***** CHALIL'S POV *****
Anong oras sya pupunta dito?" tanong ni tito ice kay zam. May bisita silang hinihintay?
After lunch." maikling sagot ni zam. May iba ngayon sa pag uugali ni zam, chris at khate zykel. Masyadong masaya sila chris at zykel
Anong kailangan nya para maipahanda ko na agad?" tanong ni tito ice
Wala syang sinabi." sagot ni zam. Sino ba talaga ang bisita mamaya? Bakit parang sobrang halaga nyang tao para ipaghanda pa nila tito ice?
Ipaghahanda ko sya ng paborito nya." nakangiting sabat naman ni tita ace sa usapan ng mag ama
Kilala rin ni tita?
Mabuti pa nga at baka gutom na yun pagdating nya dito." tito ice
Uhmm sino po ba yung dadating?" alanganing tanong ni shanna. Syempre mga rivera ang nag uusap mahirap sumabat dahil iba sila magalit. Kung ako man ang sasabat sa usapan nila ay mag aalangan rin ako
Someone special." nakasmirk na sagot ni zam. Hindi kaya manliligaw nya ang darating?
Sinong someone special?" seryosong tanong ko hindi pinapansin ang pag singit sa usapan nila
Soon." huling sabi ni zam bago bumalik sa pagkain. Ganun rin naman sila tito at tita na panaka nakang nag uusap at naglalambingan. Pati ang mga kaibigan namin ay hindi na nagtanong pa pero ako gusto ko paring malaman kung sino yun pero paano?
Kain na." sabi ni khate kaya sakanya ako napatingin
H-ha?" wala sa sariling tanong ko
Hindi mo na kasi ginalaw ang pagkain mo." tinuro nya pa gamit ang tinidor nya ang plato ko
Ahh." walang gana kong sagot
Kain." seryosong sabi ni zam kaya napatingin ako sa kanya. Kanino naman nya sinasabi yun?
Pagtama palang ng mata ko sa kanya cold stares agad nya ang bumungad sa akin kaya napaiwas rin ako agad. Nakakamatay kasi ang tingin nya
Jelly." out of nowhere na sabi naman ni khate kaya sa kanya ako napatingin. Nakaramdam ako ng malamig na tingin mula sa likod ko at kahit hindi ko yun lingurin alam kong sa kanya galing yun. Sa mafia princess galing yun pero bakit naman?
Sino kaya yun?" tanong ni charlene. Nasa sala na kaming lahat samantalang nasa taas naman sila tito ice, tita ace at zam
Kilala mo ba zeke?" zharisha ask
Oo." chill lang na sagot nya
Kilala mo?!" sabay sabay na tanong namin. Siguro naman hindi yun manliligaw ni zam diba?
Oo at hindi lang ako ang nakaka alam. Kilala rin sya ni Chris at khate." napatingin kaming lahat sa dalawa
Anong itsura pre?" prince makky ask
Ano ba naman yan kanina pa kami nagtatanong dito tapos kilala nyo naman pala." himutok ni jadin
Nagtnong ba kasi kayo samin? Hindi diba tsaka hindi ko naman nakita ang muka nya kasi may suot syang mask." chill padin na sagot ni zeke.
May mask? Bakit naman nya kailangan nun?" tanong ni axeline Nandito pa pala sya?
kasi confidential ang pagkatao nya." sagot ni khate
super confidential." sabat ni chris
confidential? Bakit naman naging confidential?" tanong ni sky
Oo nga. Isa ba sya sa alas ng clan natin?" tanong pa ni dylan
isa sya sa alas ng clan natin kaya hindi pwedeng ipakita ang muka nya pero soon makikilala nyo rin sya." sagot ni chris sa mga tanong nila. Bakit ba kilala nya ang bisita?
eh ikaw paano mo nakilala ang sinasabi mong alas?" seryoso kong tanong
dahil partner ako ni zam." nakangisi nitong sabi sa akin. Tsk yabang!
He's here." boses na narinig namin galing sa staircase ng bahay nila zam. Agad tumakbo sila chris at khate sa pinto. Nandito na sya? Sino ba talagang sya?
Dumaan sila sa harapan namin at binuksan ang pinto. Mula dun nakatayo ang lalaking naka mask na tanging isang kilay at isang mata lang ang kita. Who is he?
Bineso sya ni tita ace at nag manly hug naman sila ni tito ice samantalang nakipag high five sa kanya si zam, khate at chris. Close siguro talaga silang dalawa ni zam dahil nakipag apir pa sya dito
Kilala mo naman na sila right?" tanong ni zam sa lalaking naka mask ng tumapat na sila sa pwesto namin. Tumango lang sya at hindi nagsalita, wala ba syang boses? Tsk pa-mysterious sya masyado=_= panget siguro to
Bro." bati ni zeke at nakipag manly hug rin sa kanya
Napatingin sya sa akin matapos syang batiin ni zeke. At sa tingin ko ay ngumisi sya ng makita nya ako. Tsk anong problema nya?
Tara na." unalis na rin sila agad at umakyat sa taas kaya naman naiwan kami dito. Tsk makikilala rin kita
***** SUNNIE'S POV *****
Buong araw naming hindi nakita si zam, khate at chris. Buong araw kaming nasa mansion lang at walang ginagawa. Napagod na ata sila sa kaka-away kaya tumigil na sila
A/N (Bat kayo ni zeke hindi nag aaway?)
Nagku-kwento ako dito okay?. Back to story telling, hindi parin sila bumababa kanina pa. Kinain na kaya sila ng kwarto? Nakatulog na kami sa sala, nag away away na kami sa sala at ang ingay ingay na namin sa sala pero kahit anino nila zam ay hindi namin nakitang bumaba. Hapon na at malapit ng magdilim ang langit pero still no signs of them. Kanina parin tahimik si chalil at mukang malalim ang iniisip, gusto parin atang makita ang lalaking naka mask eh. Nakakapanibago rin dahil ang tahimik nya, natalo pa sya nila aky at axe na palihim na nag-uusap sa isang tabi >_< ang landi ng dalawang yun
Crush mo si chalil no?" nawala ang lahat ng iniisip ko ng biglang magsalita si zeke. Boses palang nakakairita na so hindi ko na kailangan lumingon sa tabi ko para makilala kung sino ang nagsalita
So? Anong pake mo?" masungit na tanong ko sa kanya
Hindi yun pwede bata palang tayo alam kong tayong dalawa na." sabi ni zeke pero ibinulong lang ang dulo kaya hindi ko narinig. Ano daw?
Anong pinagsasabi mo dyan ha?" tumaas na ang kilay ko ng magtanong
Wala. Talo bingi." nakadilang sabi nya sakin. Parang bata talaga kahit kailan=_=
Childish." pairap na sabi ko dito
Oh talaga? Grumpy." nanunuksong sabi nya. Magsisimula na naman ba sya? Gosh wala na akong laway sa sobrang pagsasalita ha!
Shh pababa na sila.' sabi ni dylan na naging look out namin sa staircase nila incase na pababa na sila. Automatic naman kaming natahimik ng sabihin nya yun at nagkanya-kanya ng upo
Kailan ka ulit pupunta dito?" narinig kong tanong ni tita ace and I'm sure dun sa lalaking naka maskara nya itinanong iyon. Ang mysterious naman kasi ni kuya eh
Hindi nagsalita si mask boy at nagkibit balikat lang. Para namang nagkaintindihan sila sa gestures na yun. Nag bow na si mask boy bago umalis sa harapan namin. Hinatid pa nga sya ni zam eh
Sino yun tita?" tanong ni sky kay tita ace
We call him dos." sagot ni tita ace na nakatingin sa papalayong zam at maskara boy
So his name is dos?" tanong ni axe na nagiging madaldal narin ata
No. We don't know him personally at dos lang ang sinabi nyang pangalan nya." paliwanag ni tita
So hindi nyo rin po kilala yun?" takang tanong ni chalil
No. Only zam knows him. Sya lang ang nakaka contact sa kanya." sagot ni tito ice na naka akbay kay tita ace
Nagpaalam na silang dalawa at umakyat na sa taas kami namang naiwan dito ay may malaking question mark sa muka. So si zam pala ang dapat naming tanungin? Paano naman namin tatanungin ang babaeng yelo?!
Paano kapag traydor ang taong yun?" pang babasag ni chalil ng katahimikan
Matalino si zam." pagtatanggol ni zeke sa kapatid
at hindi sya basta nagtitiwala sa kahit na kanino." sagot rin ni chris
Tama hindi basta bastang nagtitiwala si zam." tumatango tangong sabi ko pa
Why." nagulat kami sa biglang pagsulpot ni zam sa tabi naming lahat
Jusko zam kabute ka ba." hysterikal na sabi ni charlene
Mygosh my heart is so omyghad." nakahawak pa si ash sa dibdib nya ng sabihin nya yun
My puso is exploding na." katulad ni ash ay nakahawak rin si shanna sa dibdib nya
Kagulat eh." Zharisha
Oa." pairap na sabi ni zam kaya napatigil kami sa pag re-react at napatingin sa kanya, well pwera nalang kay chalil at chris na kanina pa talaga sa kanya nakatingin at kay khate na tahimik lang talaga
Nakakagulat ka kaya." nakasimangot na sabi ni zharisha
Bakit nababanggit ang pangalan ko?" balewala ni zam sa sinabi ni zharisha
Eh sino ba kasi yun?" tanong ko sa kanya. Hindi naman slow si zam so alam kong alam na nya kung sino ang tinutukoy ko
Someone special." makahulugang sabi nya
Pangalan ang gusto naming malaman." seryosong sabi ni chalil. Halatang kanina pa sya nabo-bother kung sino nga ba talaga si mask boy
Edi alamin nyo." sabi ni zam. Unti unting sumilay ang kakaibang ngiti mula sa kanya "Yun ay kung malalaman nyo." huling sabi nya bago umalis sa harapan namin at umakyat sa taas
Naiwan kaming tulala dahil sa ngiti nya at sinabi nya. May kahulugan eh, may iba syang pinaparating at alam kong hindi basta basta yun. Ano naman kaya yun?
***** ZAM'S POV *****
nagtanong sila." sabi ng kausap ko sa cellphone. Sabi yun kasi hindi naman patanong ang pagkakasabi nya. Parang alam nyang mangyayari talaga yun
Katulad ng sinabi mo." naiiling kong sagot kahit alam kong hindi nya yun makikita
Anong sinabi mo?"
May dapat ba akong sabihin?" I smirk
Kung gusto mo namang sabihin ayos lang."
Wala yun sa plano ko." bored kong sagot
Ano bang plano mo?" tanong nya at base sa boses nya alam kong naka kunot noo na sya. Matagal na kasi nyang gustong malaman kung ano ang plano ko
Malalaman mo kapag kasali ka na dun." makahulugang sabi ko
So wala pa akong role."
So far wala pa." umupo ako sa kama at nahiga
Kanino mo sinabi ang plano mo?"
Wala pa. Kaya ko pa namang gawin lahat." chill na sagot ko
Ewan ko sayo. Ang dami daming tao sa paligid mo pero ni isa wala kang tiwala." naiiling na sabi nya. Paano ko nalamang umiiling sya? Wala instinct lang
May tiwala ako pero mas magandang hindi nila alam ang kilos ko." naka smirk na sabi ko
Kahit sila tito ice at tita ace?"
Nagpapaalam ako sa kanila"
Pero hindi parin nila alam kung ano talaga ang gagawin mo sa susunod" talagang gusto nyang malaman ang plano ko eh
Ako ang kailangan nila kaya hindi ko na kailangan pang sabihan sila mommy sa mga dapat kong gawin." seryoso kong sagot
About that alam ba nilang---" hindi pa man nya natatapos ang sasabihin nya ng sumingit na ako " Hindi na nila kailangan malaman yun."
Bahala ka. I need to go sa susunod nalang nating pagkikita."
Saan ka pupunta?"
May ipinapagawa sa akin tska may susundan ako." kampante nyang sagot
Saang bansa na naman yan?" inis na tanong ko
Malapit lang dito my angel." balewala nya sa tanong ko. Tinawag na naman nya akong angel -_-
Saang bansa?" madiing tanong ko
Alamin mo." nakangisig sagot nya. Tsk ang hilig talaga akong pag isipin ng isang to
Tsk humanda ka sakin pag nalaman ko." pairap na sagot ko
Alam ko namang malalaman mo agad eh. Ikaw pa eh isa kang rivera at guardian angel kita dapat bantayan mo ako." ramdam kong nakangiti sya habang nagsasalita
Malalaman ko rin naman pero ang hilig mong itago. At ilang beses ko bang dapat ulitin na hindi ako angel!" inis na sabi ko
Kahit anong sabihin mo angel kita. Sige na alis na ako."
Kay. Sa susunod nalang tr--- "Sino ang kausap mo zam?"agad kong naibaba ang cellphone na hawak ko ng pumasok si chalil
Hindi ka marunong kumatok?" cold kong tanong
Eh bukas naman eh." turo nya sa pinto
Uso kumatok." cold ko paring sabi
Sa susunod kakatok na ako pero sino muna ang kausap mo?" tanong na naman nya. Chismoso talaga =_=
Wala ka na dun. Bakit ka ba nandito?" taas kilay kong tanong. Muntik nya ng malaman!
Kakain na raw."
Sige." sabi ko at tumayo na papunta sa pwesto nya
Sino yun?" pangungulit nya parin sakin
Bibigwasan na kita kung hindi ka pa mananahimik." poker face kong sagot
Sabi ko nga tatahimik na ako." nakapout nyang sabi. Ang Cute----- este wala pala, parang kanina lang ang seryoso nya tapos naging makulit na naman. Tsk may tama ata sa utak to eh=_=
👸👸👸 HOPE YOU LIKE IT 👸👸👸
May hula na ba kayo kung sino ang lalaking naka mask? Ang makahula magaling hahaha! Kidding!