Chapter no. 4
Kent’s POV
8:02 PM kakahiga ko palang ng kama ng biglang nag-ring ang phone ko.
Sh*t sino ba to..
*Kenneth* college friend ko at the same time kababata ko din
“Tumawag na naman si satanas. Susunduin mo naba ako o daragdagan mo lang mga kasalanan ko?”- tanong ko agad pagkasagot ko ng phone
“Dude, relax! Were here at your bar. Come and join us here!”-Kenneth
“Busy ako!”-sagot ko
“Oh come on! Busy saan? Sa panonood ng Porn? Hahahahaha!”- tawang tawa pa ang gago
“Porn mong mukha mo! Ulol..”-pasigaw kong sagot
“Hahahahaha! Halika na kasi. Feeling chix kana naman jan eh. Gustong gusto mong pinipilit ka”
“Eh ano bang meron?”
“Manuel is here”
“Sigurado ka? Kailan pa siya dumating from Canada?”-napatayo ako bigla
“Kahapon lang dude. Hanggang 9PM nga lang daw siya dito sa bar mo eh!”-Kenneth
“Eh bat ang dali?”-tanong ko habang nakaipit ang phone sa tainga at balikat ko. Sabay halungkat ng damit sa cabinet
“Kasama niya girlfriend niya eh! Tirisin ko na kaya to. Panira eh!”-Kenneth
“Oh siya siya. I’ll be there in 15mins.”- I dropped off the call
Nagbihis nako agad. Black jacket and pants will do.
Bubuksan ko na sana ang pinto palabas ng biglang..
“Nak, where are you going?”
“Mom? ‘Bat gising kapa?”-tanong ko habang papalapit sa kanya.
“Nauna akong nagtanong huh!”-Mom
“Oh! Papunta akong bar. Iche-check ko lang kung anong lagay!”-lumuhod ako tska hinawakan kamay ni Mommy.
If you’re wonder kung bat ako lumuhod. Naka wheel chair kasi ang Mom ko because of her mild stroke and heart condition.
“Pwede mo namang tawagan si Ronald ha? Wag kanang umalis please?”-Mom.
Ronald is my cousin. Siya ang maintainer ng Bar ko.
“Mom. I’ll be fine ok? Sandali lang ako. You go to your room and take a rest na. Claire.. Claire”-habang hinihimas ang buhok niya..
Si Claire. Private nurse ng Mom ko. Almost a year na siya nasa bahay for taking cared of my Mom.
“Sir??”
“Pakipasok na si Mommy sa room niya”
“Okay po Sir!”
“Goodnight Mom! You sleep well ok?”-while kissing her sa head
“Okay but make sure you go home before 12?”-Mom
I smiled..
“Okay Mom! Loveyou”
“Loveyou too Nak!”
Lumabas na ako to get my car..
Ayy wait.
Mas madali akong makakarating kung magmo-motor nalang ako.
“Kuya Arnel, paki-open po ng gate!”-sigaw ko habang tumatakbo pabalik sa loob ng bahay para balikan ang helmet ko.
Si Kuya Arnel, House guard namin.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kailangan kong bilisan para maabutan si Manuel, for sure hindi na naman kami magkikita for a long time pag di ko siya pinuntahan ngayon. Paano ba naman kasi, ako busy sa pagtuturo. At kung hindi naman sa mga business namin. Tapos siya 10-15 days lang kung mag bakasyon dito sa pinas tapos 1 year bago magbakasyon ulit.
Malapit na ako. Konting bilis pa.
“Beeeeeeeeeeep!!!”-busina ng kotseng muntik ng makabanga sakin kaya napahinto ako bigla
“Are you out of your mind? Kung magpapakamatay ka make sure na wala kang madadamay! B*tch”- pasigaw ng isang babae sa loob ng kotse habang ako nakatingin lang sa kanya..
Teka parang kilala ko to ah..
Tama siya nga.. si Isha yung Freshies na studyante ko sa Profeth
Gabi na pero natatanaw ko pa din ang maganda niyang mukha dahil sa ilaw na nasa loob ng kotse niya.
Tska siya humarurot paalis. Feeling niya siguro siya si Letty ng Fast and Furious eh..
Inalis ko muna ang helmet ko tska kinuha sa bulsa ang phone ko para tawagan si Kenneth..
Pagsagot palang niya..
“Sorry guys, but I have to teach a lesson to this young lady!”
Binaba ko na agad ang phone without hearing Kenneth’s voice.
“Here we go baby!”- bulong ko sa sarili ko tska sinuot ang helmet at pinaandar ang motor ko.
Hahabulin kita saang lupalok kaman ng mundo pumunta.
Pero teka..
Parang alam ko saan to papunta ah..
Parang sa..
Napa-smile ako bigla.
“Wrong move baby!”
Sa dinami dami ng bar na pupuntahan niya sa bar ko pa talaga.
And bakit ba to nagba-bar? Di ba dapat natutulog na to? May klase pa to bukas.. party goer ka pala ha?
Hahayaan ko muna siyang pumasok tska ako susunod.
Ang tagal naman bumaba ng car.. may hinihintay pa ata!
After 10 mins. Bumaba na din siya.
“Damn ang hot niya!”
Tulala nalang ako habang nakaupo sa motor ko not knowing na nakapasok na pala siya.
Hahahahaha! I like this girl.
Pinark ko na din motor ko tska pumasok.
“Good Evening Sir kayo po pala!”- Bouncer 1
“Kumusta kayo?”- sagot ko
“Okay na okay Sir, tuloy po kayo.”-Bouncer 2
Tumuloy naman ako at pumunta sa kinaroroonan nila Kenneth. Nasa table 5 sila at sa table 3 naman sila Isha..
Kasama niya pa yung ibang mga classmates niya. Hanep ah? Ang babait naman ng mga studyante ko.
“Broooo. There you are!”- salubong ni Kenneth sa akin sabay shake hands and banggaan ng shoulder..
Kasama niya sina Daryl at Emerson mga tropa ko din.
“Si Manuel?” tanong ko habang inaabot ang bote ng San Mig sa table
“Kakaalis lang eh! Di muna inabutan”- Daryl
“Yung totoo, kakaalis lang o wala talaga siya dito? Sisipain ko kayo lahat palabas pag di niyo sinabi ang totoo!”-kunot noo kong tanong
“HAHAHAHAHA” -sabay sabay silang nagtawanan..
Mga sira ulong to! Inisahan pa ako..
“Dude, ikaw na ata ang pinakabobong Philosopher na nakilala ko”-Kenneth
“Ah ganon? Ikaw naman ang pinaka pangit na Architect na nakilala ko.”-sagot ko sabay batok sa ulo niya
“Hahahaha! So ano, kamusta naman yung young lady na tuturuan mo ng lesson this late night ha?”-Kenneth
I smirk so badly..
“Actually she’s here.”
“Talaga? Asan? Reto mo naman!”-Emer
“No way! She’s mine. Only mine!”- sagot ko agad..
“Wait! Sigurado ka? Eh baka naman may sabit yan ha!”-Kenneth
“We’ll find out soon!”-me
“So where is she?”-Emer
“Table 3. That lady in black!”-sagot ko while biting the bottle of beer
“Woooooah!”-tulala silang lahat.
“Firstime ko siya nakita dito.”-Emer
“I like her”-Kenneth
“Subukan mo! And maybe this will be our last conversation!”-sagot ko agad.
“Biro lang ano kaba? Hahaha”-Kenneth
“Sh*t eto na naman si JunJun eh!”-Daryl. While grabbing his…
“Gago! Hahahaha”-tawanan namin
“Matawagan nga chix ko.”-Daryl
“Pero teka, boyfriend niya ata yung katabi niya eh.”-Kenneth
Napatayo ako bigla..
Tama may kasama nga siyang guy.. sino ba tong feeling gwapo na to? Sarap sapakin ah.. nakaakbay pa! F*ck
Teka parang namumukahan ko to ah.
Tama..
Isa din to sa mga students ko. Di ko nga lang maalala ang name.
“Hindi niya boyfriend yan!”- pabagsak kong sagot sa sofa.
“Okay, sabi mo eh!”-Kenneth
Nakatitig lang ako sa kanya. Damn! Bakit ba ang lakas ng tama ng babaeng to sakin? Hindi to pwede.
Lalapitan ko ba siya? Pagagalitan or what?
After an hours. Wala na akong kasama sa table, yung mga kasama ko kasi may kanya kanyang chix na. I think nagkahiwa-hiwalay na sila.
Isha’s POV
Ramdam ko na na medyo na titipsy na ako.
Si Ellaine and Art biglang nawala sa table. Di ko alam kung saan napadpad mga yun.
Si Adam tingin ng tingin sa’kin. Ano bang problema nito?
“Hmm. Adam curious lang ako, bakit ngaba mga babae ang kinakasama mo? I mean, instead na mga lalaki dapat ang barkada mo eh kami ang kasama mo!”- tanong ko
“Actually, mag-pinsan kami ni Bernie!”-sagot naman niya
“Seriously?”-nanlaki mata ko
“Oh yeah! Atska isa pa. First day of school pa naman eh kaya medyo wala pa naman akong nagiging close so kayo nalang muna!”-Adam
“Ah I see.”-patango kong sagot
“Isha, marunong kang sumayaw?”-Lauren
“Haaa. I’m not very good in dancing”
“Oh come on, Let’s go na.”-Lauren. Habang hinihila hila ang kamay ko kaya napatayo naman ako.
“No guys, kayo nalang seryoso”- paayaw kong sagot pero tuloy pa rin si Lauren sa panghihila sa’kin, hanggang sa….
“Ooopsss.”-Adam
Napatumba ako kay Adam pero agad din naman niya akong nasalo.
“You’re tipsy!”-dagdag niya habang nagkakatinginan kami.
“Sorry, sorry..”-tumayo din naman ako agad.
“Uyyyyy..”-Bernie
“Let’s go nanga..”-Lauren
Pumayag akong pumunta sa dance floor. Hindi ako sanay sumayaw sa bar pero kinarry ko. Siguro kasi dahil tipsy na ako.
Ang ingay pero ang saya. Matagal tagal na rin akong di nakapag-party simula nung nalipat ako dito sa pinas.
Ang daming tao.. lahat may kanya kanyang ginagawa..
Ng biglang..
“Damn! Brownout ba?”
Ang dilim..
“Oohh. Sh*t..”
Kent’s POV
Ano kayang pwede kong gawin sa babaeng to? Nakatingin lang ako sa kanya all the time..
Until..
T#ng*na! Kanina pa tong guy na to ah. Kanina pa akbay akbay lang, ngayon naman halos mahalikan na niya si Isha.. palabasin ko kaya to?
Tatayo na sana ako ng bigla kong makita si Isha sa dance floor..
Gotcha! I have a plan. Now it’s my turn.
Pumunta muna ako kung saan naka-assign ang lights and sound.
“All eyes on me. Pag nakita niyo ko sa Dance Floor at tinaas ko kamay ko. You all shut down the lights for 1 minute okay?”-sabi ko sa staffs.
“Yes Boss!”
Nagsuot muna ako ng mask bago ako lumapit sa likuran ni Isha..
May tattoo pala siya sa nape.. It makes her more attractive.
This is the time..
Tska ko tinaas ang left hand ko to make a sign..
In one, two, three..
“Oohh. Sh*t..”-di na siya nakasigaw ng bigla ko siyang hatakin sa loob ng isang VIP Room ng Bar.
Ng nasa loob na kami. Biglang nag on ang lights.. nakatalikod siya sa akin kaya bigla siyang humarap at tinulak ako..
“Who the hell are you? And what do you think you’re doing?”-galit niyang tanong..
Di ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sakanya.
“Nakikinig kaba? Anong ginawa mo sakin. ‘Bat mo ako dinala dito at sino kaba?”
Isha’s POV
“Oohh. Sh*t..”-huling bukambibig ko ng biglang mag off ang lights.. paano ba naman kasi, may biglang humatak sakin.
Pagka-on ng lights nasa isang room na ako. And may nakahawak sa dalawang balikat ko kaya napalingon ako.
Sh*t may kasama ako. At lalaki pa!
“Who the hell are you? And what do you think you’re doing?”-galit kong tanong..
Pero ayaw sumagot . Nakatingin lang siya! Siraulo ata to.
“Nakikinig kaba? Anong ginawa mo sakin. ‘Bat mo ako dinala dito at sino kaba?”
Lumapit siya sa akin.
Palapit ng palapit..
Kaya napapa-atras nadin ako.
Hanggang sa napasandal ako sa wall.
Hinarap niya ang mukha niya sa’kin. Ano bang gagawin niya?
“Tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman yung tinawag mong B*tch sa daan na muntik mo nang i-hit n run!”-ang hot ng boses niya. At ang bango pa ng hininga, ultimo naka mask pa.
Tingin sa jacket, tingin sa pants, tingin sa shoes..
Siya nga ata yun..
Tinulak ko siya palayo sa’kin.
“Eh kasalanan ko ba kung tatanga tanga ka? Eh sa mabilis ka magpatakbo kaya It’s not my fault kung muntik ka ng masagasaan. Atska wag mo sabihing ihi-hit n run kita ha? May pera akong pampa-hospital dayo noh? Tabeee.”- naglakad ako papuntang pintuan para lumabas.
“Miss. Sienaaa!”
Bigla akong napahinto..
Teka, bat kilala niya ako?
Dahan dahan akong humarap..
Pagharap ko. Tska niya unti uting inalis ang mask niya..
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si..
“I’m Dead!!”-bulong ko sarili ko..
Kent’s POV
“Tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman yung tinawag mong B*tch sa daan na muntik mo nang i-hit n run!”-sa mga mata niya lang ako nakatingin pero agaw pansin pa din sa’kin yung kinis ng leeg at dibdib niya. Yung mga malilit na moles niya? Damn! Parang gusto ko siyang hawakan sa pisnge niyang namumula sa kalasingan..
“Eh kasalanan ko ba kung tatanga tanga ka? Eh sa mabilis ka magpatakbo kaya It’s not my fault kung muntik ka ng masagasaan. Atska wag mo sabihing ihi-hit n run kita ha? May pera akong pampa-hospital sayo noh? Tabeee.”- Ang cute niya padin kahit nagagalit.
Teka..saan siya pupunta? Di siya pwedeng umalis..
“Miss. Siena!!!”- bigla naman siyang napahinto at dahan dahang humarap sa akin..
Tska ko inalis ang mask ko na agad namang kinalaki ng mga mata niya. Hahaha
“S-sir Kent?..”- maamo niyang tanong
“Yes I am!”
“W-what are you doing h-here?”
“I’m the owner of this Bar. How about you? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa bahay ka?”-umupo ako sa sofa at nag cross feet.
“Ah eh kasi Sir...”
“Miss Siena. 1st year ka palang! And take note, first day of school palang pero andito ka sa Bar nakiki-party? I’m so dissapointed.”-nakaupo parin ako. Habang siya nakatayo sa harap ng pintuan. Nakayuko lang at ayaw magsalita.
“Well, wala naman tayo sa school so we can be friends.”- napatingin siya sakin kaya tumayo ako at lumapit sa kanya..
“Pero mas nakakatakot ako pag nasa labas kumpara sa school.”-lumapit ako sa kanya.. as in malapit na malapit..
Sinandal ko ang dalawang kamay ko sa pintuan.. dahilan para ma-lock ko siya.
“I’m the baddest professor you’ll never want to meet!”
I’m about to kiss her. She’s smirking like she also like what I’m doing..
Sobrang bango niya kahit nangangamoy alak na siya.
Why..
Bakit sobrang attracted ako sa kanya? Na parang gusto ko lagi siyang nakikita.. kahit ngayon ko lang siya nakilala. Damn!!
Malapit na.. konti nalang. Mahahalikan ko na talaga siya.
Gusto din kaya niya ako?
Pinikit ko mga mata ko..
Pero bigla nyang tinakpan bibig ko..
“This is not right. I’m sorry!”
Tumakbo siya paalis ng VIP Room. Sh*t andun na eh!
Sabagay, hindi nga naman tama yung ginawa ko! I’m her professor..
F*ck! Ano bang ginawa ko? 1stime kong gawin yun sa studyante ko! Sanay ako na ako ang nilalapitan. Firstime kong mareject ha?!
Nagalit kaya siya? Feeling niya kaya na napwersa siya?
Bumalik ako sa pag-upo sa sofa.
“Wrong move ata!”-bulong ko sa sarili ko.
Ng bigla akong makarinig ng Phone Ring..
“Kriiiingggg Kringggg!”
Asan ba yun?
Ayun, nasa sahig.. kanino kaya to?
*unknown number*
Sasagutin ko kaya?
Wag nanga lang..
Pagka-off ng call nakita ko ang picture ni Isha sa wallpaper.
Kanya ata to. Mukhang nalaglag ng di niya namamalayan.
*1 message received*
*unknown number*
Sino na naman kaya to?
*Isha It’s Adam. Where are you?*
Where are you where are you mong mukha mo.. may gusto ata to kay Isha eh.
Isha’s POV
“I’m the baddest professor you’ll never want to meet!”
Nanginginig ang mga tuhod ko. Anong gagawin ko? Sasampalin ko kaya siya? Tatadyakan? Sh*t wag Isha.. wag kang bibigay..
Umiinit ang katawan ko. Bakit ba?
This is not my first kiss pero bakit ganito ang epekto sa’kin?
Hindi to pwede. Mali to! Mali..
“This is not right. I’m sorry!”
Sabay takbo papalabas ng room.
Tama, tama lang ang ginawa mo Isha! Tama lang na hindi ka bumigay sa pang-aakit niya..
Pero kahit wala din naman siyang ginagawa nakakaakit pa din siya eh..
Waaaaaaah! Ayoko..
Kakakilala ko palang sa kanya. Baka sabihin niya easy to get ako. And at the first place.. He is my proffesor.
Pagbalik ko sa table wala na ang mga kasama ko. Asan kaya sila? Matawagan nga..
Teka asan ang phone ko?
Nak ng.. saan ko naiwan yun?
Bigla kong nakita si Sir Kent papalabas ng VIP Room.
Damn! Di niya ako pwedeng makita.. nakakahiya!
Tumakbo ako papalabas ng Bar.. uuwi nalang ako!
Kent’s POV
Lumabas ako ng room para hanapin si Isha.. ibibigay ko lang sana ang phone niya.
Kaso wala na siya sa table nila pati ang mga kasama niya.
Umuwi na ata sila.
Sila Kenneth kaya?
Bumalik ako sa table namin para i-check ang mga kasama ko. Kaso si Daryl at yung chix niya lang ang nandun.
“Oh, saan ka galing?”-Daryl
“Ah.. chineck ko lang yung sales tonight.. teka asan yung dalawa?”-tanong ko
“Kanina pa sila wala eh! Naku, di kapa nasanay sa mga yun.. wait, by the way! This is Camille. Camille this is Kent!”-sabay akbay sa chix niya
“Nice to meet you!”- Camille. Nakipag shake hands naman ako.
“So pang ilang Camille nayan na naipakilala mo sakin?- pabiro kong tanong
“Oh come on dude! Walang ganyanan!”-sabay tawanan..
“Hahaha Joke lang! Alright! Just enjoy okay?”-iniwan ko sila sa table at lumabas naman ako ng bar.
Chineck ko kung nandun pa ang car ni Isha.. kaso wala na! Umuwi na ata.
Quarter to 2AM na. Hayys! Mangsesermon na naman si Mom neto. Makauwi nanga lang. Maaga pa ako bukas!
I GOT YOU MR. PROFESSOR
By sefirahJs
A love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤ More