Haru and Hara

By Bun_Cho

419 9 0

Credits: NONA9ON ARTWORKS for the book cover ^_^ More

Prologue
H&H: Chapter 1
H&H: Chapter 2
H&H: Chapter 4
H&H: Chapter 5
H&H: Chapter 6
H&H: Chapter 7

H&H: Chapter 3

58 1 0
By Bun_Cho

Haru's Pov

"Hara!" 

"Hara!"

"Hara ano ba?!" 

Papatayin ata ako ng kapatid kong tong sa kakahabol sa kanya. Para kasing kabayo kung tumakbo o kaya'y parang magnanakaw na expert na sa pagtakbo.

Nakita ko naman na tumigil siya sa malapit sa gate ng campus. Salamat naman at tumigil na rin siya baka maubusan na ako ng lakas at oxygen sa kakahabol.

"O kuya, mukha kang haggard?" sabi nito, grabe ganda ng sinabi mo. Hindi sana ako ganito kung hindi mo ko pinahabol.

"Aish!" 

"Sige Hara, ipapasa ko na lang sa e-mail ni sir yung powerpoint na ginawa natin." 

"Sige! ay siya nga pala, Bianca, kuya kong haggard. Kuya si Bianca classmate ko." sabi ni Hara.

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hoy!" sigaw ni Hara sabay pitik sa noo ko.

"Aray! ang sakit nun ah." reklamo ko,

"Eh paano tulaley ka, anyare sayo?"

Hinimas ko naman yung noo ko pero agad akong napatingin kay Bianca. Yung mukha niya kasi parang pamilyar,

"Ahh sige Hara, una na ako." paalam nito.

"Ahh sige ingat ka bye!" sabi ni Hara.

Grabe ang ganda niya para siyang anghel...

"Hoy!" sigaw ni Hara sabay pitik na naman sa noo ko.

"Ano ba Hara! di mo ba alam na masakit?!" reklamo ko, namumuro na talaga to eh.

"Eh tulala ka na naman...huwag mong sabihin type mo si Bianca no?" pang-aasar nito.

"Ah hindi ah! type agad." 

"Sus! napaka defense mechanism mo naman." sabi niya with matching nakakaloko na ngiti,

"Defense mechanism ka pa dyan, alam mo ba ibig sabihin nun?" tanong ko at napasisip naman siya. Sabi ko na eh, hindi niya alam.

"Basta may defense, masyado kang defensive. Sige na may klase pa ako babush!" paalam nito sabay takbo.

Ako naman pumunta na rin sa klase ko. Sa pagpasok ko ng klase agad naman akong sinalubong ng mga GwaPITOs. Tama, GwaPITOs consist of 7 at kasama na ako dun. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ni Ian at yan ang pinangalan sa grupo namin. Pero wag kayo, sikat ang grupo namin sa HRM department at mga loko naman sinabi na gusto nila sikat din kami sa buong campus. 

"Hoy guys! nandito na si Haru." sigaw ni Anthony at nagsilapitan naman sila.

"Hoy Haru, pupunta kami sa inyo mamaya." sabi ni Ian. Nagtaka naman ako, inaya ko ba sila na pumunta sa bahay?

"Huwag ka nang magtaka, basta pupunta kami dun." sabi naman ni Richie.

Wala naman akong nagawa kasi dumating na yung professor namin.

Luimpas ang isang oras at kalahati. Sa wakas tapos na rin! dahil yung utak ko sumabog na dahil sa mga equations.

"Yes! Tara na guys sa bahay na tayo ni Haru." sigaw ni Lance at naghiyawan naman sila. Hinayaan ko na lang sila sadyang mga baliw lang. Sa grupo kami lang ni Calyx ang matino, the rest wala na.

Paglabas namin ng campus agad naman kaming nakasakay sa jeep.

"Oh Haru, ikaw na rin ang magbayad ng pamasahe namin!" sabi ni Luis at tuwang tuwa naman ang mga loko.

"Kayo na nga tong mambubulabog sa bahay ako pa magbabayad! Kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi ko.

"Oo naman, sabi nga that's what friends are for. Kaya huwag ka nang magreklamo." sabi ni Anthony.

Siguro kung kami lang laman ng jeep kanina ko pa sinapak ang mga to. Wala ako magawa ako na nagbayad.

30 minutes nakarating na rin kami sa village.

"Grabe ang tahimik naman sa village na to!" sabi ni Richie.

"Bawal nga kayo rito eh." sabi ko at mukhang nagtaka naman sila.

"Bakit naman?" sabay nilang tanong.

"Ayan oh! No pets allowed." turo ko dun sa sign agad naman nila akong binatukan.

"Jongina ka Haru!" sigaw ni Luis.

Nandito na kami sa tapat ng bahay, mukhang nakauwi na si Hara.

"Ako muna papasok, hintayin niyo signal ko." nag-ok sign naman sila.

Pagpasok ko ng bahay, si Hara nanonood kasama si Shieka, pinsan ko.

"Oh nandito ka na pala kuya!" sabi ni Hara habang nakakatutok sa tv.

"Hindi wala pa ako...hologram lang to!" pambabara ko.

"Edi hologram, madali lang naman akong kausap." alam kong napikon siya dun nice!

"Hi kuya Haru, kumusta school?" tanong Shieka, buti pa tong pinsan ko kahit minsan maldita palibhasa nahahawa ng isa dyan at least naalala niya akong batiin. Minsan nga tanong ko sa sarili ko, kakambal ko ba talaga si Hara, baka kasi napalitan.

"Okay lang, oo nga pala. Nandito yung mga baliw, papasukin ko lang." lumabas naman ako at tinawag sila. Nagbabangayan pa kung sino mauuna pero si Calyx na ang nag-presenta.

Isa-isa silang pumasok, akala mo kung sinong mga mababait kung makapasok ang hihinhin.

"Saglit lang, magpapalit lang ako ng damit." sabi ako at umakyat sa kwarto.

Nagpalit naman ako ng pambahay, simpleng t-shirt at short. Pagbaba ko, napansin ko na nakitingin sila sa kapatid at pinsan ko.

"Hoy!" sigaw ko at nagulat pa ang mga loko, napatingin rin yung dalawa.

"Ano ba yan kuya! ang ingay mo, baka atakihin ako sayo." reklamo ni Hara.

"Eh paano tong mga ugok na to...yang mga mata niyo dudukutin ko yan, isa pang gawin niyo yun!" babala ko ata napalunok naman sila.

"Ahh kuya, paghahanda ko muna kayo ng meryenda." sabi ni Shieka at tumango na lang ako.

"Hoy Hara! di mo lang ba tutulungan si Shieka?" tanong ko.

"Kaya na ni Shieka yan, masakit ulo ko." sabi nito...ah masakit pala ulo.

Hinila ko yung saksakan ng tv at namatay ito, napatayo naman si Hara.

"Hoy bakit mo tinanggal?! ang ganda nung pinapanood ko epal ka." sigaw nito.

"Akala ko ba nahihilo ka edi ayan problem solve! you're welcome." pang-aasar ko, kaya umupo na lang siya.

"Si Calyx na lang daw tutulong sa pinsan mo Haru." sabi ni Richie kaya agad naman tinakpan ni Calyx ang bibig nito.

"Nako wag kang maniniwala dito, baliw to!" sabi naman ni Calyx.

"Defense mechanism!" singit naman ni Hara.

Napatingin naman kami kay Shieka na may dalang tray ng sandwiches kaya agad naman nilang tinulak si Calyx patayo. 

"Tulungan mo pre!" sigaw ni Ian

"Oo nga, be a man!" sigaw naman nI Lance.

Napakamot naman sa ulo si Calyx, at nilapitan si Shieka na mukhang nagulat pa.

"Umm tulungan na kita dyan." alok ni Calyx, lahat naman nagsihiyawan pati si Hara nakisali.

"Ahh ehh sige." nahihiya namang inabot ni Shieka yung tray, kinuha naman ni Calyx at nilagay sa sala table.

"Nice men!" sigaw ni Richie.

"Ah kukunin ko lang yung juice." sabi ni Shieka.

"Ah tulungan na kita." napatango na lang si Shieka at nagsihiyawan ulit sila.

Nang makabalik yung dalawa dala ang ang isang pitsel ng juice at mga baso, nagsimula na kaming kumain.

"Uy! ang sarap nito." sabi ni Lance na tuwang tuwa kumain.

Nang matapos kumain, si Richie nagsimulang magtanong kay Shieka.

"Ano daw pangalan mo?" tanong ni Richie.

"Shieka." nahihiyang sagot ni pinsan,

"May fb ka ba? para add ka daw ni Calyx." pang-aasar ni Ian at agad siyang binatukan ni Calyx.

"Hoy! tigilan niyo yang pinsan ko." saway ko.

"Ikaw Hara may fb ka?" tanong ni Richie.

"Hep! tigilan mo rin kapatid ko mas siga pa sa inyo yan." sabi ko at tinignan ako ng masama ni Hara.

Mga dalawang oras din sila sa amin. Nagkekwentuhan pa sila kasama sina Hara. Si Calyx at Shieka pina-hot seat pa ng mga loko. Ng magdilim na naisipan na rin nilang umuwi, salamat naman baka kasi kung ano pa mapag-usapan ng mga to.

"Sige Haru, salamat sa pagkain!" sabi ni Richie.

"Una na kami, bye sa inyo!" paalam ni Ian.

"Ingat kayo, mas lalo ka na Shieka ingat ka daw sabi ni Calyx." pang-aasar ni Luis kaya agad naman siyang kinutusan ni Clayx.

"Ano daw pala cp number mo? tanong ni Calyx." pang-aasar naman ni Anthony.

"Hoy! Tumigil kayo umuwi na nga kayo." sigaw ko.

"Ibibigay ko na lang sayo Calyx, don't worry." isa pa tong si Hara.

"Pasok!" sigaw ko agad naman silang pumasok.

Grabe, luma-love life ang mga tao sa paligid ko...pero ako wala. Pero sabi nga don't lose hope! Sa gwapo kong to sure na magkaka girlfriend din ako.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...