I love you... Enemy

By JailenCruz

57 0 0

When your love is is disguise, he/she can be your closest friend, classmate, ally even your greatest, hated E... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 3

7 0 0
By JailenCruz


Pagkatapos naming kumain, gusto ko sanang tumulong mag hugas ng pinagkainan pero pina-akyat na ako ni Sr. Nam sa kwarto para daw makapagpahinga na ako. 

Kinabukasan ay pinakuha na ni Sr. Nam sa mga bodyguards niya ang mga naiwang gamit ko sa bahay. Huwag daw akong mag alala ang mga bagay na nagpapa-alala sa akin kay mama ay ipapadala din niya dito. Sasamahan din daw ako ni, manang Esther, asawa ni manong Jovi mamili ng gamit ko sa school. Sila na daw ang mag papa-aral sa akin para hindi ko na kailangan magtrabaho pag sabado't linggo. Napaka laking pasasalamat ko na may kaibigan sila mama na maaalahanin at mabait. Ang iintindihin ko nalang ngayon ay kung paano ko makukuha ang hustisya sa pagkawala ni mama.

"Good morning sampid" natigilan ako sa pag iisip dahil sa bbiglang 'pagbati' sakinni Szachary. "G-good morning din" sagot ko naman sa kanya ng naka yuko "Masarap siguro ang tulog mo noh? Naka aircon ka kasi. Saka malambot ang kama mo." Di ko alam kung anong pakay niya pero mukang sisirain niya lang ang umaga ko. "Kaya ka lang siguro nandito dahil sa yaman namin. PERO ipapa alala ko lang sa'yo... AYOKO NG MAY KAAGAW SA MGA PAG AAARI KO. Understand??" pagbabanta niya at tumango nalang ako bilang sagot. "Sagot!" Sigaw niya dahil sa hindi ko pag sagot ng maayos sa tanong niya. "O-opo" 

"Young master..." tawag ni manong jovi ng may madiin na boses. "I'm just talking to her." sagot naman ni Szachary at umalis na sa kwarto. "Pag pasensyahan mo na si young master Ms. Song. Hindi lang siguro siya sanay na may bago dito sa bahay. Halika na at mag almusal na tayo" paghingi ng pasensya ni manong. Nginitian ko nalang siya at tumayo na. 

"So Rose, anong brand ba ang gusto mo para sa mga bagong gamit mo" tanong sa akin ni Mrs. Nam "I'll help you pick. Pwedeng Gucci, Pandora, Guess, Chanel. What ever you like" nabigla ako sa mga sina-suggest niya. Ganon sila ka yamman? Pero ayoko ng mga ganun! Ang mamahal nun baka ibenta ko muna kidneys ko bago ako maka bili ngmga ganun. "Hindi po ba mahal yun? sa palengke o kaya sa ukay ukay na lang po tayo bumili" Natawa sila ng konti. "Sige kung yan ang gusto mo"

Pagkatapos kumain, bumili na kami ng notebooks, ballpen at iba pang gamit sa palengke. Natapos ang pamimili namin ng 3:40 ng hapon kaya't pinauwi na kami ni Sr. Nam para makapag mirenda at makapag pahinga. "Kumusta ang pamimili niyo?" tanong sa akin ni Sr. Nam. "Ok lang naman po Sr. Nam. Salamat po pala sa inyo ah. kung tutuusin po, hindi ko na po kailangan bumili ng bagong gamit kasi buo pa naman po yung pinamili ko dati eh." Napa ngisi si Sr. Nam "Nako ineng, masanay ka na sa akin. Likas na sa akin na mag bigay ng welcome gift sa mga bisita ko. In your case, Special guest ka namin kaya ibibili ka namin ng mga kailangan mo." Napa ngiti ako ng malaki at nagpasalamat. 

"At eto naman ang welcome gift ko sa 'yo! yaya linda, paki labas yung pinamili natin kanina. Salamat" Singit naman ni Mrs. Nam at lumabas ang madaming damit na naka hanger at sling bag, hand bag, backpack at sobrang daming sapatos. "Para kanino po 'yan?" tanong ko sa kanila na nakangiti sa akin. "Para sa 'yo yan lahat! Sukatin mo na!" nanlaki ang maa ko.

Talaga bang para sa'kin lahat yun? san ko naman isusuot yan? Sobrang dami nun! "Nako ineng. Matagal na naming gusto mag anak ng babae. Kaso nakita naming masyadong seloso si Szachary kaya napag pasyahan naming wag na mag anak. "Nako salamat po. Pero parang wala po akong pag gagamitan niyan eh hehehe" Hindi naman sa tumatanggi ako sa regalo nila nakaka hiya naman kung tumanggi ako diba edi nasayang lang yung pera nila, pero wala talaga akong pag gagamitan niyang mga mamahaling churvakels na yan.

"Yung mga bags pwede mong gamitin sa school. Pag may meet up kayo ng mga kaklase mo or what so ever. Basta sa 'yo na yan" Maluluha na talaga ako sa tuwa. Mukha pang mamahalin 'tong mga gamit, hindi bagay sakin  kasi mahirap lang ako. "Nako maraming maraming salamat po! Napaka bait niyo po!" Sabi ko at niyakap silang dalawa. "Walang anuman Rose. Saka wag mo na kaming tawaging Sr. o Mrs. Nam. Tito't tita nalang ang itawag mo sa amin. Mas nakaka bata pa hahaha." Tumango ako at nagpasalamat ulit sa kanila. Tinulungan ko sila yaya linda para i-akyat ang mga regalo ni Tita. Pagkatapos kong isalansan ang damit ko sa kwartong lalagyan ng damit na hindi ko alam kung anong tawag dun, nagdasal na ako at natulog.
























Continue Reading

You'll Also Like

144K 953 69
Basically a photo book of all your favorite Waifu's, some pictures will be 18+ while the rest will be Hot. So enjoy everyone
95.7K 5.9K 31
It is a story of a girl and her bava 'Bava leave my hand said maha. maha releases her hand from his hold.But he again hold hand and asked ' Why did...
102K 2.6K 14
๐‘‡โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘Ž๐‘›๐‘œ๐‘›๐‘ฆ๐‘š๐‘œ๐‘ข๐‘  ๐‘ค๐‘’๐‘๐‘ ๐‘–๐‘ก๐‘’ ๐‘ค๐‘–๐‘™๐‘™ ๐‘”๐‘–๐‘ฃ๐‘’ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข ๐‘š๐‘œ๐‘›๐‘’๐‘ฆ. ๐ด๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข ๐‘–๐‘›๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ๐‘’๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘‘ ๐‘–๐‘› ๐‘กโ„Ž๐‘–๐‘ ? ๐ป๐‘Ž๐‘ฃ๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘Ž ๐‘ ๐‘ข...
109K 4.5K 46
Two best friends, a blue jay named Mordecai and a brown raccoon named Rigby, work as groundskeepers at a park, along side their vampire/demon best fr...