Yu & Ai (1886) | Completed

By FightingTheGiants

27.5K 1.9K 109

[ UNEDITED ] Isang antique collector si Yuan Clemonte sa edad na dalawampu't dalawa. Nag-aaral ng Fine Arts s... More

PARA SA AKING MGA KAPATID !
UNANG PAHINA
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
HULING PAHINA
PARA SA AKING MGA KAPATID

KABANATA XXXI

335 22 7
By FightingTheGiants

“Mahal na mahal ka ni Kuya kaya lahat gagawin ko para sa iyo.”

Isang baril mula sa kalayuan ang tumama kay Baste na kaagad nitong ikinatumba. Nangangandarapa akong tumakbo papalapit sa kanya.

Baste! Baste! Lumaban ka !  pakiusap! .” umiiyak na sabi ko. “Aida , bilis tulungan mo ako!” pumiyok na ang boses ko dahil sa pag-iyak. Kaagad naming inalalayan na makatayo si Baste na may tama ng baril sa tagiliran.

Sumuot kami sa mga damuhan para hindi kami masundan. Habang daan ay sinasabihan ko si Baste na piliting lumaban. Nakarating kami sa isang lumang kubo. Pumasok kami sa loob nito at agad na inihiga si Baste sa may papag.


Pinunit ni Aida ang laylayan ng saya niya para maipansapo sa dugong lumalabas sa sugat niya. Minsan pa itong umubo na may kasamang dugo.


“Baste! Pakiusap ! huwag mo akong iiwan ! nakikiusap ako!” humagulhol na ako habang na hawak ko ng mahigpit ang kamay niya.


Ma--saya a--ako at ma-kakasama mo na ang ma--hal mo.” pilit nitong sabi kahit may lumalabas ng dugo sa bibig niya.


Huwag ka nang magsalita ! Aida, hindi ba’t magaling kang manggamot? Gamutin mo si Baste , pakiusap. Sige na! ” patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Pati si Aida ay umiiyak na rin.


“Hindi ko kayang gamutin ang tama ng baril. Mga simpleng sugat lamang ang kaya ko Yusebio.”


Hu---wag ka nang mag--alala, “ sambit ni Baste.


Hindi! Tatawagin ko si Mang Tino magaling ‘yun manggamot para mailigtas ka nya.” hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa bigat ng dibdib ko. Handa kong gawin ang lahat. Ayoko ng may mawala na naman sa akin. Hindi ko na yun kakayanin.

Hinawakan niya ang kamay ko saka muling nagsalita.



Ma--aari mo ba a--kong ta--waging ku--ya?” tanong nito saka hinawakan ang pisngi ko


Tumango naman ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “Ku--ya! Araw-araw na kitang tatawaging kuya, kaya pakiusap Baste, lumaban ka!” tumatangis kong sambit.



Wa--la a--akong ibang hi--ling kung hin--di ang ma--ging masaya ka a--king ka--patid.” aniya.

Hang--gang sa mu--li na--ting pagki--kita.” dugtong nito.


Dumausdos na pababa ang kamay niyang kanina ay nakahawak sa pisngi ko.


Hindi ako makagalaw. Naestatwa ako sa aking kinakatayuan. Napatulala ako sa walang buhay niyang katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Inalog-alog ko ang katawan ni Baste. Pinipigilan na ako ni Aida pero hindi ako nagpapigil.


Baste! Huwag mo naman a--kong i--wan ! Basteeee!” sigaw ko habang inaalog alog ang katawan niya.


Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya ngunit hindi na siya kumapit sa akin pabalik.


Naramdaman ko na lang ang kamay ni Aida sa balikat ko.


Wala na siya Yusebio. Wala na si Baste.” saad nito habang umiiyak


Hindi ! hindi maari !” tutol ko. "Baste! Gumi---sing ka. Paki----usap Baste!  Umiiling ako dahil hindi ko matanggap na wala na si Baste.



Hindi ko matanggap na nawalan siya ng buhay sa harapan ko. Ang sakit-sakit. Parang tinutusok ng libong espada ang dibdib ko sa mga sandaling ito. Hindi ko man siya nakasamang lumaki bilang Yuan, masakit para sa akin dahil parang nawalan na rin ako ng tunay na kapatid. Patuloy ako sa pagtawag sa pangalan niya hanggang sa mapaos ako. Pero wala ng saysay ang lahat ng ginagawa ko.


Wala na talaga siya. Iniwan na niya ako.


Bago sumikat ang araw ay inilibing na namin ang bangkay ni Baste. Hindi namin siya madala sa mismong libingan ng mga patay dito sa San Diego dahil baka may makakita sa amin. Kaya kahit mabigat sa loob ko ay naghukay na lamang ako ng maari niyang paglibingan. Sa may malapit sa lawa.


Pinakiusapan din ako ni Aida na kung maari’y kuhanin namin ang bangkay ni Feli na naiwan sa musuleo ng mga Ibarra.


Naiintindihan ko siya dahil katulad ko’y gusto rin niya na mabigyan ng maayos na libing ang mga mahal namin sa buhay.



May kakaiba ng amoy ang bangkay ni Feli ng kuhanin namin iyon. Tiniis na lang namin ni Aida hanggang sa madala namin sa may lawa. Nilakihan ko ang butas na paglilibingan.


Binalot namin sila sa tela saka inilagay sa butas. Alam kong minahal ni Baste si Feli. Hindi nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya. Kaya kahit sa kabilang buhay naman nila ay matuloy ang naudlot nilang pagmamahalan. Itinabi ko ang bangkay ni Feli kay Baste bago tinabunan ng lupa.


Sa kada bagsak ng lupa sa mga walang buhay nilang katawan ay siya ring bagsak ng mga luha ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil. Tila ba walang katapusan ang mga ito.



Hindi ko alam kung nakikisama ba ang panahon sa aking pagdadalamhati dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lamang at tapos ko na silang tabunan kaya bumalik na kami ni Aida sa kubo.


Madilim pa ang paligid. Kaya napagdesisyunan namin na habang hindi pa lumiliwanag ay lumabas na kami ng San Diego. Hindi na kami ligtas dito.

May mga kagamitan na naiwan sa kubo katulad ng salakot at ilang mga damit. Iyon ang ginamit namin ni Aida para kahit paano’y maitago namin ang aming mukha.


Mga alas-singko na ng umaga ng makarating kami sa sentro ng San Diego. Naisip ko na gumawa muna ng sulat para maibigay kina Tiya Aurora. Alam kong sila ang babalikan ni Crisanto dahil sa nangyari at ayaw ko ng may mapahamak na naman sila. Ipinakiusap ko sa isang bata na ibigay ang sulat kay Tiya Aurora. Sana nga ay matanggap niya ito.


Mabilis na namang kumalat ang balita tungkol sa naging pagsalakay ng mga taga-bukid sa lugar ng mga Fuentes. Marami ang napaslang mula sa dalawang panig. Umabot na rin sa Gobernador heneral ng Pilipinas na si Manuel Corcuera ang nangyari. Magkakaroon ng isang imbestigasyon patungkol sa pagkamkam ng pamilyang Fuentes sa ilang mga lupain ng mga magsasaka. Hindi lamang si Crisanto ang maiisalang sa mangyayaring imbestigasyon pati ang kapitan-heneral at ibang paring pransiskano dito sa San Diego. Naging usap-usapan ito sa lahat ng mga tindahan at bahayan dito sa bayan.


Balita ko ay maraming lupain ang kinamkam ng mga Fuentes.” sambit ng isang magtitinda ng gulay.


Pati umano pera ng simbahan ay kinukuha nila. Kaya siguro namatay si Padre Domico ay dahil may kinalaman sila dun.” sumabat naman ang isa.



Maghinay-hinay kayo sa pananalita baka may makarinig sa inyo ay maputalan kayo ng dila.” pangaral ng isang matandang lalaki.



Tumuloy na kami ni Aida at hindi na nakinig sa mga usapan ng iba. Mabuti na lang at marami-rami na ang tao sa paligid kaya nakakahalo kami sa kanila ng sa gayon ay hindi kami mapansin.

Naglakad na kami ni Aida hanggang sa makarating kami sa dulong bahagi ng San Diego kung nasaan ang arko na may nakaukit na pangalan ng bayan.  Napatigil ako saglit at muling nilingon ang bayan ng San Diego.


Ang dami kong natutunan sa bayan na ito. Natutunan ko kung gaano kahirap ang mabuhay , na kaylangan mo munang pagpawisan ang lahat ng nais mo bago mo ito makamtan. Natutunan ko rin na makuntento sa kung anong nakahain sa mesa ang mahalaga ay may mailalaman ka sa tiyan at masayang magkakasama kahit simple lamang ang pamumuhay.


Sa bayan na ito ko nakilala ang mga taong nagpaintindi sa akin ng halaga ng maliliit na bagay. Ang makontento sa kung ano ang meron ka at maging masaya kahit may problema.

Hinding-hindi ko sila makakalimutan. Sina Manuel, Tiya Aurora, Tiyo Agapito , si Esme at si Baste.


At higit sa lahat dito ko natutunan kung paano ang masaktan at lumaban. Masaktan dahil sa mga problema at maging malakas para labanan ang lahat ng ito.


Sa huling pagkakataon ay muli kong pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi. Muli kong inalala ang masasaya at masasakit na alaala na binigay at pinaranas sa aking ng bayang ito. Napangiti ako ng mapait at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang aking pag-iyak.



Tinapik ni Aida ang balikat ko. “Tara na Yusebio. Kaylangan na nating magmadali.” saad niya.


Tumalikod  na ako at sumunod sa kanya. Nilapitan ko siya saka hinawakan ang kanan nitong kamay. Tumugon naman siya at hinawakan din ng mahigpit ang kamay ko.




Hindi dapat ako panghinaan ng loob ngayon dahil may isang tao pa akong kaylangang protektahan. Si Aida.


Continue Reading

You'll Also Like

60.1K 1.9K 43
Lumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hi...
799K 34.9K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
11M 28.5K 7
"It's one of those things you won't understand unless it happens to you" -Author.
32.1M 818K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...