My Crush is Inlove with Me (C...

By CarmieTadeo

6.2K 218 11

Hi. This story consist of 1-17 chapters. A short story about him loving me. Echoss lang!!!! ^____^ quote; "H... More

My Crush is Inlove with Me
C. 1
C. 2
C. 3
C. 4
C. 5
C. 6
C. 7
C. 8
C. 9
C. 11
C. 12
C. 13
C. 14
C. 15
C. 16
C. 17
Last Chapter ^_^

C. 10

245 9 0
By CarmieTadeo

A/N: Eto po ung nangyare kay Aid bago mag exam. Baka po kasi malito kayo eh.

Enjoy! ^__________^

-------------------------

Adrian's POV

Hi there readers! If I'm not mistaken this is my first point of view. Thanks to author, nakaka nine chapter na ngayon lang ako naisipang bigyan ng point of view. Grabe lang.

Anyway, my name is Adrian Joshua Millanes. You wanna know something about me? Hmmm... Wag na lang mapapahaba pa eh, isang sikreto na lang ang sasabihin ko sa inyo.

I'm here at my room, thinking about something. Oh let me rephrase it, I'm thinking about someone. Yeah, someone ibig sabihin tao. Isang espesyal na tao. Who's that? I'll give you a flashback.

*Flashback*

"Mom, do I need to go to school now?" I nervously ask my mom. It's first day of school, at ako'y isang baguhang studyante sa iskuwelahang papasukan ko ngayon.

Pinag transfer kasi ako ni mommy at syempre pag transferee ka, loner ka. Wala pa kong kilala sa new school ko.

"Big boy ka na, Adrian. You need to face your fears. I'm sure you'll meet someone na magiging friend mo. Sige na pumasok ka na malalate na ko sa work ko." mom says then kissed my forehead. NAglakad na siya papuntang kotse niya.

Mukhang wala na kong magagawa. Pumasok na ko sa loob ng campus at hinanap ko ang classroom ko. Grade 6 pa lang ako at medyo mahiyain pa ako. Madali ko naman nahanap ung classroom na papasukan ko. Nagtuloy tuloy na ko sa loob at naupo sa isang upuan na bakante at nanahimik. NAgdadaldalan naman ung ibang kong kaklase, marahil mag kaklase na sila last year pa.

Nakayuko ako ng may biglang tumayo sa harap ko. Tumunghay ako at nakita ang isang magandang babae. Ngumiti siya na lalong nagpaganda sa kanya. Unang beses ko pa lang siya nakita pero biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Hi. Transfer ka dito diba?" nakangiting taong niya.

"Obviously." dahil sa kaba ay nasungitan ko pa siya. Pero hindi naman nawala ung ngiti niya sa labi.

"Oh, I'm Cindy." tapos nilahad niya ung kamay niya.

"Adrian." at nakipag shake hands naman ako. Ngumiti ulit siya ng malapad na lalong nagpaganda sa kanya.

"Ipapakilala kita sa iba nating classmate." alok niya sakin.

"Okay." sagot ko naman. Nakakatuwa naman siya. Lagi siyang nakangiti sakin. Akala ko magiging loner ako dito pero mukhang mali ako.

***

Ilang linggo na ang nakaraan simula nang first day of class, lahat sila ay naka close ko agad. Lalo na ung babeeng unang pumansin sakin sa paaralang ito.

Naging mas close kami, minsan magkasabay kaming kumain pero madalas kasama namin sila Nick at ang buong barkadang nabuo namin.

Sa nakalipas na araw ay andun pa din ung nararamdaman kong bilis ng tibok ng puso ko lalo na pag ngumingiti siya. Hindi ko alam pero mukhang crush ko na siya. Hinayaan ko na lang ang sarili ko tutal paghanga lang naman tong nararamdaman ko eh.

***

Nagdaan na ang dalawang taon at ngayon ay second year high school na kami. Habang tumatagal ay lalong lumalalim. Alin ang lumalalim? Yung hukay niya sa puso ko, lumalalim ung puwesto niya sa puso ko. I have no idea in this. First time kong naramdaman to sa buong buhay ko kaya tinanong ko sa nakakatandang kapatid ko kung ano tong nararamdaman ko, at eto lang naman ung sagot niya.

"Pag-ibig yan! Tanga! Jan ka na nga!" sabay walk out niya.

Nun lang ako natauhan na tama siya, marahil love na nga to tapos hindi ko alam. Ang tanga ko lang. Sa tagal kong kasama siya ay akala ko normal lang ung nararamdaman ko pero mali pala ako, ang tanga ko nga kasi ngayon ko lang nalaman to, love na pala to hindi ko alam. Isa akong malaking TANGA!

Minsan naiilang siya sakin. Lagi naman eh, sanay na ko sa kanya na minsan iiwasan niya ako. Pero ngayon mas madalas na nahihiya na ko sa kanya.

Malapit nang matapos ang school year namin sa second year at  nakapag desisyon na ko, aaminin ko na sa kanya tong tangang nararamdaman ko.

Kagabi palang ay nagpractice na ko ng mga sasabihin ko sa kanya mamaya. Nag hintay ako mag lunch na at sakto namang absent ung laging kasama ni Cindy kaya mag isa lang siyang maglalunch ngayon. Sila Nick naman ay nag basketball kaya hindi din sila makakasabay, kasama din niya ang buong barkada. Isa lang kasi ang babeng kaibigan ni Cindy at yun ay si Mel, hindi naman sa maldita siya kaya wala siyang ibang kaibigan pero siguro ayaw lang makipag plastikan ni Cindy sa iba. Alam na kasi niya ang ugali ng ibang tao dito sa school. Mas cloase siya kila Nick, na kaklase naman niya simula nursery.

Lumabas na ko ng room at sinundan si Cindy na papuntang canteen. Matagal kong hinintay to, at ngayon na siguro ang tamang panahon.

"Hey!" I called her. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Lumapit na ko sa kanya at sumabay sa paglalakad. "Sabay tayong kumain?" nahihiyang sabi ko.

"Uhm. O-okay wala din naman akong kasabay eh." I smile, kinakabahan na ko.

"Ay.. Ano.. MAy sasabihin ako." I stutter while scratching the back of my head.

"Okay." 

Naglakad na kami papuntang canteen at bumili ng pagkain. Madali naman kaming nakahanap ng bakanteng mauupuan.

Nakakalahati ko na ung pagkain ko pero tahimik pa din kami. Di ko na kaya ung kaba at katahimikan na to. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"C-Cindy?" I called her stuttering.

"Hmm.. Ano nga ung sasabihin mo?" nakangiting tanong niya. Sh.t bakit siya ngumiti? Lalo lang ako kinabahan dahil sa ngiti niya.

"Ano... gusto ko lang sabihin na..." kinakabahan na talaga ako. Nakangiti lang siya sakin habang hinihintay ang sunod na sasabihin ko. "I---lik---" biglang akong napahinto sa sasabihin ko ng biglang tumabi sa kanya ang pawis na pawis na si Nick sabay akbay sa kanya.

"Pasabay mag lunch." nakangiting sabi niya.

"Tanggalin mo nga yan, baho mo." sabi naman ni Cindy.

Nag salita pa si Nick pero hindi ko na narinig. Nakaramdam naman ako ng sakit nung parang naging bula na lang ako sa paningin ni Cindy na biglang nawala habang nakikipag kwentuhan kay Nick.

Tanga ako na hindi ko alam na love na pala tong nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ako tanga na hindi mapansin na may gusto si Nick kay Cindy. Kahit sabihing magkaibigan sila pero hindi maikakaila sakin ni Nick yon, kasi nakikita ko iyon sa bawat tingin niya kay Cindy.

Kaya simula ng araw na yon ay hindi ko na pinansin si Cindy. Iniwasan ko siya, kasi naisip ko na mas madaling makalimot pag iniiwasan mo ung taong gusto mong makalimutan.

Pero naging mali ung desisyon ko, mas naging masakit hindi nabawasan ung sakit na nararamdaman ko. Masakit makita na masaya siya kasama ang ibang tao.

Nung una akala ko madali lang siyang iwasan pero mali ako kasi sobrang hirap higit sa lahat sobrang sakit.

***

Tapos na ang second year namin sa high school, ibig sabihin ay junior na kami ngayon. May isang transfer na babae at dahil tahimik akong nakamasid lang sa mga kaibigan ko at dahil na din bakante ang upuan sa tabi ko ay dun siya naupo. In short- seatmate kami.

Nicole daw ang pangalan niya. Naging close kami, mabait kasi siya maganda din. Dumating naman ung araw na naging sobrang close namin at niligawan ko siya. Nagulat na lang ang lahat na isang araw pag pasok namin, kami na. Mahal ko si Nicole, pero mas mahal ko si Cindy. Narealize ko un nung naging makasarili at makita ko ang tunay na ugali ni Nicole.

"I want you! Mine alone!"

Ayaw niya ng may kausap akong ibang babae. Nakakausap ko lang minsan sila Cindy at ang ibang babae pag absent si Nicole.

Oo, minsan ko na lang siya makausap. Si Cindy!

Dumating naman na ung araw na nakipag hiwalay na ko kay Nicole. Kung dati kasi lubid lang ung panali niya ay habang tumatagal ay nagiging kadena na. Kaya naisip ko ung isang bagay na alam kong masasaktan ako at the same time makakasakit na din.

"Ano bang sasabihin mo babe?" she ask.

"Ayoko na." I said coldly.

"Anong ayaw mo na babe?" her eyebrow arched in curiousity.

"Alam kong hindi ka tanga Nicole. Ayoko na, nasasakal na ko. Tapos na tayo." then I turn my back on her and walk out of that place leaving her dumbfounded.

Sa pagtalikod ko yon ay kasabay ang pagtulo ng butil ng luha galing sa aking mata. Mahal ko siya eh, malamang maiiyak ako. Hindi ko lang siya basta basta girlfriend minahal ko din ang tulad niyang maldita, pasaway pero talagang nasakal lang ako. At alam ko din sa sarili ko kung sino ang mas mahal ko sa kanila ni Cindy. Ayoko namang dumating pa sa puntong malaman niya yun at baka sabihin pa niyang ginawa ko siyang rebound na hindi naman talaga.

***

Ito na ang last year namin sa high school ibig sabihin ay ilang buwan na lang ay aalis na kami sa paaralang ito.

Exam namin ngayon at kadarating ko lang sa school. Panigurado nagsisimula na ang exam namin. Nagpalate ako para naman makatabi ko siya.

"Sorry mam, I'm late." I said apologetically.

"Okay, maupo ka na sa bakante jan."

Pumunta na ko sa likod at naupo sa tabi niya.

"Hi. Tabi tayo." sabi ko kay Cindy. Tumango naman siya.

Pag kasi exam ay lagi siya sa dulo nauupo. Kung ang ibang estudyante gusto sa unahan, si Cindy naman ay gustong gusto sa dulong parte.

"Nag review ka?" I ask her. Gusto ko lang marinig ang boses niya bago mag exam.

"Yup. Ikaw?" sabi niya.

"Oo. Hahahah. Tulungan tayo?"

"Hmm.. Sige."

Ang tunay na tulungan ng mga magkaklase ay nakikita pag araw na ng exam nila. Pero iba ako, hindi ako nangongopya sa kanya. Sagot niya yon eh, bakit ko kukunin. Ginagawa ko lang palusot yon para mapalapit ako sa kanya. Tuwing magdidikit kasi ang balat namin ay may kung anong sayang nararamdaman ang puso ko. Kahit man lang sa ganto ay maging masaya ako.

***

Natapos na din ang isang linggong puro exam. Ngayon naman ay nagpapahinga kami pero sa tingin ko ay hindi naman pahinga ang ginagawa namin dahil kumakanta sila. Lalo na ang mahal ko napaka ganda talaga ng boses niya. Para siyang anghel pag kumakanta.

"Ganda ng boses mo, kakainlove. Yieh!" sabi ko pagakatapos niyang kumanta, umarte pa ko na parang kinikilig.

Lumabas na ko sa room namin at dumireso kung san man dalhin ng aking paa. Masaya na kahit sa ganoong paraan ay nakantahan ko siya. Kahit sintunado ung boses ko ay nagawa ko ang isang bagay na gustong gusto kong gawin.

Sana din dahil sa sinabi ko ay maniwala siya dahil totoong inlove ako sa kanya.

Siguro ay dahil na din sa maganda niyang boses kaya ako nainlove ng ganto sa kanya.

How I wish she'll believe of  that. Cindy she's the girl who taught me how to love but she didn't teach me how to stop. I don't know how pero alam ko sa sarili ko na siya palang ang minahal ko ng ganto.

One day, I will tell her my real feelings for her. Sa ngayon ay ayos na ko sa gantong set up. Baka kasi pag sinabi ko sa kanya ang totoo ay mawala pa ang friendship na meron kami.

What if she'll reject me or she don't feel the same way for me.

*End of flashback*

Yun nga ang nangyare, siguro kung may best in katorpehan lang ay madami nang trophy sa kwarto ko. :3

-----------------------------------

Ayan na. May side na din si Aid.

Anong kayang mangyayari kay Adrian? Hmmm............

QueenCLTadeo <3

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
64M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
22.4M 538K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]