My Kimchi Love Story

By TheFrostKing

61 0 0

More

Introduction
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
exo

Chapter 2

3 0 0
By TheFrostKing

“Gaga! Gaga! Gaga ka talaga! Walang hiya ka!” patuloy na sigaw ni Lalee sa akin hanggang sa makauwi kami sa dorm.

Kahit ng nakapasok na kami eh sigaw na sigaw pa rin siya hanggang sa nagising si Miradeth at lumabas mula sa kwarto niya.

“Anong problema ninyo? Ang ingay ingay niyo! Marinig pa kayo ni Mrs. Haradin tas mabibisto kayong tumakas lang kayo ng dorm!” aligaga ni Miradeth na kumukusot pa rin ng kanyang mata.

“Aba, itong si Claire! May ginawang milgaro tapos dinamay pa ako,” sabi ni Lalee at dumiretso sa Cr.

Medyo wala pang nagreregister sa utak ko ngayon since nung tumakbo kami ni Lalee. Na taken aback ako nung nakita ko na lang na nakahandusay yung lalakeng iyon dahil sa akin.

Pero teka, deserve pala niya yun noh. :>

“May nakaaberya kasi akong grupo ng lalakeng nambubugbog sa isa pang lalake kanina.” Bulong ko. Wala na rin yung energy ng lola. Nawala dahil sa nerbiyos at katatakbo.

Dumilat ang mga mata ni Mira. “Ano?! Buti naman at di kayo napano!”

“Oo nga eh. Buti na lang nakatakbo kami ng mabilis ni Lalee pero kaso nga lang eh may nasuntok akong isa.”

“Ha? Sino?”

“Oh Sehun daw ata pangalan. Di ko sure.” Sambit ko.

“O-OH SEHUN?!” Sigaw ni Miradeth at dahil jan, nagising ang dorm naming.

“Hoy! Magpatullog kayo!”

“SHHHHHH!”

“Teka anong oras na ba?”

“Late na ba ako?”

Continue Reading