CHAPTER FORTY FOUR
Depression
"Are you okay?"
"Yeah. Medyo napagod lang ako pero maayos ako. Thank you for pulling that epic prank yesterday." buong puso kong pasasalamat sa kanya nang makabalik na kami sa aking kwarto matapos ang buong araw na pagba-vlog at pag-surf.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang video na 'yon para ibahagi sa mga manunuod na tiyak na matutuwa na naman sa aming nagawa. Nang matapos siya ay tinabihan niya na rin ako sa kama.
Simula nang makita ko ang parteng sobrang saya niya ay parang gusto ko nalang humingi ng tawad sa kanya. Ni minsan ay hindi ako nakaganti. Ni minsan ay hindi ako nag-effort na pasayahin siya. Sa buong buhay namin ay nasa akin ang kanyang buong atensiyon. Ang kasiyahan at kapakanan ko ang palagi niyang inuuna na maski ang sarili niya ay nakakalimutan at handa niya ring kalimutan para sa akin.
"What do you think about Asher?" wala sa sariling tanong ko nang humarap siya sa akin.
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay pero agad naman akong sinagot.
"Well, apart from his awesomeness, this time I realized how sincere he was just to be with you. He truly loves you at wala nang dapat itanong doon. His intentions are pure and his love for you is endless."
Pinilit kong tipid na ngumiti.
"Do you think he can be a good partner?"
"I never doubt that."
"Do you think he's not capable of hurting someone?"
Sandali siyang napaisip sa tanong ko.
"Well, that depends on the situation," inosente siyang tumawa. "Asher can be a little possessive at alam kong pagdating sa'yo, kaya niyang manakit huwag ka lang mapasama."
Pinilit kong huminga ng malalim para tanggalin ang bigat sa aking dibdib. I just can't stop thinking about everything...
"Why? Is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong nang hindi na ako umimik.
Ngumiti ako at agad na umiling.
"Nothing. I just want to ask your opinions about him."
Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti.
"Are you saying yes to him na?" sa pagka-excited ay hindi na niya napigilang hawakan ang aking kamay. "Karsyn, ako ang unang unang matutuwa kapag nangyari 'yan! I know Asher is the one for you. Alam mo kung gaano ako naging overprotective sa'yo pagdating sa mga lalaking nagtangkang umaligid sa'yo noon pero kapag kay Asher ay hindi ako nag-aalala dahil alam kong totoo ang intensiyong mayroon siya," nakagat ko na ang aking labi ng muling maramdaman ang kanyang pagpisil. "He is the one for you. He is your Mr. Right." madiin niyang banggit sa huling salita.
I want to voice out everything but I just couldn't. Namutawi sa puso ko ang pag-asa... Pag-asa sa lahat ng bagay para sa nakabubuti.
"Are you okay?" may bahid ng pag-aalalang tanong ni Asher matapos akong balikan sa dalampasigan kinabukasan habang nasa gitna ng activity.
Kung noon ay nakakaya kong magbabad sa tubig, ngayon naman ay sandali nalang dahil mabilis akong mapagod. Siguro ay dahil ilang buwan na kaming walang kapaguran at tuloy-tuloy lang sa ginagawa kaya ngayon ay nararamdaman ko na ang epekto ng lahat. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil naroon si Zydney para samahan siya.
Ibinaba ko ang aking cellphone at ang camera para sagutin siya. Pasalampak siyang naupo sa aking tabi.
"I'm okay. Dito nalang muna ako. How's Zydney?"
Nakangiti niyang nilingon ang aking pinsan at pagkatapos ay ipinagsalikop ang aming mga kamay.
"She's a fast learner like you. Ilang minuto palang nakuha na niyang ibalanse ang sarili sa board."
I smiled sweetly at him.
"Thank you for teaching her."
"You're always welcome, baby."
Umayos ako ng upo at pumihit para harapin siya ng mas maayos. Kumunot ang kanyang noo ng makita akong seryosong nakatitig lang sa kanyang mukha. I don't know why I'm doing it but I just feel the need to.
Habang sinasaulo ang hugis at kulay ng magaganda niyang mga mata, ang matangos na ilong, mga labing walang kasing pula at ang hugis ng kanyang perpektong mukha ay wala akong naisip kung gaano ka-swerte ang babaeng mamahalin niya.
Ako... I am so lucky...
Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi ng maramdaman ko ang lungkot sa aking puso. I realized that there is really nothing to hate about him. Wala ni isang rason para hindi ko siya mahalin pabalik... In fact, I think I am in love with him... So much... Kaya ko nararamdaman ang lahat ng lungkot at takot ngayon sa aking puso.
I don't know how to love. Wala akong alam at natatakot akong baka sa huli ay masaktan ko lang siya because that would be unfair... So unfair...
"Are you sure you're okay?"
Marahas akong napalunok sa pagpukaw niya sa akin. He tilted his head just to look back at me with the same intensity.
"Are you thinking about another prank, huh? Baby, it's my turn. Give me a chance to get back to you bago ka mag-isip ng panibago." nagbibiro niyang sabi.
Natawa ako at muling umiling.
"Wala akong iniisip na masama sa'yo."
"Good!" his smile widened as he held my hand and guided it to his lips then kisses it twice. "So anong iniisip na mabuti sa akin ng baby ko?"
Wala sa sariling napangisi ako dahil sa napakalambing niyang boses na tila tumatagos hanggang sa aking kaluluwa. Sumiksik ako sa kanyang katawan at hinayaan siyang akbayan ako habang ako naman ay niyakap siya.
"You are a good man, Asher... You deserve all the best things in the world." bulong ko habang nakatingala sa kanya.
"You mean, you?"
I blushed profusely at that.
"Do you really think I am the best you could have?"
"That's not even a question. You are the only one I wished I could have, baby... Nothing else matter mapa-sa'kin ka lang. Ikaw ang importante. Ikaw lang." giit niya.
Marahan kong ibinaba ang titig sa kanya at hinigpitan ang yakap sa kanyang katawan. His words are so fluttering na para akong dinadala sa langit pero patuloy akong hinihila ng mga katanungan sa utak ko. What if I hurt him? Paano kung magkamali ako?
Nanatili kaming magkayakap. Hinayaan ko siyang halikan ang aking buhok habang ginagantihan ang ginagawa kong pagyakap sa kanya. He even teased me na nagiging clingy ako at gustong gusto niya 'yon.
Nang bumitiw ako sa kanya ay sinabi kong balikan na niya si Zyd para turuan ito ng ilan pang minuto bago kami kumain ng tanghalian.
Habang lumalayo si Asher sa akin ay nagtatalo ang tuwa at lungkot sa aking puso na hindi ko na malaman kung ano ang pakikinggan at ano ang papanaluhin.
Muli kong kinuha ang aking camera at itinutok iyon sa kanila. Kabaliwan man ang nasa isip ko pero hindi ko mapigilang isipin kung gaano sila kabagay sa isa't-isa. Asher is competitive gano'n rin si Zydney and the latter is braver and stronger than me at mas hulma sa personalidad niya.
Alam kong kabaliwan ang nasa isip ko pero imbes na selos ang maramdaman ay tanging kasiyahan lang ang nararamdaman ko sa parteng para sa aking pinsan. Naalala ko noong mga bata kami ay sabay kaming nangarap na isang araw ay makakatagpo ng isang lalaking walang ibang gagawin kung hindi ang mamahalin kami habang buhay gaya ng mga prince charming na aming napapanuod at hanggang ngayon ay hindi nagbago ang hiling kong 'yon para sa kanya.
I wish Zydney all the happiness in the world. Kung pupwede nga lang, walang pagdadalawang-isip kong ibibigay si Asher dahil alam ko kung paano magmahal ang gaya niya. Kahit wala pang isang taon kaming magkakilala ay alam ko na kung gaano siya kabuti. Kung gaano siya katotoo sa kanyang mga salita. Kung gaano katatag at kalayo ang mararating ng kanyang pagmamahal...
Mapait akong napangiti at ipinilig nalang ang ulo bago nagsimulang magsalita sa harapan ng camera at i-kwento ang mga nangyari sa nakalipas na oras.
Nang matapos kami sa activity at pag-aayos ng sarili, dumiretso na kami sa restaurant kung saan kami hinihintay ni Asher. Malayo palang ay napangiti na siya nang matanaw kami. I smiled back at him. Tumayo siya ilang hakbang bago kami makalapit at nang matapat na ako ay hinila na niya ang upuan para maupo ako roon pero nilagpasan ko siya.
"Dito nalang ako sa harapan niyo." nakangiti kong sabi.
"Karsyn, ako na diyan. Tabi na kayo ni Asher." giit ni Zyd nang makitang tatatlo lang ang upuan at hindi na ito makakalipat dahil nasa dulo kami at masyadong masikip na dahil sa dami ng mga taong kasalukuyang kumakain rin.
"Dito nalang ako," umupo na ako. Nagkatinginan si Asher at Zydney pero dahil sa pagpupumilit ko ay wala na ring nagawa.
Sa buong durasyon ng kainan ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga naisip simula nang gabing makita kong masaya si Zyd. Pilit kong iniisip kung kailan ko siya huling nakitang gano'n pero bigo ako. Kahit ngayon, kahit simpleng pag-uusap namin ay masaya ang pinsan ko dahil bukod sa kasama ako ay narito rin si Asher na siyang humahalili sa kanya para bantayan ako.
We talked about our plans after this. Ang sunod naming bibisitahin ay ang Northern Luzon pero hindi na makakasama si Zydney dahil kailangan niyang bumalik sa Manila bago ang panibagong linggo.
Ang isa pang araw na lumipas ay iginugol namin sa ilang eskwelahan gaya ng ginawa namin sa lahat ng lugar na aming napuntahan. May mga binisita rin kaming organisasyong pang mahihirap at nag-abot ng tulong para sa kanila.
"Day Eight, Central Luzon," maaga akong nagising at madilim pa nang simulan ko ang aking sunod na content habang payapa pa ang paligid at tulog pa si Zyd.
"Good morning everyone. I hope you are all well! Before I begin, I just want to say thank you for your unending support. It's overwhelming because the love you all have for us were overflowing. Maraming maraming maraming salamat sa inyo," nilunok ko ang aking mga emosyon para makapagpatuloy ako sa gagawin.
"I want to share something to all of you today especially to those who feel empty and depressed. Everyone of us already experience this at some point in our life and I think I've already talked about this before. Depression are caused by a lot of factors. It can be social, natural, etc. Some of us didn't even know how or where it came from. Minsan bigla nalang nating mararamdaman na sobrang lungkot natin at kahit tayo, hindi na natin maintindihan ang ating mga sarili. May mga oras na gusto nalang nating matulog at iiwas ang sarili sa mga taong malapit sa atin. We tend to have low interest on the things that we love to do. Nawawalan ng interes at gana sa buhay nang biglaan. Other people became extremely irritable kahit sa maliliit na bagay and the list goes on. If you are currently experiencing one, I want you to listen and do not be afraid to talk about it. Lahat tayo ay may utak at lahat tayo ay nakararanas nito. In fact one of the prophet, Elijah, experienced one na umabot sa puntong gusto na niyang mamatay. When Queen Jezebel said she would kill him, he left his servant behind and ran into the wilderness where he sat under a broom tree and prayed he would die because he lacked faith. Sa buhay, normal na makaramdam tayo ng pagod na umaabot sa puntong gusto na nating sumuko but what God say about it?" Huminga ako ng malalim at dahan dahang sinambit ang isa sa mga paborito kong bible verse. "Matthew 11:28-30, Come to Me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take My yoke upon you, and learn from Me, because I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For My yoke is easy, and My burden is light."
"Rest is really one of the key para ma-overcome ito. Kapag masyadong pagod ang ating katawan ay mahina ang ating pag-iisip at doon mas makapangyarihan ang masama. Isa sa mga utos ng Diyos ang magpahinga, kumain ng tama at pahalagahan ang sarili. Have enough rest but not too much dahil kapag sobra naman, mas lalo tayong malulunod sa negatibong emosyon. If you are feeling depress, know how to talk to the right person. Marami sa atin ang nahihiyang magsabi dahil takot na mahusgahan dahil kahit tayo ay nabababawan sa ating mga dahilan but it's really important to let it all out and know what causes you to be depress. Other ways to overcome it is stop judging, rejecting and isolating people in yourself physically and spiritually. Yes medicines can also help but spiritual healing is the most important thing in dealing with depression. We need to put back the broken pieces in our heart, mind and soul and we can only do this through fellowship. Strengthen your faith and lift it all to God, Almighty. I want you to not be ashamed and realized that you are not the only one who suffers. This is a battle we must fight. Some fears we must face and some things we must all go through because we are all born again in this world to face a real battle, a real struggle. The attack of the enemy often manifest itself in an overwhelming sense of anxiety. He is like a roaring lion waiting and looking for a person he will destroy. A family that he can tear apart. A future he can ruin before it can even started and I want you to stop listening to that lion."
"1 Peter 5:9, Resist him, standing firm in the faith, because you know that the family of believers throughout the world is undergoing the same kind of sufferings," wala sa sariling napapikit ako upang simulan ang positibong panawagan. "If you find yourself under attack today, you need to know that the hands of God is guiding you, leading you. That same hand that split the sea open so his people can walk right through. The hand of God will make a way when there's no way. The hand of God is over your life. The hand of God represents the plan of God, the prevision of God and I want you to humble yourself under it. Keep yourself low so God will raise you up. Resist the Devil and cast all your anxieties in him... Holy God, help your people. Help them resist evil. Bless them with a peaceful heart, mind and soul. Help us see the goodness of life and not our imperfections. Help us strengthen our faith in you, oh Lord. Lead your children to your kingdom and save us. We do this in your glorious, holy and great name, Amen." dumiin ang aking mga talukap at dinama ang lahat ng mga salitang galing sa kailaliman ng aking puso.
Hinayaan ko ang sarili kong manahimik sandali at nang dumilat ay buong puso akong ngumiti.
Pagkatapos kong magpaalam ay bumalik na ako pero nahinto ako sa paggalaw nang makitang si Zydney na mahimbing pang natutulog. Nakita ko ang tulala kong sariling lumalapit sa kama upang pagmasdan siya. Oo nga at milyon na ang mga taong napasaya ko at marami na rin akong natulungan pero sa mga taong malapit sa akin ay wala pa akong naging ganti.
Marahan akong tumabi sa kanya. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nag-iisip at nakatitig lang sa kanya. I was bombarded with so many questions pero naputol ang lahat nang 'yon ng maramdaman ko ang paggalaw niya. Mabilis akong pumikit at umaktong tulog. Pinakiramdaman ko siyang umalis at matagal bumalik sa kama pero sa paglapit ay agad na akong ginising.
"Karsyn, wake up! Malapit nang lumabas ang araw at baka mahuli ka sa date niyo ni Asher." aniya sabay yugyog pa sa aking balikat.
I groaned silently at kunwaring kakagising lang pero imbes na magmadali ay ibinalot ko ng mas mabuti ang comforter sa aking katawan.
"What are you doing? Kilos ka na." umupo siya sa aking tabi ngunit umiling lang ako.
"Can you do me a favor?"
Nagsalubong ang kilay niya't hindi siguradong ipinukol ang titig sa akin.
"What?"
Marahan akong bumangon ng kaunti sa kama.
"Pwede bang ikaw nalang ang sumama kay Asher? I'm not feeling well,"
Dumiin ang titig niya sa akin pero nagpatuloy ako. I found myself making alibi's dahil ang totoo, gusto kong mas makilala niya si Asher. I want to see her happy again... Dahil sa ngayon, wala akong gustong gawin kung hindi ang pag-isipan ulit ang lahat...
"I don't want to–"
"Please, Zyd? I just feel so sleepy and tired. Sayang naman kasi kung hindi ako pupunta. Please?"
Sa pagbalik ko sa pagkakahiga ay wala na siyang nagawa. Sumegunda pa ulit ako ng mga dahilan para kumbinsihin siya kaya nang pumayag na ito ay wala nang pagsidlan ang tuwa sa puso ko.
Awtomatiko akong napapikit nang makita ang pagsara niya ng pinto upang puntahan na si Asher at ipaliwanag na maayos lang ako pero hindi makakapunta dahil sa maraming dahilang binigay ko.
I am happy... I truly am... May parte man sa akin ang nagi-guilty dahil sa hindi pagsipot sa usapan pero alam kong dito magsisimula ang lahat... Dito ko sisimulan ang lahat dahil ito ang tama... Sana maging tama ako...