Will You Cry When I Die? (Pub...

By AnakniRizal

936K 45.5K 9.4K

When lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never e... More

#WYCWID
/1/ The Man Who Can't Cry
/2/ Game of Questions
/3/ She is Dying
/4/ Bent Out of Shape
/5/ Beer and Rain
/6/ Winds of Change
/7/ Maybe She's an Angel
/8/ My Heart Aches
/9/ Sweet Disposition
/10/ When We Grow Up, Our Hearts Die
/11/ She Doesn't Have A Heart
/12/ Before We Sleep
/13/ Ta Amayo Contigo
/14/ She's No Stranger
/15/ Another Heartless
/16/ Project: Afterlife
/17/ Unwanted Memory
/18/ Hopes and Burdens
/19/ What a Dead Woman Can Do?
/21/ Unveiling Masks
/22/ Silent Prayer
/23/ The Sleeping Handsome
/24/ As If Nothing Happened
/25/ These Memories
/26/ Intersection of Fate
Final Chapter: /27/ The Perfect Timing
Audiobook Version
WYCWID IS NOW PUBLISHED

/20/ Puzzle Pieces

20.3K 1.1K 293
By AnakniRizal

"Let me sleep
I am tired of
my grief
And I would like you
To love me"

/20/ Puzzle Pieces

[THEODORE]

KUNG nakamamatay lang ang kuryosidad siguro ay kanina pa ako nalagutan ng hininga.

Hindi ko na hinintay si Juniper at dali-dali akong lumabas para sundan ang clue na nalaman ko. It is really frustrating to know something you don't know, katulad na lang ng larawan na hawak ko, isang larawan namin ni Juniper subalit wala akong memorya nito---at higit sa lahat ay nakapagtatakang iba ang pangalan niya kundi Galilee.

Alam kong masamang mangialam ng gamit ng ibang tao pero kanina'y hinalughog ko ang bahay ni Juniper sa pagbabakasakaling makahanap ng katibayan ng tunay niyang pagkatao, pero kahit college diploma ay wala akong nakita.

May nag-udyok sa'kin na puntahan ang restaurant kung saan kinuhanan ang larawan. Bumyahe ako ng kalahating oras bago ko matunton ang lugar na natagpuan ko sa Cavite, thank god there's Google Map, kundi dahil baka maligaw ako. Bungad lang 'to ng probinsya kaya malapit-lapit sa tinitirhan ni Juniper.

"Welcome to Azure's Dining! Dine in for one, sir?" salubong sa'kin ng receptionist nang pumasok ako.

I'm really sure of myself, I've never been to this place. Tinanguan ko lang ang receptionist at sumunod ako sa kanya. Tiningnan ko muli ang larawan, ito nga ang lugar na 'yon. American retro ang disenyo nito, maraming pop icon and pop cultures ang nakadisenyo sa pader, at may mga retro car dining din katulad ng nasa picture.

Dinala ako ng receptionist sa pang-dalawahang table.

"Miss, doon sa car, hindi ba pwede?" tanong ko.

"Minimum of three thousand pesos po dapat ang order bago niyo ma-avail ang pwesto na 'yon, sir." magalang na sagot sa'kin ng receptionist sabay abot ng menu at iniwan na ako nito.

Imbis na tumingin ng order ay nilibot ko pa rin ang paningin ko sa paligid. Mangilan-ngilan lang ang kumakain dahil hapon pa lang.Maya-maya'y tiningnan ko rin ang menu, medyo may kamahalan ang presyo ng mga pagkain.

Lutang ang isip ko habang tinitingnan ang menu, pinipilit kong hukayin sa memorya ko kung kailan ako nagpunta sa lugar na 'to pero bigo ako. Paanong nangyari 'yon? Parang sasabog na 'ata 'yung ulo ko.

"Yes, sir? May I take your order?" nagulat ako sa biglang sumulpot na waitress sa tabi ko. Ngiting ngiti ito at nakasuot ng sailor outfit. "Sir Theo? Long time no see!"

Hindi ko maiwasang mapakunot at sinubukan kong hindi ipakita ang pagkagulat at pag-aalinlangan.

"H-hi, Pat?" nabasa ko lang 'yung pangalan niya sa nametag niya.

"Kamusta na, sir?" base sa pakikitungo niya sa'kin ay naging close kaming dalawa. Damn, why can't I remember anything of this?

"O-okay lang naman ako." I tried to smile but this starting to creep me out.

"Eh si Ma'am Galilee po? Bakit hindi niyo po siya kasama?"

Doon na ako natigilan. Parang biglang nag-hang ang sistema ko at hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin. Mga ilang segundo akong nakatitig lang sa taong kaharap ko bago ko napakalma ang aking sarili. Theo, calm down, just breathe.

"Uhm...I'm sorry, Pat, naaksidente kasi ako last month and I'm trying to remember things."

"Hala, sir! Nagka-amnesia po kayo?!" napatakip pa sa bibig ang waitress, naniwala siya 'agad at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

I don't want to lie but I nodded at her. Sympathy flashed her eyes as she looked around if her manager's watching, Pat continued to ask.

"Ano pong nangyari?" nang-uusisia niyang tanong.

"Car accident..." Oh, lord, forgive me for lying but I need to do this. "And I... uh... can't remember Galilee. S-sino ba siya?" the last part is somehow true, sino si Galilee? Siya ba si Juniper? Naguguluhan ako.

"Hala!" napatakip na naman ang kausap ko ng bibig at mas hininaan nito ang boses. "Sir! Si Ma'am Galilee po... girl friend niyo po siya, madalas po kayo rito dati! Tanda ko pa bago pa lang ako noon pero ang bait-bait niyo sa'kin!"

"G-girl friend?" sa pagkakatanda ko ay isa lang ang naging nobya ko, ang taong tumulong sa'kin magtaguyod ng pangarap ko na siya ring nang-iwan sa'kin.

"Huhu! Ang tragic naman po!" umakto pa itong maluha-luha pero bigla siyang may naalala. "Hala, sir! Halika rito may papakita ako sa'yo!"

Wala na akong magawa dahil hinila niya ako at sumunod lang ako sa kanya. Tsaka ko lang napansin na may entablado ang restaurant na 'to, pagkatapos ay namalayan ko na lang na nasa harapan kami ng isang malaking bulletin board na maraming makukulay na notes at mga larawan ang nakapaskil.

"Teka, asan ba 'yon..." hinawi-hawi ni Pat ang mga 'to, kinailangan pa niyang tumuntong sa bangko. hanggang sa huminto siya. "'Eto!" tinanggal niya ang pushpin at bumaba sa upuan. Inabot niya sa'kin ang isa na namang larawan.

Again, I am astounded on what I saw, it's another photo of me and Juniper sitting in a couple chair while holding beers, kita ko ang logo ng restaurant sa likuran.

"S-si Juniper 'to," pabulong kong sabi habang hindi makapaniwala. "Pat, when was this photo taken?"

"Uhm..." binilang niya ang mga daliri niya. "Six years ago po, sir!"

Six years ago? How?

Biglang tumunog ang phone ko kaya medyo nagulat ako, bago ko 'yon sagutin ay kinausap ko muna si Pat.

"Pat, thank you so much for your help, but... this is too confusing for me. I gotta go."

"Sige sir, no problem, balik---"

Hindi ko na siya hinintay matapos at dali-dali akong umalis. Pagtingin ko sa kung sinong tumatawag ay nakita ko ang pangalan ng taong tangi kong hinihingian ng tulong sa oras ng kagipitan, kagabi ko pa siya gustong tawagan pero wala akong lakas ng loob.

Paglabas ko ng restaurant ay sinagot ko 'yon.

"Hello, Tito Ivan?"

"Theo, where are you?" narinig ko kaagad ang malalim niyang boses na may himig ng pag-aalala.

"Nasa Bacoor po, Tito."

"Ano'ng ginagawa mo diyan? Bakit hindi mo sa'kin sinabi kaagad 'yung tungkol sa sunog?"

"Tito, ayoko na kitang maabala kaya hindi ako tumawag. I already caused so many troubles, I'm sorry---"

"Don't be sorry, hijo. Alam mo naman na para na kitang anak, I will always help you."

"Can I see you now, Tito? M-may gusto lang sana akong sabihin."

"No problem, hijo. Nandito lang ako sa Alta Brison Hotel sa Alabang."

"Okay, I'll see you."

Matapos ang tawag ay dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan ni Tito Ivan. At dahil naabutan na ako ng traffic ay umabot ako ng halos dalawang oras at kalahati. Tuluyan nang nawala sa isip ko kung umuwi na ba si Juniper, ang tanging mahalaga sa'kin ngayon ay ang makausap si Tito Ivan.

I can't imagine what will happen to my life if Tito Ivan wasn't there to help and guide me. After losing both of my parents, siya ang tanging kamag-anak na umalalay sa'kin. Tinuring niya ako na parang anak and his favoritism to me among my cousins caused hostility. Kahit na minsan hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil naalala niya sa'kin ang namayapa niyang anak na lalaki.

There are times that I am ashamed of myself for being dependent when there's a conflict. Minsan gusto ko nang kumawala pero napagtanto ko na hindi ko kayang mag-isa dahil mahina ang loob ko. Pakiramdam ko walang nagmamahal sa'kin---pero nang dumating siya, ang babaeng bigla na lang sumulpot sa buhay ko, nabalik 'yung lakas ng loob na pinagkait sa'kin ng mundo.

Pagkapark ko sa harapan ng Alta Brison Hotel ay umibis ako ng sasakyan. Mataas at enggrande ang gusali, isa 'tong five star hotel na madalas puntahan ni Tito Ivan dahil sa mga conference o meetings niya, Papasok ako sa loob nang makabangga ko ang isang babaeng nagmamadali.

"Sorry," we both said and we were surprised when we saw each other. "Theo?"

"Nadia?" kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya, nakakapanibago lang dahil ngayon ko lang nakita si Nadia na nakasuot ng maiksing bestida at walang salamin. "What are you doing here?"

"T-Theo, it's been a while. Hinihintay ka na ng uncle mo."

"Nagkita kayo ni Tito?" sunud-sunod siyang umiling.

"Nagkasalubong lang din kami, sige, Theo, mauna na 'ko." nagmamadali siya kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos. So, mayaman pala si Nadia at afford niyang mag-check in sa hotel na 'to?

Tumuloy ako sa loob at nabasa ko ang text ni Tito, naghihintay siya sa cafeteria at kaagad akong nagtungo roon. The people here are staring at me probably because of my attire, naka-jacket, t-shirt, maong at rubber shoes lang ako, samantalang sila'y naka-formal tuxedo at gown.

After enduring the stares of the strangers, I found Tito Ivan comfortably sitting while reading a newspaper. Naramdaman niya kaagad ang presensya ko at napatingin siya sa'kin.

"Theo," tumayo siya nang makalapit ako at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "How are you feeling, hijo?" tanong niya nang bumitaw sa'kin.

"Not so good." we sat down and we ordered something.

Tito Ivan quickly asked the details of the incident and I told him everything, even Juniper's hunch about Levi Ching. Nakinig lang si Tito at nag-offer ng pinansyal na tulong subalit mariin ko 'yong tinanggihan. Himala nga dahil ngayon lang 'ata niya ako hindi kinulit sa bagay na palagi niyang tinatanong sa'kin noon, 'yung bagay na binigay sa'kin noon ng tatay ko na hinihingi niya na hindi ko naman maalala kung ano. Seriously, ang bata ko pa para maging makakalimutin.

"Kanina nasa Bacoor ka, something's still bothering you, Theo?" mukhang malakas talaga ang pakiramdam ni Tito at nahalata niya 'agad na may iba pang bagay ang bumabagabag sa'kin.

"T-Tito, ngayon ko na lang 'to mao-open up," he leaned forward to listen carefully. "I know you offered me a therapy two years ago that's why I forgot about my ex-girlfriend."

Tumangu-tango si Tito at sumenyas na magpatuloy ako.

"But then... I found something, it's another memory na hindi ko maalala, may nalaman ako na nangyari six years ago pero hindi ko maalala."

Ipinakita ko kay Ivan ang nakuha kong larawan namin ni Juniper na may nakalagay na pangalang 'Theo' at 'Galilee'. I told him my concern and Tito Ivan just listened to me as always, after telling him everything, that includes Juniper who suddenly entered in my life, Tito Ivan let out a sigh.

"Theo," he said in a serious tone. "You need to stay away from that woman."

"Juniper? W-why?"

"I should have told you before," may kinuha siya mula sa loob ng pocket ng vest niya at nilabas ang kanyang paboritong gintong orasan. "She'll bring you misery, makinig ka sa akin kung ano'ng dapat mong gawin."

And then he showed me the ticking golden clock.


*****


[JUNIPER]

"Y-Yano?"

Hinila niya ako palayo sa lugar na 'yon at dahil sa pagkabigla ko ay hinayaan ko lang ang sarili ko na dalhin niya ako kung saan. Tumigil kami nang makalayo kami sa bahay ng lalaking pumatay sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya nang bitawan niya ako. Nasa tapat kami ng isang karinderya at umupo si Yano sa isang bangko, sumenyas siya na umupo rin ako. Katulad noong una ko siyang nakita ay nakasuot na naman siya ng itim na jacket, at itim na baseball cap.

"Juniper, 'di ba?" tumango ako. "Ikaw ang dapat kong tanungin, ano'ng ginagawa mo sa tapat ng bahay ng subject ko?"

"Subject mo? You mean you're investigating that guy with a snake tattoo?"

Tumingin-tingin si Yano sa paligid at hininaan ang boses nang magsalita.

"Oo, dahil may kinalaman siya sa pamilya na kumuha kay Camille."

"M-may kinalaman?"

Napahinga ng malalim si Yano bago magkwento, "Dalawang taon na ang nakalilipas nang mawala si Camille, hindi lang siya ang batang nawawala noon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila natatagpuan. Nakapagtatakang hindi binibigyan ng mabusising paghahanap ng mga awtordidad ang mga batang nawawala hanggang sa sumuko na ang ilang magulang. Pero hindi nawalan ng loob si Carla, tinuloy ko ang imbestigasyon ng mag-isa at tanging lead lang na nahanap ko ay may isang tindero ng mga lobo na may tattoo ng ahas sa braso ang nakitang kasama si Camille."

Two years ago? P-posible kayang...

"M-may nalaman ako na hindi ko dapat malaman."

"What do you mean?"

"I-I'll tell you once we saved them."

"Save who?"

"'Yung mga bata!"

"M-may mga batang na-kidnap sa loob ng warehouse na 'yan. N-nakita mismo ng dalawang mga mata ko kung anong mangyayari sa kanila."

Para akong tinamaan ng kidlat nang maalala ko ang mga sinabi noon ni Arlo, 'yong araw na humingi siya ng tulong, 'yung araw na niligtas namin ang mga bata na siyang naging sanhi ng aking kamatayan.

"Y-you can't. Hindi mga pangkaraniwang tao ang nasa likuran nito. The police are puppets too! This is our only chance to save them while they're gone doing their ritual."

The puzzle pieces are still rumbling in my mind, but I can see the whole picture. Rosy's family has connections to Heartless Society like Levi, and Arlo found out the kidnappings of the children which is related also to Heartless Society. Hindi kaya ang ritual na sinasabi na nakita ni Arlo ay ang procedure ng Project: Afterlife?

Nakatulala lang ako nang marinig ko ulit ang boses ni Yano.

"Dalawang taon bago ko matunton ang lalaking 'yon. Ikaw, ano'ng pakay mo sa kanya?"

Siya lang naman ang taong pumatay sa'kin, gusto ko sanang sabihin. Base sa kwento ni Yano ay mukhang hindi niya pa alam ang tungkol sa Heartless Society at Project: Afterlife, hindi ko 'yon maaaring sabihin dahil baka ma-terminate ang kontrata ko.

"You definitely can't tell him." Azrael suddenly showed up on our side, he's crossing his arms and he's glaring at me.

"I knew that guy because I saw him before."

"Bakit mo siya minamanmanan ngayon?"

Tumingin muna ako kay Azrael at nakitang masama ang tingin niya sa'kin, sinisuguro niya na hindi ako magsisiwalat tungkol sa Project: Afterlife. Muli akong tumingin kay Yano at nilahad sa kanya ang insidente noon kay Arlo, pero sinabi ko na pinsang babae ni Arlo ang namatay imbis na ako at gayon din ang sinabi ko sa kanyang clue na nakuha, isang lalaking may tattoo ang suspect ng kidnappings at murder.

Natameme lang si Yano at hindi ko mahulaan kung ano'ng tumatakbo sa isip niya.

"Sumunod ka sa'kin," iyon ang sinabi niya at bigla siyang tumayo. Wala naman akong ibang nagawa kundi sundan siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nasa likuran niya.

Yano didn't answer and I just followed him. Moments later, we found ourselves back in the front of the suspect's house. Tumingin sa paligid si Yano at nang masigurong walang ibang tao sa paligid ay pumasok siya sa loob.

"H-hey!" he didn't leave me a choice and I followed him inside, the door isn't locked.

"Sshh..."

Tumambad sa'min ang maliit at magulong bahay. Amoy na pinaghalong sigarilyo at alak ang loob. Nanuod lang ako sa sunod na ginawa ni Yano, he wiretapped the house and then we leave it.

"What now?" sumusunod pa rin ako sa kanya at medyo naiinis na ako dahil wala man lang siyang sinasabi.

"Maghihintay tayo."

*****

THEO's gone when I returned home, ginabi na ako sa byahe kaya alas nueve na ako nakarating. Maging si Buddho ay wala, naisip ko na baka lumabas lang sila pero wala 'yung kotse ni Theo sa labas.

Napansin kong may nagkalat na niluray na kahon sa sahig, pinulot ko 'yon at nakita ang bakas ng ipin ni Buddho. Where are they?

"Theo?" I tried to call him but it's no use, wala talaga siya rito. Pumasok ako sa kwarto at nakita ang iba pang piraso ng kahon na niluray ni Buddho. Napansin kong may mga nakapatong sa kama at kaagad ko 'yong kinuha, it's a random Polaroid photos.

"What the..." my eyes can't believe what it's seeing. There's a photo of Theo? Kanino 'to? Kay Galilee? N-nakita ba 'to ni Theo? Kung gano'n... ano'ng naisip niya?

"He saw it." Azrael suddenly showed up.

"How did you know?" hindi umimik si Azrael.

Dali-dali akong tumayo at muling umalis. Isang oras at kalahati rin ang naging byahe ko papunta sa condo ni Theo sa Maynila.

"Good evening, ma'am! Ginabi po 'ata kayo?" bati kaagad sa'kin ni manong guard nang pumasok ako sa loob. Tinanguan ko lang siya at didiretso na sana ako ng elevator nang harangin ako nito. "Ma'am, sandali lang!"

"Bakit?"

"May pinapabigay po pala si Sir Theo sa inyo, sabi niya bigay ko raw kaagad eh," kakamut-kamot nitong sabi at bumalik sa may desk niya at kinuha roon ang isang bagay. "Heto po." inabot niya sa'kin ang isang putting envelope.

"Salamat, manong." umalis na si manong at ako naman ay nagtungo sa may lounge at umupo roon.

I took a deep breath before opening the envelope. There's a letter inside and I suddenly felt weak when I read the first line.

We can't see each other anymore. Thanks for everything, goodbye. -Theo

Tears quickly fell. I don't know what happened but I know this feeling, it's like a dejavu, parang nangyari na 'yung ganito noon. History repeats itself? Mga ilang minuto akong nakatitig sa kawalan at kaagad kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Huminga ulit ako ng malalim at inayos ko 'yong sarili ko bago ko lumapit sa reception desk.

"Manong, pwede ho ba akong maki-tawag sa unit ni Theo?"

"S-sige, ma'am." nang ma-dial ni manong guard ang telepono ay binigay niya 'yon sa'kin.

"Hello?" nangilid 'yung luha ko nang marinig ko 'yung boses niya.

"T-Theo..."

"Please, tigilan mo na ako." and then he hung up.

Natulala lang ako at narinig ang dial tone. Parang dinurog 'yung puso ko. Bakit ganito na naman siya? Bakit hindi na naman niya ako hinahayaan na magpaliwanag?

Nagpasalamat ako kay manong guard at muli akong bumalik sa pwesto ko kanina. I tried to calm myself down, walang mangyayari kung magmumukmok lang ako. Alam ko 'yong gano'ng tono ni Theo, gano'n na gano'n siya two years ago, even if I forced myself to talk to him he won't face me.

What should I do?

"Remind ko lang na may expiration ang contract mo, Juniper. May natitira ka na lang na ilang araw at huwag mong sabihin na magpapakalugmok ka?" Azrael showed up in my said, there's a sound of sympathy and sarcasm in his voice. Hindi ko siya kinibo at nanatili lang akong nakatitig sa kawalan habang hawak ang sulat ni Theo. "Kung ako sa'yo, mas magpo-focus ako sa mga bagay na importante na nasa harapan ko na mismo."

Napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"The case you're currently chasing, for example."

Bigla akong naliwanagan nang mga sandaling 'yon. Naisip ko... Kaya lang naman ako pumayag sa Project: Afterlife dahil gusto ko lang makasama si Theo kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon, kahit na alam kong hindi niya ako naalala. Naging kuntento ako roon at tinulungan ko siyang ibangon ang Hema's Coffee at wala na akong mahihiling pa. Pero mukhang iba ang purpose kung bakit sa'kin ibinigay ang pagkakataong makabalik sa mundo gamit ang katawan ng ibang tao---hustisya. Hindi lang para sa'kin kundi para kay Arlo, kay Rosy, at ang protektahan si Theo.

Ngumiti si Azrael na para bang nabasa kung ano'ng nasa isip ko.

"You're right." I whispered.

Pumikit ako at inalala ang mga sandaling nakasama ko si Theo. Sa loob ng maikling panahon masasabi ko na naging masaya ako at palagay ko'y napasaya ko rin siya. Bumalik ako dahil mahal ko siya at iyon din ang dahilan kung bakit magpapatuloy ako. Mahal ko siya. Sobra. Para sa kanya, hahanapin ko ang katarungan.

Tumayo ako at muling naki-tawag. Mabuti na lang at binigay sa'kin ni Yano ang number niya.

"Hello?" sumagot na si Yano.

"It's Juniper. Ano'ng balita?"

"Good timing na tumawag ka Kanina umuwi ang suspect sa bahay nila, pagkatapos may bisita siya na kakaalis lang at narinig ko mismo ang pinag-uusapan nila. Confirmed sa'yo, Juniper, siya ang nag-sunog ng coffee shop na inutos ng bisita niya."

"S-sino?"

"Ang lolo ni Rosy, si Evangelion Gomez."

Continue Reading

You'll Also Like

17.4M 277K 44
π—žπ—Άπ—»π—΄π—±π—Όπ—Ί π—¨π—»π—Άπ˜ƒπ—²π—Ώπ˜€π—Άπ˜π˜† π—¦π—²π—Ώπ—Άπ—²π˜€, 𝗕𝗼𝗼𝗸 οΌƒπŸ­ || Tiffany Damian, despite her elegant beauty, wisdom and wealth, never wanted to be p...
467K 16.4K 43
Yolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching f...
130K 7.5K 32
Lucy de Asis is a bully and a bitch and she doesn't care what others think of her. But when she gets blamed for her archnemesis' sudden disappearance...
245K 5.9K 8
The beginning of the end.