I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WI...

By oharafatimaphr

89.6K 1.1K 41

"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Ch... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine

Chapter Ten

12.3K 226 13
By oharafatimaphr

NAMATAAN ni Cherry ang kanilang head na naglalakad patungo sa kanyang table. Nabuhay ang natutulog niyang dugo nang makita ito kaya naman agad siyang umayos ng upo. Ilang sandali pa at nakatayo na ito sa kanyang harapan.

"Gusto ko lang sanang ibigay sa'yo ito, Cherry." isang pulang folder ang inabot nito sa kanya. "This will be your new assignment."

Nagtatrabaho siya bilang isa sa mga writers ng isang kilalang magazine sa bansa. She pursued her writing career right after she graduted from college at maganda naman ang kinahinatnan niyon. Sa kasalukuyan ay maglilimang taon na siyang nagsusulat para doon.

"Kailangan mong sumulat ng isang feature article tungkol sa doktor na si Atom Aurelio." Natigilan si Cherry sa pagbubuklat ng naturang folder nang marinig ang pangalang binanggit nito. "A lot of people are interested to know him pagkatapos niyang makadiskobre ng cure sa isang kumakalat na virus sa bansa."

Pakiramdam ni Cherry ay biglang naging abnormal ang tibok ng kanyang puso at nanuyo ang kanyang lalamunan. Gayundin ang naging epekto sa kanya nang unang beses niyang marinig ang balita na iyon tungkol sa doktor. She worked so hard para tuluyan itong burahin sa kanyang sistema at hindi niya matanggap sa sarili na sa isang pitik lamang ng daliri ay mawawalan ng saysay ang lahat. Kung paano itong nagtagumpay na makahanap ng lunas para masugpo ang isang virus ay siya namang ikinabigo niyang makahanap ng lunas para tuluyang sugpuin ang damdamin para rito. Napagtanto niya na hanggang ngayon pala ay umiibig pa rin siya sa binata.

"M-Madam, b-baka naman p-po nabibigla lang k-kayo," Nagkandautal-utal siya pagkat di niya malaman kung paano ito tatanggihan. Sa dinami-rami ng taong pwede niyang gawan ng feature article ay hindi siya makapaniwala na ang doktor pa ang ma-a-assign sa kanya. Hindi niya gustong maniwala na pinaglalaruan siya ng tadhana pero tila iyon ang nangyayari. "I-I mean, I appreciate that you gave this assignment to me p-pero, ibabalato ko nalang po s-siguro ang isang ito sa ibang writers natin."

"Hindi 'yan ang inaasahan kong marinig mula sa'yo, Cherry. You're one of our best writers kaya nga ikaw ang pinili ko para sa assignment na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatanggihan mo." pinagkunutan siya nito nang noo. "You're not like this. Wala ka pang tinanggihan sa mga assignments na ibinigay ko sa'yo before. Tell me, may problema ba?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi pagkat hindi niya malaman kung saan hahagilap ng paliwanag dito. She couldn't possibly say to her na kaya tumatanggi siya ay dahil kilala niya ang doktor at niligawan niya ito. Hindi niya gustong ungkatin pa ulit sa ibang tao ang tungkol sa bagay na iyon.

"Ah, basta, buo na ang desisyon kong ibigay sa'yo ang assignment na ito." ang ipinahayag nito nang wala siyang maibigay na matinong dahilan. "I'll be expecting your first draft in three days, Cherry."

"P-Pero Madam----" hindi na niya na nagawang ituloy pa ang pagtutol dahil tuluyan na siyang tinalikuran nito. Napabuga siya ng hangin habang inihahatid ito ng tanaw palayo. Nang mawala na ito sa paningin ay makailang beses niyang ipinukpok ang noo sa kanyang table dala nang labis na frustration. "What am I gonna do?!"

NAGDIRE-DIRETSO si Atom sa kanyang kwarto pag-uwi niya sa bahay nang araw na iyon. Napagod siya sa trabaho pero mas napagod siya sa pag-iwas sa makukulit na columnist at mediamen na nagrerequest ng interview sa kanya patungkol sa cure na nadiskubre niya panlaban sa isang kumakalat na virus sa bansa. Kung bakit ba naman kasi biglang nagleaked ang information tungkol sa gamot gayong hindi pa naman tapos ang testing. Pagpasok niya sa kwarto ay agad niyang napansin ang nakailaw na answering machine. Kahit pala sa bahay ay tinatawagan siya ng mga ito. Sa kabila nang nararamdamang pagod ay isa-isa pa rin niyang pinakinggan ang mensaheng iniwan nang mga ito. Natigilan siya nang may isang pamilyar na tinig siyang narinig mula sa isa sa mga mensahe.

"Good day, Doctor Aurelio. This is Cherry Lou Cervantes of The Northern Star. Our Magazine wants to feature you in our coming issue, and if you will permit, we want to conduct an interview with you. We will wait for your answer. Thank you."

Binalot ng isang pamilyar na damdamin ang buong katauhan ni Atom matapos mapakinggan iyon. Napapabuntong-hiningang ibinagsak niya ang sarili sa kama habang nakatulala sa kawalan. Sa loob ng ilang taon ay pilit niyang ikinadena ang damdaming iyon subalit sa pagkakataong iyon ay wala na siyang nagawa nang tuluyan itong kumawala. Napapikit siya nang mariin saka paulit-ulit na tinapik ang kanyang noo. Oo, marahil ay maraming naging pagbabago sa kanya sa mga nakalipas na taon, pero iisa lamang ang masisigurado niya, walang naging pagbabago sa nararamdaman niya para sa dalaga.

"Hello, Miss Cervantes. I received your message regarding the interview that you're requesting. I just want to inform you that I am free tomorrow afternoon. I'll be expecting you at the hospital around this time."

Pinutol ni Atom ang anumang ugnayang namamagitan sa kanila ng dalaga hindi dahil sa naniwala siya sa sinabi nitong hindi siya nito minahal. Alam niyang nagsisinungaling ito pagkat nakita niya sa mga mata nito na kabaligtaran ng sinasabi nito ang nadarama. Gayunpaman ay mas pinili pa rin niyang pakawalan ito pagkat naisip niya na tama ito. She's young and impulsive kaya naman tulad ng isang halaman ay binigyan niya ito ng panahon upang lumago. Subalit sa pagkakataong ito ay naniniwala siyang panahon na upang muli silang magkaharap. Alam niyang lalabas siyang bias sa iba matapos niyang pagbigyan ang hinihiling nitong interview ngunit hindi bale na. Gusto niya iyong gawing tulay para alamin kung tulad nito ay may puwang pa rin ba siya sa puso ng dalaga.

PAKIRAMDAM ni Cherry ay biglang nawala sa lugar ang kanyang puso pagkaapak na pagkaapak pa lamang ng mga paa niya sa loob ng hospital compound. It was the same feeling that she felt back then sa tuwing magpupunta siya doon upang abangan ang paglabas ni Atom. Ilang sandali siyang naestatwa sa harap niyon bago napapabuntong-hiningang ipinagpatuloy ang paghakbang. She can't help but reminisce all the memories she had with the only man she love for the past five years of her life.

Nang mareceived niya ang mensahe kahapon mula kay Atom ay magkakahalong emosyon ang kanyang nadama. Ilang sandali siyang nakatulala lamang sa harap ng answering machine na tila ba naengkanto. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o ano dahil nagawa niya itong mapapayag sa interview na hinihiling niya. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handang makaharap ito ulit pero may parte sa kanya ang nagkakandarapang makita ito. Ilang beses niyang inulit-ulit sa sarili na makikipagkita lamang ulit siya dito nang dahil sa trabaho pero maski siya sa sarili niya ay hirap maniwala. Letseng puso naman kasi niya na hanggang ngayon ay tumitibok pa rin para dito. Pati tuloy ang takbo ng utak niya ay naaapektuhan.

Natigilan si Cherry sa paghakbang nang mamataan mula sa di kalayuan ang taong kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan. She suddenly felt breathless habang pinagmamasdan ang binata na ilang dipa lamang ang layo mula sa kanya. He grew a little bit muscular than before at sa pakiwari niya ay mas lalo itong naging sexy sa kanyang paningin. Nagmature nang kaunti ang gwapong mukha nito dahil sa mustasche at bahagyang makapal na stubble. Gayunpaman, sa kabila ng ilang pisikal na pagbabago dito, hindi niya maitatangging parehong-parehong kaba pa rin ang dulot nito sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Napalis ang kabang nararamdaman niya at napalitan nang kirot nang makita kung sino ang kau-kausap ng doktor. It was the same woman na nakita niyang kasama nito sa coffee shop nang gabing magkikita dapat sila. Biglang nanikip ang kanyang dibdib nang makita ang batang babaeng nakakapit sa isang braso nito. Hindi siya tanga para hindi makita ang naghuhumiyaw na katotohanan na ang lalaking pinangarap niya buong buhay niya ay pamilyado na ngayon. Parang pinipiga ang kanyang puso habang pinagmamasdan ang doktor na nag-te-take ng pictures kasama ang mag-ina.

They looked like a perfect family at hindi maiwasan ni Cherry ang manggipuspos sa labis na sakit at panghihinayang na nararamdaman. Bakit nga ba hindi niya naisip na maaring may pamilya na ito ngayon? Hinayaan na naman niyang malinlang siya nang damdamin para ritong kahit anong pagwawaksi ang gawin niya ay patuloy pa rin siyang inaalipin. Ang sakit-sakit na pakiramdam niya ay sinagasaan ng pison ang kanyang puso. Pinigilan niya sa pagpatak ang nanggigilid na niyang luha at saka nagpatuloy sa paghakbang. Kahit gaano pa man siya naapektuhan sa nakita ay kailangan pa rin niyang gawin ang trabaho niya.

PINAGMASDAN ni Atom si Isadora at ang three year old daughter nito na Yuri daw ang pangalan. Bakas na bakas sa mukha ng babae ang labis na kasiyahan at contentment sa buhay. Ilang linggo pagkatapos nilang magkausap ay tuluyan na ngang nagising mula sa coma ang asawa nito at nadischarged sa hospital. Wala na siyang naging balita dito until this day na aksidente silang muling nagkita sa hospital. Nalipat daw kasi sa hospital na iyon ang pedia ni Yuri at may consultation ang bata dito nang araw na iyon.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo. Kung di mo siguro pinalakas ang loob ko nang gabing iyon ay baka bumigay na din ako. Pag nagkataon ay wala sana akong cute na cute na Yuri ngayon." ang sabi nito sa kanya saka pinisil sa pisngi ang anak nitong nakakapit sa isang kamay nito. "By the way, ikaw? Kamusta ka naman? Wala ka pa bang little Yuri diyan na gaya ko?"

Nginitian lamang niya ang makahulugang pahayag nitong iyon. "I'm hoping to have soon." Lumapit siya sa bata at hinagod ang buhok nito gamit ang isang kamay.

"Kunin mo akong ninang, ha!" ang nakatawang biro naman nito sa kanya. "Siya nga pala, pwede ba tayong magpicture na tatlo?" kinuha nito sa bag ang isang camera at itinaas iyon. "It's really seldom na magkita tayo at gusto ko sanang magkaroon nang remembrance."

"Sure, walang problema." kinuha niya ang camera mula rito at siya na mismo ang nagtake ng picture kasama ang mga ito. "Smile!"

Pag-angat niya nang camera ay natigilan siya nang may isang pamilyar na mukhang mamataan mula sa di kalayuan. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon para lamang mapatunayan na hindi nga siya nililinlang ng mga mata. Yes, he was standing a meter away from Cherry at hindi niya maawat ang paglaganap nang pamilyar na damdamin sa kanyang loob. She's a career woman now at mas lalo itong gumanda sa kanyang paningin. Ginawa niya ang lahat upang pigilan ang sariling lapitan ito at gawaran nang isang mahigpit na yakap.

"Salamat, dok!" ang narinig niyang ipinahayag ni Isadora matapos niyang ibalik dito ang camera. Subalit masyado na siyang distracted sa presensya ni Cherry kaya hindi na niya nagawang tumugon. Nagpaalam na ito sa kanya. "Mauuna na kami."

NAGTATAKANG ihinatid ng tanaw ni Cherry ang mag-ina habang naglalakad palayo ang mga ito. Alam niyang namataan na siya ni Atom at lihim siyang nagpasalamat na pinauna na nito ang mag-ina sa loob bago pa man siya tuluyang makalapit. Baka hindi na kayanin ng kanyang puso at tuluyan na iyong bumigay kung ipinakilala pa nito ang mga ito sa kanya. Gayunpaman ay hindi pa rin niya maiwasang mapansin na parang may mali sa turingan ng dalawa. Parang kung kumilos ang mga ito ay hindi naman sila mag-asawa. There you go again, Cherry! Binibigyan mo na naman ng false hope ang sarili mo. Utang na loob naman, oh! Ang mabilis niyang kastigo sa makulit niyang kokote na pinapaasa na naman siya. She had enough for this day at ang tanging gusto na lamang niya ay matapos na ang interview nang sa gayon ay maipamukha na niya sa sarili na wala na talaga siyang aasahan pa ngayon sa lalaki.

"M-Magandang araw, D-Doctor Aurelio." Paksyet naman, oh! Bakit ba ngayong kaharap na niya ito ay hindi niya maiwasang hindi mapautal. Kahit ang puso niya ay talagang ipinagkanulo na siya dahil ayaw niyong magpaawat sa pagkabog. Pati tuhod niya ay bigla ring nanghina ngayong abot-kamay na lamang niya ang gwapong mukha nito. She cleared her throat para mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya pero wala iyong epekto. "I-I'm here in behalf of The N-northern Star p-para sa interview n-na nirerequest n-namin."

Subalit nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya na tila ba pinag-aaralan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Damn, kung hindi lang talaga niya alam na may asawa na ito ay baka nakalimutan na niya ang talagang pakay niya rito. Ipinaling niya ang ulo sa ibang direksyon pagkat naiilang siya sa mga titig na ipinagkakaloob nito sa kanya.

"Come, let's talk in my clinic." Nagulat pa siya nang bigla na lamang nitong kuhanin ang isa niyang kamay at hilahin siya papasok ng hospital. Iba't-ibang emosyon ang kanyang naramdaman at tila biglang nagmalfunction ang malaking bahagi ng kanyang utak. Di kalaunan ay nahagip muli nang kanyang mata ang babaeng inaakala niyang asawa nito at awtomatikong binawi niya ang kamay mula rito. Kunot-noong napatingin ito sa kanya. "Anong problema?"

She suddenly wants to kick him and slap him hard on his face. Ang lakas ng loob nitong magtanong kung anong problema. Baka ikaw ang may problema! Ano't hinahawakan mo ang kamay ko at tila proud ka pa yatang ipakita 'yon sa misis mo! Gusto mo ba akong ihanap nang away, ha?! Ang gusto sana niyang sabihin dito ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay humugot siya nang isang malalim na hininga upang kalmahin ang sarili.

"Isn't she your wife?" pagtukoy niya sa naturang babae na ngayon ay tuluyan nang nakalayo sa kanila. "Baka magalit siya kapag nakita niyang hawak mo ang kamay ko."

Lalong lumalim ang gitla sa noo nito nang marinig ang kanyang sinabi. Atom stared at her as if she just said something stupid na hindi nito malaman kung matatawa ba o ano. Nagtaka siya pagkat hindi iyon ang inaasahan niyang matatanggap na reaksyon mula rito.

"You mean, Isadora?" naguguluhan pa rin na tanong nito sa kanya. "I know her, but no, she's not my wife."

Napamaang si Cherry sa narinig na tinuran nito. Nagsasabi ba ito nang totoo sa kanya o binibilog lang nito ang kanyang ulo? Sa isang iglap ay bumalik sa kanya ang alaala nang gabing makita niya ang mga itong magkasama sa coffee shop.

"P-Pero nakita ko kayong dalawa nang gabing magkikita dapat tayo. Y-You were with her... n-nasa coffee shop kayo... s-she was hugging you!" Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin dito ang tungkol sa bagay na iyon. Basta ang alam lang niya ay naguguluhan siya. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang relasyong namamagitan sa dalawa. "K-Kaya hindi ko maintindihan... paanong hindi... she even carries your baby-"

"Wait, nakita mo kaming magkasama ni Isadora sa coffee shop that night?" putol nito sa ano pa mang sasabihin niya. "Bakit hindi mo ko nilapitan or tinawag man lang?"

Nanghihinang napatango na lamang siya rito at hindi na nagawa pang sagutin ang tanong nito kung bakit hindi siya lumapit. She was too hurt that time para gawin pa ang sinasabi nito. Ang akala niya ay pinaasa lamang siya nito habang gumagawa ito ng kalokohan sa kanyang likuran. Araw-araw sa loob nang limang taon ay nasasaktan siya kapag naiisip niya iyon. Napabuntong-hininga si Atom nang wala nang matanggap na iba pang tugon mula sa kanya. Lumapit ito sa kanya saka pinagdaop ang mga palad sa kanyang pisngi.

"Listen, kung nagtataka ka kung sino si Isadora, she's my ex-girlfriend. But that was way back two years ago bago pa man kita makilala. Now, about what happened that night. Papunta na sana ako sa'yo no'n when I accidentally bumped into her. She was so depressed at kailangan niya nang makakausap. Nakunan siya at nacoma ang asawa niya kaya di ko siya nagawang tanggihan. It was the only reason kaya sinamahan ko siya sa coffee shop." pagbibigay-linaw nito sa mga nasaksihan niya nang gabing iyon. "I texted you kaso nabagsak yung phone ko at huli na nung namalayan kong hindi pala nagsend sa'yo yung message. I'm really sorry for what happened. Pinuntahan pa rin kita noon sa meeting place natin kaso nakaalis ka na."

Hindi na napigilan ni Cherry ang sariling hindi mapaiyak dala nang labis na frustration. Kahit kailan talaga ang tanga-tanga niya. Hindi man lang niya ito binigyan nang pagkakataon na makapagpaliwanag at sa halip ay nag-assume kaagad siya na may relasyon ang dalawa. Nang dahil sa kagagahan niya ay limang taon tuloy siyang nabuhay sa sama ng loob. Bigla siyang nanghinayang sa mga luha niya at lalong-lalo na sa mga panahong nawala sa kanila nito.

"Sshh, wag ka nang umiyak," pinalis nito ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng isang kamay. Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit. Sobrang miss na miss niya ito. Kaagad naman nitong tinugon ang kanyang yakap. Sumandig siya sa may dibdib nito at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Maya-maya nang maramdaman nitong nahimasmasan na siya ay kumalas ito sa pagkakayakap niya at pinagmasdan siya. "Is it the reason kaya bigla ka nalang nagpaalam sa akin the next day?"

Kagat-labing tumango siya. "I'm sorry kung hindi kita nagawang pakinggan. Ang naisip ko agad no'n ay kung paano ibabangon ang sarili ko sa paningin mo. Iyon ang dahilan kaya sinabi kong infatuation lang ang naramdaman ko sa'yo at hindi kita totoong minahal." She smiled apologetically at him. "Pero alam ko naman sa sarili ko no'n na in love talaga ako sa'yo. Alam mo bang hindi pa man kita nakikilala ay napapanaginipan na kita. A dream that eventually lead me to you. Naniniwala ako na ikaw talaga ang destiny ko kasi kung hindi ay wala sana ako sa harap mo ngayon. Hindi sana gumawa ulit ng paraan ang tadhana para magkita tayo ulit ngayon." Mayamaya ay nabalot ng pag-aalala ang kanyang puso. "Sandali, naniwala ka ba sa akin noon nang sabihin kong hindi kita talaga minahal?"

"Nope," nakangiting tugon nito bago siya muling kabigin at yakapin nang mahigpit. "Nakita ko kasi sa mga mata mo na kabaligtaran nang sinasabi mo ang nararamdaman mo, eh."

"Sus, ang daya mo!" ginawaran niya ito nang mahinang suntok sa likod. Subalit natigilan siya nang may kung anong maalala. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang kumalas sa pagkakayakap nito. "Teka, kung hindi ka pala naniwala, bakit hindi mo man lang ako pinigilan nang magpaalam ako sa'yo?"

"It's hard to explain pero naisip ko na tama ka sa mga sinabi mo. You're young and impulsive. Naisip ko na tulad ng isang halaman ay kailangan mo ng panahon para lumago. I want you to focus sa mga bagay na mas mahalaga that time kagaya na lamang ng pag-aaral mo. I don't want to cause no more distraction to you kaya mas pinili kong pakawalan ka. Though, I promise myself that time na sa tamang panahon, babalikan kita." he stared lovingly at her bago nito marahang haplusin ang kanyang pisngi. "Cherry, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo na hindi ka lang nagtagumpay na mapasok ang mundo ko, nagtagumpay ka pa na mapasok ang puso ko." Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Pakiramdam niya ay biglang maiiyak na naman siya sa mga pinagsasabi nito. Napangiti ito sa kanya. "Yes, you did make me fall in love with you, Cherry."

Nag-unahang pumatak ang kanyang mga luha sa sinabi nito. Kaytagal niyang inasam-asam na marinig mula dito ang mga salitang iyon. At ngayong narinig na nga niya ay hindi naman niya mapigilan ang sariling hindi maiyak sa labis na kasiyahan.

"Oh, bakit umiiyak ka na naman?" nangingiting tanong nito bago muling pahirin ang luha sa kanyang mga pisngi.

"Wala, nanghihinayang lang ako sa mga panahong nasayang dahil sa kagagahan ko." aniyang hindi pa rin maawat ang sarili sa pag-iyak.

"Sus, wag mo nang isipin iyon. Meron pa naman tayong lifetime, eh. Kakaunti lang ang mga panahong 'yon kung ikukumpara sa lifetime natin."

Gumapang ang kilig sa kanyang sistema. Kung gano'n ay siya na pala talaga ang nakikita nitong makakasama nito habang buhay. Kahit siya man ay wala nang gustong makasama sa kanyang pagtanda kung hindi ito lang. She cupped his cheeks at nakapa niya ang mga stubbles nito. Shit, ang hot hot talaga ng future husband niya!

"Ang pogi pogi mo," nakangiting sabi niya rito saka niya pinisil ang ilong nito. She can't believe how this guy managed to take her breath away. Hay, hindi na siya makapaghintay na bunuin ang lifetime kasama ito. "At mahal kita."

Atom smiled back at her. "I love you, too, Cherry." Ginawaran siya nito nang isang masuyong halik sa labi pagkasabi niyon.

Naalala bigla ni Cherry ang panaginip niya habang pinagsasaluhan nila ang halik na iyon. Para iyong teleserye sa telebisyon na ngayon lang nagkaroon ng continuation. Ang kaibahan nga lang ay wala nang gigising sa kanya sa pagkakataong iyon dahil totoong-totoo na iyong nangyayari ngayon. J

WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 154K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
1.4M 33.6K 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagan...
1.6M 39.3K 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwa...
10.2M 258K 66
The Doctor is out. He's hiding something