Rutch's POV
_
Nang ganap na nga kaming nakalayo sa taong humahabol sa amin. Isang panibagong silid naman ang aming napasokan. Silid na napakagara. May malaki itong oval na lamesa at mamahaling upoan, na yari sa bakal at soft leather na upoan.
Sa aking pagtatanto. Isa itong board room ng mga influencer leader o hindi kaya'y silid pulongan nang mga batikang mga scientist, na siyang may hawak at gumagawa ng mga eksperimento sa lugar na ito.
Mula sa kinatatayuan namin. Tanaw namin ni Mican ang mga sumunod pa na silid, na pinaghihiwalay lamang ng babasagin na salamin.
Mula sa kinaroroonan namin. Mga pang-ikatlong silid. Tatlong lalaki na may suot na kulay puti ang aming nakita.
Mukha silang mga doctor o mga scientist. Kaya naman nakadama ako ng saya at pag asa, na makakalabas rin kami sa weirdong lugar na ito.
"Tulong! Tulongan n'yo kami!" walang pagdadalawang isip na sigaw ko sabay kaway ko sa kanila. Hindi nila ako marinig dahil syempre nasa sound proof ako na silid. Lumapit ako ng bahagya sa salamin na dingding at kinalampag ko ito. Para gumawa ng vibration at ng marinig nila ang saklolo ko. Naisipan kong sumigaw ulit sabay kalampag sa salamin ngunit ng sumigaw ako ng
"Sak-" agad tinakpan ni Mican ang bibig ko.
"Rutch, anong ginagawa mo? Nag-iisip ka ba?" awat niya sa akin na kinainis ko
Ang sakit pa ng pagkakataon niya sa bibig ko. Kaya hinila ko ang kamay niya. Matapos pa'y tinulak ko siya palayo sa akin.
"Ano ba sa tingin mong ginagawa ko, huh? At oo nag-iisip ako ng matino. Kaya pwede ba 'wag mo akong mahak-hawakan" asik ko
"Oo, alam kong humihingi ka ng saklolo." salta rin niya. Mukhang gusto pang magmagaling ng pabida na ito.
"Pero 'di mo ba na iisip, na baka katulad na rin sila noong lalaking humahabol sa atin, huh?" pagmamagaling pa niya.
"Ngunit paano kung hindi, huh? Paano kung sila ang makakatulong sa atin. Para makalabas sa creepy na lugar nato, huh?" kontra ko.
"Paano kung hindi?" pamimilit naman niya sa ideya niya.
"Bakit ba alam na alam mo na hindi?" pagtatalo pa namin at sinamaan ko siya ng tingin.
Nakakainis talaga ang pagmamagaling niya. Ano ba siya manghuhula, para pangunahan ang lahat?
"Kailangan natin makasiguro Rutch. H'wag ka nga basta basta gumawa ng kilos na 'di mo alam ang maging resulta nito." nagawa pang sermon sa akin.
"Shut up! I don't need your opinion! Hindi kita Mommy para pagsabihan mo ako. Kung ano ang magiging pasya ko, okey? Kung gusto mo, magkanya kanya na lang tayo!" inis kong turan sa kanya at tinalimoran siya. Matapos ay nagmadali akong lumayo sa kanya.
"Rutch!" tawag niya pa sa akin. Pero wala na akong balak na pakinggan siya.
"Bahala ka na sa buhay mo! Bahala na rin ako sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako papalayo kay Mican. Habang tinahak ko naman ang daan papunta sa tatlong tao na natatanaw ko.
____________________________________
Mican's POV
_
'Ang sakit niyang magsalita. Ganoon ba talaga siya?'
simangot ko saka napatalikod. Pagkuwan ay naalala ko ang dalawa.
"Si Jhaizee at Nesa pala. Kailangan ko silang hanapin." kaya tumakbo na ako pabalik sa dinaanan namin kanina. Umaasa ako na sana ay wala na iyong na bubuang na bangkay kanina sa dinaanan namin.
Pagkuwa'y nagmadali na ako sa pagtakbo. Ngunit ng marating ko ang kanina'y iskenita na pinaglikuan namin Rutch. Napatigil ako't pinanlakihan ng mga mata sa aking nakikita.
Napatakip bibig ako. Habang iyong tuhod ko'y nagsisimula ng mangatog. Tagaktak na rin iyong pawis ko. Habang niyayanig ng intense feeling, ang kabuohan ng diwa ko.
Kung kanina'y nag-iisa lang ang nabubuang na bangkay, na humahabol sa amin. Ngayon nama'y bigla na lang dumami ito. Kumpol kumpolan na sila at nagsipagdutdotan sa isa't isa. Kasalukoyan silang may pinagpiyestahan at pinag-aagawan na biktima sa may sahig.
Kinabahan ako para sa dalawa kong kaibigan. Dahil baka sila itong pinagwawatas ng mga hayok na mga ulol na ito. Ngunit ng makita ko ang damit ng dalawang biktima. Nakahinga ako ng maluwag. Dahil kapareho nila ito ng damit. Ibig sabihin kasamahan ito ng my ulol.
Kahit gustohin ko man bumalik sa pinaggalingan kong board room. Ngunit kailangan ko rin balikan si Nesa at Jhaizee. Dahil bukod doon ang daan palabas. Kailangan ko rin malaman kung buhay pa ba sila.
Kaya wala akong ibang magagawa. Kailangan kong tawirin ang daan na ito na hindi napapansin ng mga nabubuang na mga taong ito o should I say mga zombie.
Dahan dahan akong humakbang habang napapahingang malalalim. Ingat ingat ako sa bawat sa kilos ko.
Hangang sa sobrang pag-iingat ko. Nakalimutan kong pa atras pala akong humakbang paabante. Dahil syempre inaabangan ko ang kilos ng mga infected. Baka matunogan nila ako.
Kaya sa kakatingin at bantay ko sa mga ulol, ay hindi ko na nagawang balingan o linungin man lang ang binabagtas kong daan. Hangang sa naatrasan ko ang nakabukas na pintoan na yari sa salamin, na siyang nakaharang sa dinadaanan ko. Pagkalingon ko pay malakas akong nauntog.
Matpos ay mahina ko itong naitulak sa bigla ko. Kaya gumawa ito ng ingay para makuha ko ang pansin ng mga matakaw na ulol.
'Hindi! Shit lagot na! nginig ko sa takot habang nanigas sa kinatayuan. Nilingon ko ang mga infected na ngayo'y nakatingin na sa akin.
Lalo akong pinalakihan ng mga mata ng magpang abot ang mga paningin namin at iyong mga bibig nila napupuno ng dugo at may hibla pa ng laman ang mga mukha nila. Kakangat-ngat sa biniktima nila.
Ang babangis na baliw. Nangangalit pa ang mga ngipin nila habang agresibong humanda para sa pag ataki sa akin.
Kaya't ako na ma'y napabwelo at buong tarantang napaatras ng mabilis. Saka tumakbo ng mabilis sa abot ng aking makakaya.
"Waaahhhhrrrr," halinghing nila habang hinahabol ko.
"Wah! waaaaahhhhh!" igtad ko at humogot pa ng bilis.
"Aaahhhwwwwrrr," haluyhoy nang mga zombie na umaalinga-ngaw sa buong kapaligiran.
____________________________________
Jhaizee's POV
_
Pagkapasok nang pagkapasok ko. Kita ko kung paano, nabuhay ang bangkay na kakamatay lang.
Sa tindi ng takot na lumalamon sa amin. Nginig na nginig akong napasubsub kay Nesa. Habang tulala kami pariho sa nasaksihan. Halos matuyo ang lalamunan ko sa kabang lumalamon sa akin at ang tangi nagawa na lang namin dalawa ay ang panoorin ang kasamahan naming Rutch at Mican na takot na takot.
Nang tumili sina Rutch at Mican sa sobrang takot. Mabilis na pindot ni Nesa ang up button ng elevator. Dahilan para mabilis na na sumara ang elevator at umakyat na ito sa itaas.
Kita ko sa mukha ni Nesa ang sindak at nginig na gumugulantang sa kanyang sistema. Halos na pra-praning pa siya sa takot at parang tuliro.
"Sina Rutch at Mican. Paano sila? Paano sila Jhaizee?" buong pag alala nito at 'di maanak pusa sa pag-alala.
"Wala na tayong magagawa doon. Ang importante makalabas na tayo rito at makahingi ng tulong."
"Pero paano sila?" nati-tense niyang turan
"Babalikan naman natin sila. Pero kailangan muna nating humingi ng tulong sa iba." sagot ko.
Yumango naman ito habang naiiyak.
Mayamaya biglang tumunog ang elevator at bumukas na ito.
"Bilis, tara na." saad ko pagkuway lumabas na kami.
KASALUKOYAN na kaming papuntang tunnel. Nang biglang may kumalabog sa pinag-parkingan ng helecopter. Matapos ay bumukas ang pintoan nito.
Nang aking lingonin. Isang lalaking nakasuot na kulay blue na lab gown, ang siyang sumilip sa amin. At sa pagkakaaala ko pa. Siya iyong lalaking tumatakbo kanina, pasakay sa isa pang elevator na sana'y gagamitin naming apat. Sapu-sapo pa nga niya ang dugoan niyang leeg noon eh.
Muli kong tiningan ang dugoan leeg niya at oo nga't presko pa ang dugong nagmamansya sa damit niya, hanggang nagyon. Ngunit kay bilis ng paglala ng infection niya. Kita ko na may nana na ang sugat niya sa leeg. Habang bumubula na ang bibig niya ng dugo.
Para siyang asong ulol na
nagkukumahog na maka baba para sakmalin kami.
"Waaahhrrrr!" ungol na tahol niya.
"Aahhhhgrrrr waarrrhhhh!"
ungol ulit ng hindi isa. Hindi dalawa, tatlo, apat. Ngunit marami pang mga ulol na infected. Lumingon ako, ngunit wala akong makita sa likuran namin.
"Jha-jhaizee." nauutal na siko ni Nesa habang naninigas na ito at hindi makakilos.
"Oh bakit?" at sundan ko ang paningin niya, sa ibabang parteng ng helecopter. Doon nakita ko ang nagkukumpolang mga ulol na kating kati ng mangagat at manglapa.
Sa kilabot ko'y halos tumalbog ang puso ko at sumabog ang utak ko sa sindak, na siyang bumulaga sa akin.
"Waaaaahhhh!" Tili naming dalawa ni Nesa at napaatras sa taranta.
"RrrrrWaaahhhrrrr," haluyhoy nila at nagsidumogan na.
"Grrrrrrwaaahhh!" ungol nanaman sa ibang deriksyon.
Nang aming lingonin ang kanang direksyon. Mula sa isa pang passage. Biglang nagsilabasan ang sandamakmak na mga ulol.
Mukha silang mga bagong hawa. Mula sa malalang sakit na virus sa lugar na ito.
"Aahhhh! Hhhmmmwaaahhh!" hindi magkahumayaw na hiyaw namin sa nginig.
"J-jhaizeee! Jhaizee takbo!" mahigpit na hawak ni Nesa sa akin sabay higpit patakbo.
"Waaaaarrhh," tangis nitong salakay sa amin
"Nessaaaa! Aahhh!" buong nginig na tili ko. Halos mapaos na kami kakasigaw sa takot.
"Warrggrrh Waaarrrhhh," parang tumatahol na mga asong ulol. Saka hayok na hayok na humahabol sa amin. Kahit iilan sa kanila'y may mga bali-bali ng mga hita, paa o bahage ng katawan. Ngunit takam na takam paring humahabol sa amin.
Napatigil kami sa kalagitnaan ng tinatahak namin. Iniisip ko kung saan kami tatakbo.Palabas ba sa tunnel o pabalik sa elevator? Ngunit kong sa elevator kami. Maaring maabotan kami't pagpyestahan ng mga ulol na ito.
'Ano ba kasing gagawin namin?' nalilito kong desisyon habang
takot at hindi na makapag isip ng matino si Nesa.
"Jhaizee, tara na. Tumakbo na tayo doon!" hila ni Nesa sa akin palabas ng tunnel. Ngunit paano kung marami na palang nakaabang doon? Paano na? paninigas kong pagdadalawag isip.
"Jhaizee ano na tumakas na tayo!" buong lakas niyang hila.
Habang ako nama'y naninigas na ng tuloyan sa kinatatayuan ko. Wari ba saglit akong napaparalisa. Sinusubukan niya akong hilain. Ngunit tumalbog lang siya pabalik sa akin.
"Jha-jhai-zee, Jha-jhaizeeee!" Yugyog niya sa akin habang nakatulala lang akong nakatingin sa papalapit na ma ulol.
"Jhaizee ano ba! Magiging Zombie ka kapag hinayaan mong kagatin ka nila!" sigaw niya sa akin sabay hambalos niya sa batok ko.
'Zombie?' pag uulit ng utak ko.
"Zombie!" tili ko na siyang kinagising ko mula sa pagkatulala. Matapos pa'y awtomatikong umaandar muli ang mga kalamnan ko't napa-igtad ako ng takbo.
"Nesa bilis!" na gawa kong sigaw sabay takbo ko pa puntang elevator.
Abot ko na ang pintoan ng elevator. Kaya ng mapagtanto ko na ilang hakbang na lang ito. Talagang tinudo ko na't tinalon ko na ang pintoan, para mabuksan na nga't makapasok na kami.
Ngunit si Nesa ay malayo-layo a.. Ang bagal niya masyado. Tinanaw ko siya habang napapaindak sa takot at kaba na baka mabuta siya ng mga ulol na nasa likuran na niya.
Inaabangan ko siya sa harap ng pintoan habang tinaas ko ang kamay ko para ilahad sa kanya. Nang sa ganoon pag maabot na niya'y mahihila ko siya papasok.
"Bilisan mo, dammit! Nasa likuran mo na sila!" buong lakas na sigaw ko habang nati-tense na rin.
"Talon bilis!" hiyaw ko sabay pindot ko sa down button. Dahilan para unti unting sumasara ang pintoan.
"Biliiiissss!" lakas kong tili.
Halos lumuwa na nga lalamonan ko sa kakasigaw ng malakas para sa kay Nesa. Para akong nanonood ng marathon na cheni- cheer ko siya na makaabot agad sa finish line.
'Susko poh sayo payatot! Bilisan mo!' Napapatalon kong himutok sa utak ko.
Pagkuwan ay inabot ko na ang kamay niyang nakataas sa akin at saka hinila na nga papasok sa loob. Matapos saktong sumara naman ng tuloyan ang elevator.
Sa lakas ng pagkakahatak ko sa kanya'y pahampas kaming tumilapon sa sulok ng elevator.
____________________________________
Writers Note:
Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po