Date Published: March 9, 2022
HASHTON
While carrying her, I looked at her. She's really broken right now. No wonder she's really in pain. 'Yong mga tuma-target sa kaniya ay gustong palabasin ang Demonaire na nasa katawan niya.
Kaya naman pala hirap na hirap siyang magtiwala. I heard everything that she said a while ago before that happened.
That Death Magic, it's scary. Kung hindi kami prinotektahan ni Serenity kanina ay baka namatay na kami dahil doon.
I wish that she's okay by tomorrow. I'll check her up just to make sure that she's really okay.
~ NEXT DAY ~
THIRD PERSON
Nandito ang lahat sa loob ng opisina ni Head-wizard pwera lang kay Roselinda na payapa pa ring tulog sa loob ng dorm niya ayon kay Miho.
Binabantayan ni Aracne si Roselinda dahil sinabihan siya ni Acane. Kasama din nila Lenrick si Acane sa loob ng opisina ni Head-wizard.
"Mamaya na tayong magsimula, may hinihintay pa tayo," sabi ni Head-wizard nang may kumatok sa pintuan. Pumasok na ang kumatok at may nakita silang isang magandang babae at kasama nito si Sheign.
"Ikaw po 'yung nanay ni Rose," gulat na saad ni Henry.
"Oo. Ako nga. Masaya akong makilala ulit ang mga kaibigan ng anak ko," saad ni Mrs. Crossevell.
"Masaya akong makita ulit, Kyline." Nginitian ni Kyline si Head-wizard.
"Masaya din akong makita ka, Wirian. Ikaw din, Collins," nakangiting saad ni Kyline.
"Bakit niyo pala ako pinatawag dito. May nangyari na naman ba o may ginawa ba si Ynna?" tanong ni Kyline nang napatingin siya kay Ricasheign.
"Anong ginagawa ng witch hunter na 'yan dito? Hindi niyo ba alam na gusto niyang patayin ang anak ko?" mariing tanong ni Kyline.
"Siya ang dahilan kung bakit ka namin pinapunta dito, Kyline. May nangyari sa anak mo at nagamit niya ang Death Magic niya." Nagulat si Kyline na ipinagtaka ng lahat.
"Death Magic? Walang Death Magic si Ynna, Wirian. Wala siyang gano'ng mahika," sagot ni Kyline. Napatakip ng bibig si Kyline nang may naalala siya.
"Ang Demonaire na nasa katawan niya," mahinang bulong niya.
"Ito ang plano mo diba, witch hunter?" nanginginig na sa galit ang kamay ni Kyline.
"Plano mong lumabas ang Demonaire na nasa loob ng katawan ng anak ko para magkaroon ka o kayo ng dahilan na patayin siya." Lumapit si Kyline at hinawakan niya sa leeg si Ricasheign.
"Minahal at pinagkatiwalaan ka ng anak ko tapos ito ang igaganti mo?" Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa leeg ni Ricasheign.
"Walang Death Magic si Rose? Sa Demonaire nanggaling 'yon? Pero sabi ni Rose ay naka-selyo 'yon," komento ni Ashveil.
"Nakaselyo ang Demonaire dahil sa Angelaire ng kapatid niya. Pero sa tuwing nakakaramdam siya ng panganib ay onti-onting nawawala ang epekto ng selyo," paliwanag ni Kyline.
"Pinakita din sa 'kin ni Rose ang itim na Carbuncle at sabi niya isa 'yon sa mga selyo," sabi naman ni Hashton at mas lalong nag-alala si Kyline.
"Squee!" Lumabas mula sa bulsa ni Hashton ang itim na Carbuncle at lumipad ito sa ere na para bang naglalaro.
"Bakit nasa 'yo siya, Hash?" tanong ni Lenrick at nagkibit balikat lang si Hashton bilang sagot.
"'Yon talaga ang plano mo, 'di ba? 'Di ba?" sigaw ni Kyline at agad siyang pinalayo ng dalawang guardian mage.
"Wala kaming ginagawang masama, witch hunter. Bakit ba lagi niyo kaming pinagtatangkaan ang buhay namin?" sigaw pa ni Kyline.
"Natatakot po ako." Niyakap ni Sheignierre si Hashton na ikinagulat nito pero niyakap naman niya ito pabalik.
"Tama na po, Mrs. Crossevell. Kami na po ang bahala sa kaniya," sabi ni Garciel at pinakalma naman ni Dilan si Mrs. Crossevell.
"Ilayo niyo ang lalaking 'yan mula sa anak ko bago pa mahuli ang lahat. Ayoko nang mawalan ng isa pang anak dahil sa mga witch hunter na tulad mo." Umalis na si Kyline mula sa opisina para puntahan si Rose sa dorm.
"Master-" Hindi na nasabi ni Serenity ang gusto niyang sabihin dahil sa nakalabas na ng opisina si Kyline.
"Nawala na 'yong iba pang mga Carbuncles mula sa Spring of Awakening." Napakamot ng pisnge si Serenity.
"Para saan 'yung carbuncle? Anong mangyayari 'pag nawala na ang mga Carbuncle?" tanong ni Lenrick.
"Dalawa ang selyo para sa Demonaire ni master. Isang selyo mula sa Angelaire at ang isa naman ay mula sa 10 seals of Carbuncle," paninimula niya.
"Kapag nawala na ang mga Carbuncles doon ay ibig sabihin lang n'on ay lumalakas na ang Demonaire na nasa katawan ni master," dugtong niya pa.
"Sino ka nga ulit? Nakalimutan ko na eh," komento ni Hudson.
"Serenity. Ito ang totoo kong itsura pwera sa pagiging nine-tailed fox na familiar ni Master Rose." Nagulat ang lahat.
"Ano? Ikaw si Acane?" Tumango si Serenity.
"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat. Kailangan kong hanapin ang mga Carbuncles na 'yon bago pa mahuli ang lahat." Umalis na si Serenity para hanapin ang nawawalang mga carbuncle.
ROSELINDA
Naglalakad ako sa isang hardin na punong-puno ng asul na rosas. May mga talulot na nililipad ng hangin.
"Ynna..." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang kapatid ko na nakangiti sa 'kin.
"Ate Roseline." Niyakap ko siya ng mahigpit. "
Ate, na-miss kita," bulong ko sa kaniya.
"Alam ko. Na-miss din kita, kapatid ko," sagot naman niya. Hinimas niya ang likod ko at napakalma naman niya ko dahil doon.
"Alam ko kung ano ang nangyari. Nakikita ko ang mga nangyayari kaya ako nandito ngayon para balaan ka." Napatingin ako sa kaniya.
"Malapit nang masira ang selyo kaya kailangan mong mag-ingat mula sa witch hunter na 'yon. Hindi talaga niya gustong bumalik ka sa kaniya dahil gusto niyang palabasin mo ang Denonaire," sabi niya.
"Kapag pinalabas mo ang Demonaire, bibigyan mo rin sila ng dahilan para ipapatay ka ng ministry kaya mag-ingat ka." Tumango ako.
"Pero 'wag kang mag-alala, nandito ako para sa 'yo at pipigilan ang Demonaire na nasa katawan mo. Gaawin ko ang lahat para hindi ka maphamak." Hinalikan niya ko sa noo.
Biglang lumiwanag ng sobra hanggang sa hindi ko na siya makita pa.
•*•*•*•*•*
Nagising ako sa isang panaginip at nakita ko agad ang kisame sa dorm ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama at napatingin sa paligid.
Nakita ko si Aracne pero wala si Acane doon. Hinimas ko ang ulo ni Aracne at napangiti ng malungkot.
"Nawalan na naman ako ng control," mahinang saad ko st humiga ulit. Narinig kong may kumatok sa pintuan at napatingin ako doon.
Nakita kong pumasok si mama sa loob ng kwarto ko at agad niya kong niyakap. Umupo siya sa kama ko at niyakap ko rin siya pabalik.
"Sorry po mama kung pinatawag ka dito dahil sa ginawa ko," bulong ko.
"Hindi mo kasalanan, anak. Kasalanan 'yon ng witch hunter na 'yon," sagot naman niya.
"Ayokong masira nang dahil sa 'kin ang pangalan ng pamilya natin, mama." Hinimas niya ang buhok ko.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila, anak. 'Wag kang mag-alala," sagot niya. Napapikit na lang ako ng mga mata dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
THIRD PERSON
May dumating na sulat para kay Wirian at binabasa niya ito ngayon sa harap ng lahat na nasa loob ng opisina niya.
"Ang desisyon mula sa Ministry ay ilayo ang mga witch hunter mula kay Ms. Crossevell. Hindi siya p'wedeng galawin, hawakan, lapitan, o kung ano pa man."
"Kapag may ginawang hindi dapat ang mga witch hunter kay Ms. Crossevell, kami na ang magpaparusa sa inyo," sabi ni Wirian habang nakatingin kay Ricasheign.
"Paano po 'yung bata?" tanong ni Henry.
"Maliban lang sa kaniya. Hindi p'wedeng maging isang ganap na witch hunter ang bata dahil sa mas malapit siya sa kaniyang ina kaysa sa ama," sagot ni Collins.
"Kapag lumabas ang Demonaire at may kinalaman ang mga witch hunters doon, papatayin ang mga witch hunter at ikukulong ang Demonaire sa Lake of Seal," dugtong pa ni Wirian.
"Tulad ng napag-usapan natin no'n," saad ni Hashton sa mga kaibigan niya.
"Oo nga. Tulad ng naging plano natin no'ng una pa lang," sagot ni Lenrick.
"Ang guardian mage na ang bahala sa pag-seal sa kaniya, 'di ba?" paniniguro ni Ashveil.
"Oo. Kami na ang bahala," simpleng sagot ni Dilan.
"Sabi ni Rose ay gusto niyang ako mismo ang mag-seal sa kaniya sa lawa na 'yon," sabi naman ni Hashton.
"Dahil para ma-seal ang isang tao o nilalang sa Lake of Seal ay dapat malakas ang koneksyon ng dalawang tao para magtagumpay 'yon," paliwanag naman ni Arcy.
"Kaya naman pala si Hashton ang sinabihan niya. Suportahan na lang siya kapag nangyari na ang kinakatakutan natin," sabi naman ni Henry.
"Bantayan niyo lagi si Rose dahil kayo ang mga kaibigan niya. Sabihan niyo agad ako kung may ginawang mali ang witch hunter sa kaniya." Tumango ang lahat at nagsi-alisan na silang lahat.
•••• END OF CHAPTER 49. ••••