She Said Yes [COMPLETED] ✓

By SiriusLeeOrdinary

1.9K 139 18

Nagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat... More

She said Yes
SSY 1
SSY 2
SSY 4
SSY 5
SSY 6
SSY 7
SSY 8
SSY 9
SSY 10
SSY 11
SSY 12
SSY 13
SSY 14
SSY 15
SSY 16
SSY 17
SSY 18
SSY 19
SSY 20
Author's note
SSY 21
SSY 22
SSY 23
SSY 24
SSY 25
SSY 26
SSY 27
She said Yes Last Chapter

SSY 3

74 6 1
By SiriusLeeOrdinary

Hera Point of view

Nilalamok na  ako dito at maging mga langaw ay lumalapit na sa akin sa sobrang baho ko. Napangiti nalang ako dahil kahit papaano ay may lumalapit parin sa akin.

"Baliw na nga ako."

Huminga ako ng malalim at tumingala sa langit. Naramdaman ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa basa kong katawan. Kahit balutin ng kadiliman ang buong paligid at ang kalangitan hindi maitatago ang mga bituin. Nagliliwanag sa kalawakan na kahit gaano kadilim ay kumikinang parin para makita ang tunay na ganda ng mundo.

Sana dumating na yung bituin ko, ang bituin na magbibigay liwanag sa madilim kong mundo.


"Nararamdaman ko na ang pagod, gusto ko ng magpahinga. Susuko na ako dahil wala ng pag-asa na mabago pa ang buhay ko. Ilang taon pa ba akong iiyak sa sakit na nararanasan at nararamdaman? Ilang hampas at sampal pa ng ipapadama para sabihin ayoko na, na tama na? Kailan matatapos,gusto ko ng matapos 'to," sabi ko kasabay ng pag-agos ng mga maiinit ko luha sa natutuyong kong pisngi at labi.

Napatingin ako sa aking mga kamay. Nanginginig at marahan ko itong iniangat para abutin ang mga bituin pero—

"Hera," rinig kong sabi ng isang boses. Nasa harapan ko siya.

Natapat sa dibdib nito ang kamay ko, sa tapat ng puso nito.




Hinawakan nito ang pisngi ko sabay punas sa basa kong mukha.


"Kung saan-saan kita hinanap," sabi nito halatang ang pag-aalala sa boses nito.

"I-iwan mona ako." Nauutal kong sabi at umiwas sa kanya.

"Sorry kung wala ako kanina doon para ipagtanggol ka. Hera please, Huwag kang umiyak—"

"PWEDE BA CHARWIN! UMALIS KA NA SABI! BINGI KA BA HA!" Sigaw ko pero niyakap niya lang ako.

"Kahit anong mangyari, kahit ipagtulakan mo ako, Hera, hindi kita iiwan."


***


Kinabukasan nasa may principals office ako. Graduating for grade 12 na. Isasabay ko narin yung 18th birthday ko same day kasi March 28 pero...

"Miss. Alferez kailangan ang signature ng guardian mo para makuha mo yung certificate of your grades, kailangan iyon para sa scholarship mo." Explain sa akin ng principal.

"Ma'am, A-ano po ayaw niya po kasing pirmahan. Ano daw po hihinto na rin daw po ako."

Kahit labag sa loob ko, buo na ang desisyon ni mama na tumigil na ako dahil nasa college na si Ate Stefhany. Malaking pera ang kailangan para makapag-enroll ito next semester.

Wala kasi itong scholarship dahil hindi umabot ang mga grades nito.

"No! Hindi ka titigil Miss Alferez. I will talk to your parents." Explain nito sa akin.

"Ma'am huwag na po. Magagalit si mama. Nagmamakaawa ako.  Ayoko pong suwayin si mama," naiiyak kong sabi.

***

Pumasok na ako ng trabaho sa palengke. Halfday lang  ang pasok ko, tuwing umaga lang. At kapag weekend whole day ako sa palengke. Dito ko narin ginagawa ang mga assignment at projects ko. Hindi narin ako nagbihis.

"Hi bakla! Halika, tulungan na kita." Nakangiti siya sa akin.

"Huwag na Char,"nasabi ko.

"Ayos lang 'yan, akin na." Pagpupumilit parin nito

"Char?" tawag ko.

"Yes?" Mabilis naman na  sagot nito.

"Ako na po pwede? Balik ka na doon." Nakunot noo kong utos.

"Okay. Okay fine, basta just call me huh?!" Paalala nito ay bumalik na sa pwesto niya.

Isang buwan na ang lumipas magmula nang masigawan ko siya. Hindi ko naman iyon sinasadya. Masyado lang masakit ang nararamdaman ko.

Akala ko mag-isa lang ako. Akala ko lalayuan na ako ng lahat ng tao pero may isa na pilit lapitan ang isang tulad ko at yayakapin ng buong higpit sa ilalim ng mga bituin sa langit.

Pagdating ng gabi ay iniligpit ko na ang mga dapat iligpit at isinara ko na ang tindahan.

Agad na kong pumunta sa may parking ng sa may labasan sa likod ng palengke ay natanaw ko na yung bike ko at si Charwin?

Baklang to!  Ano na naman ba?!

"Nigagawa mo?" Nagtataka kong tanong.

"Nagba-bike?" Hindi siguradong sagot ko.

"Baba." Utos ko

"Sakay!" Ma-awtoridad naman nitong utos.

"Tingnan mo 'to!" Naasar ko sabi sa kanya.

"Saan? Kanina pa ako nakatingin sa'yo," natatawa nitong sagot. Sumagot pa nga.

"Charwin Villegas!" Seryoso kong sabi.

"Ang slow mo naman, ako na maghahatid sayo."

Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad. Nakasunod naman na agad si Charwin.

"Uy! Galit?! Ako na nga magpepedal eh, sakay na."

"Ayoko," sagot ko ka agad.

Bumaba ito sa bike at tinabihan ako at sinabayan sa paglalakad.

"Minsan na nga lang ako mag- aya. Ang sungit mo talaga."

"Baka saan mo pa ako dalhin." Walang gana kong sabi.

"Wala ka talagang tiwala sa akin hanopo!"  Nagtatampong sabi niya at nakabusangot pa.

"Paano kung sabihin kong wala? Tama bang dalhin mo ako sa bangin nung nakaraang linggo ha!" Singhal ko.

"Excuse me? Oo, bangin 'yon pero hindi mo kasi tiningnan yung totoong maganda ro'n."

"Anong maganda? Magandang tumalon doon ? Ganu'n ba?"

"Sus! Babae kaba talaga? Akala ko ba mahilig ka sa stars?"

Kinuha ko na sa kanya yung bike ko at agad na sumakay dito.

"Bye!" Paalam ko at mabilis na lumayo sa kanya.

***

Nasa rooftop ako sa isa sa mga building dito sa school. Kasama mga ka-groupmates ko. As usual gumagawa ng project, taga-sulat lang naman ako.

Medyo makulimlim ang langit ngayon at mahangin din, parang uulan pa. Nagulat naman ako bigla nang may tumabi sa akin sabay abot ng isang pack ng chocolate candy.

"Hi? Ang lalim ng iniisip mo? Ako ba 'yan?" Tanong pa nga.

"Alvino? Pwede ba? Baka sa sobrang hangin dito tangayin ka."

"Ang sabihin mo tangayin ako papunta sa'yo." Umisa pa nga siya!

"Ewan ko sa'yo."

"Wala mang thank you?" Tanong nito, halos hindi nawawala ang ngiti niya sa labi niya.

"May factory ba  kayo ng chocolate? Halos araw- araw may chocolate ako."

"Alam mo ba 'yung word na 'courtship'?

"Excuse me Alvino, hindi pa ako pumapayag."

Alvino Genova ang masugid na manliligaw kuno. Actually mabait talaga siya. Grade 7 pa nung maging magkaklase kami.

Makulit din siya, friendly, humble, masayahin at may paka- comedian, pero may times na seryoso 'yan. May nangyari nga na nakipag-away at nakipagsuntukan siya sa ibang section. Mag kasing height lang kami, 5'4. Maganda ang pares ng mata, kalbo! Ang angas ng dating.

Nasabi ko nabang mahangin siya?

Oh well. Nevermind.

"Miss Alferez, huwag mo sabihing mas gusto mo yung baklang Char na 'yun."

"May sinabi ba ako?" Nakakunot noo kong tanong.

"Kailangan pa bang sabihin na may gusto ka sa kanya?"

"Alvino ayan ka na naman. Maka-judge ka! Inaano ka ba nung tao ha?" Asar kong sabi.

Mahahampas ko ng makapal na libro sa mukha to eh!

"Miss Alferez, kahit hindi mo na ako sagutin basta huwag lang sa kanya, kay Char. Pumili ka naman ng iba.  Maging practical ka."

Masyadong mataas ang confident ng isang toh!  Hindi kaya siya mauntog n'yan?


"Gusto kong sabihin sayo wala akong gusto sa inyo, kahit kay Char, sa kahit sino. Huwag kang mapraning d'yan. Balak ko kayang magmadre." Paliwanag ko.


***

Madaling araw na at dilat na dilat parin ang mga mata ko.


Bakit?


Sa akin pinapagawa ni ate Stef ang mga assignment niya at yung research project niya. Hindi naman na ako makapagreklamo. Ayokong masampal na naman. Sumasakit na nga sikmura ko sa kakainom ng kape gabi-gabi. Ilang gabi narin akong nagpupuyat. Wala ng pahinga yung utak ko.

Pero hindi ko hahayaan na pabayaan din ang pag-aaral ko. Kailangan kong ma-maintain ang mga grades ko dahil tinutulungan ako ng principal namin. 

Kahit na mahirap, may mga kamay parin na hahawak sa kamay mo para hindi tuluyang lumubog sa problema, laging iisipin na huwag susuko.

"Hera! Pahiram mo nga ako ng tatlong libo. May babayaran ako,"
Sabi ni mama.

"P-Po? Tatlong libo? Mama wala po akong—" Naluluha kong sabi, sinabunutan ako kaagad ni ate.

"Teka nagdadamot ka na naman ha!" Sigaw ni ate Stef.

"Ate gagamitin ko po iyon kinabukasan sa school," sabi ko.

"Bilisan mo na Hera! Huwag ka munang pumasok. Magtinda ka muna para magpera ka."

Kinuha ni ate yung bag ko sabay bukas nito at ibinuhos lahat ng laman nito sa loob.

Nalaglag nang tuluyan yung mga ipon kong dalawang libo na nakaipit sa isa kong libro.


"Ate! kailangan ko po 'yan! Mama naman, huwag po!"

Bayad ko 'yon sa mga modules ko sa school. Hindi pwedeng wala akong libro.


Matapos makahingi ng pera, nalaman kong may birthday party palang pupuntahan si Ate Stef at kailangan nya bumili ng bagong damit.

Nasabi ko bang feeling rich kid siya?

Minsan kahit sobrang inis at galit ka na sa isang tao mas pinipilit mo nalang na manahimik at tanggapin ang sakit na dulot nito. Tatahimik nalang para wala ng gulo.

Pero lagi nalang ba na ganito?

Hahayaan na lang sila na tapaktapakan ako?


***

Pagdating ng sabado. Balik sa trabaho. Hindi na maganda ang pakiramdam ko tapos pagdating ko sa tindahan makikita ko si Alvino. Ang aga, isa pa 'to.

"Good morning miss Alferez!" Masaya nitong sabi. Naka simpleng pang-alis lang ito pero kita parin ang kagwapuhan nito, mahangin lang.

"Same," walang gana kong bati sa kanya.

"Ah, para sayo." As usual may dala na naman siya, chocolate box.

"Thank you, Alvino." Inabot ko na 'yung maliit na box, ngumiti naman ito na parang kinikilig.

Mas kulang pa ata siya sa tulog kesa sa akin.

"Binibining Hera." Narinig namin ang isang boses. Sabay kaming napalingon sa kaliwa.

Ngayon ko palang siya nakita. Parang ang talim naman ng pagtitig niya sa amin. Napano kaya 'to.

"Char?" Nasabi ko.
Napatingin naman si Alvino kay Charwin mula ulo hanggang paa.

Wala naman iba sa pananamit ni Charwin, hindi mo kasi mahahalata na bakla siya. Lalaki parin kasi manamit. Nakatingin ito sa box na hawak hawak ko. Naramdaman ko ang kuryente sa pagitan naming tatlo. Magkasing-edad lang kami pero sa aming tatlo ay siya ang pinaka matangkad.

"Tsaka, iaabot ko lang yung mga print outs."
Sabay abot nung isang brown na envelope.

"Una na ako Miss Alferez!" He tapped my head and smile to me, the he left.

Napayuko nalang ako at hindi na ako tumingin pa kay Charwin.

Buong araw wala akong wala sa sarili. Siguro dahil sa puyat? Napansin ko rin na hindi ako kinakausap ni Charwin. Ayoko naman na lumapit sa kanya dahil siya palagi ang una kakausap sa akin.


Hanggang dumating ang Lunes.  Nawala rin sa isip ko si baklang Charwin. Baka ayaw niya lang ng kausap. Naging abala rin ang buong linggo ko dahil naging student assistant ako sa faculty office.


Kaya madalas rin na hindi ako nakakapagtinda sa bayan. Gusto ko man kausapin para kamustahin hindi ko magawa.

Pakiramdam ko kasi ayaw niya ng kausap?

Nung isang araw hindi ko mapigilan, kaya nilapitan ko siya para kausapin pero parang wala siyang narinig tila iniiwasan niya ako.

Baka gusto niya lang ng space?


Itatanong ko sana kung anong problema niya kaso hindi man niya ako pinansin. Kaya ngayon hinahayaan ko muna siya. Sa susunod na linggo nalang baka maayos na siya.


<3

   

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 572K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
64M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
38.6M 792K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...