Nagbalik si Kit at Luna sa Davao para ipaalam ang plano nilang pagpapakasal kay Don Constancio. Nang maibigay nito ang basbas ay muli silang lumuwas nang sa gayon ay si Luna naman ang maipakilala ni Kit sa mga magulang at para na rin tuluyang planuhin ang tungkol sa kanilang kasal. Makalipas lamang ng tatlong buwan ay nagpakasal sila sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Ang coffee house ang mismong nagsilbi nilang reception kaya naman umulan ng libreng kape nang araw na iyon. Ang gitaristang tumugtog para kay Kit ang siya ring tumugtog sa kanilang kasal. At ang wedding dress? Ang gypsy outfit ni Luna nang una silang magkakilala. Ang tiara? Ang kaniyang makulay na headpiece. It was a bit unconventional but it was so beautiful just like their lovestory and their twin babies that came a year after that.
••• WAKAS •••