Lea
Kahit napakainit ng panahon ay tila hindi alintana ni Ian dahil hindi pa niya ito naringgan ng reklamo.
Kahit tagatak na ang pawis nito ay hindi nakabawas sa kanyang kagwapuhan, at sigurado siya na maraming naiinggit sa kanya ngayon dahil sa kasama niyang binata.
"Uhm, Ian. Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon. Gusto mo ng fishball?" nahihiyang tanong niya.
Gusto niya sana itong ilibre ng higit pa roon pero wala siyang budget. Kailangan niyang mag-ipon.
"Kumakain ka ng fishball?" maang na tanong ni nito.
"Oo pero kung hindi mo gusto hindi na lang." Agad niyang paliwanag.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagiging kuripot niya pero wala na, nasabi na niya ang mga nakakakilabot na mga katagang yun.
"Ah, hindi. I mean, gusto ng fishball. Nagulat lang ako kasi ang pagkakaalam ko ay pihikan ka sa pagkain. Fish ball, kikiam, squid balls, yang mga ganyan ang paborito namin sa Kalye Patay. Lagi nga kaming nakatambay sa may kanto na malapit kina Ashton e tuwing hapon." mahabang litanya nito.
Mukhang tuwang tuwa pa nga ang binata dahil sa narinig na gusto din niya.
Pambihira! Hindi na nakahalata. Dapat siya ang manlibre sa akin dahil ako ang babae.
"May nagbebenta doon o!" Turo ni Ian.
At dahil nagugutom na rin siya, hindi na siya nagreklamo pa. Ang iniisip na lang niya ay kung magkano ang magagatos niya, baka abutin siya ng isang daan tapos bibili pa siya ng palamig.
Parang gusto na niyang umurong.
"Lea!"
Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Lumingon naman agad siya at nakita niya agad ang kumakaway na si Agot.
"Ian, ayan na yung hinihintay kong kaibigan." Sabi niya kay Ian at hindi na inantay na magsalita ito dahil dali dali niyang tinungo ang kinaroroonan ni Agot.
"Sabi ko naman sa'yo antayin mo na lang ako sa loob ng restaurant kaysa nag-abang ka dito sa labas. Ang init init kaya." Sabi ni Agot.
"Uhm, Agot. Si Ian pala. Taga Kalye Patay." Maikli niyang pakilala sa kasama. "And si Agot naman, kaibigan ko."
"Ikinagagalak kong makilala ka Miss Agot." Magalang na sabi ni Ian sabay lahad ng palad.
Napataas ang isang kilay ni Agot, kulang na lang tanungin nito kung saang planeta galing ang binata.
"Ah, buti hindi mo sinabing Binibining Agot dahil masasabunutan talaga kita Ian Veneracion." pasinghal na sabi ni Agot.
Napatawa naman ng malakas si Ian.
"Magkakilala kayo?" naguguluhan niyang tanong.
"Oo. Nakilala ko siya noong birthday party ni Jerry noong nakaraang taon. Tinangka niyang akong ligawan." imporma ni Agot.
Siya naman ay lalong nagulat sa mga rebelasyon.
"Huwag mong sabihin na nililigawan mo din itong kaibigan ko?" pagalit na tanong ni Ian.
Hindi agad sumagot si Ian, tiningnan muna siya bago ngumiti ng makahulugan saka hinarap si Agot.
"Pwede ba Agot, magmeryenda muna tayo bago mo ako batuhin ng mga ganyang tanong. Kakahiya kay Lea o." Sagot ni Ian.
...Bo's Coffee...
Kwento ng kwento si Agot tungkol sa pinuntahan nitong convention ng kumpanya nila sa Thailand pero sa kanilang dalawa ni Ian ay tahimik lang nakikinig sa mga sinasabi ni Agot.
"Ang dami dami mong sinasabi, Agot." Biglang naibulalas ni Ian. Siguro dahil nababagot na ito sa mga kwento ng kaibigan niya.
"Kung naririnde ka na sa akin ang mabuti pa umalis ka na!" singhal nito kay Ian.
Ngayon lamang niya nakita ang kaibigan niya na galit at hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo nito kay Ian.
"Naging kayo ba?" singit niya.
"Oo." si Ian.
"Hindi!" si Agot.
Tingnan mo nga naman, mukhang may madidiskubre pa ata akong kababalaghan.
Napansin niya ng masamang tingin na ipinukol ni Agot sa binatang kasama nila. Napangisi lang naman si Ian na para bang nang-aasar.
Bigla tuloy siyang may naalala.
Parang ganito lang din si Aga.
🙊🙊🙊
Naipailing siya dahil sa inisip.
"Kahit kailan hindi naging tayo." madiing tanggi ni Agot.
"Sabi mo e." Pagsang-ayon na lang ni Ian.
Kung hindi lang niya alam na may kasintahan na si Agot at malapit nang ikasal ay baka iisipin niyang may pagtingin ang dalawa sa isa't isa.
Oo nga noh, diba si Albert ang nobyo ni Agot? E sino yung nakatira sa bahay ng mga Martinez na fiancee umano ni Albert?
"Hindi niyo pa ba napag-usapan ni Albert kung kailan ang kasal ninyo?" tanong niya para maiba na ang usapan.
Nasamid si Agot sa kanyang iniinom at muntik nang maibuga kay Ian. Maagap naman si Ian na magbigay ng tissue kay Agot.
At nang kumalma na ang kaibigan niya ay saka siya tiningnan.
"Lea, kailan pa naging kami ni Albert?" maang na tanong nito. "Kinakapatid ko yun at dikit kami. Walang malisya."
Napamulagat siya sa narinig.
Mukhang ang dami kong hindi alam tungkol kay Agot. Sabagay natuon na kasi ang buo kong atensyon sa pagsusulat kaya pati sa buhay ng kaibigan ko ay hindi na ako updated.
"Akala ko kasi magkasintahan kayo. Diba sabi mo noon, nagbabalak kayo ni Albert na mag-stay sa Kalye Patay for good?"
"Yes. Pero hindi ibig sabihin niyon na magkasintahan na kami. At titira sa iisang bahay. Ay naku, Lea. Yan na nga ba ang sinasabi ko, may sarili ka kasing daigdig." Palatak ni Agot.
"Kung wala ka pang kasintahan ngayon, bakit hindi natin ituloy ang naudlot nating pagtitinginan?" seryosong saad ni Ian.
Oh my gee!!
"Baliw!" bulalas ni Agot. "Ang mabuti pa puntahan na natin yung prospective buyer ng bahay mo para matapos na ito." baling ni Agot sa kanya.
"Aalis ka na sa Kalye Patay?" gulat na tanong ni Ian sa kanya.
"Sana." maikling sagot niya.
"Bakit?" tanong ulit ni Ian.
"At bakit ba? Hindi ba pwede?" si Agot ang sumagot sa tanong ni Ian.
Sumimangot lang si Ian pero hindi na nagsalita.
"Uhm, Agot. Nakapag-isip isip ako nitong mga nakaraang araw at napagdesisyonan kong hindi na muna ibebenta bahay ko. Kasi nakikita ko ang potential na madevelop ang lugar. Baka darating ang araw na maging urbanize area ang iyon. Sayang naman." Sabi niya.
"Iyan din ang sabi ni Albert kaya hindi niya magawang ibenta ang bahay nila. Agree ako sa desisyon mong yan, Lea." sagot ni Agot.
Napansin niyang parang nakahinga ng maluwag si Ian dahil sa sinabi niya.
Sa totoo lang, ramdam naman niyang walang espesyal na pagtingin sa kanya si Ian. Sa pinapakita nga nito sa kanya ay parang sa magkapatid lang.
At sa nakita niyang interaksyon nina Agot at Ian kanina ay parang sila ang may relasyon.
"Anyway, balik tayo sa'yo Agot. Kung hindi mo kasintahan si Albert, e sino?"
"Si Jerry." Nakangiting sagot ni Agot sabay tingin kay Ian na napakunot-noo naman.
"Seryoso ka? Anong nakita mo doon?" Tanong ni Ian.
"Gwapo siya. Malambing. Maalalahanin. Maalaga. Matapang. Maginoo. At higit sa lahat mahal ako." tila nangangarap na sagot ni Agot.
Napaismid si Ian.
"Selos ka noh?" nang-aasar na sabi ni Agot.
"Bakit ako magseselos? E bakla iyon. Sa akin may gusto at hindi sa'yo. Makaalis na nga." tila pikon na sabi ni Ian at hindi nga nagbibiro dahil tumayo ito at walang lingon lingon na iniwan sila.
Nakasunod lang silang dalawa ng tingin sa binatang tila sinumpong.
Nagkibit-balikat lang si Agot at pinagpatuloy na ang pagkain.
Chapter 21
***