DOB II: Passion of Blood
Last Words
Omen Point of View
"Nasaan si Thana!"
"Punyetang babaeng yan, kung di dahil sa mga bobong tauhan niyang Brujah hindi mag hihimasok ang mga bampira ng Camarilla at ang mga tao dito sa Crystallin!" Dagdag ko pa sa mga tauhan ko
Kasalukuyang nasa underground kami ng Crystallin. Nandito kami dahil nasa itaas ang mga Toreadors. Naka pasok sila sa Crystallin dahil sa mga pakilemerong mga vampire legends. Hindi makakapasok ang mga miyembro ng camarilla kung walang nag malalakas.
Kung sa tingin nila sila ay malakas na, pag bibigyan ko sila ng magandang laban. Pero bago ang lahat papatayin ko muna ang ponyetang babaeng nag papasok sa mga letcheng bampira.
Kailangan ko patahimikin si Thana dahil si thana lang ang nag tatago kay zero. Itinatago ni thana si zero dahil may binabalak siya kay zero. Gagamitin ni thana si Zero sa kanyang kasamaan. Napaka makasarili ng babaeng iyon, ang sabi ko sakanya dalawa kaming gagamit kay zero. Pero hindi, iba ang nangyari kinanya niya si Zero
Kaya bago pa man ako maunahan ng mga toreador papatayin ko na si Thana sa harapan nilang lahat para umatras na ang mga ito.
"Milanda! Hanapin mo si Thana at patayin mo siya sa harapan nila Akeldama!" Utos ko sa kanan kamay ko
"Sigurado ba kayo panginoo?"
"Oo! Unahan mo na ang mga taga Camarilla! Pag napatay mo si Thana hanapin mo na rin si Zero!"
"Masusunod po" huling saad ni milanda bago siya mag laho sa harap ko
Dahil sa tindi ng labanan nangyayari ngayon sa itaas. Hindi mapigilan na hindi lumindol at mahulog ang mga batong naka dikit sa itaas namin. Pinalabas ko na ang dalawa kong tauhan ganun narin ang mga tauhan ko pero hanggang ngayon hindi parin nila napipigilan ang mga taga camarilla.
Ganun na ba ka lakas ang mga camarilla? Hindi sila mapigilan ng mga tauhan at kanan kamay ko?
Kung hindi man nila mapipigilan ang mga toreador, pwes ako ang pipigil sakanila! Tatapusin ko na ang huling laban! Isang huling laban na maraming mag sa sakripisyo ng buhay! Hindi ako makaka payag na walang mamatay ni isa sa kanilang lahat!
Kahit mapatay ko lang si Callidora ok na ako doon. Dahil si callidora lang talaga yung hinahanap at gustong gusto ko patayin. Kung di dahil sakanya dumami ang mga half blooded vampire.
Pag nawala si callidora mawawala na rin ang buong Toreador!
Magiging pilay na habang buhay ang mga toreador! Para nalang silang tore na siyang bumagsak matapos pasabugin! HAHAHA!
- The Battle Between Alice & Thana -
*Explosions*
*Casting Powers*
"Pambihira! Tumanda kana lahat lahat at kumulobot na ang pag mu-mukha mo Alice hindi mo parin ako kayang patayin. Ilang litro ba ng dugo ang kailangan mong inumin para lumakas ka pa?" Thana said then she give a smirked to Alice
"Ikaw tumanda kana pero ang liit liit mo parin! Kung gaano ka kaliit, ganun rin kaliit na persyento na hindi mo ko kayang patayin! Ang hirap talaga pag pinanganak ka ng PANDAK!" Continues casting a power
*Continues Explosions*
"Miss Akeldama, masyado ng delikado dito baka madamay tayo dito" Saad ni Narkissa
"Tama si Narkissa miss, kailangan umalis na tayo dito. Matinding labanan ang nakikita natin ngayon baka madamay tayo"
"Hindi, hindi tay--" Naudlot ang pananalita ni Akeldama ng biglang kumilos si Elizabeth
*Reverse Target!*
Reverse target one of the rare power of Elizabeth, this power can control the enemy movement while the enemy is targeting his/her target. She can reverse the situation. (Sa madaling salita, kung ano man ang ginawa o gagawin ng killer sa target niya. Yun ang ikakamatay niya)
*Slash*
"Thana!" Sigaw na siyang ikinagulat ni Thana habang naka turo si Alice sa likuran niya
"ARGHHHHHHH!" Pag inda ng sakit ni Milanda
"Mi-m-milanda?" Takang tanong ni Thana
*Gun Firing*
"Ughhh" Pagka tumba ni Thana matapos siyang pag babarilin
"Ba-bakit niyo binaril!" Bulyaw ni Alice sabay nagulat siya nung makita ang mga tauhan ng Ventrue
"Alice! We need to stop this stupid war! You don't need to worry, because i already fix and killed those stupid demons outside"
"Red!?" Takang tanong nilang lahat bukod kina Callidora at Alice
"Hindi, hindi yan si red. Kambal ni and red yan na si Romero" sagot ni Callidora
"Romero, bakit kayo nandito?" Tanong ulit ni Callidora
"Naka tanggap kami ng mga report galing kina Naza kaya nandito kami para tulungan at tapusin na itong gulong sinimulan nila Thana" sagot ni Romero
"Sumasakit na ulo ko dahil sa pinag gagawa niyo Alice! Sa totoo lang kung hindi lang ako na ngako sa ka kambal ko na hindi ko kayo iiwanan. Siguro matagal ko na kayo iniwan" dagdag pa ni romero
"Romero, pwede ba hindi ko kayo kailangan! Nabuhay nga ako na hindi humihingi ng tulong sa inyo" sambit ni Alice
"Oo kasi mas pinili mo pang mag pahuli. Nag pahuli saka nagpalakas, mautak ka rin no?" Romero said then he smirked
"Mahal! Pwede ba wag na kayo mag bangayan. Nasa gitna tayo ng giyera wala sa gitna ng pag tatalo!" Saway ni Lorleli
"Lorleli! Pag sabihan mo yang asawa mo ah kung hindi ako tatabas jan sa buntot ng asawa mo!" Inis na sambit ni Alice sabay pinuntahan si Thana sa isang lugar na kung saan siya pinag ba-baril
Ang lahat ng tauhan ng mga Ventrue ay naka tutok parin sakanya ang kanilang mga baril. Alam kong isa ring malakas na angkan ang mga ventrue kaya hindi na ako mag tataka pa kung bakit ganun kabilis nang hina at bumagsak si Thana sa lupa.
"Miss delikado! Wag kayong lumapit" saway sakin ni Narkissa pero sinenyasan ko lang na ok lang ako
"Thana ngayon ay na korner kana namin, pwede bang sabihin mo sa amin kung ano ba talaga ang nangyari kay Zero? Nasaan si Zero at sino kumuha sa anak ko" tanong ko kay thana kahit alam kong napaka imposible na para sagutin niya ang mga ito dahil sa kalagayan niya.
She didn't answer me within 5 minutes, she just give me a smirked. Hanggang sa malagutan na siya ng hininga.
"Kahit kailan talaga napaka pakilemero niyo! Tignan niyo ni isa o maliit na impormasyon wala tayong nakuha galing sa kanya" bulyaw ko kina romero
"Alice, don't expect too much about her. Kahit hindi namin siya patayin hindi rin yan mag sasalita. You just wasting your time to play with her! Sino ba namang tanga na mag sasalita sa kalaban kung wala naman siya dahilan" sagot ni romero
Hindi ko na pinatulan pa si Romero dahil wala rin akong mapapala kung makikipag talo ako sa kakambal ng asawa ko. Kaya mas pinili kong mag lakad na lang at pumasok sa kalooban ng kweba para hanapin si zero.
Vladimir Point of View
Hindi ko inaasahang mapupuruhan at may mamatay sa mga naging Vampire legends matapos namin kalabanin ang isa sa mga kanan kamay ng demonyo. Namatay si Draven dahil sa daming dugo nawala sakanya, hindi narin niya kayang makipag laban pa sa malakas dahil ang buong lakas niya ay naibigay na niya. Kaya ikinamatay niya ito ng maaga, habang sina Nina naman at Sebastian ay walang malay matapos makipag. Tangging ako lang ang natirang nabuhay sa aming apat.
Pero kahit ganun pa man, nag papasalamat narin ako sa mga ventrue at lalo na kay romero na siya pumatay sa kalaban namin. Walang kahirap hirap niyang pinatay ito sa harap namin.
"Panginoon, sa tingin ko dito na mag tatapos ang lahat ng kasamaan" saad ng isang tauhan ko
"Bakit?" Tanong ko naman
"Kasi nag paramdam na ang nangungunang angkan sa camarilla. Lumabas na ang mga ventrue at walang kahirap hirap nilang pinatay ang mga kalaban natin" saad niya
May punto siya sa mga sinasabi niya, pero hindi ibig sabihin nun na titigilan at mag papahinga na lang kami sa isang tabi. Dahil hindi namin alam kung gaano sila kalakas kahit alam naming lahat na natalo nanamin ang iilang malalakas na bampira.
*Vomiting*
Shit! Mukhang dito na mag tatapos ang buhay ko, dahil gumamit ako ng isa sa mga delikadong kapangyarihan na binigay sa amin. Yun ay ang Vampire's eye
Vampires eye ay isang delikadong kapangyarihan na may kakayahang basahin ang hinaharap o ang nangyayari sa kapaligiran. May kakayahan itong mag advance sa hinaharap, pwede mo makita yung hinaharap na hindi pa nangyayari.
Pero! Ang pag gamit ng kapangyarihan na ito ay may kapalit, kapalit na isang litrong dugo sa bawat limang Minutong nauubos mo pag ginamit mo ito. Ang dugong kinukuha nito ay napapapunta sa mga hinaharap na gusto mong makita. Kaya pag hindi mo inalay ang dugo mo dito hindi mo rin makikita ng maayos ang hinarap
"Panginoon! Ba-ba-bakit gumamit kayo ng Vampire's Eye?! Ilang beses na kayong pinag bawalan ni Miss Ñina"
"Ok lang ba kayo?" Dagdag pa niya
Kaya tinawag itong vampire's eye ay dahil sa tuwing may gumagamit nitong kapangyarihan na ito. Nag iiba ang mga mata ng mga bampirang gunagamit nito. Nagiging itim at pula ang kanilang iris o yung gitna ng mata nila habang yung nasa paligid naman ng mga mata nila ay nagiging itim.
Bago pa man ako mag salita, pinigilan ko muna ang tauhan ko sa pag tulong sa akin.
"Wag mo na ako tulungan, may ipapagawa ako sayo" saway ko
"Pero paano kayo panginoon?"
"Walang pero pero! Bastat sumunod kana lang!!" Bulyaw ko na siyang ikinagulat niya. Tumango naman siya at lumapit sa tabi ko
"Gusto kong iligtas niyo ang lahat ng taong nag tatrabaho doon sa BSB (Blood Society Base)"
Hindi na siya nag dalawang isip pa para ako tanungin niya, dahil alam niyang may mangyayaring gulo na hindi inaasahan nanaman ng mga tao sa mundo nila. Kinausap niya agad ang mga kasamahan niya sabay isa isa silang nag teleport papunta sa bsb.
Bago pa man ako malagutan ng hininga, kitang kita ko sa mga mata ko ang pag lapit ng isang batang babaeng bampira. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Naka gothic dress ito at mukhang galing siya sa mayaman na angkan
"A-a-ano---" naudlot ako ng takpan niya ang bibig ko gamit ang isang kamay niya
"Mag pahinga na po kayo, ako na po bahala sa lahat" ani niya sabay binubot niya ang isang kutsilyo na ng galing sa likuran niya
Kasabay ng pagbunot niya, isinaksak niya ito sa dibdib ko na siyang ikinamatay ko.
Nazar Point of View
*Werewolves Howling*
"Anong nangyayari!! Bakit nagiging kulay dugo nanaman ang kalangitan?" Bulyaw ko sakanilang lahat matapos kong makita nanaman ang mapulang kalangitan
Kasabay ng pag iingay ng mga lobong kasama namin ang pag iibang kulay ng mga ulap sa kalangitan. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kutob ko may nangyaring masama kina Akeldama o sa mga miyembro ng Camarilla.
"Panginoon, ang mga UVL ay patay na" malungkot na saad ni Hemlock
Dahil sa sinabi ni Hemlock napa atras ako at napakapit sa dibdib ko, bigla kasing nanikip at parang nanghina ako matapos ko marinig yung sinabi ni Hemlock. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa mga taong sumusuporta sa mga UVL dahil pati ako hindi makapaniwala na ganun mangyayari sakanila.
"Mahal! Ok ka lang?"
"Panginoon!" Pagkagulat nilang lahat sabay inalalayan ako
Malayo ako kina Jeanne kaya hindi nila kami napapansin. Siguro hindi pa nila alam kung bakit nag iingay ang mga lobo ko. Abala kasi sila sa pag paplano kung papaano nila tutulungan sila akeldama. Habang kami naman ay nasa tabi lang nila.
"Clarise, hindi ko alam kung makukuha pa ba natin ang inaasam natin na katahimikan sa mundong ito. Akala ko kaya tayo binuhay ulit dahil gusto nilang iparanas ulit ang isang buhay na walang pinoproblema o niraramdam na sakit. Yun pala ang buhay na ibinigay sa atin ay isang buhay na kung saan mag dudusa ulit tayo"
"Kuya, wag kang mag salita ng tapos dahil buhay pa sila Akeldama"
"Paano kung mamatay sila! Paano kung yung pinaniniwalaan nating diyos ay diyos na pala ng ibang demonyo!?" Bulyaw ko
"Yan ang hindi mangyayari kuya, dahil kahit kailan man ay hindi nanaig ang kasamaan sa mundo ng tao. Kung iniisip mo ngayon ay wala na tayong pag asa, pwes mag bigay kana ng huli mong sasabihin para sa atin. Hindi lang sa atin, kundi sa lahat ng bampira at tao na nandito!" Pagka inis ni clarise na siya ikinagulat ng mga tauhan ni Jeanne
Wala akong nagawa sa mga nasabi ni Clarise, napaupo na lang ako sa isang tabi at napahilamos ng mukha. Kasabay non ang pag iyak ko sa harapan nilang lahat. Dahil sa nangyayari sa akin hindi na rin naiwasan na hindi manginig ang buong katawan ko.
Hanggang sa dumating sa pwesto namin sina Jeanne kasama ang mga kanan kamay niya.
"Anong nangyayari dito Clarisse?" Bungad sa amin ni Jeannd
"Eto kasing bakulaw na ito natatakot na, matapos niyang mabalitaan na patay na ang mga----" Naputol siya ng may biglang sumabog na isang gusali
*Explosions*
Dahil sa narinig namin na isang malakas na pag sabog, pati ako ay napukaw at na lingon sa isang deretsyon na kung saan may sumabog.
"Inaatake base natin!! Lagot na!!" Sigaw ni Venus mula sa malayo
Dahil sa sigaw ni Venus, umalis ng nag mamadali si Jeanne pabalik sa armored card niya. Kasunod niyang kumilos ang kanyang mga tauhan. Mukhang tama nga ang hula ko, kaya pinuntirya nila ang mga UVL dahil uvl ang may hawak sa lakas sandatahan ng mga BS. Kung ikukumpara natin sila sa isang bahay, sila ay isang pader na siyang pumuprotekta sa bahay.
"Pigilan niyo sila Jeanne!!"
"Pigilan niyo silang lahat!!" Dagdag ko pa
"Ako ang kikilos hindi sila, hayaan niyong tayo ang tumulong doon at pumigil sa isang pesteng demonyong naninira sa mundo ng mga tao" utos ko sakanila
Dahil sa sinabi ko, mukhang natuwa naman ang kapatid ko.
*Time Collapse*
Time Collapse, isa sa mga kapangyarihan ko na siyang may kakayahan na mag patigil oras sa lahat ng gusto ko patigilin. Pinatigil ko ang oras dahil gusto kong pigilan sila Jeanne.
Ikinagulat naman nilang lahat ang pag tigil nila sa isang pwesto. Kahit ajong gawin nilang pwersa ay hindi nila kayang gumalaw dahil nasa ilalim sila ng kapangyadihan ko.
"Makinig kayo Jeanne! Kayong lahat! Nasa ilalim ko kayo ng kapangyarihan ko na Time collapse, kaya wag na kayong mag taka. Gusto ko lang kasi kayo pigilan dahil ayoko kayong madamay at mamatay doon. Kaya napag desisyunan ko na kami na lang ang pupunta doon. Kami ang tatalo sa demonyong sumira sa base niyo! Kaya kung ayaw niyong patigilin ko ulit kayo sumunod na lang kayo please!" Saad ko gamit telepathy
Pagkatapos kong kausapin silang lahay, sinenyasan ko naman si Clarisse na ibalik sila jeanne sa pwesto nila dito na kung saan sila naka tayo. Pagkabalik ni Clarise saka naman nawala yung kapangyarihan ko.
"Nazar! Mga tauhan ko ang nandoon kaya kailangan ako ang nandoon!" Bulyaw ni Jeanne
"Alam ko Jeanne, pero isipin mo naman ang mga taong kasama mo. Paano kung pati rin sila ay madamay at maubos may magagawa ka ba?"
"Parte na ng buhay namin ang mamatay kaya tanggap na namin kung ano man ang mangyari sa amin. Mamatay man o mabuhay basta mailigtas lang namin ang buong mundo!"
"Jeanne hindi sa minamaliit ko ang grupo niyo o ang buong BS. Gusto lang naman naming tulungan kayo at ilayo kayo sa kapahamakan dahil ang buong UVL ay patay na! Naiintindihan niyo ba yun? Ayaw namin na mangyari yung hindi namin inaasahan na kamatayan ninyong lahat!" Bulyaw ko na siyang gumising sa kanilang lahat
Dahil sa sinabi ko, hindi na nakapag salita pa ulit si Jeanne. Yung nararamdaman niya ngayon ay yung nararamdaman kong takot kanina matapos ko mabalitaan na wala na ang UVL. Di na kami nag aksaya pa ng oras umalis na kami sa harapan nilang lahat at isa isang pumunta sa base nila na pinasabog ng di kilalang demonyo.
Hindi pa kami nakakapasok mula sa kaloob looban ng BS ay nararamdaman ko na ang kapangyarihan ng isang demonyo. Nararamdaman ko yung tindi ng initbat galit na namumuo dito sa loob ng BS.
"Miss Venusssss!!" Sigaw ng isang tao
Napalingon ako sa isang babaeng abala sa pakikipag barilan. Hindi niya alam na may paparating isang malaking bato gilid niya. Kaya agad ko na ito sinuntok na siyang ikinabasag ng bato. Dahil sa ginawa ko nagulat siya at natakot.
Hindi ko na pinansin yung iba pa niyang ginawa dahil may sunod pa palang ibinato papunta sa pwesto niya, yun ay ang mga kutsilyo na matutulis. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling dahil mukhang may kumukontrol nito.
Bago pa man ito dumating sa matandang dalaga, naiyupi ko na ito at naging lukot na bakal.
"Putangina mo lumabas kaaaaa!! Ako kalabanin mo wag ang mga taooo!!" Bulyaw ko na siyang ikinagulat ng mga sundalo habang nakikipag patayan sa ibang demonyo.
"Kuya siya ba hinahanap ko?!" Saad ni clarise
Hindi ko alam kung sino tinuturo niya pero naka position ito sa isang pwesto na wala namang tao. Naka pwesto siya doon sabay sumuntok siya ng malakas sa hangin. Matapos siyang sumuntok may biglang lumabas na isang batang demonyo.
"Guuughhhh!!"
"Anoooo!? Imposible" pagka gulat ko
"I can smell the blood of the legends" Clarise said then she smirked
"Ayan nawala nanaman siya!!"
"Kuya, ako bahala sakanya. Ikaw na ang tumapos sa mga demonyong naninira dito! Bilisan mo!"
Gustuhin ko man siya tulungan eh kaso babae yung kalaban kaya mas maiging ibibigay ko na lang sakanya yung laban tutal parehas naman silang babae. Hindi na ako nag dalawang isip pa at pumunta na ako sa ibaba na kung saan may mga nakikipag laban na mga tao.
Tumagal ng limang oras ang pag lilinis ko ng mga demonyo ng loob ng bs. At nung pinuntahan ko si Clarise na kung saan siya nakikipag laban.
Laking
gulat
ko
na
lang
Ang
Palangiti
Kong
Kapatid
Ay
Patay
Na..
Namatay siya dahil sa mga kutsilyo itinusok sa dibdib niya
"CLARIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSEEEEEEEEEEE!!!!!!!" Sigaw ko na siyang nag bigay ng isang malakas na hangin dahilan ng pagkasira ng mga gamit at pader sa harapan ko.
Dahil sa ginawa ko, naipalabas ko yung babaeng kanina pa nag tatago.
"Sisiguraduhin kong hindi ka makaka apak sa impyerno!! hayop kaaaaaa!!!" Pang gigil ko sabay umatake ako sakanya sa bilis ng isang bala
To Be Continued
----
A / N: Grabe! Intense yung labanan na nangyayari dito. Pati ako natakot sa mga atakeng ginawa ni Nazar. Hindi ko ma imagine kung paanong pag patay ang gagawin niya doon sa isang batang babae na kalaban niya
Follow Me: MigiAoi
Facebook: Migzz Perea
Visit my profile for more stories
Votes and Comment are highly appreciated