You'll Broke My Heart (Comple...

By virgoneus

2.3K 35 0

Ako si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na... More

Prologue
Chapter 1: Hi Ex
Chapter 2:Rape
Chapter 3: Bitter
Chapter 4: See You Later
Chapter 5: Sorry
Chapter 6: Relationship
Chapter 7: Meet Him Family
Chapter 8: Month Sarry
Chapter 9: Weird Guy
Chapter 10: Lovebirds
Chapter 11: He Kiss Me
Chapter 12: Roof!
Chapter 13: Books
Chapter 14: Korny Guy
Chapter 15: Allergy
Chapter 17: Broken Family
Chapter 18: She Know's
Chapter 19: First Day Of School
Chapter 20: Surprise Love
Chapter 21: Siblings
Chapter 22: Don't Come Back
Chapter 23: Kuya!
Chapter 24: Practice Nursing!
Chapter 25:Chemotherapy
Chapter 26: He's my officially son
Chapter 27: New Friend
Chapter 28: Date In Hospital
Chapter 29: His Ex-Crush
Chapter 30: Cool Off
Chapter 31: He knows about Airon
Chapter 32: Group Activity
Chapter 33: Bulacan
Chapter 34: Condolence
Chapter 35: Farewell
Chapter 36: Comeback
Chapter 37: Kasal
Chapter 38: Concert
Author's Note
Chapter 39. 18 Birthday
Chapter 40: Gift
Chapter 41: Bonding
Chapter 42: Circle Of Friendship
Chapter 43: Proposal
Chapter 44: Wedding, Accident
Chapter 45: You'll Broke My Heart
Epilogue
ANNOUNCEMENT!!!

Chapter 16: Im Sorry Karen

30 1 0
By virgoneus

Minulat ko ang mga mata bumungad sakin ang puting kisame inikot ko ang paningin ko. May dextrose na nakakabit sakin at may oxygen rin na nakakabit sakin.

Napaluha ako ng maalala ang nangyari sakin.

Alam naman ni daddy na allergy ako sa hipon pero bakit pinakain parin niya ako? Ang sakit sakit bakit nagawa niyang kalimutan ang bagay na 'yun? Natatakot ako dahil minsan na rin ako nasugod dito sa hospital at nagkaroon na ako ng trauma don dahil natatakot ako na maulit uli sakin ang bagay na 'yun pero tignan mo naman nandito muli ako at ang nakakatuwa don parehas pa ng sitwasyon.

Pero napapaisip rin ako bakit niya ako pinakain ng hipon kung alam niyang may allergy ako don? Bakit may problema ba si daddy? Napaisip ako. Kung may problema siya sinasabi naman niya sakin hindi naman siya naglilihim sakin.

Nalilito ako. Iniisip ko ang pag-alis niya ng maaga at pag-uwe niya ng late at madalas laging tulala palaging may iniisip.

Binato ko ng unan si Ethan na nakahiga sa sofa.

"Shit!"

"Anong 'shit' ka diyan?"naiinis na sabi ko.

Napabalikwas siya natawa ako. Halos manggilid ang kaniyang luha at yumakap sakin ng mahigpit.

"Love, salamat nagising ka na"sabi niya, natawa ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at sinamaan ng tingin. "Tumatawa ka pa diyan, halos mamatay na nga ako sa sobrang pag-aalala sayo!"

"Sorry, hindi naman ako mamatay sa simpleng allergy lang"

"Anong hindi? Meron din namamatay sa allergy love at ayokong mangyari yun sayo"

"Totoo?"halos manlaki ang mga mata ko.

Tumango tango pa siya.

"Di nga? Totoo?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya pero nawala rin ang gulat ko ng marinig kong bumukas ang pinto at iniluwa non ang mga kaibigan ko.

"Hala ang panget mo na!"naiiyak na sabi ni Carmela at yumakap sakin. Ganon din ang ginawa ng iba ko pang kaibigan halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang higpit ng yakap nila sakin.

"Na-ospital ka na naman? Hindi na kami magkanda-ugaga ng malaman namin na nasugod ka sa hospital. Ano ba ang nangyari sayo Karen?"si Mark. Lumungkot ang mukha ko.

Bumuntong hininga ako at sinabi sa kanila ang dahilan.

"Si daddy, pinatikim niya ako ng hipon. Hindi ko alam na hipon ang niluluto niya wala akong ideya Mark. Masyado akong pokus sa kaniya. Hindi ko matanggap na pinagluto niya ako na alam niyang allergy ako don? Alam naman niya 'yun pero ba't niluto parin niya?"

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko.

"Sigurado ka bang hipon ang pinatikim sayo? Baka naman hotdog?"hindi ako green-minded kung hindi ko maiintindihan ang sinabi ni Tristan. Binato ko siya ng unan at sapol sa mukha niya.

"Ulol!"sigaw ko sa kaniya. "Sa hipon lang ako allergy"

"Sigurado ka bang sa hipon lang? Baka naman kapag pinakain ka namin allergy ka pa pala sa iba pang pagkain na hindi mo pa natitikaman?"si Mark.

"Hipon lang talaga Mark"

"Karen, may napapansin ka bang kakaiba ngayon kay tito?"tanong ni Carmela napakunot ang noo ko.

"Oo, madalas maaga siya umalis kahit na alas nwebe pa ang duty niya at umuuwe siya ng alas dose kahit na alas dies naman ang uwe niya and lately palaging may iniisip"

"Nakita ko si tito last week, may kasamang babae at lalaki na matanda pa sa'tin"

"Baka naman kapatid ni daddy yung kasama niya?"

"Imposible? Hinalikan ni tito yung babae kapatid ba yun?"

'Ano?!'

"Sa labi ba?"

Tumango siya. Napaupo ako at hindi alam ang gagawin. May kabit si daddy? At yung lalaking kasama ng kabit ni daddy kapatid ko? O baka naman anak sa kabit ni daddy yun?

"Ano? Sigurado ka ba Carmela?"si Mark.

"Oo sigurado talaga ako, nakita ng dalawang mata ko Mark"

"Nakita ko rin si tito sa mall kasama niya yung babae at may lalaki rin na kasama, sigurado ako yung nakita ni Carmela at nakita ko ay iisa lang? May kabit ba si tito?"si Tristan.

"Hindi naman gagawin yun ni tito kay tita"si Troy.

Hindi ako makapaniwala may kabit ba talaga si daddy? Hindi na ba niya kami mahal? Si mama may alam ba siya? Pero imposible naman yun.

"Baka naman nagkakamali lang kayo guys"naluluha na sabi ko.

"Hindi ako nagkakamali Kirang, isipin mo ang mga dahilan na nakikita mo sa daddy mo. Late umuwe maaga umalis at madalas may iniisip. Sa mga ganon bagay may malalim siyang iniisip at may tinatago siya sa inyo ng mama mo"si Carmela. Sa mga nakikita ko kay daddy may hinala talaga ako na may tinatago siya samin ni mama.

"Tanungin mo na lang si tito mamaya, love kapag hindi niya sinabi sayo may chance na may babae nga si tito"hinawakan ko ang kamay ni Ethan at pinisil iyun.

"Paano kapag nagkakatotoo nga na may kabit si daddy?"tanong ko kay Ethan.

"Intindihin mo na lang si tito, may ganon naman talaga, love"

"Paano kapag iniwan kami ni daddy? Paano na kami ni mama?"

"Nandito naman kami Karen, tutulungan ka namin ang dami mong kaibigan sa tingin mo hindi ka namin tutulungan? Syempre magtutulungan tayo"si Mark. Napapikit ako ng mariin.

"Wag ka muna mag-isip isip ng ganiyan, love dahil hindi naman tayo sigurado kung iiwan kayo ni tito, kausapin mo na lang siya"

Tumango na lang ako sa kaniya.

Kapag iniwan niya kami ni mama, wala na siyang babalikan doon na siya sa babae niya. Wala akong tatay na manloloko. Kumakabit sa taong may anak na!

Iniisip ko kung ano ang mangyayari samin ni mama. Alam kong masasaktan si mama kapag nalaman niya ang totoo pero hangga't maari ayokong nakikitang nasasaktan si mama. Anak niya ako kailangan ko siyang suportahan kung kailangan magtrabaho gagawin ko para samin ni mama.

Yung akala ko na perpektong pamilya hindi pala hindi ko kase inisip na pwede palang maghanap si daddy ng babae at mas hihigit pa kay mama. Hindi ko naman kase iniisip ang bagay na 'yun dahil ayokong dumating sa puntong iwan niya kami ni mama.

Ako na anak niya ang unang nakaalam na may kabit siya. Masakit malaman na may kabit si daddy na ipagpapalit niya kami sa taong ngayon palang niya nakakasama. Sobrang sakit sa sobrang sakit hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko.

Yung daddy ko na mapagmahal at iniintindi ang ugali namin ni mama. Masayang alaala na kaya din pala maglaho sa sandaling panahon. Mga araw na nakikita ko na masaya sila mama sa isa't isa na pwede rin pala mawala ang pagmamahal ni daddy kay mama. Yung mga araw na sinosopresa namin si mama tuwing mother's day. Mga paskong at bagong taon na kumpleto kami pero hanggang doon na lang pala yun pwede rin pala maglaho ang isang bagay na pinaramdam sayo sa sandaling panahon lang. Ang sakit!

                         ~FLASHBACK~

Mother's day ngayon nagpasya kami ni daddy na sopresahin si mama ngayon, taon taon naman namin ginagawa ni daddy 'to kay mama.

Gusto kase namin iparamdam kay mama kahit na wala kaming pera at hindi mayaman masaya naman kami sa kung ano ang buhay namin.

Bumili kami ni daddy sa mall na kailangan pang idesign sa bahay. Saktong wala si mama sa bahay dahil umalis ito kasama ang mga kapatid niya. Mother's day ngayon kaya naman naggala sila kailangan namin bilisan ni daddy dahil baka mamaya dumating si mama sa bahay.

Pagkatapos namin bumili ng mga gamit umuwe kami sa bahay ako ang nagdesign si daddy naman inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

Sa dingding may nakalagay na HAPPY MOTHER'S DAY MAMA may mga design sa gilid na heart may mga letter kami ni daddy doon. Sa tapat na yun doon namin nilagay ang pagkain. May cake na medyo malaki na meron din nakalagay na happy mother's day mama I love you.

Sa sobrang excitement namin ni daddy hindi na namin alam ang gagawin nakakatuwa dahil ang gwapo sa suot ni daddy nakapantalon siya at nakalongsleeve at may rosas na ibibigay kay mama. Ang sweet talaga ni daddy.

Nanginginig ang kaniyang kamay dahil sa kaba.

"Daddy wag kang kabahan"pang-cheecheer ko sa kaniya.

Tumango lang siya sakin. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko tinawagan si mama.

"Hello, Karen?"

"Mama, nasaan ka na?"tanong ko pilit kong hindi pinapahalata ang excitement ko.

"Malapit na ako sa bahay, bakit?"

Pumunta ako sa kurtina at hinawi ito, nakita ko si mama na naglalakad na. Nakanunot ang kaniyang noo na nakatingin sa bahay. Pinatay ko ang linya at sumenyas kay daddy. Hindi ko nilock ang pinto dahil kapag nilock ko masisira ang plano namin.

Maya maya binuksan ni mama ang pinto at sabay sigaw na!

"Happy mother's day mama!"sigaw namin ni daddy.

Natuptop ni mama ang kaniyang bibig at umiyak. Lumapit si daddy sa kaniya at binigay ang bulaklak sa kaniya. Yumakap si mama kay daddy.

"Nag-aksaya na naman kayo ng pera"

Natawa ako dahil pera ang iniisip niya.

"Ipon namin ni Karen ang ginastos dito. Wag ka nga'ng ganiyan sinisira mo ang sopresa namin ni Karen e"si daddy.

"Tara nga dito, Karen"si mama.

Lumapit ako sa kanila at yumakap sa kanilang dalawa.

"Salamat sa effort niyo, hindi ko talaga 'to makakalimutan. I love you, Karen, mahal"parehas kami hinalikan ni daddy sa noo.

"I love you mama, hindi ka namin iiwan"sabay na sabi namin ni daddy

                  ~END OF FLASHBACK~

Yung sinabi namin ni daddy na hindi namin siya iiwan, siya rin pala ang mang-iiwan samin.

Sa pag-iisip ko ng mga masasayang araw namin nila daddy. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

********

Nagising ang diwa ko ng marinig ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko.

"Sundan kaya natin si tito ngayon?"si Carmela.

Napakunot naman ang noo ko.

"Sino maiiwan dito sa hospital?"si Troy.

"Tsk hindi ko alam kung may utak ka ba talaga o wala malamang si Ethan sino pa ba? Ikaw?"malakas na sabi ni Carmela. Natawa ako ng palihim hindi ko pinarinig baka dahil marinig nila ako.

"Nagtatanong lang e"

"Napakabobo mo Troy!"

"Ano ba hinaan niyo nga lang ang boses niyo baka magising si Karen"mariin na suway ni Mark sa kanila.

"Sorry"si Carmela.

"Okay ganto ang plano, pumunta tayo kung saan nagtratrabaho si tito then sundan natin siya kung saan pa siya pupunta kung sa babae ba niya o uuwe na siya"

"Paano kapag nahalata tayo?"nag-aalalang sabi ni Carmela.

'Kahit kailan ang boses parang bata!'

"Kailangan natin mag-ingat para hindi makahalata si tito na sinusundan natin siya. May kotse naman tayo para sundan siya"

"Sa bagay may motor naman si tito kaya hindi makakahalata si tito na meron sumusunod sa kaniya"si Mark.

"Basta kapag nakita natin kung sino ang pinupuntahan niya, walang susugod naiintindihan niyo?"si Tristan.

"Okay, pero kapag sa bahay nila, Karen pumunta si tito ngayon?"tanong ni Troy.

Hindi pala nila alam na nasa bahay lang si daddy.

"Nasa bahay lang si tito ngayon day off niya ata ngayon ewan ko? Doon na muna kayo magsimula tsaka niyo siya sundan"si Ethan. Napangiti ako.

"Okay, ayun naman pala nasa bahay lang pala nila si tito, mas mabuting umalis na tayo baka hindi na natin maabutan si tito sa bahay nila"si Mark. Narinig ko ang mga yapak nila.

"Ikaw na muna bahala kay Karen, Ethan kapag nagtanong siya kung saan kami pumunta sabihin mo bumili lang kami ng pagkain"rinig kong sabi ni Mark sa tabi ko.

"Hindi ko ba sasabihin sa kaniya ang totoo?"si Ethan hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag na muna kami na ang bahala, kapag napatunayan namin ang totoo tsaka namin siya isasama para makita niya ang totoo"mahinang sabi niya. Naramdaman ko ang pagdikit ng labi ni Mark sa noo ko.

Narinig kong ang mga yapak niyang papalayo at narinig ko pa ang dahan dahan na pagsara ang pinto.

********

Minulat ko ang mga mata ko ng maramdaman na may humalik sa kamay ko. Tinignan ko kung sino yun. Halos mapatayo ako sa pagkakahiga kung sino ang nasa tabi ko.

"Karen"si daddy. Umalis ako sa pagkakahiga ko. Nakalimutan kong may dextrose ako kinuha ko ang dextrose ko sa gilid at naglakad papalabas ng kwarto.

Hinila niya ang kamay ko paharap sa kaniya.

"Karen, saan ka pupunta?"tanong niya.

"Aalis ano pa ba?"malamig na sabi ko sa kaniya.

Lumabas ako ng kwarto ko. Hinanap ng mga mata ko si Ethan na agad kong nakita na nakatayo sa gilid ng pinto. Gulat siyang napatingin sakin.

"Karen, mag-usap tayo nak"

Lumapit ako kay Ethan. Humarap ako kay daddy.

"Ano pa ba pag-uusapan natin daddy?"naiinis na sabi ko. Halos manghina ako ng makita kong tumulo ang luha ni daddy.

"Sorry, nakalimutan kong may allergy ka sa hipon"

"Daddy paanong makakalimutan mo yun? Anak mo ako malamang alam mo kung ano ang bawal sakin, naulit na naman ang nangyari sakin noon na-ospital na naman ako. Sino na naman magbabayad ng bill ko e halos wala na nga tayong pera pangbayad ng bill ko!"

"Gagawa ako ng paraan Karen"

"Hindi na kailangan daddy"

"Pasensiya ka na Karen, nakalimutan ko talagang may allergy ka sa hipon"

"Paanong hindi mo maalala e ang lalim lalim ng iniisip mo tulala ka at wala sa sarili sabihin mo nga sakin dad may tinatago ka ba samin ni mama?"sabi ko. Gulat siyang napatingin sakin.

"Im sorry Karen"

Sa puntong ito alam kong may tinatago siya samin hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko.

"Wala akong tinatago sa inyo ng mama mo"tumingin siya sakin. Tinignan ko ang mga mata niya. Nakikita kong may tinatago talaga siya samin ni mama.

'Sinungaling ka daddy!'

"Pero bakit nakalimutan mong may allergy ako? Ikaw ang daddy ko malamang alam mo yun"

"Pasensiya na marami akong iniisip, may problema ako, Karen"

"Ba't hindi niyo sinabi sakin, samin ni mama?"

"Ayokong dagdagan ang problema pa natin. Sakin na lang yun Karen"nakayuko na sabi niya.

'Sinasabi mo ba daddy na sayo na lang yun? Wala kang balak sabihin samin ni mama na may babae ka?!'

********

To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

88.3K 1.8K 36
Salvatore De Luca and Joana Lumanog stories🖤
152K 10K 22
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
232K 11.2K 39
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...