwisit si Phee. pero di na sumagot si matt nun, siguro'y malis na ito.
"ayie! ganyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko eh!" sigaw ni Lori habang tuumatawa lang si Lloyd.
"Tse! e lolo't lola mo ang muuka mo. mauna na kayo, may kukunin pa ako sa room" pagkasabi niyan ni phee ay tumalima na din sila sa kanya kanyang pupuntahan.
Inis na inis si Phee na pumunta sa classroom at kunin ang gawa ng grupo nila pero bago pa man siya makalabas ng room ay sumalubong nang di inaasahan si Matt.
"Ay! Taong elepante! Putcha naman, ginulat moko." May pahawak pa sa dibdib na bulalas ki Phee kay Matt.
"Sumusobra kana PheeNYATA ha!" sagot naman ni matt.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? 'Bat bumalik kapa?"
"Uh eh- Lagyan daw sabi ni mam ng group names yung likod."
"Bumalik ka para lang sabihin yun? Sa baba na! Maya mamarkahan pa tayo ng late. Tara na" bilisan mo."