Dalawang araw na ang nakalipas nung nangyari yung pag kakaroon ng hindi pagkakaunawaan nila Adam at Tita Cathy.
Malungkot si Tita sa loob ng dalawang araw na iyon at mabilis rin itong magalit. Madalas ko kasing naririnig na mapagalitan si Cyrus kaya ayun dahil napapagalitan sya ng Mama nya ibinubuntong nya ang inis nya sa babae!
May babae kasing nagkakacrush kay Cyrus bago naman ito ngayon at kasing edad nya rin. Hindi nya kasection pero matalino at maganda kaya lang itong si Cyrus na masyado ring matalas ang dila at hindi napipigilan na hindi magsabi ng gusto nyang sabihin kahit na nakakaoffend! Kaya ito ngayon umiiyak yung babaeng napahiya dito sa school canteen! Jusko! Sakto pa naman nandito ako at nakita ko ang pangyayari.
Si Cyrus kasi nabadtrip yata kaya naitapon nya doon sa babae yung dala dala nitong iniinom! Nakakaloka! Mas malala si Cyrus kay Adam!
Dapat nga matuwa si Cyrus kasi maraming nagkakagusto sakanyang babae eh may itsura pa! Napakamapili naman ng lalaking to!
"Huwag ka ng umiyak. Pasensya kana kay Cyrus. May pinagdadaanan lang kasi sya." Sabi ko sa babaeng umiiyak ngayon. Pinunasan ko pa yung luha nya para pagaanin ang loob nya habang si Cyrus ayun nagwalk out.
Napailing nalang ako. Daig pa ni Cyrus ang babaeng may period sa sobrang sungit. Hay nako!
"Ayoko na kay Cyrus! Hmmp!" Sabi nya at nagwalk out rin. Parang sinabi ko na sa sarili ko yan ah?
Napabuntong hininga nalang ako. Masyado akong nastress this past few days ha?! Napaka hot tempered ng Buenaventura family.
Pag dating namin ni Cyrus sa bahay dahil sabay kaming umuwi nadatnan namin si Adam na nandito sa bahay. Nasa sala sya at kausap si Tita Cathy.
Nagkatinginan kami ni Cyrus sandali. Pareho kami ng naiisip. Mukhang okay naman na sila at nakapag usap na.
"Oh halina kayo para makakain na tayo ng hapunan." Sabi ni Tita Cathy ng makita nya kami ni Cyrus na nandito sa may pinto.
Tumayo na sila at nauna ng pumasok sa kusina. Sumunod naman kami sakanila pagkatapos namin ilapag ni Cyrus ang bag namin sa sofa. Hindi na muna kami nagpalit at nakasuot pa rin kami ng school uniform. Ganon rin si Adam. Mukhang dumiretso sya dito galing sa school.
"Cyrus anak...nabalitaan ko na pinaiyak mo daw ang anak ng kaibigan ko. Bakit mo naman ginawa yon? Babae yun." Sabi ni Tita Cathy kay Cyrus na tahimik lang na kumakain.
"Masyado syang makulit Ma. Ayoko sa babaeng ganon." Sabi ni Cyrus.
Medyo malaki rin ang ipinagbago ni Cyrus. Malaki na rin ang boses nya hindi katulad noon na talagang batang bata pa ang boses, tumagkad rin sya. Nagiging matured talaga sya minsan, tapos magiging mapang asar basta depende sa mood nya. Pero napansin ko saakin lang nya ipinapakita yung mood nya na parang bata kasi sa school ibang iba yung awra nya. Masyado syang seryoso kapag nasa school.
Somehow may pagkakapareho at pagkakaiba din ang magkapatid na Adam at Cyrus. Si Adam kasi wala naman yang pinaiyak na babae kahit na isa rin syang mapang reject na tao pero si Cyrus ang lala! Siguro pang lima na babae na yung umiyak kanina.
Saka si Cyrus mailap sya sa babae. Hindi sya nakikipag usap kahit kaninong babae sa school. Mostly kasi yung mga kaibigan nya lang ang kasama nya na all boys.
"Pinagpasensyahan mo nalang sana anak. Seriena, kapag may pinaiyak ulit na babae si Cyrus isumbong mo saakin ha." Sabi ni Tita. Nagulat pa ako sa biglaang pag tawag ni Tita saakin.
Tumingin muna ako kay Cyrus bago ako sumagot. Tinignan nya ako ng masama. Tss! Alam ko yang tingin na yan. Inirapan ko sya at saka humarap kay Tita.
"Sige po Tita." Wala rin naman akong magagawa kundi ang umagree. Alam nyo naman ang ugali ni Tita Cathy.
Napatingin ako kay Adam dahil napansin ko na nakatingin sa gawi ko. Sinundan ko ang tingin nya at napatingin sa suot na bracelet ko. Palagi ko kasing suot ang bracelet na iniregalo nya saan nung pasko 2 years ago.
"Bakit ka nakatingin?" Tanong ko kay Adam dahil curios ako sa iniisip nya. Nag angat sya ng tingin saakin.
"Wala naman." Sagot ni Adam at nag iwas na ng tingin.
Kumain nalang ako at hindi nalang pinansin.
Pagkatapos ng hapunan namin nagpaalam na si Adam na uuwi na sya sa apartment nya. Hindi ko na sya hinatid dahil may gagawin pa akong assignment medyo madami dami rin iyon.
Kinabukasan kasama ko sila Hennesy at Jilliana dito sa gazebo at nakatambay. Naghihintay ng oras ng susunod na subject. Vacant time kasi namin ngayon at pare pareho naming bakanteng oras kaya nagkayayaan kaming tumambay dito.
Si Jilliana busy sa paggawa ng kung ako sa laptop nya habang ako at si Hennesy nag uusap. Nakikisali rin naman sa usapan si Jilliana habang may ginagawa sya.
Nagbreak na kasi sila ng boyfriend nyang si Aris. Halos isang taon rin ang itinagal nilang dalawa kaya lang bigla daw nanlamig si Aris sakanya kaya ayun nagbreak sila kahapon kaya ngayon parang wala sa sarili si Hennesy.
Umiiyak nga sya saamin ni Jilliana kagabi sa call. Kahit na gumagawa ako ng assignment kagabi hininto ko iyong ginagawa ko para makausap ko si Hennesy kasi humahagulgol na sya ng iyak!
Nung nagkukwento sya kanina umiyak na naman sya pero ngayon mukhang nahimasmasan naman na sya. Ngayon nalang ulit kasi sya naging broken hearted. Tapos yung lalaki pa yung nakipagbreak sakanya. Iniwan nga daw sya sa park kagabi kung saan sila nag usap at ang ikinainis namin lumuhod pa si Hennesy sa harap nung lalaki para lang hindi sya iwan! Ilang beses daw syang nagmakaawa na balikan sya ni Aris at huwag syang makipagbreak sakanya umiiyak na si Hen sa harap ni Aris pero sa huli iniwan pa rin sya.
Mabuti nga nakauwi pa sya ng maayos kagabi kasi sobrang wasted nya! Hindi ko akalain na gagawin ni Hennesy yon kasi nung high school kami hindi ko naisip na magiging ganon sa lalaki! Alam nyo naman na hindi naging interesado sa lalaki si Hennesy noon tapos dumating sa buhay nya itong si Aris na pinasaya lang sya umalis rin nung nagkakagulo na silang dalawa ni Hen.
Ilang beses narin daw kasi silang nag away dahil kagagawan ni Aris wala naman daw kasing ginagawa si Hen para iwan sya nito. Maluwag nga ito kay Aris eh pinapayagan nya tuwing magpapaalam at kasama ang mga kaibigan nito. Tapos bigla nakipaghiwalay si Aris sakanya syempre sinong hindi masasaktan sa ganon! Hay nako mga lalaki hindi marunong makuntento. Hindi ko naman inilalahat ang mga lalaki pero kasi halos sa mga lalaki ngayon mapang iwan na.
"Alam mo Hennesy. Yung mga lalaki na nang iiwan isa lang silang lesson sa buhay natin. Kaya huwag mo ng pag aksayahan ng luha yung mga lalaking ganon. Darating rin talaga yung lalaking para saatin kaya mag aral nalang tayong mabuti at maging successful in the future." Mahabang sabi ni Jilliana habang nagtitipa sya sa keyboard ng laptop nya.
Dahil isa ring iniwan si Jilliana ng dati nyang manliligaw na si Peter nung second year kami. Matagal nanligaw yung lalaki kaya lang bigla nalang itong tinigilan si Jilliana na ligawan dahil sa nakabuntis ito ng ibang babae.
Ang gulo ng love no?
Parang isang laro na lotto na iilan lang ang pwedeng manalo. Paswertehan kung sino yung magiging matatag sa love life. Paswertehan kung loyal or faithful yung magiging partner nila.
"Tama si Jill. Saka kung mahal ka talaga ni Peter hindi ka naman iiwan non. Kaya sana...huwag mo na sana syang pilitin na balikan ka nya kasi hindi mo deserve ang pilitin sya lalo na babae ka." Sabi ko kay Hennesy. Alam ko naman maiintindihan nya kami ni Jilliana sa sinasabi namin dahil iyon naman ang totoo.
Hindi deserve ng isang babae na lumuhod sa harap nito at pilitin ang isang lalaki para lang magstay sakanya. Dahil kung mahal talaga sya ng lalaki in the first place hindi sya iiwan nito at hindi nya ipaparamdam na walang kwentang babae ang partner nila.
Bibihira nalang talaga sa panahon ngayon ang mga faithful sa partner nila na kahit anong problema ang dumating kakayanin nilang magkasama ang problema at hindi nang iiwan ng partner.
Mapagod man ang dalawang taong nagmamahalan pero hindi maghihiwalay.
Wait Seriena? Kailan ka pa naging love expert?