ZENAIYA ERIS
Napabuntong-hininga ako nang makitang lumabas si Silver. Sinundan lang siya ng tingin ng mga kaibigan niya. Tahimik lang kami pare-pareho at nagpapakiramdaman. Walang nagtatangkang pag-usapan ang mga nangyari kahapon. Halata rin sa'ming lahat ang kawalan ng tulog.
Nagi-guilty ako, sobra. Hindi ako magawang tingnan sa mata ni Silver. Siguradong hindi pa rin siya makapaniwalang magulang ko ang mga kumitil sa buhay ng kapatid niya.
Maski rin naman ako.
Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon at ang ginawa ko. Nakaharap ko sila ulit. Nakita ko. Tila bumalik ako sa pangyayari no'ng gabing nawala silang lahat sa'kin. Ang kaibahan lang, ako na ang pumatay sa kanila at katulad na sila ng mga nilalang na sanhi ng bangungot namin.
Nakita ko ang paglingon nila sa'kin nang tumayo ako at sundan si Silver sa labas. Naabutan ko siyang nakaupo sa malaking bitak na bato, nakayuko ang ulo. Naglakad ako palapit sa kaniya saka umupo sa tabi niya. Hindi niya ako nilingon at nanatili lang sa posisyon niya. Saglit ko siyang sinulyapan.
"Sorry," I told him. Dumapo ang mata ko kung saan walang buhay na nakahiga ang tatlong katawan ng mga taong mahahalaga sa'kin kahapon. "Hindi ko akalaing magagawa nila 'yon at magiging katulad sila ng mga demonyong 'yon." Napayuko ako. "I'm sorry."
"Don't be. Nagawa lang nila 'yon kasi hindi na sila tulad ng mga magulang mo noon," saad niya. Tinaas ko ang ulo para salubungin ang tingin niya. "Let's not put the blame on ourselves. Kasi paniguradong ayaw ni Leigh no'n."
Saglit kaming natahimik. Malamig pa rin ang paligid at madilim ang kalangitan. Tila pati ito ay nakikidalamhati sa nangyari.
"Okay ka lang?" mahina kong tanong.
Malungkot siyang ngumiti. "Oo, kailangan eh." Binalingan niya ako ng tingin. "Ikaw? Alam naming mahirap para sa'yo ang ginawa mo kahapon. Lalo na ang makitang mawalan sila ng buhay sa harap mo sa pangalawang pagkakataon."
"I don't have any choice, do I? I need to be okay."
Tumango siya saka namin tinanaw ang loob ng gubat. Nangunot ang noo ko nang may makitang paggalaw sa mga halaman doon.
"Nakita mo 'yon?" tanong ko. Napatayo ako nang may makita na naman.
"Ang alin?"
"May mga nilalang sa loob ng gubat."
Kumunot ang noo niya saka tinanaw ang loob. "Wala naman ah."
Right. Paano niya makikita, eh medyo may kalayuan at maliit lang ang paggalaw. He doesn't have an enhanced sight as his special ability unlike me. Pinakiramdaman ko ang paligid at pinagmasdan ang loob ng gubat.
"Zen," pagtawag niya at napatayo na rin dahil sa inaakto ko.
Tinaas ko ang kamay para patahimikin siya. Nang makitang may mga gumalaw na naman sa loob ng kagubatan, napaatras ako.
"Law!" Tinawag niya ang mga 'to na agad namang nagsilabasan. Nagtataka ang mga mukha nila dahil sa biglaang pagsigaw ni Silver.
"Anong meron?"
Nilibot ko ang tingin bago muling pagmasdan ang gubat. "Shit," I cursed under my breath. "I think we are surrounded."
Bumakas ang gulat sa kanila saka kami nilapitan. Nilibot nila ang tingin at hinanda ang mga sarili.
"Right," pagsang-ayon ni Law nang siguro'y naramdaman din ang ilang mga presensya. "And we are outnumbered."
Sabay-sabay kaming napatingin sa isang itim na bilugang bagay na pabagsak sa'min.
"Bomb!" Kaniya-kaniya kami ng talon palayo nang isigaw 'yon ni Wind. Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid. Tumalsik kami sa iba't-ibang direksyon.
"Arghhh!" Gumulong ako palayo at humampas sa isang puno. Agad kong naramdaman ang pagkirot ng mga sugat na natamo ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata at bumungad sa'kin ang mausok na paligid. Muli akong napadaing dahil sa malaking sugat sa binti, ramdam ko ang dugo mula ro'n. Hindi rin ako makatayo agad dahil sa hilo. "Ahhh..." mahinang reklamo ko nang may marahas na humila sa kwelyo ko at pinatayo ako. Hindi ko pa man siya nakikita nang maayos, isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko.
Muli akong bumagsak sa lupa at naramdaman ang putok na labi. Akmang tatayo na ako nang isang tadyak sa sikmura ang muling nagpahiga sa'kin. Sa ilang araw na wala kaming tulog at hindi maayos na nakakakain, wala kaming sapat na lakas para makalaban.
"ARGHHH!" Sunod-sunod na tadyak at suntok ang natamo ko. Hindi ko alam kung ilan silang nakapalibot sa'kin. Hindi ko na madilat ang mata ko dahil sa malagkit na likidong tumutulo sa kalahati ng mukha ko. "ACKKK!"
Sinubukan kong magpalabas ng apoy at ibato sa isa sa kanila pero sadyang marami sila na pinagtutulungan ako. Naiharang ko na lang ang mga brasong puno na rin ng sugat sa ulo ko. "Arghhh!"
Hindi ko na maramdaman ang ilang parte ng katawan at nalalasahan ko na ang sariling dugo. Hindi na maayos ang naririnig ko at tila lumala ang pagkahilo.
Ilang tadyak at sipa pa ang ininda ko bago tuluyang sumuko ang katawan ko at lamunin ng dilim ang lahat.
---
"Zen."
"Zen!"
Napangiwi ako nang maramdaman ang masakit na katawan. Putok ang labi at malaking sugat sa noo. Naramdaman kong kumirot ang sugat ko sa kilay at cheekbone. May malagkit na likido sa ilong at sa kalahating mukha.
"Zen."
Tuluyan kong dinilat ang mata at agad na nakita ang makakapal na kadenang nakapulupot sa katawan ko. Nakaupo ako sa isang upuan at may tali sa mga paa't kamay.
Tinaas ko ang tingin at nakita sina Stone sa kaparehong sitwasyon. Kaawa-awa ang itsura namin dahil sa mga sugat at dugo na nasa balat. Magkakalayo kami at nakapaikot. Gising na rin silang lahat.
Agad kong nilibot ang tingin. Wala kaming ibang kasama. Napatingin ako sa malalaking bintana na walang kahit na anong harang. Pumapasok tuloy ang malakas na ihip ng hangin. Base sa nakikita ko, nasa mataas na palapag kami.
Sinubukan kong pumiglas at naramdaman ang agarang pagkirot ng mga sugat ko. "Shit." Hinihingal akong napailing. Sinubukan kong magpalabas ng apoy pero mabilis na gumapang ang malakas na boltahe ng kuryente sa katawan ko. "ACKKK!" Napapikit ako at naramdaman ang paglala ng sakit ng katawan. Hinabol ko ang hininga at napapangiwing tiniis ang pagkirot ng mga sugat.
May power concealer na nakakabit sa mga palapulsuhan namin.
"Zen." Nilingon ko si Stone nang tawagin niya ako. Umiling siya para patigilin ako.
"Kailangan nating makaalis dito," saad ni Law na napapangiwi rin dahil sa lagay ng katawan.
"Nasaan ba tayo?" mahinang tanong ko.
"Mga kawal ng Light Kingdom ang umatake sa'tin." Tiningnan niya ang labas ng bintana. "Nasa loob tayo ng kaharian namin."
Nagsalubong ang kilay ko habang nag-iisip ng paraan. Mahigpit ang kadenang nakapulupot sa katawan namin, may mga lubid sa mga paa at kamay, at mga power concealer sa palapulsuhan namin. Idagdag pa na nanghihina kami dahil sa bugbog na natamo. Hindi ko alam kung paano makalalabas. Maski konting galaw lang ang gawin ko, nararamdaman ko agad ang pagkirot ng mga sugat sa katawan.
Naging alerto kami nang makarinig ng sunod-sunod na yabag. Sakto ang pwesto ko na nakaharap sa malaking pinto. Doon nakatuon ang atensyon namin habang hinihintay ang mga papasok.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Ang parehong kamay ay nasa likod, walang emosyon ang mababakas sa mukha, blonde ang kulay ng buhok, at mala-ginto ang mga mata.
"King Vincent," mahinang saad ni Yva habang nakatingin sa lalaki. Kasunod nitong pumasok ang mga kawal.
Pumwesto siya sa gitna habang nakapalibot naman ang mga kawal sa'min. "I honestly didn't want to do this but you pushed me to my limits," buo ang boses nitong saad. Seryoso ang mukha habang tinitingnan isa-isa ang mga Aurorials.
Siya ang haring nagsimula ng lahat ng 'to. Siya ang puno't dulo ng lahat, siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang lahat.
Nang napatingin ako kay Silver, nakita ko ang malalim na paghinga nito habang nakayuko.
"You are the future royalties of our world. You should be agreeing with my solution..." Umikot siya para harapin ako. Wala pa ring emosyon sa mukha nito habang matalim kong sinalubong 'yon. "...instead of being pests interfering with my business."
Naiinis akong napangisi. "Whatever shits you are doing, it will not make you a benevolent and warmhearted king." Nakita kong napalingon sa'kin ang mga kasama ko. They shot me looks as if asking me if I really want to die now for talking back.
"You are too nosy, Obsculae. You're being such a curious little kitty." He smirked. "Stop prying. It might kill you."
I scoffed. "You mean, you might kill me."
He smiled, amused by what he heard. "Probably."
Muli siyang tumalikod para harapin ang mga Aurorials. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa harap namin. "You see, we are too populated. We are running out of resources. Ang mga puno, pinuputol, ang mga kagubatan, kinakalbo." He looked around, making sure he has our attentions. "Why? Para lang may paglagyan ang ibang nilalang. We are facing too many problems. Water and air pollution. Crime rate is increasing."
Muli akong napangiwi nang makaramdam ng sakit sa tagiliran. "We're not asking for a report," I said through gritted teeth.
Nanliliit ang mata niya nang muli niya akong hinarap. Nagsisimula na ring magsalubong ang kilay. "As a king, as a ruler, it is my responsibility to make sure the safety of our future, peace and harmony," he continued, emphasizing every word. "This is the only way to let the next generations witness the beauty of our world. This is the way for Majestique's salvation. Because you see, Majestique is not so majestic today, unlike how it used to be."
Nang magsalubong ang mata namin ni Stone, muli niya akong inilingan. He gave me a warning look as if stopping me from giving another disrespectful remark.
"Such an immoral judgment," I commented. "This is how you solve all the problems you have at hand? Well, I prefer to call this massacre than a deliverance. Your resolution won't make you heroic, dumbass."
I don't care if I can get killed for talking back.
Tuluyang bumakas ang galit sa mukha niya. He started walking towards me, his eyes are furious. "You are quite talented in sticking your nose in other people's business. You know too well how to get on someone's nerves."
A corner of my lips curved. "Not insulting. You're flattering me."
Humugot siya ng malalim na hininga bago huminto sa harap ko. "Why, do you have any better plans than what I have?" Mabilis niyang hinawakan ang panga ko bago pa ako makasagot saka nanggigigil na sinalubong ang tingin ko. Naramdaman ko ang paghigpit na kapit niya sa'kin pati ang pagkirot ng mga sugat ko. "You are just a lost princess who failed to save her own family. Tell me, how will you save our world and protect our people if you are nothing but a failure?"
Agad kong naramdaman ang galit dahil sa mga narinig. Sinubukan kong pumiglas na nagpangiti sa kaniya.
"It was all your fault!"
Nanginginig ako sa galit. Gusto kong makawala para patayin ang walang hiyang taong nasa harap ko ngayon.
"No, princess. Don't put the blame on me. It was you who was with them that night. It was you who had the chance to save them. And yet, it was you who failed to do so."
"Wala kang pinagkaiba sa mga demonyong 'yon. Hayop ka, papatayin kita!"
Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya. "I don't think you can."
Napapikit ako nang mas higpitan niya ang kapit sa'kin.
"Let her go," madiing saad ni Stone.
Imbis na sumunod ito, mas nilapit niya pa ang mukha sa'kin. "But I can do it to you, in every painful and bloody way possible. So, know where you draw the line, twat," bulong niya sa'kin.
Hindi ako natatakot. Wala akong paki sa mga kaya mong gawin.
"Get your hands off her!"
Tuluyan niya akong binitiwan. Saglit niyang tinapunan ng malamig na tingin si Stone bago muling harapin ang iba. "Ngayong nandito na kayo, wala nang mangingialam sa mga balak ko. No one knows you are here, except for me."
Nakangisi niyang sinulyapan ang labas ng bintana.
"You are at the last floor of the dungeon. Escaping will be suicide. Hundreds of warriors are on every floors. And there?" He pointed the roof to floor windows. "Impossible. You won't be able to summon out your dragons. There are new modified chips on the back of your necks, preventing you from calling them out."
Nagsimula siyang maglakad papunta sa pintuan pero bago tuluyang makalabas, muli niya kaming hinarap.
"So, just enjoy your stay here and contemplate. Because no one will come to your aid. No one."
Tinuloy niya ang pag-alis at naiwan ang mga kawal na nakaharap sa labas ng bintana.
Napayuko ako saka muling sinubukang pumiglas. Naramdaman ko ang mahigpit na mga bakal sa palapulsuhan namin at ang lubid. Nang igalaw ko ang mga daliri ko, natigilan ako.
"Ipinagawa namin 'yan para sa'yo, Zenaiya."
"Parang isang tracker."
"Para rin malaman namin na buhay ka pa. 'Pag naging itim ang batong nasa singsing ko, ibig sabihin, hindi ka pinalad. Natalo ka."
Muli kong tinaas ang ulo saka naiinis na napangisi. Hindi ko naisip na gagawin ko 'to at hindi rin inakalang may kwenta ang ideya ng lalaking 'yon.
"Parang isang tracker."
I chuckled, making the Aurorials turn to me.
"Someone will," I whispered after taking off the ring that Reece made me wear.
Brace yourselves, idiots. For his original puppet has been bruised and scratched.
---
Lahat kami tahimik at pinanonood lang na maglakad ang mga kawal. Sinusulyapan nila kami paminsan-minsan para masigurong hindi kami gumagawa ng kalokohan.
Malapit nang dumilim sa labas. Malakas din ang ihip ng hangin. Wala ata silang balak na pakainin o kahit painumin man lang kami. Natutuyo na ang lalamunan ko at nagsisimula nang mainis dahil palakad-lakad sila.
"Ano 'to?" biglang tanong ng isang kawal na nasa likod ko. Nagtinginan sa kaniya ang ibang kawal. Hawak nito ang singsing na napulot niya mula sa lapag.
Nang makita ang itim na bagay na nagsisimulang kumalat sa ilalim ng pinto, napangisi ako. "That's your end, dipshits."
As if on cue, the door swung open and a sleepless teenager walked in. He raised his hand and released a ball of black air towards the warriors on my back which sent them flying out of the huge windows.
"You look stunning right there, Zenaiya," Nikolai said with a smirk.
"Same as you."
Muli niyang tinaas ang kamay para salagin ang atake ng isang kawal. Sunod-sunod na tumalsik ang mga 'to palabas ng bintana.
"Reece is on a killing spree. Good thing you are alive."
Nilapitan niya si Yva saka nilabas ang susi mula sa bulsa. Habang nakakarinig kami ng mga sigawan, nagmamadali naman siyang pakawalan kami. Nang matapos niyang mapakawalan ang pito, tumayo siya saka ako tiningnan.
"Release me, you fool!" angil ko dahil nakatali pa rin ako.
He shrugged. "I don't have your key."
"What do you mean? Hawak-hawak mo ang susi! Now, release me."
Umiling siya saka binato sa likod ang hawak na susi. Sinundan ko ng tingin 'yon hanggang sa masalo ng isang asungot. Sinamaan ko ng tingin si Nikolai saka pinanood na maglakad palapit sa'kin si Reece. Pansin ang ilang talsik ng dugo sa suot niya at ang kadiliman sa labas ng kwartong 'to.
He leaned towards me. Seryoso ang mukha nito habang tinatanggal ang kadena sa'kin. Inalis naman ni Nikolai ang lubid sa kamay ko.
Lumuhod sa harap ko si Reece para tanggalin din ang lubid sa paa ko. Tumingala siya sa'kin at deretso akong tiningnan sa mata. "Just because you are a princess, doesn't mean you can be a damsel in distress anytime you want."
Naiinis akong napatawa. "You're not a knight in shining armor, so, don't worry."
"They are coming!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa isang babaeng kapapasok lang. May hawak na espada at hinihingal.
Serene.
Binalingan niya ng tingin si Reece. "Thank you for leaving me, anyway."
"You're welcome."
Napaikot ang mata niya dahil sa sagot nito. Napatingin kami sa papalapit na mga kawal.
"You forgot to remove these fucking power concealers," naiinis kong sabi kay Reece.
"I chose not to. So, you can stay at the back," sagot niya saka hinarap ang mga kawal. Kaniya-kaniya sila ng atake sa mga kawal na pumasok. Maski sina Stone ay lumalaban na rin.
I can't just stand here and watch them.
Nilibot ko ang tingin at nang makakita ng isang espada sa isang sulok, dali-dali kong kinuha 'yon.
Mabilis akong yumuko nang may maramdamang presensya sa likod ko. Tinadyakan ko siya sa tagiliran niya saka malakas na hinampas sa batok ang hawakan ng espada. Malakas na bumagsak ang kawal nang mawalan ng malay. Umupo ako at kinapa ang mga bulsa nito.
Susi. Kailangan ko ng susi.
Nang may makapa ako, agad kong kinuha 'yon mula sa bulsa niya. Tatlong susi 'yon na mabilis kong sinubukan sa power concealer. Napangisi ako nang bumukas 'yon at nagbagsakan. Naramdaman ko ang tila mainit na enerhiya na mabilis na dumaloy sa bawat ugat ko. Nag-init ang mga palad ko. Marahas kong inalis ang chip na nasa batok saka binato sa isang gilid.
Huminga ako nang malalim saka tumayo. Nakita ko ang panibagong mga kawal na tumatakbo palapit sa'min. Mas marami kumpara kanina.
Tinaas ko ang kamay saka tinapat sa kanila. Tila bumagal ang oras nang magsimulang kumalat ang itim na apoy sa pagitan namin. Malaki at sobrang init. Mas lumaki pa 'yon at naging marahas ang pagkalat.
"Tama na 'yan, Zenaiya!" sigaw ni Nikolai. Saka ko lang napansin na kanina pa sila nakaatras dahil kumakalat na rin papunta sa'min ang apoy.
Tumakbo kami palapit sa mga bukas na bintana. Kaniya-kaniya kaming palabas ng mga dragon saka kami nagtalunan nang tuluyang lamunin ng apoy ang buong kwarto. Sumabog ang salamin ng mga bintana.
"Henry is at the Magical Gate!" sigaw ni Nikolai saka namin pinalipad paalis ang mga dragon.
Henry? The one who can make portals?
"He helped us get inside." Nilingon ko si Reece na seryosong nakatingin sa harap. "You look awful, Zenaiya."
Nilingon niya ako saka pinasadahan ako ng tingin. "And it's making me want to hunt those fuckers who did that."
❄❄❄