~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Everything seems normal today. We are here at the training room pala para mag-sanay at mag-sayang ng pawis na naman. It's been a week mula noong dinekwat ko si Frost. Aba! Malay ko ba kung babalik siya o hindi? And, hindi na rin naman niya ako kinausap. So, I guess, kung ano man 'yong sasabihin niya ay hindi naman gaanong importante talaga.
Naka-upo kami ngayon sa marmol na sahig ng training room habang nasa harap naman namin ang aming guro. Bago ito. At isa rin siyang Hapones. Mula raw siya sa Mortal World, but he is originally from here. Doon siya lumaki, at nag-training ng diffierent kind of Martial Arts. Yep! Physical ang training namin ngayon, hindi magic. He also told us to call him Sensei.
"Okay...so we'll start now. Are you guys ready?" tanong niya sa amin, habang palakad-lakad pa sa harapan at seryoso ang mukha.
"Yes, Sensei!" sagot naman namin sa kanya. Tumango naman siya, saka niya ini-libot ang paningin niya sa paligid.
"Okay. The first two person na maglalaban ngayon ay sina... Seven and Lovely!" anunsyo ni Sensei. Kaagad namang tumungo sa gitna sina Seven at Lovely. Seryoso lamang si Lovely, habang si Seven naman ay mapang-asar na naka-ngisi kay Lovely. Sira-ulo talaga itong isang 'to.
Mayamaya lang ay nag-bigay na si Sensei ng hudyat na magsisimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang panauhin.
Naunang sumugod si Lovely. Mabilis ang mga galaw nito. Si Seven naman ay todo ilag lang at talagang tinatawanan niya pa ang ngayo'y inis na inis nang si Lovely. Kulang na lang ay sumabog itong parang bomba sa sobrang pula niya.
Laban lang sila ng laban, hanggang sa matamaan ni Lovely ang mukha ni Seven. Jackpot!
Nangunot ang noo ni Seven. I think, ayaw niya na pinupunterya ang mukha niya, since may pagka-feeling pogi rin siya minsan. At ngayon, si Lovely na ang naka-ngisi. Over acting rin kasi itong si Seven. Mas maarte pa sa bakla at babae kung umasta. Tsk! Tsk!
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari at sa isang iglap lang ay...natumba si Lovely. Nag-dugo rin ang gilid ng labi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa hindi inaasahang ginawa ni Seven dahil lang sa natamaan siya sa mukha.
Ginawa niya talaga 'yon?!
"And the winner is Seven!" sambit ni Sensei. Nag-palakpakan naman kaming mga Class S na nandito, habang nag-shake hands naman si Seven at Lovely. Nakita ko pang namilipit sa sakit si Seven sa sobrang higpit ng pagkaka-hawak ni Lovely sa kamay niya.
Apat na lang kaming natitira. Shems! Ako na lang ang babae at sumunod na tinawag ni Sensei ay si...
"Frost and Lawrence, proceed to the battleground," sambit ni Sensei. Naka-pamulsa naman silang tumungo sa gitna habang seryoso ang mga mukha.
Tila nawalan ako bigla ng hininga sa narinig ko...
Si Calyx Buenavist lang naman ang partner ko, at nagtataka ako. Bakit parang mas may kakaiba sa kanya, kesa kay Frost?
Kung nakaka-takot ang asta at pananalita ni Frost, si Calyx naman...tingin pa lang ay matatakot ka na talaga ng sobra. He really is an Ice Prince. Well, not totally na prinsipe, pero mas hasa siya sa paggamit ng kapangyarihan na iyon kaysa kay Frost.
Nag-harap ang dalawang binatang nasa gitna ngayon. I think, I already know who'll win this battle. But, let's see.
Nag-simula na silang lumaban. Mabilis silang dalawa, at walang nagpapa-huli kahit na isa. They are using full or maybe half percent of their skills, speed, and strength, I guess.
After ng ilang minuto ay natapos rin sila. May sugat si Lawrence sa bandang kilay, at pinagpapawisan rin siya. Si Frost naman ay may kaunting gasgas sa braso nang matumba siya sa lakas ng force na ginamit ni Lawrence para sipain siya. But, still. He won the game. Frost won the battle.
Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maka-balik na ang dalawa sa kanya-kanyang mga puwesto nila, saka ako napa-tingin kay Calyx na prente lang na naka-upo sa ngayon sa puwesto niya.
Mayamaya lang ay tinawag na kami ni Sensei, and tumungo na nga kami sa gitna. Naka-tutok rin ang lahat sa amin ngayon. Gosh! I'm so nervous na talaga. Medyo nanginginig na rin ang tuhod ko.
"Go, Girl!" sigaw pa ni Lovely to cheer me up. Ngumiti naman ako sa kanya, bago ko muling hinarap si Calyx na ngayon ay naka-titig sa akin.
Sinalubong ko ang kanyang mga mata...nang biglang--
"Start!" sigaw ni Sensei, saka siya tumungo sa may sulok at nag-cross arms pa talaga.
Nauna na akong umatake kay Calyx nang ilang minuto na ang lumipas. Mukha kasing wala siyang balak na sugurin ako, eh.
Sugod lang ako ng sugod.
At sangga lang siya ng sangga.
Until napagod na ako ng tuluyan. Pinagpapawisan at hinihingal na rin ako. Habang siya, hindi man lang yata hiningal.
"Are you done?" he said. Napa-lunok naman ako, saka ako napa-kurap ng ilang beses.
Pero...laking gulat ko dahil nang iminulat ko ang mga mata ko...wala na siya sa harapan ko. That was fast!
Gagalaw na sana ako, nang maramdaman kong may tao sa likuran ko, kasabay ng pag-hawak ng isang maputi, maugat at matipunong kamay sa braso ko, at saka sa balikat ko. Para tuloy may naka-back hug sa akin ngayon.
"You...lose," bulong niya sa akin, saka siya bumitaw. Napa-hawak naman ako sa leeg ko. I can still feel his breath. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang hininga kanina.
And, yes. With that simple yet fast move, he won the game.
Tulala lang akong nag-lakad pabalik sa puwesto ko. Pasulyap-sulyap pa ako kay Calyx matapos non.Hanggang sa umabot na sa uwian. Kumain lang kami sa cafeteria, and then naghiwa-hiwalay na muna kaming lahat, kasi para na kaming mga tukong laging magka-dikit at hindi mapag-hiwalay.
Nandito ako ngayon sa garden. My favorite spot dito sa campus.
Naka-upo lang ako sa ilalim ng puno, habang nagmumuni-muni, when suddenly, someone I don't know appeared infront of me.
"What are you doing here?" I asked him. Tinitigan niya naman ako ng malamig at saka siya pumikit at saka bumuga ng hangin.
"I...I would like to say something," sambit niya. Napa-kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano 'yon?" takang tanong ko sa kanya.
Iniwas niya ang tingin sa akin, at tila hindi siya mapakali.
"Please, don't trust anyone in here. Don't let your heart beat for someone you just know because it will lead you to a great danger and to death. If your heart will beat faster than the wind, just let it beat, but make sure that it is beating for the right person at the right time. Especially if your heart will beat for him," sambit niya sa akin. Nag-taka naman ako dahil sa inaasal niya ngayon. What is he talking about? Hindi ko alam kung ano ba 'yang pinagsasa-sabi niya sa akin ngayong oras na ito. I'm clueless.
Hays...
"H-hey...what do you mean?" malakas ang tibok ng puso kong tanong sa kanya, habang naka-titig sa mga mata niyang tila kasing-kulay ng mga puno at dahon sa gubat sa sobrang green nito.
Kinakabahan na rin ako sa mga sasabihin niya sa akin. Because...I can feel danger through the help of my sound of sense na abilidad ng isang music mage.
Mayamaya lang ay bigla na siyang umalis without answering my questions. Naka-tanaw lang ako sa likuran niya, hanggang sa tuluyan na siyang mawala.
Unti-unti akong napa-hawak sa bandang puso ko, at saka ako napa-yuko at napa-pikit...
Hmmm...what do you mean?
Ano ba talaga ang nais mong iparating sa akin?
Bakit hindi ako maaaring mag-tiwala sa kahit kanino?
Bakit hindi dapat tumibok ang puso ko...pero kanino?
At anong danger ang sinasabi mo?
Paano magiging sanhi ng kamatayan ang pagmamahal?
I'm completely clueless about everything. I'm confused. Marami pa talaga akong hindi alam sa paaralang ito.
This school is so mysterious...
Especially the students in here.
Seems like, each and everybody in here is hiding something. A mystery.
A mystery that I need to know.
Oh, gosh! I think, my curiousity is leading me to dive into something which is dangerous for me. I hope, walang mangyari sa akin, habang tumatagal na nadito ako sa lugar na ito.
I can feel that this place is not that safe as it is before.
Katulad na lang ng sinabi ng oracle. Ng book of oracle or prophecy.
A war will happen. The world of magic will become a fdangerous realm. A battleground of the Darks and Lights. And a brave saviour shall appear. A saviour that will save the world, and a saviour who's willing to sacrifice. A saviour wuth bravery.
Pero...sino siya?
Maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon...and I don't know what to do anymore.
---
Book of Oracle/Prophecy
~~~~Φ~~~~