"Alam ko kung saan tayo makakapagtago. At alamin natin kung sino ang mga sumalakay sa atin," sabi ni Prinsipe Levi sa amin dalawa ni Prinsipe Jv.
"Saan naman?" tanong ko.
"Sa kaduluhan nito may pader na medyo mataas lamang. Maaari tayong tumawid at alamin kung sino sino ang mga sumasalakay baka kapag wala tayo nagawa maaaring mamatay tayong lahat."
Pumayag kami ni Prinsipe Jv sa plano ni Prinsipe Levi. Kaya naglakad kami dahan dahan upang hindi kami mahalata. Nakita ko si Dorothea kaya nilapitan ko siya kahit saglit.
"Prinsesa Hilary."
"Sshhhh, hanapin mo at puntahan mo si Maddie. Kailangan makatakas kayo rito at bumalik sa palasyo. Hayaan mo muna ako kahit ngayon lang."
Wala naman siyang nagawa kaya tumango na lamang siya.
Tumakbo kami ng mabilis ng kumawala kami sa kaganapan kanina. Natulala ako sa pader na binanggit kanina ni Prinsipe Levi. Hindi naman siya kataasan subalit nakakatakot tumawid.
"Ako na muna ang unang tatawid. Baka sakaling may mga kalaban."
Tumango ako kay Prinsipe Levi at umakyat na siya sa pader.
Nang makatawid na siya nagkatinginan kami ni Prinsipe Jv.
"I-ikaw na ang mauna." Medyo nailang ako.
"Kapag iniwan kita rito hindi ka makakaakyat."
"Pe-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong buhatin. Sinampa niya ako sa pader at siya naman ang sumunod na umakyat. Una siyang bumaba at inalalayan naman niya ako makababa rin. Akmang aalis na kami ng harangan kami nang iilan mga kalalakihan, mga nakadamit na itim at nakatakip ang mukha.
"Saan kayo pupunta?" tanong nila sa amin.
"Paumanhin, gusto namin makipag-usap sa inyo. Sino ba talaga ang pakay ninyo? Bakit kayo nanggugulo sa sayawan?" balik tanong ni Prinsipe Levi.
"Huwag ka nang makielam kung ayaw mong madamay."
"Bilang prinsipe ng Dark Castle hindi ako makakapayag na marami pa kayong papatayin dahil lang sa pang gugulo ninyo." Bakas sa boses ni Prinsipe Levi ang inis at pagkairita.
"Hindi kami nang gugulo may hinahanap kami isang babae."
Bigla naman tumingin sa akin si Prinsipe Levi.
"Sino naman ang babaeng iyon?"
"Ang tunay na prinsesa ng Windsor. Kung wala ka ng sasabihin pa manahimik ka na lamang. KUHANIN SILA."
Bago pa kami mahawakan ng mga kasama niya nakipaglaban na sina Prinsipe Levi at Jv. Ako naman hindi ko alam ang gagawin kaya kumuha ako ng pagkakataon upang makalayo ng kaunti, nang akmang tatakbo na ako ng mapatigil ako ng makita ko ang iisang pamilyar na tao. Nakatayo siya sa malayuan subalit naaninag ko pa naman siya. Ano ang ginagawa niya rito? Hindi kaya kasabwat niya ang mga kalalahihan ito.
"AYA/HILARY."
Nakaramdam ako ng malakas na pagpalo sa ulunan ko. Hindi ko na napigilan mapaupo. Napahawak ako sa ulunan ko at kitang kita ang dugo na unti unting umaagos.
Nakita ko pa rin nakikipaglaban ang dalawa dumadami kase lalo ang mga kalaban. Tapos iyong lalaking nakita ko kanina ay wala na. Ngunit iniisip ko pa rin kung bakit nandito siya. Hindi kaya inutusan siya ng reyna. Ano ba balak nila sa akin?
"Hilary."
Agad ako nilapitan ni Prinsipe Jv. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo.
"N-nahihilo ako at iyong u-ulo ko dumudugo na," sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang ulo kong pinalo at napapikit ako sa sobrang sakit. Bigla niya akong binuhat. Kumapit ako sa kaniya at pinikit ang mga mata ko.
"Tara na, kailangan na natin makaalis," rinig kong sabi ni Prinsipe Levi.
Hanggang tuluyan na ako nawalan ng malay.
*****
Naalimpungatan ako ng may naririnig akong ingay. Kaya unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko si Dorothea na kausap si Prinsipe Levi.
"Ganoon ba, kapag nagkamalay na siya padalhan mo na lamang ako ng sulat. Nag-aalala kase ako sa kaniya kaya sana balitaan mo na lamang ako."
"Makakaasa po kayo."
Nang tuluyan na siyang makaalis doon na lamang ako bumangon. Gulat ang reaksyon ni Dorothea ng makita ako na may malay na. Nilapitan niya ako kaagad.
"Kumusta na po kayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Ayos lang, medyo nahihilo pa rin ako at masakit ang ulo ko."
"Dumating po kagabi rito ang dalawang prinsipe. Buhat buhat po kayo ni Prinsipe Jv. Siya nga po ang gumamot sa inyo kase baka maubusan na kayo ng dugo kapag tumawag pa ng doktor. Hindi na po nakatagal si Prinsipe Levi kagabi dahil may kailangan daw po siyang puntahan kaya ngayon po bumalik po siya."
"Ganoon ba, si ama, nalaman ba niya ang nangyari sa akin?"
"Hindi pa po, wala po siya kagabi. Ang mahal na reyna naman po ay nasa kuwarto lamang pero may kausap po siya ang kanyang kapatid. Si Prinsesa Maddie naman po ay hindi pa po nakakauwi marahil tumuloy po siya kina Euna. Paumanhin po kung hindi ko po siya naiuwi rito kagabi. Ayaw po kase niya makinig sa akin."
"Iyong mga sumalakay kagabi, anong nangyari sa kanila?"
"Pagkatapos ninyo po umalis tumigil na po sila kakapana. Kaya nagkaroon po kaming lahat na pagkakataon na tumakas mula sa kanila."
Humiga na lamang ako at nagpahinga. Hindi na ako nakakain ng tanghalian dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. Binalak kong tumayo upang magpahangin. Sa pagkalabas ko sa palasyo naabutan ko si Maddie.
"Nandito ka na pala?" bungad ko sa kaniya.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo. Buti naman hindi malala ang inabot mo, sana sa susunod naman mag-iingat ka." May pagkairita ang pagkasabi niya.
"Ikaw ba ang nag-utos sa kanila?" bigla kong tanong.
Natawa siya at napataas pa ng kilay. "Bakit ko naman gagawin iyon? Eh matagal na kita gustong mawala sa palasyo na ito edi sana matagal na kita pinatay at sinaktan."
Tiningnan ko siya ng maigi, maaaring magkakasabwat sila nong lalaking nakita ko kagabi. Hindi ako maaaring magkamali. Siguradong may plinaplano sila laban sa akin.
"Sige. Kapag nalaman kong kasabwat ka baka gumawa na ako ng hakbang laban sa iyo. Ayoko sa lahat ang trinatraydor ako ng talikuran. " Akmang aalis na ako ng magsalita pa siya.
"Bakit magkakasama kayong tatlo kagabi? Akala mo ba hindi ko nakita iyon. Kailan ka pa naging malapit sa dalawang prinsipe? Huwag mong sabihin umamin ka na sa kanilang dalawa."
"Wala akong aaminin sa kanila. Siguro naman hindi lahat ng ginagawa ko kailangan kong sabihin sa iyo."
Lumabas na ako at umupo sa mga hardin upang magpahangin hanggang dumating si Esperago Easton.
"Kamusta ka? Nabalitaan ko kay Dorothea ang nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?"
"Oo, si ama?"
"Hindi pa siya makakauwi. Pinauwi niya ako agad dito dahil sa nangyari sa iyo."
"Ayos lamang ako. May gusto sana ako iutos sa iyo."
"Ano iyon?" tanong niya.
"May isang tao kailangan mong manmanan. May hinala kase ako na kasabwat siya sa mga sumasalakay dito sa Hagerdon. Kung hindi tayo gagawa ng paraan baka magkagulo ang lahat. At isa pa ako ang pinaka pakay nila. Hinahanap nila ang prinsesa ng Windsor."
"Sige, makakaasa ka."
Napangiti naman ako sa kaniya.
"Tara na, kumain ka na muna sinabi sa akin ni Dorothea na hindi ka pa raw kumakain."
Natawa ako ng akbayan niya ako papasok sa palasyo.
Nagpahinga pa ako ng matagal upang gumaling na ako. At tatlong araw lang umayos na ang kalagayan ko. Binalak kong maglakad lakad sa labas ng palasyo. Hindi na ako nagpasama pa kay Dorothea dahil hindi naman ako lalayo. Nakarating ako sa Good hope lake sa may tulay. Subalit bigla ako napahinto ng lakad ng makita ko si Prinsipe Jv na nakasandal at nakapikit ang mga mata. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko na lang siya papansinin. Ngunit nong malampasan ko na siya narinig ko siyang nagsalita.
"Bakit nag-iisa ka?"
Bumuntong hininga muna ako bago siya harapin. "Gusto ko lamang,"
Nagmulat siya ng mata at napatingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko iyon gusto, sa tuwing nagtatama ang mga mata namin may kung kaba akong nararamdaman na para bang nawawalan ako ng kontrol at naagaw niya ang lakas ko. Napaiwas ako agad ng tingin baka tuluyan akong lumambot kapag tumagal pa ang tinginan namin.
"Ayos na ba ang ulo mo?"
"Ayos na ako wala ka ng dapat ipagaalala," sabi ko.
"Ikaw ang pakay nila hindi ba? Gusto ka nila makuha upang ipanlaban sa palasyo ninyo. Iyong mga sumusugod sa atin ay mga tauhan at inutusan para hanapin ka. Kapag nahanap ka na nila papatayin ka nila at isusunod sa iyong ina. May alam ako pero hindi ko maaaring sabihin sa iyo lahat. Kailangan mo mag-ingat sa pagsisinungaling mo sa pagkatao mo."
Dobleng ingat ang kailangan ko. Kapag nalaman ng lahat na may hinahanap na prinsesa at lalo na taga Windsor baka magkaisahan pa ang lahat. Marami ang nais makakita sa akin at totoo nga bang buhay ako. Mas naniniwala kase sila sa ngayon sa sinabi ng reyna na pinalayas nga ako sa Windsor.
"Gusto nila hanapin ang tunay na prinsesa ng Windsor. Kapag nalaman nila na si Maddie ang totoong prinsesa ng Windsor sa malamang siya ang kukuhanin nila. Maaaring patayin o maaaring gamitin laban sa lugar ng Hagerdon," dagdag pa niya.
Hindi ako nakapagsalita agad. Kung gayon, kung makikipagkilala ako sa lahat ako ang kukuhanin nila. Kung patuloy akong magtatago sa pagkatao ko maaaring si Maddie ang mapapahamak.
"Anong dapat kong gawin?" biglaan kong tanong.
"Ano nga dapat?"
Ilan minuto kaming nagtitinginan na para bang ayaw namin tanggalin ang mga mata namin sa isa't isa. Hindi ko na napigilan mapaluha dahil naisip kong buhay ko ang nakataya. Buong buhay ko tinago at pinagkaitan ang pagiging prinsesa ko tapos ito lang kahahantungan ko ang maging miserable. Naninikip ang dibdib ko. Bigla kong pinunasan ang luha ko at tinalikuran ko na siya. Ayokong masaksihan niya ang mahinang prinsesa.
Akmang lalakad na ako palayo sa kaniya na maramdaman kong hinila niya ako at niyakap.
"Huwag kang mawalan nang pag-asa. Hindi ka nag-iisa," bulong niya sa tenga ko.