Sariwa pa rin sa isip ni Sharalyn ang insidenteng nangyari ilang araw na ang nakakalipas.
Simula nang mangyari iyon ay naging mahigpit na ang security sa subdivision, pero sa kabila ng takot ay unti-unti siyang nalulungkot. Halos ginagabi na ng uwi si Venom.
Nagsusubok siyang unti-unting ungkatin ang pagkakaroon ng anak at kahit na nagagalit na ito ay sinusubukan niya pa rin. Gusto na niyang aminin rito ang totoo, pero paano niya masasabi kung umuwi na iyo ay sobrang gabi na, minsan pa ay madaling araw na ito nakakauwi.
Napahaplos siya sa t'yan niya habang nakaupo sa sopa. "Alam kong nararamdaman mo ang lungkot na nararamdaman ko, pero pipilitin kong magpatatag para sa 'yo" aniya habang pilit na nakangiti.
Kinakabahan na siya dahil medyo nakaumbok na ang t'yan niya kaya puro loose shirt ang sinusuot niya maging sa pagtulog. Hindi niya alam kung nakakahalata na ba ito o hindi dahil hindi naman siya gano'n manamit.
Nagtataka na rin siya sa ikinikilos ni Venom, tingin niya ay meron siyang hindi alam. Matapos ng insidenteng iyon ay hindi na siya nito kinausap pa hanggang ngayon. Siguro ay galit pa rin ito sa kanya.
Kung kakausapin man siya nito ay puro tanong lang kung kumain na ba siya o hindi Minsan ay lasing din ito kung umuwi, minsan naman nakakatulog na siya kakaantay rito. Sinabihan na nga siya ni Divine na 'wag magpuyat pero hindi niya maiwasan ang hindi mag-antay kay Venom.
"Talaga bang wala nang pag-asa na maging buo at masaya ang pamilya namin?' Tanong na biglang lumabas sa bibig niya.
Pansin niya kasi ay lalo lang itong lumayo sa kanya. Para bang naging iwas ito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay may itinatago ito na hindi niya dapat malaman.
"Gabi na naman" turan niya habang nakatingin sa bintana na nakasiwang ang kurtina.
Pagkagising niya kanina ay wala na si Venom sa tabi niya. Alam niyang mali ang pagdudahan ito pero hindi niya maiwasang hindi ito pagdudahan gayong alam niyang nanjaan si Lean, nakisabay pa ang kapatid niyang si Bree.
Isang alaala na naman ang pumasok sa isip niya. Alaalang nakita niya si Venom at si Lean sa isang restaurant habang masaya at magkahawak kamay pa.
Hindi niya alam kung aware ba ito sa ginagawa nito lalo na't nu'ng isang araw ay kumalat na may kasamang babae si Venom. Kumalat iyon sa lahat, sa dyaryo, sa balita, sa radyo kahit saan laging 'yon ang laman ng balita.
Tuwing tinatanong siya ni Divine tungkol doon ay hindi niya alam ang isasagot niya. Wala din naman siyang natatanggap na tawag mula sa ina ni Venom, siguro dahil wala ito sa bansa kasama ang asawa nito at si Sophie.
Hindi niya na rin magawang lumabas ng bahay dahil tuwing nakikita siya ng mga tao ay panay ang tanong ng mga ito sa kanya, pati ang mga reporters sinusundan siya kung saan-saan, buti nalang at hindi sila nakakapasok sa subdivision.
Napatingin siya sa cellphone niya ng umilaw iyon. Napakunot-noo pa siya ng unregister number ang nakalagay
"Hello?" Alanganing sagot niya sa tumawag.
"Sharalyn, right?"
Malamig na boses ang narinig niya sa kabilang linya kaya medyo kinakabahan siya. It sounds like a deep voice of a man.
"Ako nga, sino 'to?" Kahit kinakabahan siya ay hindi niya pwedeng ipahalatang natatakot siya.
"Gusto mo bang malaman ang ginagawa ng asawa mo?"
Napalunok siya dahil sa tono ng boses nito lalo na sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya. "Wala akong oras para sa 'yo" aniya saka niya binaba ang tawag.
Matapos ay tawag ay napalunok siya. Sino naman kaya 'yon? Tanong niya sa sarili habang balisa. Napatingin ulit siya sa cellphone niya ng umilaw iyon.
She gulped when she saw the familiar number who call her a while ago. She took a deep breath before she read the message.
Tinutulungan na nga kita ayaw mo pa? Choosy ka rin pala. Ikaw din. Anyway, nakakaawa ka Sharalyn Lopez-Forbes, ni hindi mo alam kung totoo bang kasal kayo ng asawa mo.
Napalunok siya sa huling nabasa niya at nagsimulang kabahan. Bakit hindi pumasok sa isip ko 'yun. Anang isang bahagi ng utak niya.
Tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya na mabilis niyang pinahid. Sa kabila ng kaba niya ay nagtipa siya at denial ang number ni Divine.
"Napatawag ka?" Bungad kaagad ni Divine.
"D-Div, pwede mo ba 'kong samahan ngayon?"
"Where?" Nagtatakang tanong nito. Mahahalata sa boses nito ang pagtataka dahil ilang araw na rin ang lumipas na hindi siya umalis ng bahay.
"Sa City Hall. Aalamin ko lang kung totoong kasal kami ni Venom" aniya.
"Huh?" Nagtatakang turan nito. "Oh, sige. Hintayin mo 'ko ja'n, pupunta na 'ko" kalaunan ay pagpayag nito kahit na naguguluhan.
"Sige, salamat. Bye."
"Bye."
She end the call. Kahit na natataranta siya na kinakabahan ay nag-asikaso na siya. Hindi mawala ang kaba niya kahit na tapos na siya at hinihintay nalang si Divine.
She felt nervous and scared at the same time. Paano kung hindi talaga kami kasal ni Venom? Paano ang batang nasa sinapupunan ko?
Makalipas lang ang ilang minuto ay narinig na niya ang pagbusina ng sasakyan. Lumabas siya at sinarado ang bahay maging ang gate kahit na secured na ang buong subdivision.
Diretso siya ng sakay sa kotse ni Divine na nakaparada sa labas. "Pasensiya ka na kung naistorbo kita, Div."
"Wala 'yon. Ilang araw na rin tayong hindi nagkikita kaya okay lang" ani Divine bago minaniobra ang sasakyan.
Kasalukuyan na silang patungo sa City Hall para malaman kung kasal ba talaga sila ni Venom. At habang palapit sila ng palapit ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso niya.
Ramdam niya ang panaka-nakang pagtingin sa kanya ni Divine. Hanggang sa marinig niya itong nagbuntong hininga.
"Totoo ba ang sinabi mo sa 'kin kanina? Hindi biro 'yon?" Tanong nito na nakaramdam din ng balisa.
"Oo."
"Paano mo naman naisip kung talagang kasal kayo ni Venom o hindi kaya ka mag-aya sa City Hall?" Tanong nito ulit.
She let out a deep sighed. "Someone called me. Nu'ng una binalewala ko lang, then nagtext siya sa 'kin about doon. Bigla akong nagduda."
Napalunok naman ito habang nakatuon ang atensyon niya sa daan. "Shasha..." Pagtawag nito sa kanya.
"Hmm?"
"I know it's really hard for you, but what if you two are not married? Ni hindi ko rin naisip na baka gawin niya 'yun" anang kaibigan niya habang nakatutok sa daan ang atensyon nito, hindi na rin ito mapakali.
"Hindi ko alam Div. Naiisip ko palang nasasaktan na 'ko" pag-amin niya bago nagbuntong-hininga. "Iniisip ko ngayon kung anong mangyayari sa anak namin kapag nalaman kong hindi pala kami kasal" dagdag niya at konti nalang ay tutulo na naman ang luha sa mga mata niya.
Unti-unti ay nabuhay ang inis sa katawan ni Divine. "Bakit kasi nagpakasal ka pa ja'n sa lalaking 'yan?"
Napatingin siya kay Divine at napayuko nalang.
"Oo sinabi kong susuportahan kita, pero hindi naman tama na magpakasal ka sa taong ginagamit ka lang" inis na turan nito.
Napalingon tuloy siya ng wala sa oras rito dahil sa sinabi nito. "What do you mean?" She asked with confusion.
Tila nataranta ito sa naging tanong niya.
"Uhmmm... Ano... Kasi..." Utal-utal na sabi nito at panay ang lunok.
"Divine Recon Rose, tell me. May alam ka ba?" Seryosong tanong niya.
Napalunok ulit ito ng laway bago siya huminga ng malamin. "Nu'ng nasa palawan tayo, I heard him. Ginagamit ka lang niya. I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa 'yo" bigla ay humina ang boses niya, "ayoko lang masaktan ka" aniya sa malungkot na boses.
Ba't ang dami kong hindi alam? Aniya sa sarili niya.
"Ginagamit niya 'ko para saan?" Tanong niya para masagot ang mga katanungan niya.
Lumingonito sa kanya pero saglit lang bago ito nagbuntong hininga ulit. "Para sa mana niya" sagot nito at nagseryoso. "Hindi niya makukuha ang mana niya kung hindi siya magpapakasal, and may isa akong nakuhang impormasyon. Lean is his long time girlfriend, since college palang sila na and..." Her best friend stopped and let out a deep breath, "up until now" she added.
Duon na tumulo ang luha sa mga mata niya na kanina niya pa pinipigilan. Ngayon ay nasagot na rin ang isa pang katanungan sa isip niya kung ano ba talaga ang papel ni Lean sa buhay ni Venom.
"Alam ko na ang hirap na ng pinagdadaanan mo pero 'wag kang sumuko agad, maging matapang ka ngayon, Shasha, hindi para sa asawa mo kung 'di para sa 'yo at sa magiging anak mo" ani Divine.
Tumango lang siya bago pinunasan ang luha niya. Masakit, oo, pero mas masakit ngayon kumpara noon.
"Shasha..."
"Okay lang ako, Div. Magiging okay din ako" aniya sa malungkot na boses.
For now, she need to be strong. There's another situation that she need to face. And that is if they are really married or not.
Napahawak siya sa t'yan niya. Pasensiya ka na, baby, kung lagi ka nalang nasasaktan. Pasensiya ka na kung nasasaktan ka na nang dahil sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa makarating sila sa City Hall. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang naglalakad. Hanggang sa makarating na nga sila sa destinasyon nila.
"Good morning, ipapacheck ko sana ang record ng marriage certificate namin ng asawa ko and kukuha na rin ako ng copy" aniya sa babaeng nakaassign doon.
"Sige po, Ma'am, pakisulat nalang po ng pangalan" ani babae at nagbigay ng papel.
Mabilis niya iyong kinuha at naglagay nga ng mga information about sa marriage nila.
"Here."
"Sige, Ma'am, pahintay nalang po na matawag ang pangalan niyo" aniya ng babae habang nakangiti.
"Sige, salamat" sagot niya saka tumalikod.
Naghanap sila ng bakanteng upuan. Nakahanap rin naman kaagad sila kaya mabilis silang nakaupo.
"Buti nalang at hindi lahat ng tao ay mahilig bumili ng magazine" ani Divine na parang nakahinga ng maluwag.
"Huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"Kasi 'pag nagkataon ay mababalita na nandito ka. Alam mo naman ang mga reporters, mabilis ang mga 'yan pagdating sa mga issue" ani Divine habang nakaupo sa upuan nito.
Hindi siya sumagot at nanahimik lang. Maganda na rin 'yon dahil kahit papa'no ay normal pa rin ang buhay ko. Nitong mga nakaraang araw ay stress ako dahil sa sunud-sunod na issue ni Venom.
"Hey! Shasha."
"Huh?" Aniya at napakurap-kurap pa.
Napabuntong hininga naman ito dahil alam nitong hindi naman siya nakikinig rito.
"Nevermind" aniya at umiling pa, pero kalaunan ay nagsalit pa rin. "Someone already recognize you."
"Huh?" Aniya at napatingin-tingin sa paligid.
"Don't mind it. Just focus on what you've been doing here" Divine seriously said.
Nakinig nalang siya sa sinabi nito.
Minuto na ang lumipas at kasalukuyan pa rin silang nag-aantay na matawag ang pangalan niya. Buti na lang at hindi siya masyadong pinagkakaguluhan sa City Hall kahit na ang iilan sa kanila ay halatang nagbubulungan tungkol sa kanya.
Nagbuntong hininga siya at tumingin kay Divine para maiba ang atensyon niya. "Div, hindi ko na alam ang gagawin ko kung malalaman kong hindi kami kasal ni Venom. May nagawa ba 'kong mali at kailangan kong pagdaanan ang mga ganito?" aniya at napayuko nalang habang hinaplos naman nito ang likod niya
"Ano ka ba? Lagi mong iisipin na ang lahat ng nangyayari sa 'yo ngayon, noon man 'yan o sa hinaharap ay may dahilan. Siguro nga sobrang dami na ng pinagdadaanan mo pero Shasha, sinusubukan lang ng panginoon kung kaya mong harapin ang lahat" ngumiti ito sa kanya. "Alam ko at nararamdaman kong matatapos din ang lahat ng ito, hindi man sa ngayon pero nararamdaman kong maganda ang kalalabasan ng lahat ng ito" aniya at naramdaman niya na niyakap na siya nito habang marahan naman niyang hinahaplos ang balikat nito.
"Naaalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo bago ako umalis?" Tanong nito na nakapagpakunot ng noo niya. Ngumiti siya rito. "Ang sabi ko sa 'yo, ano man ang mangyari sa buhay mo lahat 'yan may dahilan. Sigurado akong may magandang plano sa 'yo ang panginoon, basta isa lang ang hihilingin ko, 'wag na 'wag kang susuko lalo na't may anghel na darating sa buhay mo."
Nakangiti na tumango-tango siya bago nagbuntong hininga. Tama ito. Lahat ng 'to ay may dahilan, at kailangan ko iyong harapin.
"May naisip ka na bang pangalan sa anak mo kung sakaling dalawa 'yan o kung anong gender?" Pag-iiba nito ng usapan.
Ngumiti siya ng matamis bago niya ito hinarap. "Oo, dati ko pa ito naisip bago ko pa malaman na buntis ako. Kung kambal man siya at babae't lalaki naisip kong Sainy Venice at Shane Venidict ang ipapangalan ko."
Napapangiti talaga siya kapag binabanggit niya ang pangalang Sainy at Shane, ang ganda kasi sa pandinig.
"Sainy and Shane? Hmmm, sounds good... I hope I have a children too" Divine said.
Napatingin naman siya rito na nakangiti sa kanya kaya napangiti din siya. "Magkakaroon ka din ng anak, baka little Div o little Josh."
Napanguso ito dahil sa sinabi niya. Sasagot na sana siya nang biglang may magsalita sa speaker.
"Mrs. Sharalyn Forbes, Mrs. Sharaly Forbes" salitang lumalabas sa speaker.
Tumayo na silang dalawa at nagpunta sa isang babae. Nasa tapat na sila nito at hinihintay nalang ang sasabihin nito.
"I'm sorry, Ma'am, pero wala pong nakaregister na pangalan ninyo. Pasensiya na po" aniya ng babae.
Tila gumuho ang mundo niya dahil sa narinig niya. All this time ay hindi pala kami kasal? Namuong salita sa isipan niya.
"Sige. Salamat" pagtugon ni Divine sa babae. Tumingin ito sa kanya at nakatulala ito. "Shasha..." Pagtawag nito sa kanya.
Huminga ng malalim si Divine at muling humarap sa babae. "Excuse me, can you do me a favor?"
"Sure, Ma'am, ano po 'yon?" Magalang na tugon ng babae.
"Don't tell to others what you've searched today, understand?"
"S-sige po, Ma'am. W-wala pong problema" kanda utal na sagot ng babae dahil sa lamig ng boses ni Divine.
"Salamat" ani Divine at tinignan siya. "Let's go."
Walang sali-salita na gumalaw siya at nagpatianod sa paghila sa kanya ni Divine ng marahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in ang salitang narinig niya.
We're not married. All the memories that we shared, it disappear. She thought.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay ni Venom. Wala pa rin siyang kibo na nakapagpakaba kay Divine.
"Shasha..." Malungkot na turan nito.
Pilit na ngumiti siya. "Okay lang ako. Kailangan ko lang mapag-isa ngayon."
"Sige. Kung 'yan ang gusto mo, basta tawagan mo lang ako" nag-aalalang turan nito.
Tumango lang siya at tuluyan nang pumasok sa bahay ni Venom. Naupo lang siya sa mahabang sopa at duon ibinuhos ang kanina pang luha na pinipigilan niya.
Hours had passed and she was just being sittinh silently in the long couch. She was waiting for Venom. She wants to confront him. She wants to clarify who she is to him. What's her position in his life.
Tumingin siya sa wall clock at nakitang alas-dose na ng madaling araw pero pinagsawalang bahala niya lang iyon dahil desidido siyang makausap si Venom tungkol sa kasal na akala niya ay totoo.
Napatayo siya mula sa pagkaka-upo sa sopa nang marinig niya ang ugong ng sasakyan, pero imbis na salubungin ito ay inantay niya itong pumasok.
"Oh! You're still awake?" Gulat na tanong ni Venom. Marahil ay hindi nito inaasahan na nakatayo siya at gising na gising.
"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, Venom. Umamin ka nga sa 'kin" sabay tingin niya ng seryoso rito, "totoo bang hindi tayo kasal?"
Nakatingin lang ito sa kanya at hindi pinapahalata ang pagkagulat sa narinig. He sighed and tried to avoid her. "Stop that nonsense, Shara. I'm tired" he just said.
Naikuyom niya ang kamao niya ng magsimula itong maglakad patungong hagdan. Kaya lalo lang nadagdagan ang init ng ulo niya.
"Pagod ka? Bakit? Dahil kasama mo 'yang lintik mong girlfriend na si Lean, huh!?" Galit na tanong niya habang nakatingin sa likod nito.
Samantala, napapikit ng mariin si Venom. Hindi niya alam kung bakit laging bukambibig ni Sharalyn si Lean kahit na wala naman siyang ginagawang masama.
"Lagi kang gabi umuwi at minsan madaling araw pa, sabihin mo lang kung kaya mo pa 'kong panindigan, dahil sa nakikita kong ginagawa mo ay hindi mo na kayang tuparin ang mga pangako mo" may galit pa ring turan nito.
I intentionally going home late and sometimes drunk because I don't want to be a burden to you. He thought. Umuuwi siya ng gabi para bigyan ng oras si Sharalyn at umiinom siya dahil hindi niya magawang harapin ito matapos ng kapabayaang ginawa niya.
Lalong nainis si Sharalyn dahil wala siyang nakuhang sagot. He's guilty. I'm sure of that. She thought. Buntis man siya pero hindi siya papayag sa mga panggagago ni Venom sa kanya.
"'Wag mong idamay si Lean sa walang kwentang iniisip mo" anito sa galit na boses at nagsimulang umakyat.
Pero bago pa man ito mangalahati sa hagdan ay sumigaw siya.
"Bakit? Dahil hindi mo kayang pagsalitaan ko ng kung anu-ano ang girlfriend mo? Alam mo kung anong tingin ko sa 'yo? Isa kang lalaki na walang isang salita---"
"Shut up! Stop talking kung 'di masasaktan kita" anito na napatiim-bagang pa at sinalubong ang mata niya na pwede nang pumatay sa kanya.
"Sige, saktan mo 'ko. Ja'n ka naman magaling, 'di ba? Ang saktan ako"hinanakit niya. "Pagod na pagod na 'kong intindihin ka,. Kung sana hindi ko hinayang mahalin ka ng puso ko hindi sana ako nasasaktan ng ganito."
Hindi niya akalaing may mas imimiserable pa sa buhay niya. Napapikit ito at umiling-iling nalang saka nagpatuloy sa pag-akyat, pero hindi iyon naging hadlang para sumigaw siya ulit.
"Sige. Tutal hindi naman tayo kasal, itigil na natin 'to. Kung pagod ka, mas pagod ako!" sigaw niya at nagpunta sa guest room na nasa first floor at nilock ang pinto.
Huli na 'to, pagod na 'kong magpakatanga sa kanya. Pagod na 'kong mahalin siya. Aniya sa sarili habang umiiyak.
Samantala, nanghihinang napaupo si Venom sa isa sa mga hakbang ng hagdan. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya at pilit nag-iisip ng paraan kung paano makakabawi kay Sharalyn.
****
Animoons