"Jamaica, let's go?"
Lunch time na pala. Hayy... (Sabay inat ng dalawang kamay) daming trabaho.
"Oh Jamica, nandyan na pala yung suitor mo eh."
"Tingin naman ako agad. "Suitor ka dyan. Friends lang kami ni Patrick. kayo talga.."
'Tong mga kasama ko talaga mga malisyosa. Dami na kasing nangyari. After months of working here, I gain so many friends, in and out of our department. Si Patrick ay isa dun. OO, siya yung gwapo na nakita ko sa canteen dati. Biruin niyo naging super close kami. Kala na nga nila nanliligaw siya sa akin eh, di ko alam pero very sweet and caring siya sa akin.
veryday dinadadaanan niya ako dito sa deptartment namin para sabay kumain. Sabi ko nga magkita na lang kami sa canteen at wag na niya ako daanan kaso mapilit so, Ok!
Napansin ko lang kapag inaasar kami namumula siya.. May gusto nga ata siya sa akin. Malay.
Ok lang gwapo naman siya, mabait, kaso hindi ko kasi nararamdaman yung magic alam mo yun. Kaibigan lang talaga ang pwede kong ioffer sa kanya eh.
"Hi!" Bati niya sa akin "Hello, Tara na? Gutom na ako eh."
"Sure." Dumeretso na kami sa canteen.
"Sige na Jamaica, upo ka na ako na oorder para sa atin."
Inabot ko sa kanya yung pambili ko ng pagkain kaso tinanggihan niya."Wag na sagot ko."
"Ano kaba Patrick, pareho tayong nagtratrabaho, pareho tayong nag-iipon kaya tanggapin mo na yung bayad ko. Kapag hindi mo to kinuha hindi na ako sasabay kumain sa iyo kahit kailan." Kasi naman lagi na lang niya ako nililibre nahihiya na rin naman ako sa kanya.
Napakamot muna siya sa ulot niya tsaka kinuha yung bayad ko.
Naghanap na ako ng mauupuan at nang makakita ako ng bakanteng upuan umupo na ako dun.
Kumain na kami at nagkwentuhan. "Pat, kamusta sa department ninyo?"
"Ok naman. Tulad pa rin ng dati, maraming trabaho."
"Pareho pala tayo." Napahinto kami dahil biglang parang umingay yung paligid. Yung mga babae di maipinta ang mga itsura, ano ba naiihi ba sila o ano...
Sinundan ko nang tingin yung direksyon kung saan nakatingin ang mga ito... OMG!!!
Kaya naman pala eh, si sir Nathan at si sir MIgs! Grabe ang gwapo nila pareho...
Pero bakit nandito sila? Alam kong may karapatan naman sila kumain dito pero kasi hindi naman sila dito naglulunch. Usually sa resto sila kumakain or sa offcie nila.
"Ang gwapo nila no?" "Oo!" Tssss....
Tumingin ulit ako kay Patrick. Ang tanga ko naman bakit ako um-oo? "Ahh hindi, ibig kong sabihin ano.. ahh eh."
"Totoo naman gwapo sila. Lahat naman ata ng babae yun ang tingin sa kanila eh. Si sir Migs nga lang may girlfirend na, si sir Nathan na lang ang single."
"OO nga." "type mo ba si sir Nathan?"
Nanlaki yung mata ko sa tanong ni Patrick at naramdaman ko na namumula na ako. "Huh? gwapo siya pero... imposible naman na magustuhan niya ako kahit na crush ko siya. Haler.."
Sa sinabi kong iyon, pumait ang itsura ni Patrick. Parang binagsakan siya ng langit at lupa.
"O ayan na pala ang prince charming mo eh." Sabay tingin niya sa likuran ko.
Lumingon naman ako at lalong bumilis yung tibok ng puso ko.... <dugdugdugdug> GOSH!!! Oh em, malamig naman bakit parang pinapawisan ako.. Kiyahhhh... palapit siya ng palapit sa lugar namin.
ANg ganda ng smile niya. AHhhh!!!! Pero biglang nawala yung smile niya nung nakita niya ako? kami? Sumeryoso yung mukha niya.
"Ms. Santos." Mabait na bati sa kain ni sir Migs. "Good afternoon sir Migs, sir Nathan.." Nauutal kong sabi.
Grabe ha hindi man lang ako binati. Ang suplado talaga niya. Hindi ko siya maintindihan. Kapag kausap niya ako feeling ko naman mabait siya sa kin, pero bakit kapag may kasama ako ang suplado niya.
"Can we join you?" Tanong ni sir Migs, at nakita kong nanlaki ang mata ni sir Nathan.
"Sure sir." sagot naman ni Patrick. Bakit siya pumayag, alam naman niyang crush ko si sir Nathan eh.
Wala na kong nasabi dahil umupo na sila sa pwesto namin. So bale ang pusisyon namin ngayon ay katabi ko si Ptraick dahil lumipat siya, katapat naman niya si sir Migs at ako katapat ko si Mr. Suplado.
"So Jamica right?" Tanong ni sir Migs.
"Yes sir." "How are you going so far?"
Wow ang bait talag ni sir Migs kinakamusta pa niya ako. di tulad nitong si sir Nathan ang suplado. Tinitignan niya ako, para bang hinihintay niya yung isasagot ko.
"Ahh.. ok naman po. So far so good sir."
"Nice to hear that. Kala ko pinahihirapan ka nitong si Nathan eh."
Parehong nanlaki ang mata namin. Shocks namumula ata ako.
"Ahh... hindi naman po." Magalang kong sagot. "Boyfriend mo ba si Patrick Jamica?"
Napahinto sa pagkain si sir Natahn at tinignan si Ptarick.
"Eh.. hindi po.. kaibigan lang po."
Siniko ko si Patrick para magsalita siya."Ahhh..opo, kaibigan lang po kami."
"Ahh..."
Buti na lang patapos na kaming kumain nung dumating sila. "Sir, una na po kami."
"Sure. Thank you for accomodating us."
"Sige po."
************************
Nathan's POV
"Nathan, let's go!"
Ewan ko ba dito kay Migs, biglang nagyaya kumain sa canteen. Kasi usually sa labas kami kumakain, dahil ayaw namin pinagtitinginan kami, lalo na ng mga babaeng empleyado.
"Kamusta na kayo ni Amy?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen.
"OK na ok pare! Na-mimiss ko na nga siya eh."
"Kakausap niyo lang miss ka dyan."
"Pare, ganun talaga pag-inlove ka. Palibhasa wala kang inspirasyon eh. Kamusta na ba si Jamaica?"
Sira talaga to. Ang lakas ng boses mamaya may makarinig sa amin.
Yes, I like Jamica. I find her very attractive. Actually nung una ko pa lang siya nakita nagustuhan ko na siya. Natutuwa ako kapag nakikita ko siyang nagblublush kapag kausap ko siya.
"Ano na? Niligawan mo na?"
"Paano ko naman liligawan yun, hindi nga ako pinapansin nun kapag nakakasalubong ako sa hallway."
"Malay mo naman nahihiya sayo. Remember par, ikaw ang lalaki, which means ikaw ang dapat unang magfirst move."
"Eh alam mo naman na maraming usisero at chismoso sa opisina na to."
"Problema ba yun? Di ba nagbackground check ka naman. ALam mo ang address niya e di sa labas mo siya ligawan."
Asjgaldfashbvyuhjblc..
kiyaaaaa...
Grabe pagpasok pa lang namin nagsibulungan na at kiligan ang mga tao, lalo na yung mga babae syempre.
"Tsss..."
"E ayon naman pala yung soon to be girl mo eh" sabay turo niya sa isang direksyon.
Napalingon ako at nakita ko si Jamaica, okay na sana kaso bakit kasama na naman niya yung si Patrick.
Kasi naririnig ko nililigawan nito si Jamaica eh.
Ewan pero parang nawala yung saya ko.
Umorder muna kami ni Migs, loko talaga to eh dun daw kami umupo sa pwesto nila Jamaica.
Alangan naman humiwalay pa ako, mukha naman akong tanga kaya no choice sinundan ko na siya.
"Ms. Santos." "Good afternoon sir Migs, sir Nathan.." Nauutal na bati niya sa amin.
"Can we join you?" Gago talaga tong si Migs.
"Sure sir." sagot naman ni Patrick.
"So Jamica right?" Tanong ni Migs.
"Yes sir." "How are you going so far?" Napatingin ako sa kanya at hinihintay ko ang isasagot niya.,
"Ahh.. ok naman po. So far so good sir."
"Nice to hear that. Kala ko pinahihirapan ka nitong si Nathan eh."
Pagkasabi ni Migs nun, nakita ko ang pagkabigla at pagkahiya sa mukha niya.
"Ahh... hindi naman po."
"Boyfriend mo ba si Patrick ,Jamica?" Eto gusto kong marinig ang sagot niya.
Napahinto siya, actually lahat kami at parang lahat kami nag-aabang sa sagot niya. "Eh.. hindi po.. kaibigan lang po."
Nakita kong siniko niya si Patrick. Para ano? "Ahhh..opo, kaibigan lang po kami."
"Ahh..."
"Sir, una na po kami." Nagpapaalam na siya. Dahil ba sa tanong ni Migs? Kung sabagay nung dumating kami patapos na rin naman talaga sila kumain.
"Sure. Thank you for accomodating us."
"Sige po."
Pagkaalis na pagkaalis nila bigla kong binalikan si Migs sa mga kalokohan niya. "Pare, what is that for?"
"What? Atleast alam mo na na walang boyfriend ang dream girl mo. Ngayon wala ka nang rason apara hindi mo pa siya ligawan."
"Sira ka talaga."
Napaiiling na alng ako sa kalokohan ng kaibigan ko.
****************
Ang lakas ng ulan. Buti na lang dala ko ang kotse ko ngayon. Minsan kasi tinatamad ako magdrive kaya nagcocommute ako.
I am about to leave the building nang makita ko si Jamaica na nakatayo sa may lobby. Siguro pinapatila niya ang ulan.
Eto na siguro yung sinasabing pagkakataon ni Migs.
I drive to where she is standing. Binusinahan ko siya pero tumingin lang siya sa kotse ko. Right hindi nga pala niya ako nakikta dahil heavily tinted ang kotse ko.
Binaba ko ang bintana ng kotse ko. "Ms. Santos!" Tawag o sa kanya.
Napatingin siya at halata ang gulat s mukha niya.
Lumapit siya sa kotse ko. "Sir. Nathan." "Tara, sabay ka na sa akin. I don't think the rain will stop anytime soon."
"Thank you sir pero hindi na po." Come on. "No I insist. Sige ka baka mastranded ka hindi ka makauwi."
"Tumingin ulit siya sa malakas na ulan. "sige po sir."
Sumakay na siya. Yes!
The whole time na nandito kami sa loob ng kotse hindi siya nagsasalita.
"Ok ka lang ba?"
"Opo sir. Nga po pala sa may **** Avenue po ako."
"Yeah I know." "Alam niyo po sir?" Pagtatakang sabi niya.
"Mmm... remember the interview?"
"Ahh oo nga po pala."
Nandito na kami sa tapat ng dorm niya. "Jamaica, why are you not leaving with your relatives?"
Ulila na kasi si Jamaica and she has no siblings. "Ah, kasi po wlaa akong relatives dito sa Manila."
"OK." "Sige po sir thank you ulit."
Akmang lalabas na siya sa kotse ko pero pinigilan ko siya sa may braso niya.
"Wait.. Pwede ba kitang ligawan?"
She stiffened upon hearing my question. Namumula yung mukha niya pagharap sa akin. "Sir?"
"Nathan. Call me Nathan when w're not in the office. Can I court you?"
"Pero kasi ano po...Mmm..."
"If you're afraid of what others think about us, don't I promise kapag nasa opisina tayo I'll not bother you. So?"
"Eh... bahala ka."
At bigla na siyang lumabas ng kotse ko at dumeretso sa loob ng dorm niya.
********************
Jamaica's POV
Nakahiga ako sa kama ko, hindi ako makatulog.
Paano naman ako makakatulog after akong tanungin ni Sir Nathan este Nathan kung pwede niya akong ligawan.
Sampal-sampal-sampal. Shemay!!! Ano ba!!!
Pero ano ba yung sagot ko? "Bahala ka..."
Argghhh.... oo ba yun o hindi. Sa totoo lang naguguluhan ako. Syempre gusto ko, ultimate crush ko kaya siya. Pero gaya ng sinabi niya, natatakot ako na baka pagchismisan ako sa office kasi naman boss ko siya.
Sa sobrang antok ko nakatulugan ko na ang pag-iisip.